Chapter 13
Mile never spoke to me after that night. Sinundo siya ng driver nila at kasama pa si kuya Franz. Noong una ay inaakala kong galit ang kapatid nito, akala ko pa ay pagagalitan ako dahil isinama ko ang kapatid niya sa isang party kahit halata naman na hindi ito sanay sa ganun.
Pero nagpasalamat lang ito sa akin at umalis na.
I was left there dumbfounded, and so were my friends. Napanood kasi namin ang lahat. Mile was breaking down, he would barely lift his head up. Hirapan din namin itong itayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Kailangan pang buhatin nila Lee at Gab madala lang sa sofa. Some people were trying to ask and see what's happening, Kent and the girls pushed them away and sent them home.
I didn't know what to do that time. I didn't know how to react or what to say. I've never seen Mile in such a state like that. In fact, I've never seen anyone in that state. I didn't know what was happening, but clearly, it was something about his dad.
When the second semester started, it was hell for me, of course. It was hard, yes. But what made it harder is that I could feel the heavy atmosphere and dark aura around Mile.
Hindi ko ito maka-usap. Walang makakausap dito. Maliban sa pagsagot nito sa tanong ng mga profs ay hindi na namin ito naririnig magsalita. Sa tuwing matatapos ang isang klase ay dire-diretso ito sa paglabas ng classroom. Pagkakatapos naman ng araw ay diretso uwi rin ito.
May nakakasama pa naman ako kapag may vacant o uwian. Andiyan pa rin naman si Rio at ang pinsan nito. Pero syempre, iba pa rin si Mile. Ito ang madalas kong nakikita sa buong araw.
"Mile... ahm... gusto mo bang mag lunch?" Lunch na at wala akong kasamang kumain. Sinubukan ko siyang lapitan at ayaing kumain, pero nang mag-angat ito ng tingin ay parang gusto ko nalang umurong.
Maitim na ang ilalim ng mata nito, namumutla rin siya at halatang wala sa magandang kalagayan. Ang mga mata nito ay animo'y mapusok, halos kagaya na ng sa kuya Franz niya.
"No," Maikli niyang turan bago damputin ang bag at isinakbat ito.
"A-Ah... pero saan ka kakain? Paano ang lunch mo? Gusto mo ba na magpadeliver tayo?" Hinabol ko ito sa paglabas ng pinto. Napansin kong nahulog ang pencil pouch nito mula sa bukas niyang zipper ng bag kaya agad ko itong dinampot at hinabol siya para ibalik ito.
Kinulbit ko siya sa balikat, "Mile yung pouch--"
"Leave me alone!! Don't you get it!? I don't want to talk to you! To any of you!! Fuck off!" He shouted.
Nag-parte ang labi ko. Ang mga tao sa hallway ay agad kaming nalingon at pinagtuunan ng pansin.
"Bakit ba ang kulit mo?! You're such a... bothersome!" Nagmartsa ito paalis. Narinig ko na nagsimulang magbulungan ang mga tao sa paligid. Ang mga babae ay mapanghusga akong tinitingnan habang bumubulong sa mga katabi nila.
"Ayan kasi, napaka-desperada. Si Mile na mismo ang lumalayo sa kaniya, habol pa rin nang habol." Nalingon ko ang babaeng bumulong.
Gusto ko siyang sagutin. Gusto ko siyang patulan at sugurin. Pero nanguna ang panunuyo ng lalamunan ko at ang pamamasa ng mga mata ko.
I lowered down my head and looked at Mile's pencil pouch.
"Find someone else to fuck with, Pollyn. Someone not Mile, someone in your level." I glared at the girl who spoke. I badly want to throw it to her, but she's too low. Hindi niya deserve ang lapatan ng gamit ni Mile.
Instead, I walked out. I marched out of the hallway, rushed down the stairs until I reached the library at the first floor.
I almost slammed the door when I closed it. I rushed to the shelves, I went to the book shelves that students barely visit. Somewhere no one would hear me.
I sat on the floor, pulled my knees to my chest and cried. I wasn't sobbing hard and crying loud. I was simply tearing up, tears flowing down my cheeks. I was having difficulty breathing as my airways started clogging, but I wasn't making any sounds.
I was hurt, of course. Mile just shouted at me. He shouted to my face, in front of many students. I was just trying to be nice. I was trying to check on him. But instead, he shouted at me in front of the students who always see me as someone dirty.
He embarrased me in front of those people. He just made things even worse! Ngayon mas nakikita pa nila ako bilang isang delikadesa at desperadang babae! I am so sick of it!
I am so sick of people telling me and seeing me that way! It hurts me too! I don't deny the things I do. Yes, I fuck men, I sleep around! But this is literally my life?!! It's my life and they shouldn't be sticking their noses in it!
"I would like to apologize on behalf of my brother." Agad akong napa-angat ng tingin nang marinig ko ang boses ni kuya Franz. Napatayo ako sa pagkataranta at pinagpagan ang puwetan ng palda ko.
"P-Po?" Bakit siya andito!? Paano niya ako nahanap dito!?
Bahagyang kumiling si kuya Franz at nilaro pa ang aklat na hawak sa kamay niya, "I heard what happened and I wanted to apologize on what Mile did." Malumanay nitong turan, agad akong nagpahid ng luha sa pisnge.
"Ah..." tumawa ako nang pagak, "Wala po yun, okay lang." Nahihiya kong sagot,
Kumunot ang noo nito, "Okay lang ang ginawa sa 'yo ni Mile?" tanong nito at napilitan akong tumango.
Siyempre hindi, pero anong sasabihin ko? Kuya na niya ang kaharap ko.
"What about yung mga sinasabi sa 'yo ng mga tao? Okay lang sa 'yo yun?" tanong niya at doon ay bahagya akong natigilan.
Isang pilit na ngiti ang gumuhit sa labi ko, "Sanay na po ako--"
"Pero hindi sa 'yo okay yun?" Putol niya, napabuntong hininga ako bago tumango, "Hindi okay, pero wala akong magagawa. Tama naman po yung sinasabi nila sa akin, eh. I was a party girl, kaya nga ako nag-transfer dahil sa mga nagiging issue ko sa past university ko. I was hoping to have a new life here, pero hanggang dito hinahabol ako, eh." Pagkekwento ko.
Tumango si kuya Franz, "You remind me of someone,"
"Po?" Taka kong tanong, agad siyang umiling, "Nothing." sagot niya at tumango ako.
"About Mile... listen, Pollyn. Mile needs... extra care. He's not like... any of you. Mile is special. He needs deep understanding. And we get it, hindi lahat kaya siyang intindihin. But... if you really see Mile as your friend, all I ask is to give him time and space. I'll talk to him too. Alam kong you're his only friend too and I saw some improvements in his mood and condition starting the day you two became friends."
He sounded calm, ibang-iba ang tono ng boses niya sa kung gaano siya ka-intimidating tingnan. Iba rin ito sa kung paano siya ilarawan ng mga ibang estudyante na lagi raw pasigaw at galit.
"Kung okay lang po... ano po bang condition ni Mile?" I don't want to sound offensive or rude. All I want is to know more about Mile to understand him.
Tumaas ang isang gilid ng labi ni kuya Franz, "I'll leave Mile to it. Give him at least a week or two, kakausapin ko siya and I'll tell him to apologize and fix things with you, okay?" Tumango siya at ganun din ako.
"Paano niyo po pala ako nahanap dito?" Taka kong tanong, kumunot ang noo niya bago naglibot ng tingin. "Hindi kita hinanap, natagpuan lang kita." Nagparte ang labi ko,
"Ah, ganun po ba?"
"Yes, una na ako, you should eat your lunch." ani nito bago ako tinalikuran, napakamot ako sa batok ko bago napakagat sa pang-ibabang labi.
Ang assumera mo talaga kahit kailan!
Mile sat at the other end of the classroom for the afternoon classes. As epxected, I received stared and looks from the students inside the classroom. While Mile would answer every professor's question, I sat there in silence. Whenever he would answer, I would steal some glances but would hardly stare.
On the way to our last class, we almost bump to each other by the door. As expected, he didn't even let me in first nor said sorry. He kept his head low and just walk pass me.
[So? What do you want? Mag transfer ulit?] tanong sa akin ni Marjorie habang kumakain ng potato chips.
I rolled my eyes and shook my head, "Of course not! Ang hirap 'no! Tsaka... misunderstanding lang namin 'to!" sagot ko sa kaniya,
Kahit may suot na face mask ay nakita kong tumaas ang kilay ni Marjorie, [Then why are you ranting and yapping about him the whole call!?] she exclaimed which made me chuckle.
"Kasi naiinis na ako! Kuya Franz told me to give him a week! I'm losing patience! I want my friend back!" I nagged which made Marjorie chuckle.
[Girl, you're insane, since when did you start caring about guys like this?] Marjorie asked, I sighed and leaned on my chair, "Well, since me and Mile became friends." I sarcastically replied,
[Pollyn, I have 99 probems but this thing ain't one.] she said and I rolled my eyes,
"What if..." I stared at the ceiling, "What if I actually change? I mean stop on whatever shit I used to do?" I said, spinning the chair left and right.
[What? What do you mean?]
"The whole party girl thing? I must admit, it's getting tiring na rin naman." I replied, when I glanced at my laptop, Marjorie has this shocked expression printed on her face.
[You're telling me... just because of a boy-- a friend! You're going to change your whole life? Pollyn, partying is literally your life.] she said which made me giggle,
"Exactly, maybe it's time to have a new life--"
[What are you gonna do, huh? What new life are you seeing for yourself?] she asked and I pouted,
[See, partying is your thing, Pollyn. You enjoy this, it's what excites you, it's what makes you happy.] she said and I slowly nod,
"But people always makes fun of me for the things I do in a party." I replied, playing with my nails,
[Like?]
"Kissing boys, hooking up, just... boys in general." I replied and Marjorie hummed,
[Then maybe that's what you need to change. Don't kiss a random boy at a party, don't hook up with a guy, just... party and have fun.] I looked at Marjorie and so did she. We stared at each other for few seconds before I sighed, "Fine, no more kissing and hooking up with boys." I said and Marjorie clapped her hands.
[Yey!! Finally! Hindi na kami mag-aalala na magiging ninang at ninong kami!] she cheered which made me giggle, "Sira ka! Of course we're safe naman!" I replied and she nod while lauging.
"Alam mo, it's getting late, let's end this call na. Goodnight and thank you for your time." Binahiran ko pa ng pagsusungit ang boses ko na ikinatawa niya lalo. We bid each other goodbye and goodnights before ending the call.
My weekend, is once again, boring. Kahit ilang linggo na kaming walang contact ni Mile ay hindi pa rin ako nasasanay. I'm still hoping that on one random day, he would message me something weird or funny. But it's been weeks already, it's making me sad.
Kahit noong bago pa mag semestral break ay ghinost na rin ako ni Mile, hindi pa rin talaga ako masanay-sanay.
Gusto ko na mangulit, I badly want to make the first move. Pero gaya ng sabi ni kuya Franz ay intindihin at bigyan ko siya ng space.
Kulang nalang ay kausapin ko ang sarili ko buong weekend. Watching movies is not helping, natulog nalang tuloy ako nang natulog.
"For this project, you will be working with a partner, I will give you five minutes to get youself a partner and pass me a piece of paper with your names."
I sighed, I looked around and saw people walking up to their friends to be their partners.
This would have been easy if Mile and I are in good terms.
"Hey, Pollyn, I was wondering if you have a partner for the project na?" I was startled when the nice guy in class approached me.
"Meron na bro, ako na," Then the flirty guy suddenly came out of knowhere.
"Why don't we let Pollyn decided, diba?" Another guy showed up, napapalibutan na nila ako habang naka-upo lang ako sa arm chair ko.
"Who would you choose, Pollyn?" Hindi ko na napansin na apat na pala sila, bahagyang nag-parte ang labi ko.
Sumilip ako sa pagitan ng dalawang lalaki at nakita si Mile na pinapalibutan din ng mga babae.
"Ahm..." I wanted to say no and excuse myself. Wala sa kanila ang gusto kong maka-partner. Obviously, it was Mile who I wanted to be partner with.
Lumalapit lang naman sila sa akin dahil may matibo sila and they want something else from me.
If it was Mile, I would be comfortable, I would be happy and it would feel nice to work with a friend. Plus it's Mile! He would carry me on this project! But that's not the point!
"Ano kasi..." sinilip ko ulit si Mile pero wala na siya sa bangko niya. Siguro ay kasama na ang partner niya.
"Pollyn, would you like to be partners for this subject?" My eyes grew wide. Pakiramdam ko ay tumayo ang tainga ko nang marinig si Mile sa likuran ko.
I immediately faced him, he looked at the four guys around me, "Or... you got yourself a partner na?" I immediately stood up and shook my head.
"Wala, wala pa. Yes, we can be partners." Agad ko siyang sinagot. Ang mga babae na nakabuntot sa kaniya sa likod ay nahulog ang mga panga. Ang mga lalaki sa paligid ko ay napakamot sa ulo nila.
A small smile grew on Mile's lips, "Great, here's our paper." Ini-abot niya sa akin ang kapirasong papel. Nakasulat na rito ang pangalan ko at pangalan niya.
Advance naman nito!
Ako na ang nagpasa ng papel sa prof namin, pagbalik ko sa bangko ko ay andoon na ang bag ni Mile at naka-upo na rin siya.
Para akong bata na na-excite bigla. I no longer feel the heavy and dark atmosphere. Tahimik pa rin siya pero hindi na mabigat ang pakiramdam ng paligid.
Ipinaliwanag lang sa amin ng prof ang gagawin, pagkatapos ay umalis na rin. Dahil vacant kami ni Mile ay dumiretso na kami sa library at doon ay nagsimula.
Sinasabi ko na nga ba, kapag si Mile ang ka-partner, matatapos agad. Kung yung ibang lalaki, baka nag-aya munang makipag-date.
"We can distribute the part tonight then start working on the following days so we can submit it by Friday." ani Mile at tumango ako, nang mag-ayos siya ng gamit ay inayos ko na rin ang akin.
Nakita kong patayo na siya kaya naman napatayo na rin ako, "G-Gusto mong mag miryenda? Libre ko!" Aya ko rito, tumaas ang magkabila niyang kilay, bahagyang napanguso bago tumango, "Okay," hindi ko mapigilan ang mapangiti sa sagot niya.
Agad kaming dumiretso sa canteen at doon ay ibinili siya ng fries at burger.
It doesn't feel like before. Hindi kami nagkwe-kwentuhan o kung ano pa man. Kumakain lang kami, kung magsasalita man siya ay tungkol iyon sa project na gagawin namin.
Pagsapit ng gabi ay saka niya sa akin isinend ang mga gagawin namin. Kahit pagod na ay sinimulan ko ang ibang parte ko. Ayaw kong maging pabigat sa kaniya.
Sa mga sumunod na araw ay magkatabi na ulit kami sa lahat ng klase. Marami ang tingin nang tingin sa amin, karamihan, siyempre, mga babae.
"Wala tayong pasok bukas?" Taka kong tanong kay Mile, kaaalis lang ng prof namin at sa kaniya ko lang ito nalaman.
Nag-hum si Mile, may tinitipa sa laptop niya, "National holiday, kasama tayo sa walang pasok." sagot ni Mile at napatango ako.
"Paano yung project? Sa Friday na deadline nun, diba?" Tanong ko rito, nag-angat ng tingin sa akin si Mile bago tumango, "We can work on it kahit wala tayong pasok." sagot niya at tumango ako,
"Message-message nalang," ani ko at nagkibit-balikat siya, nakatutok pa rin sa laptop niya.
"Let's work on it sa bahay, if you want. Let's have a sleep over," Pakiramdam ko ay lumiwanag ang mukha ko.
"Talaga!? Sige!"
Ay, masyadong mataas ang energy.
"I mean," napatikhim ako, "Pwede rin naman," ani ko at tumango siya.
"Nice, let's meet tomorrow morning or do you want to start tonight?" tanong niya at umiling ako, "Tomorrow morning na," sagot ko at nag-hum lang siya.
Pagkauwi ko ng bahay ay agad akong naghanda ng bag at mga gamit na dadalhin doon. Hindi naman masyadong excited.
Maaga akong natulog dahil 8am ang usapan namin ni Mile. Alas singko palang ay gising na ako, nag-almusal at naligo bago nag-ayos ng sarili. Quarter to 8:00 ay nagmamaneho na ako papunta kila Mile at saktong 8AM ay nasa harapan na ako ng bahay nila.
"Pasok po kayo ma'am, hinihintay na po kayo ni sir Mile," Salubong sa akin ng katulong nila,
"Salamat po," agad akong naglakad papunta sa bahay ni Mile.
Pagpasok ko rito ay laking gulat ko dahil may mga tao rito. May mga kasambahay na naglilinis at nag-aayos.
"Kayo po ba yung bisita ni sir Mile?" tanong ng isa at agad akong tumango, "Opo, ako po yun."
"Nasa study room po siya, hinihintay na kayo." ani nito, nagpasalamat ako sa kaniya bago umakyat ng hagdan. Hindi ko alam kung saan ang study room dito kaya inisa-isa ko nalang ang mga pinto hanggang sa madatnan ko si Mile sa isang silid, nakatutok na sa computer niya at ito lang ang tanging pinagmumulan ng liwanag.
"Hey, I'm here...!" Agad niya akong nalingon, na-aninag ko kung paano gumuhit ang ngiti sa labi niya. Binuhay niya ang maliit na lamp na nasa lamesa niya bago tumayo at naglakad palapit sa akin.
"Great, you're on time. Come, put your bag down so we can start." He pointed at the small sofa at the side, I placed my bag there before pulling out my laptop and iPad. There's another table next to his where I set up my stuffs.
"Two parts nalang ang wala ako, kaya naman siguro bago mag 5PM." ani ko at tumango siya.
Hindi kalaunan ay may kumatok na kasamabahay at nagdala ng miryenda. Paminsan-minsan ay tumatayo ako at ipinapahinga ang mata ko. Hindi ko kinakaya ang matagal na pagtitig sa computer screen ko.
"Gusto mo na ng cake?" Alok ko sa kaniya, nasa sofa ako ngayon at kumakain habang siya ay hindi pa manlang natitikal sa bangko niya.
"Mhmm," hindi ko alam kung oo o hindi ba ang ibig niyang sabihin. Naglagay ako ng cake sa isang platito bago ito dinala sa kaniya.
"Oh, mag-miryenda ka muna," Inilapag ko sa lamesa niya ang platito, saglit niya lang itong nilingon bago bumuntong hininga.
"Can't loose my momentum, feed me." Nagparte ang labi ko, napa-ismid ako bago dinampot ulit ang platito at sinubuan ito.
"Parang baby," bulong ko na narinig naman niya kaya napahagikhik ito.
"You're my ate," ani niya bago bumungisngis na ikina-irap ko.
Friend zone? No. Ate zone? Yes.
Habang gumagawa siya ay sinusubuan ko ito ng vanilla cake, nang maubos ay dinalhan ko pa ito ng tubig. Mabuti naman at iyon ay siya na ang nagpa-inom sa sarili niya.
Nang mag lunch time ay saka lang siya natikal sa bangko niya. Bumaba kami at doon ay nakitang halos mapuno ang buong lamesa sa sobrang dami ng pagkain.
"May... iba pa ba tayong makakasama kumain?" Taka kong tanong, agad namang umiling si Mile bago naupo, "Wala naman, bakit?" Taka niyang tanong,
"Ang daming pagkain. Sila kuya Dev at kuya Franz ba?" tanong ko, "Oh, kakain sila sa sari-sarili nilang bahay." sagot niya at bahagyang nagparte ang labi ko bago tumango.
Hindi ako pamilyar sa ibang pagkain pero lahat ko ito tinikman. Maski ang dessert ay halos mapaputok na ang tiyan ko sa sobrang dami.
"Pwede bang... magpahindag muna? Busog na busog kasi talaga ako," tanong ko rito, agad naman siyang tumango bago lumihis ng lakad, paakyat na sana ito ng hagdan.
"Do you want to see the pool?" Aya niya, agad akong napatango at sinundan siya sa likod ng bahay niya.
Hindi na ako nagulat nang makita ang malaking oval pool sa likod. May fountain at mga table sa paligid nito. May magandang landscape rin sa paligid na puno ng mga buhay na buhay na halaman.
"How often do you swim here?" tanong ko sa kaniya, "Mhmm, not much, seldomly," sagot niya at tumango ako.
Naglakad-lakad ako sa paligid ng pool habang nagpapahindag. Paminsan-minsan ay inilulubog ko ang kamay ko sa tubig.
Nang hindi na ako gaanong kabusugan ay inaya ko na ulit siya sa loob at ipinagpatuloy na namin ang proyekto.
"Yes! Tapos na! Time check, it's 4:38PM in the afternoon!" Masaya kong turan, agad akong napatayo sa bangko at sinilip si Mile.
"Ikaw ba? Patapos kana?" tanong ko at nag-hum ito, "Last na, take a rest muna." ani niya at tumango ako, naupo ako sa sofa bago nag-check ng cellphone. Halos buong araw ko yatang hindi nahawakan ang cellphone ko.
Napatakip ako sa bibig nang mapahikab ako, napabuntong hininga ako bago ibinaba ang cellphone ko hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Pagmulat ko ay nagkagulatan kami ni Mile, hindi ko inaasahan na ang una kong makikita pagmulat ay ang mukha niyang ilang pulgada ang layo sa akin.
"Ahm... dinner?" Alok niya, napa-upo ako sa sofa at nakitang 8PM na, "Okay lang ba? Kaya ko pa palang umuwi, tapos naba tayo sa lahat?" tanong ko at tumango siya, "Yes, nakapag-print na rin ako." sagot niya at utay-utay akong tumango.
"You won't stay for the night na?" tanong niya, narinig ko ang lungkot sa boses niya kaya agad akong napa-iling.
"I'll stay, sayang naman ang dala kong pantulog." sagot ko at gumuhit ang ngiti sa labi niya.
Bumaba na kami para maghapunan. Kagaya ng tanghalian ay punong-puno rin ang lamesa. Pagkatapos namin mag dessert ay inihatid ako ni Mile sa guest room at doon ay naligo muna ako at nagpalit ng damit.
Pagkatapos ay inaya ako nito sa kwarto niya para manood ng movie.
I was enjoying the movie at first, but when I started watching him instead of the movie, it was bothering me.
Bakit ba ako tingin nang tingin sa kaniya!? Bakit sa kaniya ako nakatingin imbes na sa palabas!?
I wanted to ask him what happened sa party. I wanted to ask him what went wrong and what caused him to be at that state? But what kuya Franz told me kept lingering in my head. Space and understanding, that's what Mile needs. And if he doesn't want to talk about it, I won't force him.
The movie ended around 11pm. Mile sent me to the guest room and I immediately fell asleep.
I woke up without an alarm hurting my head which was weird, I always have an alarm with me?
I jolted up, realizing I might have ignored the alarm. But what's concerning is that I don't have my phone with me. I checked every where in the room, the table, the bed, the other table, my back, but it's not here.
"Wait!" Napatakbo ako sa may pinto nang kumatok si Mile, "Yes?" Bati ko rito, he was about to say something when he zipped his lips and looked away, "Your phone," he handed it to me, "Ayan! Kanina ko pa hinahanap! Naiwan ko sa kwarto mo?" tanong ko at tumango siya, nag-iiwas pa rin ng tingin.
"Oh, may problema ba?" taka kong turan, umiling siya, "You're not... wearing a bra." ani niya, nanlaki ang mata ko at agad napatakip sa dibdib ko.
"Maliligo na ako! I'll get ready na." ani ko at tumango siya bago ko sinaraduhan ang pinto.
Sa sobrang kahihiyan ay wala pa akong 20 minutes na naligo. Almost 9AM na rin kaya binilisan ko na at hindi na nakapag-ayos ng sarili.
Pagbaba namin ay may nakabalot na rin na pagkain dahil hindi na kami kakain dito at sa school nalang.
"Something wrong?" Sigaw sa akin ni Mile, nasa loob na ako ng sasakyan ko at ganun din siya pero nakasilip sa bintana.
"Ayaw mag start ng sasakyan ko." sagot ko rito, bumaba siya ng sasakyan nila at naglakad papalpit sa akin, "Get inside the van, iwan mo muna 'yan dito. We're gonna be late." ani niya, wala akong choice dahil hindi talaga mabuhay-buhay ang makina ng sasakyan ko. Kinuha ko ang bag ko sa likod bago sumakay sa Alphard nila.
Bumaba kami mismo sa harap ng building kung saan kami magpapasa. Hindi ko na pinansin ang mga tao sa paligid na hinabol kami ng tingin papasok ng faculty. Mabuti at umabot pa kami ng 10AM deadline ng paper. Akala ko talaga hindi na kami aabot.
"Success ang project! Apir tayo!" Agad akong in-apir-an ni Mile nang makalabas kami ng faculty.
"Congrats sa atin, dahil diyan, dinner tayo mamaya, it's on me!" ani ko at umiling siya, "No, it's on me. I'll treat you dinner." ani niya at tumango ako, "Sige, sabi mo eh," Hindi naman iba ang dating sa akin ng sinabi niya.
Pero nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat at iniharap sa kaniya ay bahagya akong nagulat, "I owe you one," ani niya at napakunot ang noo ko, "Alin? Yung trip natin sa mall noong bakasyon? Ano kaba? Matagal na yun," Nagpeke ako ng tawa,
Umiling siya, he took a deep breath and looked at me in the eyes, "I owe you an explanation, maybe it's time you finally know."
-------------------------
a/n: ready ba ako sa next chap? HAHAHAHAH
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip