Finale





"Seryosong-seryoso ka diyan kuya," Napalingon ako sa gawi ni Yoongi nang magsalita ito mula sa kusina. 

"Yohan mabasag 'yang vase ni tito mo!" Saway nito sa anak na naglilikot, bata eh. 

Napabuntong hininga ako at muling tumingin sa screen ng aking cellphone, "Wala pa rin," Turan ko, naglakad si Yoongi palapit sa akin bago tumabi sa akin. 

"Anong wala pa rin? Ano nag-aabang kaba ng regla mo?" Barumbado nitong tanong kaya agad ko itong siniko, kung wala lang ang anak nito ay baka itinulak ko na siya pababa ng sofa. 

"Si Namjoon, araw-araw yun, tuwing umaga nag me-message sa akin, wala pa hanggang ngayon, alam naman niya na sa ganitong oras wala na akong gawa at libreng-libre na." Malungkot kong turan, narinig kong suminghal si Yoongi sa tabi ko bago muling sumimsim ng tubig. 

"Puyat lang yun," turan ni Yoongi at napakunot ang noo ko bago siya nilingon, "Puyat? Hindi siya nagpupuyat sa ospital, bantay sarado yun ng mga doctor at nurse." sagot ko dito bago pinag-cross ang aking mga braso. Inilapag ni Yoongi ang baso sa center table at pinag-cross din ang kaniyang binti at braso.

"Eh yun na nga ang problema, yung nurse ang binababae." Sinamaan ko ito ng tingin bago napa-irap habang siya ay humahagikhik. 

"Kapag si Hoseok ang nambabae tingnan natin kung makakatawa ka pa." Mapait kong bawi sa kaniya, narinig ko itong suminghal, nang lingunin ko siya ay nakatingin ito sa anak. 

"Mambabae siya eh may anak na kami?" turan nito, nakatitig pa rin sa anak. 

Napangiwi ang labi ko, "Baka nakakalimot ka na... sperm ni Hoseok at egg cell ng babae ang bumuo kay Yohan. Technically, anak yan ni Hoseok sa ibang babae." Panggugulo ko sa isip nito. Alam ko naman na kapag nagpa surrogate ay wala nang papel sa buhay ng bata ang ina lalo na at sumang-ayon ito sa usapan noong una palang. 

Saka ako ni lingon ni Yoongi na nakasimangot, "Alam mo kuya ang sama mong ka-bonding! Pumunta nga kami dito para makita ka tapos ganiyan ka naman!" Nakanguso nitong turan bago ako kinurot sa hita habang ako ito nahulog ang panga. 

"Aba! Yoongi! Ikaw ang nagsimula! Asar talo," Pang-aasar ko pa dito, inirapan ako nito bag nilapitan ang anak. 

Buong araw na andito ang mag-ama, si Hoseok kasi ay may inaasikaos sa trabaho kaya naman nag leave na kami ni Yoongi sa trabaho para kumpleto kami nila papa dito. Maski si papa ay hindi matiis na hindi nakikita ang apo sa loob ng isang linggo. 

Kailan kaya ako magkaka-anak? Kailan kaya kami magkaka-anak ni Namjoon? Siguro pagbalik niya ay pwede namin pag-usapan. Sila Hoseok at Yoongi naikasal na, kailan kaya ako? 





Tapos na kaming maghapunan, pina-akyat na ako ni Yoongi at siya na daw ang maghuhugas, mag pahinga na daw ako at may trabaho pa ako bukas. Pero paano ako makakapag-pahinga kung wala pa rin akong balita kay Namjoon. 

"Anong oras na ba sa US ngayon?" Tiningnan ko ang aking world clock upang matingnan ang oras sa kinaroroonan nito. 

"Alas singko ng madaking araw..." turan ko, pero buong araw ay hindi ako nito minessage manlang. 



Nakatulog tuloy ako nang nag-aalala at nagising nang nanlalata. Nabuhayan lang ako ng dugo nang makita si Yohan na hinihintay ako sa ibaba ng hagdan. Nag-drawing daw ito ng family picture nilang mag-anak. Ininggit nanaman ako ng bata. 

Naiwan ko si Yoongi, Yohan at papa sa bahay dahil hanggang ngayon ay naka-leave pa rin si Yoongi dahil walang mag-aalaga kay Yohan. Pagpasok ko ng opisina ay para akong lantang gulay. 

"Jin, may tumatawag sayo," Bahagya akong napa-igtad nang tapikin ni Jisoo ang braso ko at itinuro ang cellphone na nasa lamesa ko lang. Nanlaki ang mata ko nang makita ang pangalan ni Namjoon, agad akong napatayo at sinagot ang tawag. 

"Hello? Namjoon? Kamusta? Hindi ka tumawag kahapon o message manlang, nag-aalala ako sayo." Hawak ng magkabilang kamay ko ang aking cellphone dahil sa pagkasabik na maka-usap siya at kasabay na rin nag pag-aalala. 

[Hello? Jin, I'm fine love, don't worry.] Napalunok ako ng laway nang marinig na nanghihina nag boses niya, parang nanghina siya? Malakas pa siya noong huling usap namin. 

"Nanghihina ka yata? Kamusta? How's your health? How can you be fine when your voice sounds so weak?" I ask, leaning o the counter by our coffee corner. 

Narinig ko itong humagikhik, [Kakagising ko lang, I went into tests yesterday and was prescribed to take a rest, I wasn't able to take a grip on my phone. I'm sorry if I made you worried, but I'm really fine, I promise.] he explained with a soothing and assuring voice. Para akong nabawasan ng maliit na tinik sa dibdib, siguro ay tinik lang ng tinapa pero kahit paano ay nakakagaan pa rin. 

"Sure ka? Okay ka lang talaga?" Tanong ko ulit at muli itong humagikhik, 

[Yes, in fact bukas na ang operation ko, I'm scared, lipad ka dito. I'll buy you the ticket.] Turan nito, parang ang bilis ng sinabi niya at nanlaki ang mata ko. 

"Ano ka ba, kaya mo 'yan! Dito lang ako, sa Pilipinas, hihintayin kita." Malumanay kong turan, 

[Mhmm, I love you,] turan nito at napangisi ako, 

"I love you too," Nakangiti kong turan, [I love you,] pag-uulit niya at mas lumawak ang ngiti ko, 

"I love you--"

[I love you, I love you, I love you. Mahal na mahal kita, Jin. I hope you know how much I love you, no matter what happen, ikaw at ikaw ang mahal ko.] Parang may kung anong sumasak sa dibdib ko at nawala ang ngiti kanina ay malawak sa labi ko. 

Nanikip ang lalamunan ko, "H-Huy... ano ka b-ba! Para k-kang tanga." Mangiyak-ngiyak kong turan, 

[Just reminding you love,] ani niya at umiling ako, 

"Huwag mong ipa-alala, umuwi ka dito sa Pilipinas at sabihin mo sa'kin 'yan." turan ko dito at siya naman ang tuluyang pagtulo na ng mga luha ko. 

[I'll try--]

"Sira, gawin mo!" May halong pagbabanta sa boses ko, kasabay nito ang takot na hindi ko na siya makikita ulit. 

[Okay... I will, I promise.] turan niya ulit at mas mahina na ang boses nito. 

"Sige na, magpahinga kana, tawagan mo ako kung kaya mo. Dito lang ako," turan ko at nag-hum ito bago pinatay ang tawag. Ibinaba ko ang aking cellphone at ipinatong sa counter bago nagtakip ng bibig at saka kumawala ang maiikling hikbi mula sa aking labi. 

Natatakot ako, takot na takot, hindi ko alam kung anong mangyayari sa 'kin kapag hindi siya nakauwi at tuluyan siyang mawala sa kin. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin, hindi ko alam kung ano nang gagawin ko. Paano ko ipapasok sa isip ko at tanggapin na yung lalaking nagmahal sa akin ng totoo at sobra-sobra sa kabila ng mga ginawa ko noon ay kinuha sa akin ng panginoon? Paano ako? 





Hanggang kinabukasan ay tuliro ako, wala akong ibang mapagtanungan lalo na at andito rin naman si Mr. Talavera na pinsan nito. Baka mainis pa ito sa akin kapag magtatanong pa ako sa kaniya. Ang tanging pinagkukunan ko lang naman ng balita ay si Namjoon at siya lang. 

Kahit sa bahay ay napapatulala ako habang nagluluto at kumakain. Mukhang hindi naman iyon napapansin ni papa lalo na hindi ko naman ipinapahalata sa kaniya, ayaw ko naman na mag-alala ang tatay ko. 



"Huy, okay ka lang ba? Kinkabahan ako sayo ha! Baka mangagat kana bigla!"  Hinampas ni Irene ang balikat ko, kahit alam ko na nang-aasar ito ay parang wala akong gana na makipag asaran ngayon. Utay-utay ko siyang tiningala at isang nanghihinang ngiti ang kumawala sa labi ko. 

Ang mapanglait nitong mukha ay agad nanlambot, "Hoy, okay ka lang ba? Anong problema?" nang tanungin niya ako kung okay lang ako ay siyang pagbagsak ng mga luha ko. 

"Hoy! Jin ano ba!?" Agad niya akong dinaluhan ng yakap at maski si Jisoo ay napatakbo sa akin. 

Mahigpit akong niyakap ni Irene habang hinihimas ang likod ko, "Jin ano ba?! Anong nangyari?! Hoy magsalita ka!" Bakas sa boses nito ang pag-aalala, 

"Natatakot ako..." Mahina kong hagulgol, 

"Saan? Saan ka natatakot?!" Delikadesang tanong nito, 

"Wala pa akong balita kay Namjoon, operation day niya ngayon pero wala pa akong balita, mag-gagabi nalang wala pa akong balita sa kaniya. Naiintindihan ko naman na baka bawal pa siyang gumalaw-galaw, pero nag-aalala ako at natatakot ako." Hagulgol ko pa, 

"Jusko ka! Kumalma ka nga! Jisoo tubig!" Nakita ko si Jisoo na tumakbo para kumuha ng tubig habang si Irene ay nanatiling naka-squat upang yakapin ako na naka-upo sa upuan ko. 

"Natatakot ako eh, natatakot ako na baka hindi maging mabuti yung kalalabasan, paano ako kapag kinuha na siya? Anong mangyayari sa akin? Hindi ko kakayanin..." Patuloy ako sa pag-iyak, bahagya akong inilayo ni Irene mula sa kaniya para punasan ang luha ko at ini-abot naman sa akin ni Jisoo ang baso ng tubig. 

"Kakayanin niya yun! Ano ka ba! Wala ka bang tiwala sa jowa mo na yun? Jusko, ilang taon na kayong dalawa, staying strong kayo! Parehas kayong malakas Jin, ano ka ba naman! Kumalma ka! Galing operasyon, siyempre tulog pa yun, kalma, huminga ka." Gaya ng sinabi niya ay huminga ako ng malalalim bago uminom ng tubig. Pinupunasan ako ng towel ni Irene habang pinapaypayan naman ako ni Jisoo upang mawala ang mga pawis ko. 



Lumipas ang dalawang araw, gusto ko na talagang magtanong sa boss ko, pero mukhang wala naman itong masyadong alam lalo na at mga magulang nito ang nag-aasikaso kay Namjooon sa US. Lagi ko lang sinasabi sa sarili ko na normal lang sa taong bagong opera ang hindi makapag cellphone. 

Sabado na ngayon, sabi ko kay papa ay hindi muna ako makakapagluto kaya oorder nalang kami sa labas. Alas nuebe ng umaga, nanonood ako ng palabas sa TV nang mag ring ang cellphone ko. Para akong nabuhayan ng sistema kahit pag ring lang, nagbabakasakali na siya na ito. 



"Hello?" 

[Love... 6 more years with you...] 

Agad nag-unahan ang mga luha sa pisnge ko, para akong may mga kwitis at paputok sa kawatan at animo'y nagdiwag ang bawat lamang-loob ko nang marinig ko ang kaniyang sinabi. 

[I can't believe it... fuck, my last six years, lets spend it together.] ani niya na maski siya ay nanginginig na ang boses. 

"Salamat.... salamat sa lahat! Namjoon buhay ka!!" Napahagulgol ako, nakita ko si papa na nagkanda-takbo pababa ng hagdan, nanlaki ang mata nito nang makita akong nakalupasay sa carpet. 

"Jin! Anong nangyari!?" Sigaw ni papa, 

[Papakasalan ko na ang anak niyo tito...] bulong ni Namjoon sa tawag, napatayo ako at niyakap si papa, 

"Buhay si Namjoon pa! Buhay siya!" Umiiyak kong tura sa balikat ni papa, 

"Huh?! Bakit? May taning na pala buhay niya?" Naguguluhan na tanong ni papa, nang kumalas ako sa yakap ay pabiro ko itong hinampas sa balikat. 



"I'll see you in six months," 

[See you in six months,]









"Hello? Yes, andito na ako sa airport. Nakababa na ako ng eroplano siyempre, saan nga ulit kita kikitaain?" Turan ko habang naglalakad sa loob ng airport, kakauha ko lang ng maleta ko matapos kong makababa ng eroplano. 

Narinig ko itong humagikhik mula sa kabilang linya, [Sa Starbucks, Central Ave, I'll see you there.] ani niya at tumango ako, 

"Sige, I'll--"

[AH! Hey!! Give me back my phone!! AHH!---]

Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ang mga sigaw ni Namjoon sa kabilang linya at ang mga pagdaing nito matapos ang mga pagsuntok na tunog bago namatay ang tawag. Nanlaki ang mata ko at mabilis na tumakbo palabas ng airport habang sinusubukan na tawagan si Namjoon, pero hindi na ito sumasagot. 

Nagsimulang manginig ang mga luha ko nang hindi ito sumasagot, may taxi na tumigil sa harap ko at agad kong sinabi ang Starbucks at Central Ave na sinabi ni Namjoon. Patuloy ang pagtulo ng mga luha sa pisnge ko habang nasa biyahe. Kalaunan ay tumigil ang taxi sa harap ng isang Starbucks, nagbayad ako ng 50 dollars bill na nasa bulsa ko at agad lumaba sng taxi pero walang katao-tao sa labas. Umikot ang paningin ko, nanlalabo ang nakikita dahil sa mga luha na nasa mata. 

Paulit-ulit kong sinusubukan na tawagan si Namjoon pero wala, hanggang sa may tumigil na itim na sasakyan sa harap ko at nang bumaba ang bintana ay bumungad sa akin ang boss ko, si Taehyung. 

"Hop in! Nadala na sa bahay si Namjoon, he's getting treated by the family doctor!" Bakas sa boses nito ang pagkataranta kaya maski ako ay nataranta at agad napasakay sa sasakyan niya. 



"Anong nangyari? Kausap ko lang siya kanina eh! Anong nangyari!?" Sumisigaw kong turan sa sasakyan, 



"Na holdap siya,  plus he got stabbed twice on his side, gladly somoene pass by and knows him so they called us." Paliwanag nito at nanlaki ang mata ko, 

"Dalawang beses?! Eh bakit sa bahay? Dapat sa ospital!" Sigaw ko, 

"Jin calm down, we have a family doctor, he'll be treated well kapag nasa bahay siya. And will you please stop shouting? Mababangga tayo." 

Tahimik akong umiyak hanggang sa tumigil kami sa harap ng isang malaking bahay, agad akong bumaba ng sasakyan at tumakbo papasok kahit hindi ko alam kung saan pupunta. Pero nang makita ko ang kumpol ng mga tao sa isnag silid ay agad ako doong pumasok. 

Parang nawalan ng lakas ang tuhod ko nang makita siya na nakahiga, may mga wire na nakakabit sa kaniya at pikit ang mga mata nito. 

Hindi nga ako sumama sayo noong inoperahan ka dahil ayaw kitang makita na nakaratay sa hospital bed, pero andito ka naman ngayon, magkikita palang ulit tayo pero parang kukunin kana sa akin. 

"Jin, hijo, ikaw pala ang sinasabi ni Namjoon sa amin." turan ng isang babae na sa aking sapantaha ay ang magulang ni Taehyung. 

"Come here, we will give you time alone." Turan nito at nanghihina akong tumango bago sila lumabas, nang kami nalang ni Namjoon ang nasa kwarto ay doon nag-unahan ang mga luha ko at utay-utay akong naglakad papalapit sa kaniyang kama at napaluhod sa sahig. 

"Huwag naman ganito, kalahating taon kitang hindi nakita. Kalahating taon kong tiniis na hindi ka makita dahil ayaw kitang makitang nahihirapan, maski ako nahihirapan. Bakit naman ganito? Kakadating ko lang oh, baka ako ang nagdadala ng disgrasya sayo?" Nang pumasok ang isipin na iyon sa aking utak ay natigilan ako. 

I slowly reach for his hand that is covered in wires, "Years ago... when we met each other, that's the time when your heart started failing again... and now, because of me, napunta ka nanaman sa kapahamakan. Tadhana na ba ang nagsasabi na... dapat na tayong maghiwalay?" Utay-utay akong lumapit sa kamay niya at doon ay humagulgol. Baka naman ganun talaga? Baka iyon ang tadhana naming dalawa? Ang magkita at magkakilala pero hindi ang maging para sa isa't-isa? What if this whole time we were meant to make memories but not last for centuries? 



"Tadhana my ass, nothing can tell us what to do, Jin." Agad akong napa-angat ng tingin at napatayo mula sa pagkakaluhod nang makita ang mulat at nakangising si Namjoon. 

"Sandali tatawagin ko yung dokto--"

Akmang aalis ako nang higitin ako nito pabalik dahilan para mawalan ako ng balanse at mahulog sa ibabaw niya. 

"Namjoon yung sugat mo!" Dali-dali akong tumayo dahil baka matuunan ko ang saksak niya. 

Bigla itong humaglapak ng tawa na siyang ikinapagtaka ko, "There's no wound Jin, walang sugat, walang saksak." ani niya at napakunot ang noo ko, "Huh?" 

Muli itong ngumisi, "Walang naholdap, all of this... is a prank that was my idea, kasabwat lang lahat, si Taehyung, si tita and tito, the doctors--- aray! Jin! Ang sakit!!" Pinaulanan ko siya ng hampas sa kaniyang braso, sinasangga niya ito gamit ang kamay niya, ang mag wires na nakakabit sa kaniya ay nalaglag na pero ang mag monitors ay buhay pa rin, pati yun props lang!? 

"Sira ka! Paano kung ako yung na aksidente?! Paano kung nagtatakbo ako sa gitna ng kalsada!" sigaw ko sa kaniya habang hinahampas siya, humagalpak ito ng tawa habang sinasangga ang mga hampas ko. Nagulat ako nang bigla ako nitong yapusin mula sa likod at isinampa sa kama. 

"Then hindi ko mapapatawad ang sarili ko," bulong niya sa tainga ko, 

"I miss you so much, Jin, so much. 6 months felt like an eternity when you're not with me." He softly said behind my ears, the different kind of shiver, warmth and comfort once again entered my body. 

Nilingon ko siya at sinapo ang magkabila niyang pisnge, "Hindi na ako mawawala sa tabi mo, hindi na. Kahit ako, hindi mapakali sa anim na buwan na 'yon." Malumanay kong turan, ngumisi ito bago magnakaw ng halik. 

"And we will now spend 6 years together, ikaw at ikaw lang ang magiging laman ng puso ko, until my last breath, until the last song I make, ikaw ang magiging laman ng lahat." 

-the end-

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip