Chapter 37

Around the last week of October, Mile broke off a very big news. "Dad is stepping down as the CEO of the company, kuya Dev will be taking after his position." he casually said while having breakfast.

Namilog ang mga mata ko, "Hmm?! Really? That's great! Congrats kay kuya Dev!" Magiliw kong turan,

He slowly nod, chewing on his pork tapa, "And kuya Franz will take the COO position." he added and I nod,

"Grabe, ang bilis naman ng panahon, ipinasa agad ng dad niyo." ani ko bago sumubo ng sinangag.

Narinig kong nag-hum si Mile, "And I'll be taking the CFO position."

Agad akong napa-angat ng tingin at nanlaki ang mga mata ko, "OMG! Really!? OMG! OMG!!" Napatayo ako mula sa kinauupuan ko bago umikot ng lamesa at niyapos siya.

"I'm so proud and happy for you!!" I planted kisses all over his face which made him giggle like a kid.

"Kailan? Can I come?" I excitedly asked, he pouted before reaching for my hand which I take as a no.

"It'll happen in dad's office, eh. It'll be exclusive just for the company and you being from another company, baka hindi ka papasukin." sagot ni Mile na ikinanguso ko.

"Grabe naman, asawa mo ako." Nagpa-cute pa ako na ikinabungisngis ni Mile bago ako pinisil sa pisnge.

"That's not the issue, honey. Exclusive ceremony lang siya that's why visitors from other company is not allowed in the room." he softly explained, I pouted, pushing out my lower lip which made him burst out laughing.

Napabuntong hininga ako, "Sige na nga, kailan ba yun?" tanong ko,

"This Thursday--"

"What!? This Thursday na!? It's Tuesday, bakit ngayon mo lang sinabi!?" Gulat kong turan,

"I need to prepare, maghahanda ako ng pagkain dito! Anong gusto mo!?" Taranta kong turan,

Bumungisngis si Mile bago ako hinawakan sa magkabilang pisnge, "Honey, calm down, I just found out yesterday about the promotion. Plus, you don't have to worry about the food, kahit anong ihanda mo, kakainin ko." ani nito at utay-utay gumuhit ang ngiti sa labi ko.

Pagsapit ng Thursday, alas tres palang ng hapon ay umuwi na ako. Nagsimula akong magluto at um-order sa iba't-ibang kainan na alam ko'y favorite ni Mile. First time kong magluto ng lasagna at mabuti naman ay successful ito. Um-order din ako ng bilao feast sa isang resto na nakilala ko lang dahil sa mga katrabaho ko.

Bago mag 6PM ay nakahanda na lahat, naka-upo lang ako sa lamesa at hinihintay si Mile. Minamasahe ko rin ang kamay ko dahil sa ilang pasong natamo ko kanina. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising nalang ako nang hawiin ni Mile ang buhok na nasa mukha ko.

"Hey, you're here!" Agad ko itong niyakap, "Congratulations on your promotion!" ani ko nang kumalas sa yakap.

Ngumisi siya bago inayos ang salamin, "Sorry na-late ako ng uwi. Naghanda kasi si dad ng pagkain and I had to stay." ani ito at bahagya akong napanguso.

"Edi busog ka?" tanong ko at umiling siya, "Hindi ako kumain, alam kong may nakahanda ka rito, eh." ani niya na ikinaguhit ng malaking ngiti sa labi ko.

Habang kumakain ay ikine-kwento niya sa akin ang lahat ng nangyari. Nalilibang ako rito sa dami ng kwento niya kaya hindi ko namamalayan ang dami ng kinakain ko.

"You made this?" tanong nito habang nakaturo sa pangalawang kuha niya ng lasagna.

Napabungisngis ako bago tumango, "Yes, masarap ba?" tanong ko at agad itong tumango.
"Yes! Sobra! Magluto ka ulit nito minsan." ani niya at napangiti ako bago tumango.

Hinuli naming kainin ang cake na binili ko para sa dessert. Pagkatapos ay nag-impis na kami at nagpahindag bago pumasok ng kwarto para sa isa pa niyang dessert.

"Busyng-busy nanaman ang Mrs. Altairavez na ito." Napa-igtad ako nang biglang akong kuhitin sa tagiliran ni Jes.

"Ano kaba? Bigla-bigla ka nalang sumusulpot." ani ko rito habang inaasikaso ang reports na pini-print ko.

"Kamusta naman ang buhay mag-asawa? Masaya ba ang..." nagbaba ito ng tingin sa hita ko bago nagbalik ng tingin sa akin. Nakaguhit ang ngisi sa labi nito na ikina-irap ko, "Alam mo, Jes, wala ka nang ibang inisip kundi sex." Prangka kong turan dito na ikinahagalpak niya ng tawa.

"Three months na kayong kasal ngayon, baka naman nasa honeymoon phase pa rin kayo?" Pinagtama nito ang aming mga beywang na ikinahagikhik ko.

"Hindi 'no, madalang kaya namin gawin." ani ko rito habang inaayos ang mga papel na kalalabas lang ng printer.

"Pero ginagawa niyo pa rin?" tanong nito bago sumandal sa printer.

Napatawa ako nang pagak bago napa-iling at hinarap ito, "Wala ka bang gagawin? Parang libreng-libre ka, ah?" tanong ko rito na ikinahagikhik niya.

"Nagpapahinga lang ako, tsaka busy si Aryen, wala akong maka-usap." sagot nito na ikinatawa ko bago nilagyan ng stapler ang mga papel.

"Kaya naman pala ako ang ginagambala mo." ani ko na ikinahagalpak niya ng tawa.

"Balik sa tanong, masaya ba ang buhay mag-asawa?" tanong nito at tumango ako, niyapos ko ang papel na kaka-print lang bago sumandal sa printer.

"Oo naman, mas iba ang feeling kaysa sa magka-live in lang kayo. Masaya kapag tutulog kayong magkatabi tapos gigising kayo na magkatabi pa rin." sagot ko at tumango siya.

"Hindi ba... nakakapanibago? Hindi ba parang... ang awkward?" tanong niya na ikinahagalpak ko ng tawa.

"Anong awkward? Kung mahal niyo ang isa't-isa at talagang ginusto niyong magpakasal, walang awkward moment." sagot ko at tumango siya.

"Wala pa kayong balak mag-anak?" Bigla nitong tanong, napatawa ako nang pagak, pero nang makita ko na seryoso ang mukha nito ay napabuntong hininga ako.

"Wala pa, siguro mga... in the next three years pa." sagot ko utay-utay siyang tumango.

"Enjoying married life muna?" tanong niya at tumango ako, "Yes, enjoying married life muna." sagot ko at tumango ito. Napatingin ito sa relo niya bago napabuntong hininga.

"Sige, pag-iisipan ko pa kung kailan magandang magpakasal." ani nito na ikinangisi ko.

"Mag pro-propose kana kay Aryen?" tanong niya at nagkibit-balikat ito, "Hindi ko pa sure, maghahanap pa muna ng tamang tyempo." sagot niya at tumango ako.

Sabay na kaming bumalik sa mga cubicle namin at mukhang nakahanap na ito ng gagawin niya dahil hindi na ako nito binulabog.

Saktong alas singko ng hapon ay nag-clock out na ako at umuwi. Naglalakad ako sa hallaway nang ma-abutan ko si Mile sa may pinto, "Hey! I missed you!" Nagtatakbo ako papunta sa kaniya para yapusin ito.

"Sabay pa talaga tayong dumating." Bumuntong hininga ito na ikinakunot ng noo ko.

"Parang hindi ka masaya?" Taka kong tanong dito. Ngumuso siya bago ipinakita ang hawak nitong bouquet ng bulaklak na ikinahulog ng panga ko, "OMG!! You got me flowers!?" Gulat kong tanong rito at tumango siya.

"I was in the taxi kanina when we passed by a flowershop, nag-para ako kay manong tapos nagpahintay na rin." sagot niya na ikinanguso ko, "Edi ang laki ng binayaran mo sa taxi?" tanong ko at ngumisi ito bago binuksan ang pinto ng condo.

"It's fine, money is not a problem naman." sagot niya na ikinatawa ko nang pagak.

Hinawakan ako nito sa tagiliran at inalalayan sa pagpasok.

"So, how's your day? How's work?" tanong nito habang parehas kaming nagtatanggal ng sapatos.

Bumuntong hininga ako, "Okay lang naman, nakakapagod, as usual, pero ganun talaga ang trabaho." sagot ko at nag-hum ito, dumiretso ako ng kwarto para ibaba ang bag ko at nagpalit ng damit na pangbahay.

Paglabas ko ay na-abutan ko si Mile sa kusina na tumitingin sa ref, "What do you want for dinner?" tanong nito, napabuntong hininga ako bago sumandal sa kitchen island.

"'Yan ang tanong na hirap na hirap akong sagutin. Ang hirap palang mag-isip ng lulutuin para sa hapunan 'no?" tanong ko rito na ikinahagikhik niya.

"Nakakatamad din magluto," ani niya na ikinatawa ko bago tumango.

Isinara nito ang pinto ng ref bago sumandal sa kitchen top, "Let's order pizza and... whatever you like?" tanong niya at napangisi ako bago tumango, "Let's order chicken tenders? May nakikita ako sa internet na bagong kaninan, let's try it?" tanong ko at tumango ito,

"Order everything you want and charge it to my card, magbibihis lang ako." ani nito bago inilapag sa harap ko ang wallet niya.

Para akong bata na na-excite bigla at agad nagbukas ng delivery app ko. Um-order muna ako ng pepperoni pizza at nagbayad gamit ng card niya gaya ng sabi niya. Hinanap ko naman sa app ang chicken na gusto ko. Nang makita ay in-order ko ang lahat na mukhang masarap bago nagbayad gamit naman ang e-wallet ko.

Narinig ko itong nasa shower na sa kwarto, dahil wala akong ginagawa ay napagdesisyunan ko na rin an maligo sa isa pang banyo. Sakto naman na pagkatapos ko ay tapos na rin siya.

"You ordered na?" tanong niya at tumango ako, "All done," sagot ko bago pumasok sa kwarto kung saan siya naman ang lumabas.

Paglabas ko ng kwarto ay naka-upo na ito sa sofa, nakataas ang paa sa center table habang nanonood ng football sa TV.

Napangisi ako, he looks so... husband material. His grey shirt and navy blue pajamas with his pair of black frames glasses and wet hair hanging on his forehead, parang gusto ko nalang maging house wife at mag-alaga ng mga bata. Kahit hindi mahilig magluluto ay willing akong ipagluto siya ng lahat ng gusto niya.

"Don't stare, baka matunaw ako." Natauhan ako nang magsalita ito bigla, napahagalpak ako ng tawa bago siya nilapitan, umupo sa tabi niya at agad siyang niyapos.

"When do you want to have a baby?" Agad ako nitong nilingon, "What's with the sudden question?" Taka nitong tanong, ngumuso ako bago nagkibit-balikat.

"Wala naman, naisip ko lang bigla." sagot ko at inayos nito ang salamin niya na mas ikinagwapo niya lalo.

"Well... whenever you're ready. It's your body that will be carrying our baby and will go through changes. Ikaw ang bahala kung kailan mo gusto, basta ako... I'll... give it to you when you want it." sagot niya, isa talaga sa mga gusto ko kay Mile ay kung paano gumana ang utak niya. Dagdag sexy at pogi points siya dun.

Napabuntong hininga ako bago sumobsob sa dibdib niya, "Parang gusto ko ngayon, eh." ani ko na ikinatawa niya nang pagak.

"Are you sure?" tanong nito, mukhang seryoso siya rito at agad kong naibangon ang mukha ko.

"I mean... ovulation ko eh, tapos ang sexy-sexy mo pa sa suot mo. I think one kid won't be that bad." sagot ko rito na ikinatawa niya.

"Gutom ka lang, plus, you're just ovulating. You mentioned before na you want to focus on your career muna and sa ating dalawa. I'm sure some other time, hindi mo na maiisip 'yan." ani nito bago ako mas hinigit sa kaniya at hinalikan sa ulo.

Maya-maya lang din ay dumating na ang mga order namin. Nagulat si Mile sa dami ng pagkain, imbes na sa dining table kami kumain ay dinala namin ito lahat sa sala at doon kumain habang nanood ng favorite series ni Mile na pangatlong beses na yata namin napapanood ngayon.

Nagbukas din kami ng ilang can ng beers habang kumakain. Sa dami ng pagkain ay hindi namin ito naubos, si Mile ang nag-impis at nagtabi ng mga natira habang naka-upo ako sa sahig at tutok na tutok sa pinapanood.

"Come, it's almost 11PM na, may trabaho pa tayo bukas, you won't get your 8 hours of sleep na." ani nito, nilingon ko ito, inilahad ang kamay ko na parang bata at nagpapabuhat na ikinatawa niya naman.

Binuhat ako nito at itinayo, pinaglakad papunta sa kusina na parang bata para maghugas ng kamay. Pagpasok ng kwarto ay dinala ako nito sa banyo at pinag-sipilyo.

"Why have a baby when you're the baby?" tanong ni Mile nang mahiga kami sa kama.

Napatawa ako sa sinabi nito bago siya pabirong hinampas sa braso, "You're the baby here, mas bata ka sakin." sagot ko rito na ikinatawa niya, "Ano ulit yun? Ilang taon ka na ulit? Ah, five years old." Pang-aasar nito na ikinasimangot ko.

"Nakaka-inis ka! Sa birthday certificate lang yun!" ani ko na ikinahagik niya, utay-utay ako nitong niyapos.

"You're not horny anymore?--"

"Huy! Sinong nagsabi na horny ako?" tanong ko rito at utay-utay akong tumango, "Ahh, so... hallucination ko lang yung kanina na gusto mo ng baby?" tanong niya at napa-irap ako. "Ewan ko sa 'yo, goodnight Mile." ani ko at napatawa ito, "Goodnight honey," ani niya at nag-hum ako bago pumikit, "Goodnight honey," sagot ko naman dito.

Sa mga sumunod na araw ay mas palamig nang palamig ang panahon. Madalas akong tampulan ng asar sa opisina lalo pa't taglamig na raw at masarap magpapawis.

Kaniya-kaniyang pasa na rin ng letter ang mga katrabaho ko para sa holiday leave nila. Nagpanic ako bigla dahil baka hindi ako payagan mag-leave kapag marami na ang magpapaalam na mag le-leave sa pasko at bagong-taon.

"Honey," tawag ko kay Mile, nagluluto ito ngayon, suot-suot ang pink apron at nakatalikod sa akin,

"Yes?" sag0t nito,

"Kailan at saan tayo magho-holiday? Inaalala ko kasi na baka hindi tayo makapag-leave sa opisina kapag late na ako magpapasa ng letter." ani ko at bigla ako nitong nilingon,

"You're the owner's daughter, bakit hindi ka papayagan?" tanong niya at napanguso ako,

"Ihh, kahit na! Ayaw ko namang abusuhin yung privilege ko 'no." ani ko at narinig ko itong tumawa bago lumapit sa akin, hawak-hawak ang sandok.

"You know, sometimes, it's okay to use your privilieges. Hindi masamang maging selfish minsan, try this." Sinubuan ako nito ng beef brocolli na niluluto niya.

"Sarap?" tanong niya at agad tumaas ang magkabila kong kilay, "Sarap!" sagot ko at napatawa siya bago bumalik sa stove.

Habang naghahapunan ay saka namin pinagplanuhan ang holiday vacation namin. Marami siyang sinuggest na bansa, habang kumakain tuloy ay parehas kaming nakaharap sa mga cellphone namin para mag-search ng mga magagandang puntahan.

Napagdesisyunan namin na sa mga bansa sa East Asia kami mag ho-holiday, una sa Korea para sa pasko at Japan naman para sa New Year. December 24 na rin kami aalis para makapasok pa kami ng ilang araw sa trabaho bago mawala ng sampung araw sa opisina.

Dahil day-off namin kinabukasan ay nag-grocery muna kami ng mga kailangan sa condo. Sumaglit din kami sa Ikea para bumili ng ibang gamit gaya ng hanger, mga basahan at kobre-kama.

Ini-uwi lang namin sa condo ang mga pinamili bago pumunta ng mall para kumain ng tanghalian at manood ng cine. Pagkatapos ay umuwi na rin kami at nagpahinga.

Pagsapit ng Lunes ay nagpasa na ako ng leave request letter at ganun din si Mile.

Tinawanan pa ako ng head namin, "Mahi-hindi-an ba kita? Anak kana ng boss ko, oh." ani ito at napabungisngis ako.

"Gusto ko pa rin naman pong maging patas sa mga katrabaho ko. Baka kasi kailangan ng mga empleyado sa during holiday season, okay lang naman po kung hindi niyo ako papayagan." ani ko at natawa ang head namin.

"Ano kaba naman, siyempre papayagan kita. Alam ko naman you'll spend time with your husband--- congrats nga pala ulit sa inyong dalawa!" ani nito at nahihiya akong ngumiti, "Salamat po, and thank you rin po sa pagpayag." ani ko na ikinatawa namin parehas.

Sa sumunod na araw ay nag-kaayan sila Jes na kumain sa labas. Naging tampulan pa ako ng kantyaw nito dahil ni-minsan ay hindi pa raw ako sumasama sa mga aya nilang inuman.

Napabuntong hininga ako bago dinampot ang cellphone ko, "Saglit, magpapaalam ako sa asawa ko." ani ko at nagkatilian sila,

"Naks! Asawa! Sana all!" Kantyaw ni Aryen, napangisi ako bago nilingon si Jes na nang-aasar.

"Hello honey? Busy kaba?" tanong ko rito nang sagutin nito ang tawag. Kinantyawan nanaman ako ng mga kasama ko nang marinig ang itinawag ko kay Mile. Napa-irap ako bago tumayo mula sa bangko ko at bahagyang lumayo sa kanila.

[Hello honey, hindi naman, bakit?] tanong nito,

"Ano kasi... nagka-akitan sila Jes na bumisita sa bagong resto rito sa may opisina, magpapaalam lang sana ako if pwede akong sumama?" tanong ko rito at nag-hum ito.

[Kakain lang ba kayo or... will there be another agenda?] tanong nito at napakagat ako sa labi bago nilingon sila Jes na sinesenyasan ako ng inuman.

"Siguro mag-iinom na rin." sagot ko rito at nag-hum si Mile.

[Okay, basta be safe, ha? Kapag hindi na kaya, magpasundo ka sa 'kin.] Bilin nito at gumuhit ang ngiti sa labi ko.

"Thanks honey! Noted 'yan! See you later night! Love you!" ani ko rito na ikinahagikhik niya,

[Love you more, ingat, bye!] sagot nito at pinatay ko na ang tawag.

"Ano? Hindi ka pinayagan ni honey?" Pang-aasar ni Jes habang naglalakad ako pabalik sa kanila.

Napa-irap ako, "Pinayagan kaya ako, bleh!" Pinandilaan ko ito na ikinahagalpak nila ng tawa.

Pagsapit ng alas singko ay nasa biometric na kami at nag o-out na. Wala pang 15 minutes ay nasa resto na kami. Kasabay ng pag-order nila ng mga pagkain ay siya namang order ng mga alak ng mga kalalakihan na kasama namin. Isang dosena kaming magkakasama ngayon kaya naman ilang lamesa rin ang pinagdikit-dikit naman magkasya lang kaming lahat at ang mga pagkain.

Inaakala ko dati na malakas na kaming uminom nila Lee, may mas lalakas pa pala sa amin. Wala pa kaming isang oras ay nakaka-ilang order na sila ng alak. Hindi lang pala ito restaurant kundi resto-bar din, hindi ko agad napansin sa exterior kanina kaya nagulat ako nang makapasok na.

Halos dalawang oras palang yata kami ay lumalabo na ang paningin ko. Gusto ko na sanang umuwi kaso masyadong masaya ang kwentuhan, ayaw ko rin namang ma-miss ang mga chika nila lalo na at may FOMO nga ako.

Puro kalokohan sila, minsan ay tungkol sa mga babae ng mga kasama naming lalaki. Basta sa huli, ang daming chika ang nalaman ko na sa tingin ko ay limot ko na rin bukas.

Alas nuebe nang magka-ayaang umuwi. Saktong tatayo na sana ako nang muntikan akong matumba, mabuti nalang at nasalo agad ako ni Jes.

"Makakapag-drive kapa ba? Alam mo ihahatid na kita." ani nito at umiling ako,

"Tatawagan ko yung asawa ko, magpapasundo ako." ani ko at tumango ito,

Umalis na ang iba habang hinintay naman nila Jes na dumating si Mile. Nang mag-text ito na nasa labas na siya ay sakto namang nasuka si Aryen na agad sinundan ni Jes.

"Hello!!" Gumegewang-gewang akong naglalakad papunta kay Mile.

"Lasing na lasing ka, ah? What happened to your alcohol tolerance?" tanong ni Mile, muntikan na akong matumba, buti nalang ay nasalo niya agad ako.

"Naks! Ang lakas, ah! Para kang si Jes kanina, nasalo rin niya ako noong matutumba na ako." Kwento ko rito, narinig ko lang itong bumuntong hininga bago ako ipinasok sa sasakyan.

Paglagay niya sa akin ng seatbelt ay umikot ito sa driver's seat, "I really need to complete my driving lessons, para ako na lagi ang susundo sa 'yo." ani ni Mile habang nagmamaneho ng sasakyan ko.

Napangisi ako habang nakalingon sa kaniya, "That would be so hot of you if you start driving. Actually ngayon palang ang gwapo mo na, eh." ani ko na ikinatawa ni Mile.

"Damn, ano bang ininom niyo? Lasing na lasing ka, ah?" tanong nito at napatawa ako.

"Oh I don't know, basta ang dami kong chika na nakalap! Ike-kwento ko sa 'yo pag-uwi." ani ko at napatawa si Mile bago tumango.

Nasa pinto palang kami ng ng condo ay hindi ko na halos maibukas nang maayos ang mata ko. Ang huli ko nang natandaan ay binuhat ako ni Mile bago tuluyang dumilim ang paningin ko.

Nagising ako nang may marinig na ingay sa paligid. Pagmulat ko ay saktong inilalapag ni Mile ang tray na may lamang kape at pancakes.

"Morning," bati nito at napakunot ang noo ko bago nagkusot ng mata at bumangon.

"Anong oras na?" tanong ko rito,

Tumingin ito sa relo niya, "It's... 10:11am na." Nanlaki ang mata ko bago biglang bumaba ng kama.

Pero dahil sa sobra kong kalasingan kagabi ay isang makabaak-ulo ang sakit na gumuhit sa bumbunan ko. Muntikan pa akong matumba, mabuti nalang at agad akong nasalo ni Mile.

"Hey, easy, may hangover kapa." Dahan-dahan ako nitong ini-upo sa kama.

"Bakit andito kapa? May pasok ka, ah." tanong ko rito, sapo-sapo ang ulo ko.

"I'm skipping work so I can take care of you. You should stay at home too so you can rest." he replied but I slowly shake my head.

"I can't skip work, papasok ako ng after lunch." ani ko bago nagmulat. Nakita ko si Mile na naka-pameywang sa harap ko.

"One absent won't be the end of you, okay? Just stay and skip word for today." he replied, I said and slowly nod.

"Pero ikaw? Paano ka? Hindi ka rin papasok?" tanong ko rito at tumango ito bago inayos ang kaniyang salamin.

"I'm the CFO, technically I'm one of the bosses so... I can skip work if I want to." he respond with a hint of bragging but a smile printed on his lips.

I sighed and rolled my eyes before playfully hitting his leg, "Ewan ko sa 'yo, nag-almusal kana ba? Gusto mo sabay na tayo?" Aya ko rito,

Tumango ito, "I had a yogurt bowl this morning. But if you want, we can eat the pancakes together." he replies and I nod. 

Habang hawak-hawak nito ang tray sa kabilang kamay, inaalalayan ako nito sa paglalakad palabas ng kwarto.

"Wait, wait, so boy A and boy B have an affair going on but boy A is cousins with B's last fling?" Takang tanong ni Mile sa akin,

Agad akong napa-iling, "Hindi, baliktad, si boy B ang pinsan nung last fling ni boy A." Pagtatama ko rito at utay-utay itong tumango.

"Tapos? Si boy... A ang lumalabas na cheater?" tanong nito at tumango ako.

"Tama! Tama ka diyan!" Puri ko rito bago uminom ng kape.

"Grabe, ilang issues ang meron sa company niyo?" tanong nito na ikinahagalpak ko ng tawa.

"Hindi pa yun lahat, marami pa, hindi ko lang alam ang buong kwento ng iba." ani ko at tumango ito.

Kanina pa dapat ako tapos kumain. Kung hindi ko lang kinekwento sa kaniya lahat ng pinagkwentuhan namin kagabi sa inuman ay hindi ako matatagalan.

"Ang saya talaga kagabi! Ang chaotic nila! Si Jes ang pinakamaingay sa kanilang lahat! Nanghahalik pa!" Humagalpak ako ng tawa, halos maluha-luha ako nang ma-alala ang mga pangyayari kagabi.

Pagmulat ko ay nakita ko si Mile na tahimik na sumisimsim ng kape niya, "You should meet Jes sometimes, masaya siyang kasama. Nag-offer pa nga siyang ihatid ako kagabi pero sabi ko magpapasundo ako sa asawa ko." ani ko rito at doon ay bahagya siyang napangisi.

"Damn right, next time, tell them na susunduin ka ng asawa mo." ani nito at napahagikhik ako bago tumango.

Pagkatapos mag-almusal ay naupo lang ako sa sofa habang nanonood. Sinubukan ko pang tulungan si Mile sa paglilinis ng condo pero binuhat lang ako nito at ibinalik sa sofa, may ice cream pang kasama.

Kasunod na araw ay naging tampulan ako ng kantyaw lalo pa nang sinabi ko na asawa ko mismo ang hindi nagpapasok sa akin. Niloloko ako ni Jes na baka imbes daw na magpahinga ay mas lalo akong pinagod.

Sa bawat paglipas ng araw ay mas palamig nang palamig ang simoy ng hangin. Gabi-gabi ko tuloy nilalabanan ang init ng kalamanan ko lalo pa't nitong mga nakaraan ay nade-delay nanaman ang dalaw ko.

Maagang nawala sa opisina ang mga katrabaho ko, maaga silang nagfile ng leave. Iilan-ilan kaming natitira sa opisina, nabawasan pa lalo nang umalis ako ng 24.

Mile and I spent the Christmas eve in Seoul, watching the fireworks and eating street foods. Inabot kami ng alas dos ng madaling araw kakalakad at kakain. Pagdating namin ng hotel ay hindi agad kami nakatulog para magpahindag. Magliliwanag na nang mahiga kami at saka napahinga.

Pagsapit ng hapon ay muli kaming naglibot-libot at bumili ng kung anu-ano. Madalas ko rin kuhaan ng picture si Mile lalo pa at kapag manghang-mangha ito sa mga bagay-bagay na tinitingnan niya.

"This is cute," Nilingon ko si Mile nang may hawakan ito,

"Baby shoes?" tanong nito at utay-utay akong tumango. Nang i-angat niya iyon ay ay lumapit ako sa kaniya at naki-usyoso sa baby shoes.

"For baby girl?" tanong niya at tumango ako, "Cute ba?" tanong ko at tumango siya, "Yes, pero ang liit." ani niya na ikinahagikhik ko. "Baby shoes nga, diba? Siyempre maliit lang 'yan." Natatawa kong sagot sa kaniya, nagparte ang mga labi niya bago tumango.

Ilang segundo niya itong pinagmasdan, at sa ilang segundo na yun, sa kaniya naman nakatutok ang mga mata ko.

"Gusto mo ba?" Makahulugan kong tanong rito,

Ngumiwi siya nang bahagya, "Well no, kasi hindi naman kasya sa 'kin 'yan." sagot nito na ikinahagalpak ko ng tawa. Kumapit pa ako sa balikat nito para suportahan ang bigat ko, "Hindi-- ang ibig kong sabihin, gusto mo na bang magka-baby?" tanong ko rito at nagparte ang mga labi nito.

"Ahh... I mean... if you want." sagot niya at napakagat ako sa pang-ibaba kong labi.

Pakiramdam ko ay sumabog ang saya sa loob-loob ko. Napanguso ako nang bahagya bago tumango, "Sure ka ha?" tanong o rito at tumango siya,

"If you want to, like I said, it's your body that will go through the changes, I shouldn't be the one deciding." he said and I immediately nod.

"Oo nga, gusto ko rin naman, eh." sagot ko rito at bahagyang namilog ang mata niya.

He slowly nods while putting the baby shoes back on the shelf, "Then... we can start trying." he replied before reaching for my hand to continue shopping.

I stopped taking my birth control for the next days, however, me and Mile haven't done any activities not until New Year's Eve in Tokyo.

We stayed inside our hotel room, ordered some sashimi, noodles and other Japanese foods while watching the fireworks from our hotel balcony.

After few hours, after digesting all the foods we had, that's when the real celebration began.

-------------
A/N: wrote this in the middle of our hell + exam week, at least 15 minutes of writing a day HAHHAHA and nakaraos naman kskskks

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip