Chapter 20
A/N: I'm from Quezon province and since the setting changed, I will use dialects and words para mas appriopriate. Ask nalang kayo sa comments if may words kayo na hindi maintindihan.
------
When I told my parents that I wanted to spend my summer vacation in Marinduque, my dad was the hesitant one. While my mom was very supportive and excited. Kung hindi lang siguro sila busy ni dad sa kumpanya ay baka sumama pa ito.
My mom was the probinsyana in the relationship, while my dad was the typical city boy but poor and was just working in the province when they met.
"Are you sure ito lang ang dadalhin mo na damit? Ayaw mo bang magdala pa?" tanong ni mommy, tinutulungan ako nito ngayong mag-impake para sa pag-alis ko.
Tumango ako, "Malayo at matagal ang biyahe, I don't want to bring too much." I replied and she nodded.
I only packed a backpack that will contain my gadgets— that I will try not to use, and a medium size luggage for my clothes, shoes and other things. Maliit na bag lang din ang dala ko para sa make-up, hindi naman ako pumunta doon para pumarty, pero kung magkakaroon man ng malaking pagtitipon, kakailanganin ko pa rin mag-ayos.
When I mentioned it to my friends, I tried so hard not to make it a big deal but Marjorie acted as if I was leaving the country and migrating somewhere that she called for a sleep over.
"Are you sure you'll have a social media detox?" Marjorie pouted, I chuckled before nodding, "Yes, it's just for few seeks--"
"Nine weeks,"
"Still, just few weeks," I replied and Marjorie's shoulders dropped.
"What if we miss you?" Bobbie asked, "Well... then we can call... sa number ko." I replied and she rolled her eyes.
"What about we have girl problems? We need the whole group to talk about it." Kent asked and I shrugged,
"Then one calls me through my number while you guys are in a group call so I can still join." I replied and Kent chuckled while shaking his head.
"What if we wanna see you?" Lee asked, my head turned at his direction, lips parted a little.
I shrugged, "I don't know, go and see me I guess...?" I replied and they all nodded.
I picked up my drink, "But come on, 10 hours away from here? Kakayanin niyo ba yung travel? Better wait for nine weeks to see me again." I replied and I heard some scoffs from my friends.
The night ended, gladly, without anyone getting drunk and wasted. We set up the matresses in Marjorie's room while some clean and wash the dishes. Bobbie excused herself to go to the bathroom and take a shower, leaving me and Lee alone in the room.
Walang pinalipas na minuto ay agad akong tinabihan ni Lee sa sahig, "You sure you're not gonna tell Mile you're leaving?" he asked, my brows furrowed before shaking my head.
"Hindi, bakit ko naman sasabihin sa kaniya--"
"Cause you're friends?" he cut me off, I scoffed before rolling my eyes.
"Oh, para yun lang." I said before picking up my phone, but I was startled and annoyed when Lee snatched it away.
"Aba--"
"He's your friend. And you like him. He's somekind of... special guy in your life that you just cried about not so long ago. And now you're telling me you're not telling him you're leaving as if you don't care?" he retorted which caught me off guard a bit.
I faked a laugh, slowly taking back my phone from his hand, "Lee, it's just nine weeks. And I'm sure Mile would understand." I replied and his brows furrowed.
"You're afraid to admit your feelings because you're scared you might loose your friendship. But you didn't think you might loose whatever connection you two have by doing this." he asserted. My lips parted, place my phone down on the mattress and sigh.
"You don't understand,"
"I really don't." he put both his hands in the air.
I pushed my hair back using my fingers, "I'm running away from the problem, which is I can't tell him that I like him." I calmly said, Lee raised a brow at me, "But you may still loose the friendship--"
"Edi magalit siya sa akin. Iyon naman yun, magagalit siya sa akin then we won't be friends anymore, I would rather take that than I confess, he avoid me then boom! No longer friends!" I spat out.
Lee sighed, bitterly chuckling while shaking his head. "Hindi kita gets."
"Okay lang," sagot ko agad dito na ikinatawa niya.
"Basta sinabihan kita, I warned you and told you the possible consequences. Don't come running at me crying." he said which made me chuckle.
"Maghahanap nalang ako ng ibang lalaki para sa kaniya umiyak." Biro ko at sinamaan ako ni Lee ng tingin.
"Oo na, umiyak ka nalang ulit sa condo ko." sagot nito na ikinahagalpak ko ng tawa.
Kinabukasan ay sama-sama kaming nagluto ng almusal. Umalis na rin ako bago pa magtanghalian at inayos ang ilan pang gamit ko sa bahay. Hapon na nang umalis ako ng Manila, gabi na nang dumating ako ng Lucena City at naghintay ng umaga para sa barkong sasakyan ko papuntang Marinduque.
"Si Cheche naba 'yan? Ang laki na! Ang apo ko!" Kahit nag-aalinlangan ay lumapit ako sa lola ko na agad akong sinalubong ng yakap.
"Kamusta ang Maynila apo? Anong year mo na? Nagtatrabaho kana baga?" Sunod-sunod ang tanong sa akin nito nang kumalas sa yakap.
Nahihiyap akong umiling, "Upcoming 3rd year palang po ako pagpasok, kakabakasyon lang namin." sagot ko at utay-utay itong tumango.
"Ay, halika dito, nag-almusal kana baga? Parini at saktong-sakto at makain na kami ng almusal." Hinila ako nito papasok ng asul na bahay. Sa balcony palang nito ay may shih tzu na asong naka-abang.
Nang tumahol ito ay sinita ito ni lola, "Pasok ka lang Cheche mabait 'yang si Princess, kinikilala ka lang niyan." ani ni lola, dumiretso na ako sa loob, pagpasok ko ay sinalubong ako ng mga tita at pinsan ko. Ang isa ko pang pinsan ay agad kinuha ang luggage ko at ipinasok sa kwarto.
"Iba talaga ang tubig sa Maynila, ano? Yanong puti ni Cheche, eh. Nag glu-glutathione ka baga?" tanong ni tita Bina nang maupo kami sa hapag.
Dahan-dahan akong tumango, "Minsan po, kapag naiisipan ko." sagot ko rito at tumango ang mga ito.
Napa-ismid ang isa kong tita, "Ay, masama naman ya'ang gluta-gluta na ya'an, may side effects daw 'yan eh, ano?" tanong nito sa akin, nagkibit-balikat ako dahil wala pa naman akong nararamdaman na masamang side effects.
"Ate Cheche, oh." Ini-abot sa akin ng isa sa mga pinsan ko ang sinangag.
"Kamusta na ang business niyo sa Manila? Hindi na kayo bumibisita dito, ang huli niyong bisita grade 11 ka pa." Tanong ni tita Vina, napangiti ako bago tumango, "Okay lang naman po, maayos din ang takbo ng business. Nakalipat na rin po sa mas malaking building." sagot ko at tumango ang mga ito.
Inabutan ako ng longganisa at itlog, dahil sa gutom sa biyahe ay naparami ang mga pagkain sa pinggan ko.
"Ay di mayaman na mayaman na siguro kayo, ano? Nabibili mo na lahat ng luho mo? Marami ka rin sariling pera?" tanong ng is ako pang tita, sasagot na sana ako nang bigla itong sitahin ni lola.
"Tumigil na nga kayo sa pera-pera na ya'an, tumawag ang nanay niyan at dito raw gustong mag bakasyon, hayaan niyo yung bata na magliwaliw dito sa probinsya." Sita ni lola na ikinangisi ko at ganun din ang mga pinsan ko.
Pagkatapos mag-almusal ay dinala ako ni lola sa kwarto na tutulugan ko. Hindi kalakihan ang kwarto at ganun din ang buong bahay. Ang natatandaan ko ay inaalok ni mommy si lola ng mas malaking bahay kung saan siya mas magiging komportable, iyon nga lang ay bahay ito na ipinagawa ni lola at ni lolo noong bagong kasal sila kaya special itong bahay.
"Kapag may kailangan ka, tumawag ka lang, gumagawa lang kami ng bilo-bilo sa baba." Bilin ni lola bago sinaraduhan ang pinto.
May cabinet sa kwarto at para hindi ako mahirapan sa pagkuha ng mga damit ay inilagay ko ang mag dala ko rito. Maski ang make-up at iba ko pang gamit ay ipinatong ko muna sa lamesa.
Halos isang oras akong nag-aayos kaya naman nang mahiga ako sa kama ay agad din akong nakatulog.
"Ate Cheche, makain na raw po tayo." Nagising ako sa sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Dinampot po ang cellphone ko at nakitang 11:32 palang. Masyado silang tama sa oras kumain!
Kahit tinatamad akong bumangon ay lumabas ako ng kwarto at sinabayan sila sa pagkain. Tinolang manok ang ulam at kahit hindi ako kumakain nito ay inubos ko pa rin ang kanin at ulam na inilagay ni lola sa pinggan ko.
"Ayan! Sakto! Yung ice cream andiyan na!" Agad akong napalingon sa direksyon kung saan tumuro si lola. Pagtingin ko daan ay naglalako pala ng dirty ice cream ang tinutukoy niya.
Kaniya-kaniya silang pasok sa bahay at paglabas ay may mga dalang mug. "Ate oh," inabutan ako ng pinsan ko ng mug na may mukha pa ng politiko. Paglapit ko sa nagtitinda ay dito niya inilalagay ang ice cream.
Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko naman alam kung magkano ang ice cream na ibinibenta. Kinuhang pinsan kong lalaki ang mug na hawak ko, "Bente raw po dito kuya, yung chocolate lang." ani nito sa nagtitinda.
Nahihiya kong tinanggap ang mug nang i-abot ito sa akin. Nang lahat na mabigyan ng ice cream ay pinanood ko si lola na dumukot ng pera sa wallet niyang madumi at nagpasalamat sa nagtitinda.
"Ganito kami dito lalo na at summer, yanong init kaya paborito namin 'yang ice cream na 'yan." Kwento sa akin ni lola habang nagduduyan kami sa malaking puno ng manga.
"May kalayuan ang bayan dito kaya tiis kami sa dirty ice cream. Kapag ikaw naman ay may gustong bilhin o kainin, magsabi ka kay kuya Henry mo at may motor yun, maihahatid ka sa bayan." ani ni lola at napatango lang ako habang inuubos ang ice cream sa mug.
"Cheche ako'y nagtataka sa iyo, ang ganda-ganda ng buhay niyo sa Maynila, bakit naisipan mo pa na dito magbakasyon?" tanong ni lola, nakagat ko ang kutsara ko bago utay-utay nag-angat ng tingin.
"Lola, secret lang nating dalawa, ha? 'Wag niyo sasabihin kila mommy." ani ko at napatawa si lola bago tumango.
"Sige, hindi ko sasabihin, ano yun?" tanong nito,
Napanguso ako bago sinapo ng dalawang kamay ang mug at hinarap si lola, "Kasi lola, may... may gusto akong lalaki. Kaso... kaibigan ko tapos nalaman ko pa-- sinabi niya sa akin na may gusto siyang ibang babae." Pagkekwento ko rito, gumuhit ang ngisi sa labi ni lola bago tumango.
"Nagpapalamig ka muna dito kaya ka umalis ng Maynila?" tanong ni lola at tumango ako, "Opo, parang ganun na nga." sagot ko at napatawa si lola.
"Ay gwapo ba naman ya'ang lalaki na 'yan?" tanong ni lola, napanguso ako bago tumango.
"Opo, matalino pa, mabait, maalagain, lahat na!" Para akong bata na nagmamaktol,
"Ay sus, baka naman hindi pogi, patingin nga ako ng picture!" ani ni lola, inilapag ko sa lupa ang mug bago kinuha ang cellphone ko.
Naghanap pa ako ng picture ni Mile dahil wala naman kami gaano karaming picture. "Ito siya lola, oh, pogi diba? Cute pa!" Ini-abot ko kay lola ang cellphone, inilayo niya ito mula sa kaniya bago naningkit ang mata.
"Ay oo nga! Pogi nga! Mukhang mayaman," Komento ni lola na ikinatawa ko.
"Mayaman talaga 'yan, lola. Altairavez 'yan eh." Kwento ko at napakunot ang noo ni lola.
"Altairavez? Yung balak bumili nung ano... yung... basta may binibiling lupa 'yang mga 'yan dito sa Marinduque, pagtatayuan ng ano nila... negosyo o kung ano man." turan ni lola at nagparte ang mga labi ko.
"Kilala mo ang mga Altairavez, lola?" tanong ko rito at tumango si lola.
"Oo naman, ang lolo mo ay trabador ng pabrika nila sa Maynila noon. Sabi ko nga, kung hindi namatay ang lolo mo agad baka nakatira rin kami sa Maynila ngayon." Pagkekwento nito at utay-utay akong tumango.
Bumalik din kami ni lola sa bahay dahil may gagawin pa raw ito. Dahil puyat at pagod pa rin ako sa biyahe ay umidlip muna ako at nang magising ng hapon ay may miryendang bilo-bilo na inihanda sila lola.
Kinabukasan ay maaga akong nagising— maaga akong ginising. Kahit hindi sanay ay pinilit kong bumangon. Hindi naman ako puyat lalo na at nag-delete na ako ng mga apps sa cellphone ko at wala rin akong signal ng wifi o kahit data rito.
Inaya ako ni lolang bumisita sa palayan, nagulat ako sa kung gaano ito kalaki. Sa tuwing may madadaanan kaming mga bahayan ay binabati si lola at tinatanong kung sino ako. Parang kandidata si lola kung makipag-usap sa mga ka-baranggay niya.
Pagdating ng hapon ay wala akong magawa. Gusto kong kausapin ang mga pinsan ko pero kaniya-kaniya itong gamit ng cellphone nila.
"Tita, anong ginagawa mo?" Pag-uusisa ko kay tita Bina, ang kambal ni tita Vina.
Inayos nito ang suot niyang salamin, "Tinatahi ko itong damit ni Princess, yung mga damit na pinapasuot ng lola mo sa aso ay luma na." sagot nito, tutok na tutok sa ginagawa niya.
Napanguso ako bago naupo sa tabi nito, "Pwede tumulong? Wala kasi akong magawa." tanong ko rito, pinagmasdan ako nito ng ilang segundo bago nagsalita. "Bakit hindi ka makipaglaro sa mga pinsan mo. Andun sa kubo sa taas, may signal doon, may data pati iyong mga yun." sagot nito at napanguso ako.
"Tita kaya nga ako pumunta rito para mabawasan ang pag ce-cellphone ko, eh." sagot ko rito at tumango si tita.
"Ay ganun ba? Sige, gupitin mo 'yang mga lumang damit na 'yan. Tanggalin mo yung manggas at gupitin mo yung tagiliran para lumapad." Utos ni tita, agad akong tumango at dinampot ang gunting sa lamesa.
Buong hapon akong nasa bahay ni tita Bina na wala pang 50 meters ang layo sa bahay ni lola. Nakikipagkwentuhan ako rito tungkol sa buhay ko sa Manila. Kung gaano kaingay at kagugulo minsan ang mga tao. Kung gaano kausok ang kalsada at kung gaano ito kaiba sa probinsya.
Dahil naikwento ko kay tita Bina na gusto kong bawasan ang paggamit ng cellphone ay nadamay pati ang mga pinsan ko. Sa umaga tuloy ay magkakasama kaming magpipinsan sa taniman at doon ay namimitas ng mga prutas na tanim pa nila lolo at lola noon. Kapag umiinit na ay umuuwi kami at nagpapahinga.
Tinuruan din ako ng mga ito na maglaro ng baraha kagaya nalang ng ungguyan, bulaan, pusoy, at beat game.
"Naku, pagbalik ni Cheche ng Maynila, tuturuan niyan ang mga kaklase niyang magbaraha." Bati ni tita Vina sa amin nang madatnan kaming magpipinsan sa balkonahe ni lola na nagbabaraha.
"Madaya nga po si ate Cheche! Dinadaya kami!" Sumbong ni Alicia,
"Ngi! Natatalo ka lang ni Cheche, eh." Pang-aasar naman ni kuya Henry rito.
Nang magtanghalian ay inayos na namin ang lamesa sa balkonahe kung saan kami sama-samang kumakain. Pagkakatapos ay tumutulong ako sa paglilinis ng lamesa pero hindi ako pinaghuhugas. Natutuwa kasi sa kamay ko si tita Bina, ang lambot-lambot daw, sayang naman kung kukulubot dahil sa paghuhugas.
Pagsapit ng hapon ay magkakasama kaming magpipinsan sa kubo, minsan ay naglalaro ng sungka, nagkakantahan dahil maalam maggitara si kuya Keifer na isa pa naming pinsan, nagbabahara ulit o di naman kaya ay mga tulog paminsan-minsan.
Hindi ko na namamalayan na hindi ko na halos hawakan ang cellphone ko. Sa ilang linggo ko nang pamamalagi rito ay nasasanay na akong hindi gumamit ng cellphone o social media. Hindi rin ako gaanong nahirapan noong una lalo pa at marami namang pwedeng gawin dito sa bukid.
"Ate may tumatawag sa 'yo." Tawag ni Alicia, andito kami sa balcony at tinitirintasan si ate Mikay na anak ni tita Vina.
"Makikidala naman dito, Icia." sagot ko kay Alicia.
"Ate oh, si Lee," Napakunot ang noo ko nang marinig ang pangalan ni Lee. Agad ko itong sumagot at iniwan ang buhok ni ate Mikay para lumayo at kausapin si Lee.
"Napatawag ka?" tanong ko rito,
[Damn you, paano mo kinakaya? Almost 4 weeks ka nang andiyan, hindi ka talaga nag se-seen sa gc?] Sa tono palang ng pananalita nito ay alam ko nang lasing siya.
[Pollyn, I miss you, alam mo naman na ikaw ang best friend ko, diba? Out of all our friends, ikaw lang ang lagi kong nilalapitan. How can you do this to me? Kapag ikaw may problema, nalalapitan mo ako, ah. Pero kapag ako, malayo ka naman? Ang daya mo!] Pagrereklamo nito, napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang sarili kong matawa.
Dapit-hapon palang, lumulubog palang ang araw pero ang lalaking ito ay lasing na lasing na. Gustong-gusto ko siyang tawanan at sitahin sa kalasingan niya pero mukhang seryoso ang problema niya sa buhay.
[I've sent you several messages sa IG mo and even FB pero hindi ka nag re-reply! Fuck iMessage, Pollyn! It ain't fun! Gusto ko sa Messenger! Gusto ko sa IG!] Para itong bata na nagdadabog sa tawag.
"Just one more month--"
[I can't wait for another month! I wanna see you, talk to you, drink with you! Miss kana rin nila Marj and Gab, just go home, please!] Napasapo ako sa noo ko at napabuntong hininga.
Nasaan ba itong lalaking itong? Safe ba siya? Nasa bahay o condo ba siya? Baka pagtrip-an 'to dahil sa kalasingan niya.
"Kaya mo 'yan, kaunti nalang, magpapasukan na ulit." sagot ko rito, umungot at animo'y nagdabog ito sa kabilang linya bago pinatay ang tawag.
Naisipan kong mag-download ng Messenger ng gabing iyon. Naki-connect pa ako kay Alicia dahil wala akong signal. Nakita ko ang mga messages ng mga kaibigan ko, gulat na gulat sila na nag message ako bigla.
Pero ang ikinagulat ko ay ang messages sa akin ni Mile.
Wala itong patid, isang buong buwan niya akong mine-message.
His recent message was a picture of him in Nuvali with the gold fishes.
From: Electro Milestone
let's go here someday, kapag bumalik kana :)
I wanted to scroll and read more of his message, but I stopped myself. Pakiramdam ko ay maiiyak na ako kapag nagbasa pa ako.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Lungkot, sakit, konsensya, awa at galit sa sarili ko.
How can I be like this to him? How can I be like this to Mile when he's such good and pure soul? Isang buwan ko na nga siyang gino-ghost pero araw-araw siyang may message sa akin sa isang buong buwan ng April!
"Tita uuwi na po ako kay lola." Paalam ko kay tita Bina.
Hindi ako halos makatulog ng gabing iyon. Hindi ko ulit binura ang Messenger sa cellphone ko dahil mukhang mas madali nga akong ma-contact ng mga kaibigan ko rito kaysa sa number ko.
Paggising ko kinabukasan ay agad akong napabangon nang marinig ang sigaw ng magtataho. Muntikan pa akong lumabas ng bahay ng walang tsinelas dahil sa paghahabol ko rito.
Habang nag-aalmusal ng pandesal na binili ni kuya Keifer ay naglalagay ng nail polish si Alicia at ate Mikay na pinapanood ko lang. Dumating ako rito na kumpleto ang nail extension ko. Pero dahil sa araw-araw kong ginagawa kagaya ng pagpuputi ng prutas at kung anu-ano pa ay isa-isa na itong naputol hanggang sa tinanggal ko na lahat.
"Cheche, kanina pa tunog nang tunog ang cellphone mo." ani ni ate Mikay, natigilan ako sa pagsasampay bago pumasok sa loob ng bahay at tiningnan ang cellphone ko.
From: Richard Lee
I was drunk last night, anong sinabi ko?
Hindi ko na napigilan ang mapatawa habang nag t-type ng reply.
To: Richard Lee
marami, ma s-stress ka lang kapag nalaman mo HAHAHAAH
From: Richard Lee
seryoso ba? did I said something stupid?
To: Richard Lee
secretttt, hulaan mo!
"Sinong kausap mo, Cheche? Boypren mo?" tanong ni kuya Henry, agad kong naibaba ang cellphone ko bago napa-ismid at umiling.
"Boyfriend bagang!? Hindi 'no!" sagot ko rito, gumuhit ang ngisi sa labi nito bago sumigaw, "'La, si Cheche oh! May boypren na! Papapuntahin daw dito sa pyesta!" Agad ko itong hinabol at sinubukang takpan ang bibig.
"May boyfriend kana pala, Cheche? Sakto, piyesta sa martes, papuntahin mo rito." ani ni tita Vina na ikinatigil ko.
"Fiesta po sa Tuesday?" taka kong tanong rito,
Tumango si tita Vina habang nagbabasa ng pocket book, "Oo, pyesta ng baranggay, May 11, papuntahin mo ang boyfriend mo." sagot ni tita, utay-utay gumuhit ang ngiti sa labi ko na agad napansin ni kuya Henry.
"Ay oh! May boyfriend nga! Papuntahin niya yun--"
"Hindi ko boyfriend! Kaibigan ko lang!" Ngumuso ako na ikinahagalpak ng tawa ni kuya Henry. "Ito baga, masyadong inaasar si Cheche," sita ni kuya Keifer,
"Edi may papauntahin ka nga?" tanong nito at nagkibit-balikat ako bago nagbalik ng tingin sa cellphone ko.
To: Richard Lee
you said you miss me and wanna see me, go and see me then, May 11, pumunta ka rito.
From: Richard Lee
chat pause, I said that!!!?
To: Richard Lee
oo nga! kulit! fiesta ng baranggay ng May 11, punta ka, kawawa ka naman, nami-miss mo na ang kagandahan ko
From: Richard Lee
ew
From: Richard Lee
pero pag-iisipan ko
Napa-irap ako, "Pa ew-ew ka pa, pupunta ka rin naman pala." bulong ko bago inilapag ang cellphone ko.
Sa mga sumunod na araw ay nagsimula nang maglagay ng mga bandiritas at dekorasyon ang mga tao. May arko rin sa pagpasok ng baranggay na tumulong kami nila Alicia at ate Mikay sa paggagawa. Pati sa pagdedekorasyon sa ermita ay katulong kami. Dito ko rin nakikilala ang ibang mga ka-baranggay ni lola na gandang-ganda sa akin.
"Cheche, kamusta pala yung papapuntahin mo sa pyesta?" tanong sa akin ni lola habang naghahapunan. Nabanggit kasi ito sa kaniya nila tita noong nakaraang araw at mukhang excited din si lola na magdala ako ng kaibigan.
"Hindi ko pa po natatanong, tatanungin ko mamaya kung pupunta ba siya." sagot ko rito at tumango lang si lola.
Bago matulog ay nag-message ako kay Lee para tanungin kung pupunta ba siya.
From: Richard Lee
kailan nga ulit?
To: Richard Lee
Tuesday, may 1 day kapa! punta na!
Electro Milestone Altairavez sent a message
Agad kong inalis ang notification na galing sa message ni Mile. May mga sumunod pa siyang message na lagi kong inaalis at nag sw-swipe up para mawala ito.
From: Richard Lee
gaano ulit katagal ang biyahe?
Electro Milestone Altairavez sent a message
To: Richard Lee
mga 10-12, ganun depende sa traffic
From: Richard Lee
ang tagal naman
Electro Milestone Altairavez sent an image
To: Richard Lee
pumunta kanaaa! masaya rito!! may inuman at sayawan daw sa gabi! diba dun ka magaling?
Electro Milestone Altairavez sent a message
From: Richard Lee
ikaw rin naman!!
To: Richard Lee
tse! ewan ko sayo! dali na! pumunta kana!!
From: Richard Lee
fine, fine!! just send me the address
Electro Milestone Altairavez sent a message
Napatalon ako sa tuwa, agad kong tinype ang full address ni lola at kahit ang hitsura pa ng bahay nito. Pagka-send ay binitawan ko muna ang cellphone ko at kinuha ang towel bago naligo.
Halos kalahating oras ako sa banyo, pagbalik ko ng kwarto ay dinampot ko ang cellphone ko para tingnan kung may message ba si Lee.
From: Richard Lee
nasaan na yung address?
Napakunot ang noo ko, nag backread ako pero wala ang address na sinend ko.
To: Richard Lee
nag-send na ako, wala ba?
From: Richard Lee
wala...?
Napakunot ang noo ko, ilang segundo akong natulala sa pader nag-iisip na baka tinype ko lang ang message pero hindi ko nai-send, nang biglang may notification na nag pop-up sa taas ng cellphone ko.
Electro Milestone Altairavez reacted to your message
------------------
a/n: ayun HAHAHAHAH, love this chapter but we will love the next chapter more mwhehehehehe
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip