Chapter 19
"Tama na, tama na 'yan--"
"Ano ba!?" Agad kong itinulak palayo ang kamay ni Lee nang subukan nitong agawin ang baso ng alak.
Napasaltik ito ng dila, "Ano bang pake mo?! Bakit mo 'ko pinipigilan uminom!?" Kunot-noo kong sigaw dito.
Napahilamos si Lee sa mukha niya bago napatawa nang pagak, "I'm just trying to help--"
"Anong help!? I don't need help--"
"You literally asked me to be here for help." He cut me off, I glared at him before picking up the bottle of whiskey and pouring some in a new glass.
"'Wag na, okay na, I don't need it." I chugged the glass of whiskey until the last drop. I groan and winced escaped my lips as I placed it down on the glass table in front of us.
I leaned on the sofa before a sigh escaped my lips, I leaned my head on my hand as I rest my elbow on the sofa, supporting my weight. "Nakakainis, isipin mo, yung bulaklak pa talaga na favorite ko ang ibibigay niya sa babaeng yun!? Ang kapal ha!!" Pagmamaktol ko rito, nang lingunin ko si Lee ay nagsasalin ito ng alak sa baso niya habang nakabungisngis at umiiling.
"Anong sinabi mo? What's your favorite flower?" he asked, I rolled my eyes before a sighing for the nth time.
"Peonies! Peonies ang favorite ko! Pero sabi ko sa kaniya ay rose para basic! Bakit ko siya hahayaan na bigyan yung babaeng yun ng favorite flower ko!?" Singhal ko, nakita kong kumunot ang noo ni Lee habang nakatingin sa akin.
"Peonies pala? Akala ko nga red roses din," tanong niya at umirap ako, "'Yan ang tingin niyong mga lalaki sa aming mga babae, rose lagi ang paboritong bulaklak!" Sermon ko rito na ikinatawa niya nang bahagya.
"What's your plan now? Universe had given you so many signs, what now?" he asked, I glanced at him, a pout in my lips.
I sighed, "I don't know, move on I guess?" I replied and he chuckled, "Wow ha, move on--"
"Eh ano ba dapat!?" sigaw ko rito na ikinahagalpak niya ng tawa.
Nagkibit-balikat ito, "I don't know, just... forget about it." he replied and I rolled my eyes.
He took another drink while silence took over us for few minutes. I would always pour myself a drink while Lee would always try to stop me from over-filling my glass.
"Balak mo bang magkaroon ng alcohol poisoning? Tama na 'yan, maawa ka sa atay mo, may bukas pa." Inagaw sa akin ni Lee ang bote.
Hinayaan ko na ito dahil ramdam ko na rin naman ang kalasingan at pagkahilo ko. "Tanga ka, 3am na oh, ngayon na yung bukas." ani ko rito bago sumandal sa sofa.
Humagikhik ito, ilang segundo akong natulala sa kisame. Nang magbalik ako ng tingin kay Lee ay nililigpit na nito ang pinag-inuman namin.
"Lee," tawag ko rito,
Nag-hum ito, "Yes?"
"Sex tayo," Aya ko sa kaniya. Agad ako nitong nalingon at halos lumuwa ang mata nito sa kung gaano ito kalaki.
"Pollyn...! Shh!! Baka marinig tayo ng maids niyo!" Saway sa akin nito, nasa bahay nga lang pala kami, sa terrace pa.
Napatawa ako, isinandal ko ang ulo ko sa sofa at nagpakawala ng malakas ngunit pilit na tawa.
"Putangina talaga...!" sigaw ko,
"Hey, he's just a guy, you've never been like this because of a guy, infatuated ka lang, Pollyn." Sita sa akin nito, nilingon ko siya, isang nguso ang nakaguhit sa labi ko.
"Paano ka nakakasigurado?" tanong ko rito, nagkibit-balikat ito, hawak-hawak ang basura ng mga pinagkainan namin.
"Basta, there's no way you actually like him, right?" tanong nito, hindi agad ako nakasagot.
Gusto ko ba talaga siya? O infatuated nga lang ba ako?
"Napa-isip ka 'no?" Nilingon ko si Lee, napangisi ito nang bahagya bago naglakad palapit sa akin at tinabihan ako.
Ngumuso ako, bumuntong hininga bago pinaglaruan ang mga daliri ko.
"Alam mo," he reached for my hand and played with it. "Mag Tagaytay tayo bukas, kahit saan doon. It's Saturday, unwind, have some fun, tutulungan ka namin makalimot." ani niya at agad akong umiling.
"Don't mention anything to them, please!" I plead, grabbing his hand with my both hands.
He smiled and nod, "I won't, but have fun. In just few days, you won't notice, you don't like him anymore." he said in an assuring tone.
I pouted before nodding, "Sige na nga, makulit ka, eh." ani ko at natawa ito.
I leaned on his shoulder while he's still playing with my hands. And before I know it, I already fell asleep.
I woke up in my bed which wasn't so surprising, I know Lee brought me here. But what surprised me is when I found him in our kitchen, preparing a breakfast.
"Manang Susan is not feeling well, nagpapahinga muna siya, I'll prepare your breakfast." ani nito nang maramdaman ang presensya ko.
Agad kumunot ang noo ko, "Bakit? Anong nangyari kay nanay?" Nag-aalala kong tanong, nagkibit-balikat ito, "Hindi ko rin alam, nakita ko yung ibang maids na naghahanda ng almusal. I asked them where manang is, nasa kwarto raw niya at nagpapahinga. That's why I decided to take over and cook us breakfast." sagot nito.
Napakunot ang noo ko bago naupo sa isang high chair sa kitchen island, "Dami mong ebas, gutom na ako." ani ko bago napakamot sa ulo. Narinig ko siyang humagikhik bago maya-maya ay naglapag na ng pancake sa pinggan sa harap ko.
Binigyan din ako nito ng iced coffee at kalaunan ay magkasabay na kaming kumakain.
Bago umalis ay binisita ko muna si nanay Susan sa kwarto niya. Natutulog ito kaya naman nagbilin ako sa ibang katulong na bantayan ito.
Tanghali na nang umalis kami ng Manila, bago pa man mag alas tres ay nasa Tagaytay na kami at ang una naming pinuntahan ay ang SkyRanch.
Lee was right, I was able to forget Mile for few hours. With all the rides, games, booths we went to, with all the foods we ate and all the photos we took, nakalimot naman talaga ako. Idagdag pa na spoiled na spoiled ako ni Lee at halos ibili ako lahat ng ituro ko.
We spent the night at Kent's rest house in Tagaytay, it was so big and yet it was just the seven of us. We ordered bunch of fast foods and take outs and stayed up until 5AM, drinking, swimming, eating, playing and talking.
"Ready kana?" Nilingon ko si Lee na nakatayo sa door frame ng kwarto.
Nag-hum ako bago isinara ang zipper ng bag ko, "Yep, gusto ko nang umuwi, pagod na ako." Ngumuso ako, tumawa ito nang bahagya bago tumango at naglakad papalapit sa akin.
"Did you had fun?" he asked while taking small steps towards me. I hummed and nod, "Oo naman, it was fun." sagot ko at tumango siya,
"Have you... forgot about--"
"No, definitely not. But... at least I had fun." I shrugged and he slowly nod.
"I know I said Mile is a good choice, but if you're hurting like this, then he's not the one." he softly said which made me smile.
I nod, "Yes, I know, and maybe you're right. Maybe I am indeed infatuated." I said and he slowly nod.
"Okay, let's go? Paalis na tayo." Aya niya at tumango ako. Kinuha niya ang bag ko na nasa kama bago dinala na sa labas.
I was back to reality the next day, classes, quizzes, recitations and the never ending studying. Sumaya lang ako nang kaunti, sunod-sunod na agad ang paghihirap ko.
I was so occupied the next days, I have deadlines to catch and papers to submit. But behind the hectic schedule, Mile is still always next to me. Which made me think, kamusta kaya yung bulaklak na ibinigay niya kay Ara?
"Uy," Tinapik ko ito sa braso, andito kami ngayon sa library, nag-aaral para sa finals next week.
He lifted his head and gave me a small smile, "Yes?" he raised both his brows.
I leaned on the table and faced him, "Kamusta yung... bulaklak na balak mong ibigay kay Ara?" tanong ko rito,
He pouted a bit, spinning the pen with his fingers, "Well...--"
"Hindi niya tinanggap?" Putol ko rito, bahagyang nanlaki ang mga mata ko.
Umiling ito, muntikan na akong mapahiyaw.
"Hindi ko pa siya binibigyan." ani niya at nagparte ang mga labi ko, "Bakit?" Taka kong tanong,
Muli siyang napanguso, "I decided to give her flowers after the finals." he replied and I slowly nod.
"Pero... nag-uusap pa rin kayo?" tanong ko rito, utay-utay siyang tumango, "I guess? She sent me the pictures during the awarding, some more reviewers and even notes for 3rd year." sagot niya at utay-utay akong tumango.
"Bakit kailangan mo pa nun? Marami namang notes si kuya Franz." ani ko at umiling siya,
"Kuya Franz tends to underestimate lectures sometimes, hindi na siya nag ta-take down ng notes. Ara is a very responsible and dedicated student, that's one thing I liked about her." he replied, I pouted, my heart sank.
I didn't asked further questions and instead went back studying.
It felt like a little awakeing. Kahit huling exam na this year ay bigla akong sinipag. Nasusulit ko na ang pagpupuyat ko. Hindi na ako puro kain at puro cellphone kapag nag-aaral sa gabi.
I would say I became a... responsible and dedicated student.
I aced the exams, I know I did. Unang tanong palang ay alam ko na ang sagot. Mabibilang ko sa mga daliri ko ang tanong na nahihirapan ako. My hardwork paid off.
"How was it? Let me see!" Inagaw sa akin ni Mile ang report card ko.
"Pollyn...! You made it to the list!!" sigaw nito, saka ko lang pinakawalan ang ngiti na kanina ko pa itinatago. Niloloko ko kasi si Mile na bagsak ako at nakakuha ng mababagang grades sa finals. Sabay naming kinuha ang report cards namin sa faculty dahil huling araw na ngayon ng pasukan.
"I'm so proud of you! Congrats!!" He gave me a high five that I took with a wide smile on my face.
"Kabahan kana, next year, baka nalalamangan na kita!" I joked which made him giggle.
"And I would be so proud of you when that happens." he said, I cringed on what he said—no, I was flattered when what he said. I couldn't think of a reply and just sticked my tongue out.
Binawi ko ang report card sa kamay niya, "Paano ba 'yan? Dahil nakuha na natin ang cards natin, mag-mall tayo! Libre ko!" Pag-aaya ko sa kaniya,
"Now? Like, right now?" Namilog ang mga mata niya,
Agad akong tumango, "Hmm! Bakit? Busy kaba?" tanong ko sa kaniya.
Napakagat siya sa pang-ibaba niyang labi, "Well... I need to go somewhere, but! I have to show you something muna!" he said which made me brows furrowed.
He dragged me towards their van which was parked no so far away.
"Okay, are you ready?" he asked, my brows furrowed but nod anyways.
"Charan!!" he opened the door of their van and I saw the huge bouquet of red roses placed on the seat.
"Mile...?" I don't know what to say.
He giggled, "Ang ganda 'no? They're fresh flowers, look!" he signalled me to come closer.
They were indeed fresh and beautiful.
"Para sa ak--"
"I hope Ara likes them." Mye lips parted.
I swallowed the lump in my throat and pursed my lips before nodding.
"I'm sure she will, they're pretty." I replied, throat tightening, tears building up in my eyes.
"If ikaw ang tatanggap niyan, magugustuhan mo ba?" he asked, I faced him and nod.
"Oo naman,"
'Kahit hindi 'yan ang paborito kong bulaklak, basta galing sa 'yo, magugustuhan ko 'yan.'
"Mile? That's a lot of flowers." Parehas kaming napalingon ni Mile nang magsalita si kuya Franz sa likuran namin.
"Oh, Pollyn, you're here. Did Mile bought you those flowers?" he asked, both me and Mile immediately shook our heads.
"Hindi po--"
"I bought them for Ara kuya, aren't they beautiful?" he asked, I saw how kuya Franz's lips parted.
He glanced at me then at his brother, "For Ara? Yung... 3rd year?" he asked and his brother nodded.
"Yes! I'm planning to give her these!" Mile said happily. It was as if his eyes are sparkling.
I saw kuya Franz glanced at me again before nodding, "Bakit mo siya bibigyan ng bulaklak?" tanong ni kuya Franz.
Napatungo ako, pinaglalaruan ang mga daliri ko.
Bakit pa ba ako andito? Bakit ko pa hihintayin ang sagot niya kung alam ko naman na kung ano ito.
"Because I like--"
"Una na po ako, ingat po kayo pag-uwi." Paalam ko, dire-diretso akong naglakad paalis. Halos mag-martsa ako sa parking papunta sa sasakyan ko.
"I thought you already moved on." Lee said, caresing my back to comfort me.
I let out a sob before shaking my head, "Akala ko rin...!!" Hagulgol ko.
Andito kami ngayon sa condo niya, hindi ko magawang umuwi ng bahay dahil andoon sila dad at mga business partners nila. Pero kailangan na kailangan ko ng masasandalan.
"Chill, crush lang naman yata yun, eh--"
Ini-angat ko ang mukha ko mula sa pagkakasandal sa balikat niya, "Hindi na, Lee! Hindi nalang crush yun! Gusto ko na siya!" Putol ko rito, nagparte ang labi niya, napakamot sa batok bago tumango.
"Well... wala tayong magagawa. If he likes that girl... then... he likes that girl...?" Hindi ito sigurado sa sagot niya. Kung hindi lang ako umiiyak ay baka tinawanan ko na ito, pero dahil nag-uunahan ang mga luha sa pisnge ko ay napanguso lang ako bago muling sumandal sa balikat niya.
Kung hindi ako mapapagod ay baka hindi ako tumigil sa kakaiyak. Pinahiga at pinagpahinga muna ako ni Lee sa kama niya habang siya itong nagluluto ng hapunan. Kahit tumigil na ang pagtulo ng mga luha ko ay mabigat pa rin ang pakiramdam ko.
Sumasakit ang ulo ko dahil sa mga luhang gusto pang lumabas. Ramdam ko na rin ang pamamaga ng mata ko dahil sa pag-iyak.
Tinawag ako ni Lee para kumain, inalalayan pa ako nito pababa ng hagdan dahil nanghihina na ang buong katawan ko sa pagod dahil sa kakaiyak.
He prepared chicken together with some soup that is actually good. Kahit wala akong ganang kumain ay napakain niya ako dahil sa sarap ng luto niya.
"Uuwi kapa? Spend the night here," tanong nito nang mapansin na inaayos ko ang bag ko.
Umiling ako, "I'll be fine, uuwi nalang ako." I gave him a faint smile.
He looked at me for few seconds, his lips parted, his forehead scrunched but there is no sign of anger on his face. It was more of a worried and concerned expression.
"Will you be okay? Okay kana ba? Magmamaneho ka pa." He softly asked, and before I knew it, my lips quivered, folding into a trembling, downward curve.
"Hey, hey," Dali-dali niyang hinubad ang rubber gloves niya bago ako nilapitan at niyakap.
"Hindi ako okay!! Naiinis ako! Bakit siya nagkagusto sa iba!? Bakit hindi ko masabi na gusto ko siya!!" Hagulgol ko na parang batang nagmamaktol.
He swayed our bodies together, mumbling soft coos and comforting words.
"You're just afraid that you'll loose your friendship. Ganun talaga, you value him so much, eh. But that doesn't mean na maiinis at magagalit ka sa sarili mo." He comforted, caressing my back, patting my head as I cry on his shoulder.
"Pero kahit na! Naiinis ako!!" Nagwala pa ako na parang bata. Mas hinigpitan ni Lee nag pagkakayapos sa akin, mapatigil lang ako.
"Shhh~~, stay for the night, sleep, take some rest." he softly said, I nodded and burried my face on his shoulder.
He slowly walked towards the sofa, still hugging me tight. He carefully sat me on the sofa then got a glass of water for me.
I calmed myself down as he finish washing the dishes. Once everything he used for cooking is cleaned, we went back up to his room. He lend me his clothes and even gave me new undergarments for women.
"Baka ginamit na 'to ng mga babae mo, ha." Pagsusungit ko rito, tumawa siya bago umiling, "That's new, kabibili ko lang niyan last month. Kita mo oh, naka-box pa." sagot nito na ikinatawa ko nang pagak.
Pagkatapos kong maligo ay sumunod na rin siya. Pinatuyo ko lang ang buhok ko bago kami natulog.
Nagising ako na wala si Lee sa sarili niyang condo. Pagdating ko sa dining ay may pagkain dito at letter.
"Ay wow, may meeting siya." Bulong ko nang mabasa ang nakasulat.
Kinain ko ang inihanda niyang almusal, pagkatapos ay inilagay ko na ito sa dishwasher bago binuhay ang TV para manood at magpalipas oras.
Bandang 12 noon ay nag message ito, nagtatanong kung anong gusto kong tanghalian. Agad naman akong sumagot ng Jollibee na tinawanan lang niya.
"Daig mo pa ang may pa birthday, ah." Biro ko rito nang dumating siya na may dalang dalawang, malaking supot ng Jollibee.
Isang bucket ng chicken, isang platter ng spaghetti at palabok, burgers, fries, peach mango pie at kung ano-ano pa.
"I know you have a big appetite, at alam ko rin na masama pa rin ang pakiramdam mo kaya binili ko na lahat ng pwedeng bilhin." sagot nito habang inaayos ang mga pagkain sa lamesa.
Nagkwento ito ng mga nangyari sa meeting, sa kumpanya pala nila ito. Bilang panganay at tagapagmana, ngayon palang ay inihahanda na siya ng pamilya niya.
Pagkatapos kumain ay tinulungan ko siyang maglinis, at pagkatapos ay naglaro kami sa PlayStation niya at doon na inubos ang oras.
"What's your plan? Bakasyon na kayo, oh. How will you spend your summer?" tanong nito habang naghahapunan kami.
"I made up my mind," I replied, munching on my pasta.
He arched his brow, "Ano? What's in your mind?" he asked,
I laughed a bit, "Uuwi ako ng probinsya," sagot ko at kumunot ang noo niya.
"Huh?"
"Probinsya, diba sabi ko sa 'yo, sa probinsya ako ipinanganak." sagot ko, nanatiling nakakunot ang noo niya, nakaparte ang mga labi.
"Kailan mo ulit sinabi?" Takang tanong nito na ikinahagalpak ko ng tawa.
"Grade 11, sinabi ko--"
"Ang tagal na! Of course I already forgot about it! To me, you're a city girl, born and raised in the city!" he exclaimed which made me burst out laughing before shaking my head.
"No!! I was raised in the province pero lumuwas din kami ng Manila." I said and he chuckled before nodding,
"Fine, fine, then what? Anong balak mo? Saang province?" he asked,
I took a bite out of my steak, "Marinduque," I replied and his brows furrowed,
"Saan yun?" he confusedly asked and I rolled my eyes.
"Sa Quezon," I replied,
"City??"
"Province!!" I exclaimed which made him burst out laughing.
"Fine, fine, I'm sorry, chill! Pero saan ka mag sta-stay? Are you gonna buy a house or--"
"Sa lola ko, sa relatives namin." I cut him off and his lips parted,
"Damn, may kamag-anak ka pa pala." he mumbled jokingly but was a little offensive.
"Grabe ka, ha! Siyempre may pamilya kami doon!" I exclaimed and he shook his head. "Pero anong gagawin mo there? We will miss you, let's chat nalang." he asked and I shook my head,
"Marami akong pwedeng gawin doon. And no, I'll deactivate my accounts and have a social media detox." I replied and he paused, "Seryoso ba!?" he exclaimed and I chuckled before nodding.
He squinted his eyes, "But what about Mile? I'm sure malulungkot yun. Kailan mo sasabihin sa kaniya?" he asked and I arched a brow,
I chuckled, "Sinong nagsabi na sasabihin ko sa kaniya?"
His brows furrowed, "Tataguan mo?" he asked and I nodded "Mismo,"
-----------------------
a/n: let me hold your hand when I tell you, tandaan niyo ang isang bagay sa chap na 'to, kakailanganin sa future HAHAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip