Chapter 3
"Sabi ko na, andito ka eh!" Agad kong tinabihan si Mile nang matagpuan ito sa library. Isang oras na kaming vacant dahil wala ang prof namin, kanina pa ako mag-isa at kanina ko pa rin siya hinahanap.
"Patabi ako, ha?" ani ko bago naupo sa tabi niya, agad niyang inayos ang mga gamit niya sa lamesa para may space akong mapaglalagyan ng gamit ko.
"Anong inaaral mo?" Dinungaw ko ang laptop niya, "Ah... Micro, sige na nga, ako rin mag-aaral." Magiliw kong turan bago kinuha nag iPad ko sa bag, naglabas din ako ng papel at ballpen para mas mukha akong productive.
"Kanina kapa ba rito?" tanong ko habang hinahanap sa files ko ang PDF ng libro namin.
Hindi siya sumasagot kaya nilingon ko ito, nakatutok pa rin ito sa laptop niya kaya bahagya ko itong siniko, "Huy, tinatanong ko kung kanina kapa ba rito?" Nilingon niya ako, bahagyang nanlaki ang mata bago umiling, "Thirty minutes ago," sagot niya at tumango ako,
Hindi ko siya napansin kanina, pagkatapos kasi ng klase ay agad akong dumiretso sa banyo. Kadalasan ay natatagpuan ko siya sa hallway o di naman kaya ay nakaupo sa flower box. Natagalan din ako sa paghahanap sa kaniya!
Ilang minuto kaming nabalot ng katahimikan. Madalas siyang tumipa sa keyboard ng laptop niya kaya naman napapatingin ako sa gawi niya.
Dahil maikli lang ang attention span ko ay madalas ko siyang nililingon at pinapanood. Mula sa anggulo ko ay kitang-kita ko kung gaano katangos ang ilong niya. May taling rin pala siya sa pisnge malapit sa may mata. Maahaba ang pilik mata niya at naka-curl pa, dinaig ako! Yung labi niya... okay lang, mukhang labi ng lalaki. Yung leeg naman niya, kitang-kita ang bumubukol niyang Adam's apple.
May habbit din pala siyang kumagat ng ballpen. Kadiri naman! Hindi pala ako manghihiram sa kaniya ng ballpen!
Bahagyang nanlaki ang mata ko nang bigla siyang lumingon sa gawi ko at nagtagpo ang mga mata namin. Nagbalik ako ng tingin sa iPad ko at nag-ala-alang may binabasa.
"May dirt ba ako sa mukha?" tanong niya, tumikhim ako at umiling, "Wala, wala naman." sagot ko at nag-hum siya.
Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago inayos ang buhok kong nakaharang sa mukha ko. Ano ba naman 'yan?! Nahuli pa niya akong pinagmamasdan siya!
Makalipas ang kung ilang minuto ay bigla siyang nag-ayos ng gamit, napatingala tuloy ako sa kaniya. "Aalis na tayo?" taka kong tanong at tumango siya, "We have class in 11 minutes." sagot niya at nagparte ang mga labi ko bago tumango at nag-ayos na rin ng gamit.
Habang naglalakad kami sa hallway ay pinapakiramdam ko siya. Tahimik nanaman siya, okay lang ba siya? May problema ba siya? Iniisip nanaman ba niya yung picture? Akala ko ba okay na kami?
Pagsapit ng lunch ay mag-isa akong kumain. Si Mile ay bigla nanamang nawala. Sila Rio at pinsan niya ay hindi naman sumasagot sa messages ko.
Tanghali na ang kasunod kong subject kaya naglakad ako papuntang field, doon ay natagpuan ko si Rio at ate Gio.
"Galing ka nanaman sa Altairavez ng buhay mo?" Napabuntong hininga ako bago umirap, "Kung magkakaroon 'man ako ng Altairavez ng buhay ko, 'yon ay si Franzix Daugnh Altairavez." sagot ko at napahagikhik silang dalawa.
Hindi ko pa naman talaga gusto yung Franzix na yun, hindi ko pa nga siya kilala! Pero base sa mga nakikinig ko ay mukha talaga siyang interesting!
"Bakit? Sino ba ang President ng Fencing Club?" tanong ko kay Rio,
"Me, now if you may excuse me, I need to talk with Ms. Ravino." Nahulog ang panga ko nang may biglang magsalita sa likuran naman.
Pucha ang pogi nga! Nakasalamin, maputi, makapal ang kilay, yung mata niya parang pumapatay kung makatingin! Ito pala ang Franzix Daugnh!
"As I said, I need to talk to you, now stand up because you're wasting my time." Lalong nahulog ang panga ko. Ang sungit ha!
Nagpaalam na si Rio at umalis kasama ang Franzix na yun! Naiwan kaming dalawa ni ate Gio na naka-upo sa damuhan.
"Hoy, makatitig ka naman, wala na, umalis na." Hinampas ako ni ate Gio sa balikat, agad ko siyang nilingon, "Siya ba yun?! Franz Altairavez?!" Taranta kong tanong kay ate Gio. Ilang segundo ako nitong tiningnan na para bang nandidiri siya bago humagalpak ng tawa.
"Oo! Kung kiligin ka naman, wagas! Pero ang pogi 'no? Ang layo ng hitsura doon sa walanghiyang kapatid." ani niya, may mga sinabi pa siya na hindi ko na napakinggan.
Nakatulala lang ako sa field habang nahihibang.
Ang gwapo niya talaga, siya yung tipo ko ng lalaki! And the way he talks?! Englishero! Pero hindi gaya ni Mile na parang batang may towel sa likod kung mag-English. Siya yung Englisherong lalaki sa mga libro! Yung mga tipo ng lalaki na possessive at babaliktarin ang mundo kapag nawala ka!
"Hoy, baka naman pinagpapantasyahan mo na yung lalaking yun?" Natauhan ako nang bigla akong hampasin ni ate Gio sa balikat.
Pabiro akong kumagat sa labi ko bago inipit ang buhok ko sa likod ng aking tainga, "Bawal ba?" tanong ko rito gamit ang ipit na boses.
Napatawa ito nang pagak, "Gaga ka talaga," ani niya at parehas kaming napatawa.
Napabuntong hininga ako, "Ang landi 'no?" tanong ko rito, nilingon ako nito habang nakakunot ang noo.
"Wala akong sinabi," ani niya, kalmado ang boses,
Ngumuso ako, "Sus, lahat naman sila malandi ang tingin sa akin." ani ko at mas lalong kumunot ang noo nito.
"Sinong sila?" tanong niya at nagkibit-balikat ako, "Basta, sila-sila, yung mga tao sa tabi-tabi." sagot ko at umismid bigla si ate Gio.
"Alam mo... dedma ka sa mga taong 'yan. Mga inggit lang 'yan sa 'yo! Think postive lang lagi! 'Wag kang papaapekto sa mga pangit na yun!" ani niya at napahagalpak ako ng tawa. Iba rin talaga itong si ate Gio. Iba rin ang fighting spirit.
Naunang umalis si ate Gio sa akin dahil may klase pa ito, naiwan naman akong mag-isa sa damuhan dahil may 45 minutes pa akong bakante.
Sumandal ako sa puno at napabuntong hininga. Kinuha ko ang cellphone ko at naghanap ng makakausap.
Ang lonely ko talaga. Walang kaibigan, walang maka-usap maliban sa magpinsan.
Nahihiya rin naman akong bigla-bigla nalang mag message kila Marjorie, alam kong busy ito sa mga klase nila. Ayaw ko rin namang kausapin ang mga lalaki sa DM ko, puro libog lang naman ang nasa isip ng mga yun.
Ibinaba ko ang cellphone ko at bumuntong hininga. "Busy kaya si Mile?" Umalis ako sa pagkakasandal sa puno bago tumayo at umalis ng field.
Agad akong pumunta sa library para hanapin ang lalaking yun. Pero nasuyod ko na ang buong library pero wala siya. Paglabas ko ng hallway ay naglibot ako ng tingin para hanapin siya. Wala talaga.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag-message sa kaniya.
To: Electro Milestone Altairavez
san ka? busy ka?
Naupo ako sa may veranda at hininhatay siyang mag-reply. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko na agad kong tiningnan.
From: Electro Milestone Altairavez
I'm somewhere, please don't look for me
Napakunot ang noo ko, napaayos ako ng pagkakaupo at lumayo sa pagkakasandal sa poster.
To: Electro Milestone Altairavez
uy, gagi okay ka lang ba?
From: Electro Milestone Altairavez
yes, i'm fine, be safe, see you sa next class
Napanguso ako, bumuntong hininga at sumandal sa pader. Ilang minuto akong nakatulala sa kawalan, hinahayaan na hanginin ang buhok ko at magulo ito.
Nang masiyahan na ako ay pumunta na ako sa kasunod kong klase kahit may ilang minuto pa ang natitira. Gusto ko sanang matulog pero gusto kong hintayin si Mile na dumating. Babantayan ko rin ang bangko sa tabi ko at ayaw na may katabing iba lalo na kung lalaki ito.
Ilang beses kong tiningnan ang oras sa cellphone ko, 3 minutes nalang ang natitira at wala pa si Mile. Hindi naman siya mala-late diba? Bawat bukas ng pinto ay nakatanaw ako rito, inaabangan si Mile.
"Ay, puta!" Nahulog ang ballpen kong nakapatong sa armchair, malayo pa ang ginulungan nito kaya ang tagal kong nakatungo.
"What are you doing?"
"Aray!" Napasapo ako sa ulo ko na nauntog sa arm rest, nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Mile na nakakunot ang noo na nakatingin sa akin.
Gumuhit ang ngiti sa labi ko, "You're here! I was waiting for you." Magiliw kong turan bago nag-ayos ng upo,
Tumango ito bago naupo sa bangko sa tabi ko, pinagmasdan ko ang mukha niya at malungkot nanaman ito. May problema ba siya? Sabi naman niya kanina ay okay lang siya? Baka wala lang sa mood. Baka may dalaw.
Hindi ko na siya kinulit sa klase. Tahimik lang kaming dalawa at parehas nagsusulat. Paminsan-minsan ay sinisilip ko ang papel niya dahil hindi ko alam ang spelling ng mga sinasabi ng prof namin. Hanggang sa huling subject namin sa araw na ito at tahimik siya, medyo nag-aalala ako.
"Tomorrow may quiz tayo tungkol dito, okay?" Paalala ng prof namin habang nag-aayos ng gamit niya.
"Ahm... ma'am, will that be in English or Filipino?" Napalingon ako kay Mile na nakataas ang kamay.
Lumingon ako pabalik sa prof namin, naghihintay rin ng sagot, "Ano bang language ang ginamit ko kanina, Mr. Altairavez?" tanong ng prof namin pabalik,
Ibinaba ni Mile ang kamay niya, "Tagalog po," sagot niya at tumango si prof, "Then you have your answer." sagot ng prof namin bago naglakad paalis.
Nakita kong bumuntong hininga si Mile bago itinabi ang mga gamit niya.
"Gusto mag-review tayo? Sa cafe? Sagot ko na transpo," Aya ko sa kaniya, umiling ito habang nag-aayos ng gamit, "I'll be fine," Maikli niyang sagot bago isinakbat ang bag niya at iniwan ako.
Nagparte ang labi ko, may problema talaga yung isang yun.
Hindi kalaunan ay umalis na rin ako ng room at pumunta sa parking para umuwi. Pagkauwi ay nagmiryenda muna ako bago nagsimulang mag-aral. Hindi lang naman ang subject na iyon ang kailangan kong aralin. May mga papers at presentation pa akong kailangan asikasuhin.
Nang maghapunan ay hindi na ako nagtagal at agad ding bumalik sa kwarto ko.
"Sa wakas, natapos na rin." Napakusot ako sa mata ko, almost 11pm na at kanina pa ako inaantok.
Itinabi ko na ang mga papel at libro ko bago nahiga sa kama. Patulog na sana ako nang ma-alala si Mile bigla.
To: Electro Milestone Altairavez
tapos kana ba mag review? online kapa, ah
From: Electro Milestone Altairavez
not yet, you should sleep, it's late na
To: Electro Milestone Altairavez
same to you, gabi na, matulog kana
From: Electro Milestone Altairavez
later
Napasinghal ako bago ipinatong sa night stand ang cellphone ko. May sapak din talaga ang isang yun. Daig pa ang babaeng may dalaw sa tindi ng mood swings.
Tanghali na ako nagising kinabukasan. Sa sobrang pagmamadali ay hindi ko na nagawang mag-almusal at nagbaon nalang ng protein bar. Halos paliparin ko rin ang sasakyan sa sobrang bilis ng pagmamaneho ko. At buti naman ay 5 minutes early pa ako nang makarating. Nakapag-retouch pa ako.
"How's your sleep?" Nilingon ko si Mile habang naglalagay ng powder sa mukha.
"Okay naman, nataranta lang ako nang magising ako ng 7:30." sagot ko at nag-hum lang siya.
Nilingon ko ang binabasa niya at mga lectures ito mula sa kahapon sa Business Comm.
"Batak mag-aral, baka naman ma-perfect mo." Biro ko sa kaniya, tumaas lang ang gilid ng labi niya bago umiling, "Highly doubt, I'm stupid in Filipino." sagot niya at napa-ismid ako bago siya pabirong hinampas sa braso, "Kayang-kayang mo 'yan, ikaw pa!" sagot ko bago itinabi sa bag ko ang make-up pouch.
"Tingnan mo, hindi na tinantanan si Mile, ang landi pala talaga niyan."
Napakunot ang noo ko bago nilingon ang dalawang babae na pinagchichismisan ako. "Hoy, kung may gusto kayong sabihin tungkol sa akin, dito, dito sa harap ko." Pagtataray ko sa kanila, inirapan ako ng dalawang babae bago naglayo ng tingin.
Napasinghal ako bago isinara ang bag ko, "What daw? I heard my name," napalingon ako kay Mile,
"Nilalandi raw kita, sabi nung mga babae sa likod." sagot ko kay Mile, napakunot ang noo ni Mile bago sila nilingon at agad din nagbalik ng tingin sa akin.
"You're... flirting with me?" Taka niyang tanong na agad kong ikinasinghal, "Hindi 'no! Kung may lalandiin man ako, yung kuya Franz mo ang lalandiin ko." sagot ko sa kaniya, hindi ito sumagot at tiningnan lang ako bago siya nagbalik ng tingin sa binabasa niya.
Buong araw tuloy sira ang mood ko. Mukhang nakikipagsabayan din naman si Mile dahil wala pa rin itong imik sa akin. Pero sa tuwing lilipat kami ng classroom ay sa akin tumatabi. Noong lunch ay nawala nanaman ito na parang bula, mabuti nalang at nakasama ko sila Rio.
Last subject na nang mag-quiz kami. Sa unang tingin ay mukhang mahirap ang quiz pero habang ginagawa at sinasagutan ko ito ay basic na pala. Business Comm lang naman, para lang itong college version ng subject sa senior high.
Maaga akong natapos sa quiz, agad akong nagpasa at naupo sa tabi ni Mile. Nililingon-lingon ko siya dahil mukhang nahihirapan ito. Gusto ko siyang tulungan at diktahan ng isasagot, kaso ang hirap naman lalo pa at essay type ang quiz.
Sana makapasa manlang ako, pati na rin si Mile kung totoo ang sinasabi niyang bobo siya sa Filipino.
"Naks! Sayang 4 points!" Kinabukasan ay agad din namin nakuha ang quiz results. Masaya ako sa score ko pero nanghihinayang pa rin ako sa 4 points!
"Anong nakuha mo?--" Nagulat ako nang biglang ilayo ni Mile ang papel niya.
"Patingin lang, eh!" Sinubukan kong abutin ang papel niya pero pilit niya itong inilalayo, hindi rin naman ako makatayo dahil naiipit ako ng arm rest ng mga bangko namin.
"Tingin lang, dali na! Tingin!!" Halos masubsob ako kay Mile, "Isa, parang bata-- aray!" Napasubsob ako sa dibdib niya, bumaba ang braso niya nang bahagya kaya nakuha ko ang papel niya.
"Ha?" Hindi ako makapaniwala, 9 over 50 siya, bonus points pa yung ilan doon. Seryoso ba 'to?
"I told you, I'm bobo." Hinaklit niya ang papel sa kamay ko bago isinilid sa bag niya.
"Uy, 'wag mo ngang sabihin 'yan, bawi nalnag next quiz!" Sinubukan kong pagaanin ang loob niya.
Padabog niyang inilalagay sa loob ng bag niya ang mga gamit niya, halatang malungkot sa score niya.
"Doubt, I won't make bawi, I'm bobo in Filipino and Tagalog." Isinakbat niya ang bag niya, dali-dali kong kinuha ang bag ko, "Review tayo! Advance study, no, I mean sa Filipino skills mo! Mag-aaral tayo para mag-improve ka sa Tagalog." Natigilan siya, humarap sa gawi ko bago napatawa nang pagak.
"Don't waste your time on me, it's no use. Don't make me feel like a charity work, Pollyn." sagot niya at tumaas ang kilay ko.
"Charity work? Sinong nagsabing libre kitang tuturuan?" sagot ko at kumunot ang noo niya.
"Tuturuan kita sa Filipino Language at kung may literature subject ka pang nahihirapan, in exchange... tutulungan mo 'ko sa Business Math, Information Tech, sa Financing at... yung Quantitaitive." Dagdag ko at natawa siya nang bahagya,
"Unfair, ang dami ng want mo." sagot niya at natawa ako, "Edi... Business Math at Financing, tapos kaunting Info Tech," Tawad ko at gumuhit ang ngiti sa labi niya.
"Deal, every after class?" tanong niya at tumango ako, "Sagot ko transpo, kung saan mo gusto." sagot ko at tumango siya, "Deal, let's start tomorrow." ani niya at tumango ako, "Sige, sabi mo, eh."
Kinabukasan ay nakangiti na akong binati ni Mile, mukhang good mood na ito at wala na ang sumpong. Presko na rin ang hitsura ng mukha nito at magaan na sa pakiramdam.
Noong mag recess ay inaya pa ako nito sa canteen at inilibre ako ng donut. Madaldal na ulit ito, mukha nanaman tuloy siyang batang may towel sa likod. Yung batang alagain. Ibang-iba yung aura niya ngayon sa aura niya noong mga nakaraang araw.
"Saan mo balak mag-aral mamaya?" tanong ko sa kaniya, naglalakad kami ngayon papunta sa last subject namin.
Nilingon ako nito bago gumuhit ang ngisi sa labi, "Altairity? Have you tried it?" tanong niya at kumunot ang noo ko bago umiling, "Saan yun?" Taka kong tanong, mas lumawak ang ngisi nito.
"It's our cafe, malapit lang here." sagot niya at utay-utay akong tumango bago lumiko papasok ng classroom.
"Hindi ako familiar," ani ko nang maupo sa bangko, agad akong tinabihan ni Mile, "It's just... 2 streets away from here, super lapit lang, may parking rin!" Natatawa ako sa hitsura niya, para siyang bata na excited gumala.
Napa-ismid ako, "Sure ka, ha? Pag ako... walang ma-parking-an." Pagbabanta ko sa kaniya, bahagya itong napanguso, "If that's the case we can... just go somewhere that is sure you have a parking." Napalingon ako sa kaniya, "Sus! Hindi na! Binibiro lang kita 'no! Oo na, dun na tayo." ani ko at muling gumuhit ang ngiti sa labi niya.
Hindi na siya nakasagot dahil dumating na ang prof namin. Pero kada lingon ko sa kaniya at nagtatagpo ang mga mata namin ay nakabungisngis ito.
"We will be having quiz on this sa Friday, magprepare kayo." Masaya sana akong aalis kung hindi lang nag-announce yung prof namin ng quiz.
"Anubayan?!" Napakamot ako sa ulo, nag-aayos ako ng gamit ko nang tumawal si Mile, "Don't worry, I'll teach you Finance, help me with Communication." Alok niya, napanguso ako at tumango, "Ano pa nga ba? Siyempre oo nanaman!" sagot ko at bumungisngis siya,
Nang lumabas kami ng classroom at naglakad palabas ng building ay tumatalon-talon pa si Mile sa likod ko. Nang makarating kami sa parking ay laking pagtataka ko nang lumihis ito ng daan.
"Oh, saan ka?" tawag ko rito, nilingon ako nito bago tumuro sa itim na sasakyang nakabukas na ang pinto sa likod, "Here, sundo ko," sagot niya at kumunot ang noo ko. Punyeta, may sundo pa siya?
Tumuro ako sa sasakyan ko, "Bakit hindi kana sumabay sa akin?" Taka kong tanong, ngumuso ito nang bahagya bago nagpabalik-balik ng tingin sa driver nilang hawak-hawak ang pinto ng kotse at sa akin.
"No na, here me nalang sa car namin." sagot niya bago ako tinalikuran at naglakad papunta sa sasakyan nila.
Napabuntong hininga ako, pumasok na ako sa kotse ko at hinintay ang sasakyan nilang umalis at sinundan ito.
Gaya ng sabi ni Mile ay hindi nga ito kalayuan sa univeristy. May parking din dito at hindi ako naiharapan kung saan ipa-park ang sasakyan ko.
"See, I told you may parking." May isang kotse ang pagitan ng mga kotse namin ni Mile.
Natatawa akong tumango bago pinindot ang remote ng sasakyan ko para i-lock ito, "Sa inyo 'to?" tanong ko habang naglalakad kami papasok ng cafe.
"Yep, it's in the name, Altairity." sagot niya at tumango ako, naupo agad ako sa isang table habang si Mile ay pumila sa may cashier. Hindi manlang ako tinanong kung anong gusto ko.
Inilabas ko na ang iPad at ang maliit kong notebook. Hinanap ko na rin ang PDF file na dinownload ko kanina para pag-aralan ni Mile.
Maya-maya ay bumalik ito, may dalang resibo at number, "Should we start?" tanong niya at tumango ako, "Here, basic Filipino words and grammars pero higher than basic. Mga nang at ng, daw at raw, rito at dito, mga ganun, basic lang." Ini-abot ko sa kaniya ang iPad ko, kunot-noo niya itong tiningnan, "I still don't get the difference between N-A-N-G and N-G," ani niya at napatawa ako nang bahagya.
"Well... sana, maituro ko sa 'yo." sagot ko at nag-angat siya ng tingin, "Oh, oo nga pala," inilapag niya ang iPad ko, "Here... these are some worksheets for Financing." Ini-abot niya sa akin ang isang folder na may mga lamang papel.
"Saan mo nakuha 'to?" Taka kong tanong, bumungisngis ito, "Kuya Franz took Business Management too, I asked for his papers." sagot niya at parehas kaming napahagaikhik.
Habang nagsasagot ako ay naririnig ko siyang magsalita, may pagkabulol at utal pa rin siya sa Tagalog. Hindi ko muna pinupuna ito dahil nakikita kong sinusubukan naman niyang itama.
Dumating na ang mga pagkain, hinayaan kong si Mile ang mag-ayos nito sa lamesa namin dahil siya ang nakaka-alam ng mga binili niya. "Have anything; I bought it for the both of us." ani niya, nakatutok pa rin ang mata sa iPad ko.
Utay-utay akong tumango bago inabot ang burger na umaapaw sa cheese at may tatlong patty. Sa unang kagat ay parang gusto ko nalang itabi ang ginagawa ko at kumain. Matapos ang tatlong kagat ay ibinaba ko na ito at nagpatuloy sa pagsasagot.
Dahil maikli ang attention span ko ay kada kaunting sulat ay kumakagat ako sa burger. Mas nauna ko pa itong maubos kaysa matapos ang sinasagutan ko.
"Done! Check mo," ini-abot ko kay Mile ang papel ko. Pinagmasdan ko ang mukha niya habang tinitingnan ang sagot ko, noong una ay tumatango-tango pa siya. Hanggang sa kumunot na ang noo niya at nagbalik-balik ng tingin sa papel ko at sa papel ng kuya niya.
"Mali," ani niya at kumunot ang noo ko, "Huh? Saan--" Hahaklitin ko na sana ang papel ko nang ilayo ito. "You used the wrong formula on this kaya mali kana sa the rest." Ipinakita niya sa akin ang papel kong may bilog at ang mali ko.
Napanguso ako, "Uulitin ko na nga lang," ani ko bago dinampot ang frappe na kanina ko pa iniinom.
Nagsasagot ako nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Pagtingin ko ay may message si ate Gio, nag-aaya manood ng basketball match sa court, 5:00pm. Pagtingin ko sa orasan ay wala pang 4pm, matagal pa naman.
Sa pangalawnag pagkakataon ay naitama ko na ang sinasagutan ko. Nagsagot pa ako ng isa pang problem hangang sa nautay-utay na naming maubos ang pagkain.
"Uhm... Mile," tawag ko rito, nag-hum ito at tumaas ang magkabilang kilay. "Aalis ako ng 5pm... inaya lang ako ni ate Gio na manood ng basketball match." Paalam ko at nag-angat ito ng ulo, bahagya siyang ngumuso bago tumango, "Sure, what time naba?" Tumingin ito sa phone niya,
"Five minutes before 5, are you done eating?" tanong niya at tumango ako, bumuntong hininga siya at tumango na rin, "Let's continue tomorrow?" tanong niya at tumango ako. Nag-ayos na kami ng mga gamit bago sabay umalis. Siya ay pauwi habang ako naman ay pabalik ng university.
Pagdating ko sa gymnasium ay andoon na si ate Gio at maya-maya naman ay dumating na rin si Rio. Noong una ay payapa pa ang laban hanggang nauwi ito sa brawl at sangkot dito yung diablong Altairavez na laging bukhang bibig ni ate Gio.
Hinigit namin ito ni Rio paalis ng gym para hindi na siya makisali pa, iba pa man din ang pagiging palaban nito. Nang makalabas kami ng university ay sinasabayan ko lang silang dalawa, hindi ko na namalayan kung saan kami hinigit ni Rio hanggang sa pumasok kami sa pamilyar na cafe.
Punyeta, kakagaling ko lang dito kanina!
Habang umo-order si Rio ay pinagmasdan ko nag paligin ng cafe. Hindi ko ito masyadong inusisa kanina dahil busy ako sa ginagawa ko. Ngayon ko lang napansin nag posters at standee nung tatlo.
Hayst, ang pogi talaga ni Franz Altairavez. Kahit hindi siya nakangiti sa mga pictures niya at halatang napipilitan ay iba pa rin ang dating niya.
"Starting this day, ban this girl from this restaurant! Guards!" Nagparte ang labi ko,
"Wait! Pati kami? Pero siya ang may gawa nun..." hindi ko pa natitikman yung ibang nasa menu! Gusto ko pang pumunta rito! Gusto ko pang kumain rito! Gusto ko pang makita mga standee ni Franz!
"'Wag na siya! Kuya Dev don't ban Pollyn please. She's tutoring me... kailangan ko siya here." Napalingon ako kay Mile na naglalambing ang tingin sa kapatid.
'Yan, tama 'yan, ipaglaban mo 'ko, please.
"And I have business with Ms. Ravino, let her go." Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi. Ang hot talaga niya! Gusto ko rin ng ganiyan! Hingit pa nito palabas si Rio ng cafe na mas lalo kong ikina-inggit! Gusto ko rin na gawin niya sa akin yun!
Pinanood namin na umalis sila Rio at papa Franz, ang guard ay mahigpit pa rin nag pagkakahawak sa amin ni Gio.
Bahagya akong nagpupumiglas dahil baka sakaling bitawan na rin ako pero wala pa palang utos yung kuya Dev ni Mile.
"Kuya..." Paglalambing ni Mile, yung kuya Dev niya ay mukhang mainit pa rin ang dugo at galit na galit pa rin na nakatingin kay ate Gio.
Naglakad papalapit sa akin si Mile, "Kuya, let her go, please." Malumanay nitong turan, naramdaman ko ang pagbitaw sa akin ng guard. Inabot ni Mile ang pulso ko at inilabas ng cafe.
"Where's your car?" tanong niya habang naglalakad kami, "Nasa parking sa school." sagot ko at tumango siya, tumawid kami at dumaan sa ibang gate ng school na katapat lang ng cafe. Naglalakad kami sa parking nang matauhan ako, agad kong binawi ang braso ko, agad siyang napalingon sa akin, bakas sa mukha ang gulat.
"Bakit ka nga pala andito? Hindi ba umuwi kana kanina?" Taka kong tanong, napakamot ito sa batok, "I heard kuya Dev got into fight that's why I asked our driver to bring me back sa school." sagot niya at utay-utay akong tumango.
Nang makarating kami sa sasakyan ko ay pinagbuksan pa niya ako ng pinto na medyo ikinatawa ko, "Hindi bagay sa 'yo. Kanina lang ikaw ang pinagbubuksan ng pinto, tapos ngayon pagbubuksan mo 'ko." ani ko bago ipinasok ang bag ko.
"Kuya Franz taught me how to be a gentleman, this is just a simple gesture." sagot niya at pinigilan ko ang sarili ko na ngumiti. Narinig ko nanaman ang pangalan ni papa Franz.
"Sige na, sige na, umuwi kana, or... bumalik kana sa cafe. Uuwi na ako, gusto mo ba na ihatid pa kita?" tanong ko at umiling siya, "Our driver is just at the cafe, babalik nalang ako." sagot niya at tumango ako bago pumasok ng sasakyan. Binuhay ko na ang makina ng sasakyan at paglingon ko sa labas ay nakatayo lang siya sa may gatter. Ibinaba ko ang bintana ko, "Gusto mo ihatid na kita sa cafe?" Alok ko at umiling siya, "Nope, I'm fine, hinihintay ko lang ikaw na mag drive, ingat!" Kumaway siya at gumuhit ang ngiti sa labi ko, "Thank you, ingat din!" Ibinaba ko na ang bintana at nagmaneho palais, binusinahan ko pa siya dahil natanaw ko siyang kumakaway sa akin.
Kinabukasan ay nagkaroon kami ng presentation. Yung presentation na halos solohin ko lahat dahil ang mga ka-grupo ko rito ay mga impaktita na bina-backstab ako. Nainis ako, ayun, tinapos ko na lahat kahit script sa sasabihin. Mukha tuloy silang mga tanga kanina sa presentation, ako lang ang nakakasagot.
Mga pabigat talaga.
Pagkatapos ng klaseng iyon ay nabakante kami dahil wala ang prof. Sakto na bakante rin sila Rio at ate Gio kaya naglakad-lakad muna kami. Umalis din si Mile dahil may aasikasuhin daw siya.
Iyon nga lang ay habang naglalakad-lakad kami ay sinalubong kami ng girlfriend ni kuya Dev. Punyeta sinugod si ate Gio!
Nagpupumiglas ako, gusto kong tulungan si ate Gio. Nakita ko na 'to! Ginaganito rin nila ako dati at sinasabihang malandi! Eh punyeta, walang nananalaytay na landi sa dugo ni ate Gio!
"Pollyn let's go, may tutor pa ako sa 'yo." Kung hindi lang dumating yung dalawa pang Altairavez ay baka nasabunutan ko na ang River na ito at baka kalbo na 'yang KB na 'yan.
"Why did you do that?" tanong ni Mile sa akin habang nagtatanghalian kami. Ramdam ko na kanina pa niya ito gustong itanong.
Napabuntong hininga ako bago dinampot ang fruit tea ko at sumimsim dito.
Inilapag ko ito sa lamesa, "Alam ko yung feeling na inaaway at pinagbibintangang lumalandi sa boyfriend ng iba." sagot ko at ilang segundo akong pinagmasdan ni Mile. Nagta-translate pa siguro sa ulo niya.
"Bakit?" tanong niya at napabuntong hininga ako, "Danas ko 'yan sa previous school ko. Ganiyan ang ginagawa nila sa akin." sagot ko at utay-utay siyang tumango.
"They were bullying you?" he asked and I slowly nod, "And accusing me stuffs. It was so... suffocating and... toxic." I answered and he hummed.
Hindi na nagtanong pa si Mile at nagpatuloy kumain. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na agad kami sa kasunod na klase kahit maaga pa. Sayang din kasi ang aircon sa classroom, mainit pa man din sa labas.
Pagkatapos ng klase namin sa hapon ay dumiretso na kami sa Altairity. Kagaya kahapon ay inihatid siya ng driver nila habang dinala ko ang sarili kong sasakyan. Kagaya rin kahapon ay nag-aaral siya ng language habang finance naman ako.
"What's your score in Financing? Guess lang," Nakangisi tanong sa akin ni Mile. Kakapasa ko lang ng papel ko at siya naman ay kanina pa tapos.
Napasapo ako sa dibdib ko, malakas pa rin ang tibok nito, "Awan, sana pasado," sagot ko at tumango siya.
Maya-maya ay muling ipinamigay ang papel namin para check-an ito. Sa tingin ko naman ay mga mga naitama ako. Nang ibalik sa amin ang papel ay sabay namin tiningnan ni Mile ang score namin.
"OMG--" napatakip ako ng bibig,
"You passed!"
"Pasado ako!" Nagtatalon kami ni Mile sa classroom, magkawak ang mga kamay at umiikot-ikot pa kami.
34/45, hindi na rin masama. Hindi man kataasan, hindi naman bagsak! Pasok pa sa kalahati!
"I know you could pass this quiz!" Masayang turan ni Mile at tumango, ako. "And it's all thanks to you! You're a great tutor!" ani ko at lumiwanag ang mukha niya. "Really?" tanong niya at tumango ako, "At dahil diyan, ililibre kita sa Saturday! Mag ma-mall tayo!"
-----------
a/n: cute pa rin nila huhuhuhuhu katuwaaa
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip