Akin Ka (ONE-SHOT)

A/N: To those who want to give up, don't. Never. Here's to all of you! :)

---------------------------------

"Akin ka" Dalawang salita na walang kasiguraduhan..

Hindi alam kung masasambit ko pa..

Hindi alam kung mapapanindigan ko pa..

Hindi alam kung hanggang saan na nga lang ba..

Ako si Zhia. Babaeng umaangkin sa kanya kahit alam kong..

wala ako sa lugar..

wala akong karapatan..

wala akong dapat angkinin..

"Zhia!" Agad akong napatingin sa likod ko at nakita ko si Kielle na kasama si Andy. Mga kaibigan ko sila simula high school ako. Second year college na kami ngayon at pare-parehas lang kami ng course na Architecture.

Lumapit naman sila sakin at inakbayan ako ni Kielle.

"Oy Kielle! Chansing ka nanaman sa bestfriend ko ah!" Pang-tutukso ni Andy. Sanay na din ako dahil simula naman noon eh, lagi na niya kaming tinutukso sa isa't-isa.

"Ikaw ang gusto ni Kielle, Andy. Diba Kielle?" Sambit ko naman kay Kielle na biglang nawala ang mga ngiti. Minsan talaga iniisip ko kung may sayad ba yan o wala eh. 

"Wala akong gusto." Maikling sagot ni Kielle.

"Neh wala daw! Gusto mo kaya si Zhia. Torpe ka talaga." Panunukso naman ni Andy.

"Tigilan mo nga kami, Ands! Tara na sa room." Sabi ko at sabay-sabay na kaming lumakad. Nagtatawanan lang kami sa mga joke ni Andy hanggang sa napatigil kaming tatlo sa paglalakad ng makita namin si Ken.

Lumapit siya kay Leigh at umupo sa tabi nito. Dala-dala niya yung gitara niya.. at alam ko ang ibig sabihin nun...

"Zhia, tara na." Sabi ni Kielle at inakbayan ako para lumakad na ulit kami. Dumaan kami sa harap nila pero ni isang sulyap..

Hindi niya man lang nagawa..

Dalawang taon, walong buwan, at labing pitong araw...

Ganun na lang ba kadaling kalimutan?

Why am i so afraid to lose you, when you're not even mine, now?

 

Lumakad lang kami palayo pero hindi ko mapigilang marinig yung boses niya..

boses niyang kumakanta..

"I love you and you are mine.."

Pinilit kong huwag umiyak. Gusto kong maging matapang at malakas pero hindi ko alam kung paano lalo na't hindi ko na siya matawag na.. "Akin"

Lumakad na kami palayo hanggang sa hindi ko na marinig ang pagkanta at pagtugtog niya ng gitara.. Bagay na dati'y sakin niya ginagawa.. Kantang sakin niya lang kinakanta.. Salitang sakin niya lang binibitawan at sinasambit..

Pero madami ng nag iba. Kagaya ng mga salitang "Akin ka"

Nakarating lang kami sa room at agad na dumating ang professor namin. Hindi ko magawang makinig dahil masyadong okyupado ng mga nakita ko ang isip ko..

"May nililigawan na siya! Hindi na ikaw ang prayoridad niya." Naisip ko..

Hindi ko magawang kalimutan yung mga bagay na dati sakin niya lang ginagawa.. Pero baket parang ang bilis niyang kalimutan ang lahat ng yon?

Dalawang taon, walong buwan, at labing pitong araw..

ganun nga lang ba kabilis kalimutan?

Nag uwian na. Nagpa-alam si Kielle na mauuna na siya kaya kami na lang ni Andy ang magkasabay na lumabas. Naglalakad lang kami ng makita namin si Ken na nakasandal sa pader. Mukhang hinihintay niya si Leigh. Agad siyang napatingin sa gawi namin at mabilis akong nag-iwas ng tingin. Lumakad lang kami palampas sa lugar niya..

"Zhia.."

Agad kaming napatigil ni Andy ng banggitin ni Ken ang pangalan ko. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko sa mga emosyon na gustong kumawala sakin. 

"Zhia, no. Tara na." Mabilis na sabi ni Andy at hinawakan ako sa braso para lumakad na ulit. Pero agad akong napasinghap ng maramdaman ko ang kamay niya sa kabilang braso ko.

"Zhia, let's talk, please.." Tinitigan ko lang siya. Hindi ko na makita sa mga mata niya yung mga tingin na ginagawad niya sakin dati. Yung mga tingin na nagsasabing..

"Mahal kita."

"Akin ka."

Hindi ko yan makita sa kanya. Tanging normal na tingin, normal na emosyon lang ang nakikita ko. Agad kong nilipat ang tingin ko kay Andy.

"Andy.."

 

 

"Fine. Ken, hahayaan ko kayong mag-usap kung ipapangako mong ihahatid mo si Zhia."

 

 

"Andy!"

 

 

"Sige Andy, ako na bahala.." Sagot niya. Isang malalim na buntong-hininga lang ang ginawad na sagot ni Andy. Lumapit lang siya sakin at bumulong ng...

"Wag kang patangay sa emosyon mo, bes." sabi niya at lumakad na palayo.

"Tara." Sabi ni Ken at lumakad na din. Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa playground ng school namin. 

"Zhia, im sorry.." Sambit niya habang nakatingin siya diretso sa mga mata ko.

"Para saan?" Tanong ko sa kanya pero hindi ako sa kanya nakatingin. Ayoko siyang tignan. Alam ko kasing pag ginawa ko yun, isa lang ang kahahantungan ko.

Ang umiyak.

"Sorry sa lahat.. sa lahat-lahat.."

 

 

"Ken.. isa lang naman yung gusto kong malaman eh..

 

 

 

 

...wala na ba talaga?" 

 

"Zhia.."

 

 

"Ken, ang sakit kasi. Ang tagal na natin eh. ang tagal.. ang hirap kalimutan. Ang hirap umusad. Ganun na lang ba kadali lahat para sayo? Ken, wala na ba talaga?" Alam kong nagmumukha akong desperada sa harap niya ngayon pero wala na talaga akong pake. Gusto ko lang marinig mismo sa kanya..

Kung wala na ba talaga..

Kung wala na ba talagang pag-asa..

Kung tapos na ba talaga lahat..

"Zhia, i'm sorry.."

 

 

"Hindi ko naman kailangan ng sorry mo, Ken. Mahal na mahal kasi kita. Mahal mo naman ako diba? pero anong nangyare? baket bigla ka na lang dadating sa harap ko at sasabihin na ayaw mo na?! Ken, ang sakit sakit kasi.." Hindi ko na napigilan ang mga luhang kaninapa gustong kumawala sa mata ko.. Ilang linggo din kaming hindi nagpansinan.. Ilang linggo ko din pilit na sinasaksak sa utak ko na wala na kami..

Na tapos na yung 'kami'..

"Zhia, mahal kita. Minahal kita hindi ko itatanggi yan. It's just that.. Hindi na talaga nag wo-work out ang lahat sating dalawa.. Ayokong saktan ka kung ipagpapatuloy ko pa kahit  ayoko na.. Ayokong masaktan ka pa ng higit sa sobra, Zhia.. Kaya nga tinapos ko na lahat.. Ayoko lang talagang masaktan ka.."

 

 

"Siguro nga, hindi talaga tayo.. Masakit lang kasi talaga Ken. Sayang eh.. Sobra. pero wala naman akong magagawa.. Lalo na ngayon na alam kong wala na talaga. Pero hayaan mo, matatanggap ko din lahat ng 'to.. Sabi nga, time heals all wounds.. Sige Ken, una na ko.." 

 

 

"Ihahatid na kita."

 

 

"Wag na. Ako ng bahala kay Andy.." Sabi ko at tumalikod na para lumakad palayo sa kanya..

"Zhia!" Tumigil ako sa pagtawag niya sakin pero hindi na ko humarap sa kanya.. Gusto ko na lang tumakbo palayo.. Palayo sa kanya..

"A-are you mad at me?" Tanong niya..

"I'm not.."

 

 

"Zhia.."

 

 

"I was never mad at you.."

 

 

 

 

...I was hurt." Sagot ko at tuluyan ng lumakad papalayo sa kanya. Halos nanglalabo na ang mata ko sa kaka-iyak. Lakad lang ako ng lakad.. Pinipilit na isaksak sa utak ko na wala na talaga..

I know that i should let go, but i can't..

***

Ilang linggo ang nagdaan at lumipas. Patuloy pa rin ako sa pag andar kahit alam kong hanggang ngayon, stranded pa rin ako sa kanya..

Ilang linggo ko siyang nakikita.. Nakikita silang dalawa na magkasama. Ang balita, sila na daw.. Kaya siguro ganun na lang lagi yung mga ngiti niya.. Iba yung kisap ng mga mata niya..

Lalo na pag kasama niya, siya..

"ZHIA ANO BA!" Napatingin ako kay Andy na nakatayo na ngayon sa harap ko. Bakas naman sa mukha niya ang galit at inis.. Alam ko nahihirapan siya sakin.. nahihirapan siya sa pagpapa-hirap ko sa mismong sarili ko..

"Zhia naman.. wag ka namang ganyan! mag move-on ka na! ang tagal niyo ng wala ano ka ba?! Hanggang kelan mo ba balak ikulong yang sarili mo kay Ken?!"

"Andy!"

"No Kielle! You can't stop me! Nakaka-irita na! Masayang-masaya na si Ken habang si Zhia ano?! Heaven's sake it's been what?! ang tagal na eh! Nag move-on ayung lalake pero siya ano?! Nakakainis!" Pilit kong pinapasok sa utak ko ang mga sinasabi ni Andy pero hindi ko magawa..

Ayaw tanggapin ng utak ko..

Ng puso ko..

"Have you ever felt like you don't know what's going on anymore? Like you don't care about anything anymore.. You've lost motivation to do anything. Your mind is set on too many things that you are confused about your feelings, and you can't explain how you feel either. The feeling of emptiness, and feeling that barely anyone is there for you. That no one understands you anymore. And it seems like there is nothing to look forward to anymore.." 

"Zhia.."

"Masakit kasi, Andy. Mahirap kalimutan ang dalawang taon, walong buwan, at labing pitong araw na nakasama ko siya.. Mahirap kalimutan yun sa isang iglap lang.. Mahirap indahin yung sakit na hanggang ngayon, ramdam na ramdam ko pa din.."

"Pilit mo kasing kinukulong ang sarili mo sa paniniwala mong yan. Andar, Zhia. Wag kang magpaka-stranded." Sabi ni Kielle at lumabas na ng room. Kami na lang ni Andy ang naiwan dito. Nakatulala pa rin ako dahil hindi ko na alam kung ano pa bang emosyon ang gagawin ko.. ang ipapakita ko..

"Bes, don't let it break you. No matter how hard things are, life goes on. Nandito lang ako. Nandito lang kami.." Sambit niya at sumunod na rin kay Kielle.

I just can't smile and pretend that it's not killing me.. inside..

***

Papunta ako ngayon sa building nila Ken. Gusto ko lang siya kausapin.. Bago ako tuluyang bumitaw at umusad..

"Zhia.." 

"L-leigh.."

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya habang naka-ngiti. Mabait na babae si Leigh kaya hindi rin ako nagsisisi na siya na ngayon ang babaeng gusto ni Ken.

Bagay naman kasi sila..

"A-ano may kakausapin lang a-ako.."

"Si Ken ba?" Agad akong napa-yuko sa sinabi niya..

"Wag kang yumuko. Hindi makita yung ganda mo. Nandun siya sa room nila. The both of you should talk. Sige na puntahan mo na.." Nginitian ko lang siya at nagtuloy na ko sa room nila Ken. Agad ko naman siyang nakita dahil iilan pa lang sila. Agad siyang napatingin sa pinto at nakita niya ko.

Sumenyas lang ako na mag-usap kami at agad siyang lumabas.

"Zhia.."

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Sure.."

"A-ayos lang ba kung tatalikod ka?" Agad naman siyang tumango at tumalikod. Huminga ako ng malalim.. pakiramdam ko kasi.. Unti-unti akong nauubusan ng hininga..

"Ken.. dalawang taon, walong buwan, labing apat na araw.. sana naging masaya ka sa mga araw na yan.. mahal kita. sobra. kaya nga ang sakit para sakin na bitawan at pakawalan ka.. pero siguro nga tama ka hindi talaga tayo para sa isa't-isa.. siguro nga hanggang dito na lang tayo..pero Ken tandaan mo, nandito lang ako lagi.. alam kong magmumukha akong tanga sa gagawin ko pero last na'to..

..bibilang ako ng tatlo.. pag humarap ka, aasa pa rin ako.. pero pag hindi, kakalimutan ko na lahat.. uusad na ko.." 

"Isa.."

"D-dalawa.."

"Tatlo.."

 

Usad na, Zhia...

Tumalikod na ko at lumakad palayo.. palayo sa kanya.. Siguro nga masaya na siya sa ngayon niya.. siguro nga totoo na ako na lang ang nagpapa-iwan sa nakaraan.. Kaya kailangan ko ng umusad ngayon..

Hindi siya lumingon.. Usad na, Zhia..

I let him go for now... but it doesn't mean that i don't love him anymore. Maybe in time.. we'll just meet and maybe, just maybe, 

it would be our time again..

At baka doon..

masabi ko na ulit ang mga katagang..

"Akin ka.."

-END-

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip

Tags: