Four


Sa bawat oras na lumilipas ay napapansin ko na may kakaibang nangyayari sa kapatid ko. Ano kayang problema nito? Financial ba? Pwede ko naman siyang pahiramin kung medyo nagigipit siya. Love life? Maaari. At alam kong si Hoseok ang nasa isip nito. Kahit matagal kaming nagkalayo ay hindi mawawala ang kakayanan ko na pakiramdaman ang kapatid ko. Nagagawa ko pa rin na mabasa ang utak niya at malaman kung ano ang gumagambala sa kaniya. 

 "Ano na? Anong meron kay Hoseok?" tanong ko dito habang hawak-hawak ang bote ng beer. 

"Siya at yung girlfriend niya... masyadong... gustong-gusto sila ng taong bayan. Hindi na sila mapaghihiwalay, lagi silang magakasama, date dito, date doon. News article dito, news article doon, wala nang makakapagpahiwalay sa kanila." sagot nito at napasaltik ako ng dila. Sinasabi na nga ba, madalas ko rin makita ang ga picture ni Hoseok at ng showbiz girlfriend niya. 

"Hindi ba... gusto ka niyang makita noon? Nagkausap ba kayo? Baka may sasabihin sayo na importante." ani ko dito, nagbabakasakali na magkausap silang dalawa. 

"Kasama niya yung girlfriend niya noong araw na yon kuya. Ayaw ko siyang makita o maka-usap." sagot nito, 

"Malay mo... hindi pala totoo na dating sila. Ganiyan naman talaga sa showbiz diba?" tanong ko dito, madalas iyong nangyayari sa showbiz. Para sa pag-angat ng isa o dalawang artista ay kailangan nilang gumawa ng magiging usap-usapan sa kanila. 

Napailing si Yoongi, "Yung mga picture nila, parang ang saya-saya nila kuya. Malabo na hindi totoo yun." sagot nito at dama ko ang lungkot sa boses ng kapatid ko. 

"Eh kung ganon... kailangan mo nang mag move on. At... subukan ng bagong mamahalin?" Suggestion ko, nagbabakasakali ako na magka-ayos sila. Alam ko na gusto talaga ng kapatid ko si Hoseok pero kung nasasaktan siya, baka kailangan niyang isangtabi ang nararamdaman niya. 




Kinabukasan, pagakahatid ko kay Yoongi at nag log-in ako sa biometrics ay agad din akong dumiretso sa condominium building ni Namjoon. 

"Hello? Pa-akyat na ako, nasa unit ka ba?" Tanong ko dito, 

[Uh, yes, I am, sorry just woke up.] sagot niya sa malalim at garalgal na boses. Napalunok ako ng laway bago nag hum at pinatay na ang tawag. Hindi ko naman alam na ganon pala ka attractive ang boses niya. 

Pagdating ko sa tapat ng pinto ay agad kong pinindot ang doorbell, "Namjoon, si Jin 'to." tawag ko, nakarinig ako ng ilang ingay mula sa loob bago bumukas ang pinto kung saan tumambad sa akin ang hubad na katawan ni Namjoon at tanging shorts lang ang suot nito. 

Naramdaman ko agad na uminit ang aking mga pisnge, "O-Oy--" saktong sasabihan ko siya na magbihis muna nang hawakan niya ako sa kamay at hinigit paloob. Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kaniya na isinara ang pinto at ini-lock ito. 


"I'll just get change then we can proceed on our agenda today." ani niya habang naglalakad papunta sa kaniyang kwarto. 

"N-Nag almusal ka na ba?" tanong ko dito, tumigil siya sa paglalakad bago ako nilingon at umiling. 

"Not yet," maikli niyang sgaot bago pumasok na ng kaniyang kwarto at isinara ang pinto. 

Napatingin ako sa gawi ng kaniyang kusina kung saan bagong-bago na ang istura nito. Tapos na kasi ang pag-aayos ng kaniyang condo, pagpipintura at pag-aayos ng ibang furniture. Hindi ko alam kung ano ang magiging agenda namin today. 

Naglakad ako sa gawi ng kaniyang kusina at binuksan ang ref kung saan nakita ang mga pagkain dito. Sliced bread, itlog, kamatis, pepperoni, cheese at tirang sisig. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago inilabas ang mga ito at pinakialaman na ang kaniyang mga gamit. Nagprito ako ng itlog na may kamatis at sibuyas at kasabay nito ang pag-iinit ko sa sisig. Ang mga pepperoni ay niluto ko pagkatapos ng itlog ay nag toast na ako ng tinapay. Sakto na pagkatapos kong ihain sa lamesa ang mga niluto ko ay saktong paglabas ni Namjoon sa kaniyang kwarto na nakasuot ng shorts at itim an t-shirt, may dala itong maliit na bag at ang kaniyang cellphone. 

"Kumain ka muna, alas nuebe na ng umaga." ani ko dito bago siya ipinaghigit ng bangko at tinapik ang sandalan nito. 

He have this confused expression printed on his face as he walk towards me and sit down on the chair. I sat across him and watch him examine the foods. 

"Why? May problema ba?" tanong ko dito, he then look up at me and smiled, "Did you seriously cooked these for me?" tanong niya at utay-utay akong tumango. 

Napahagikhik ito, "Wow, this is the first time someone cooked for me. I don't know how to cook so I always end up with take outs and deliveries." he said before picking up a toast and putting egg omellete on top. 

"Seryoso ba? Hindi yun healthy, lalo na at may sakit ka sa puso." ani ko at nag-angat siya ng tingin sa akin. 

"Don't pity on me because of my disease. That's why I don't like telling people about my condition because I know they would end up like that. Treat me like I am a normal person too, with a healthy condition." ani niya at utay-utay akong napatango. 

"Ah... sige, sabi mo eh." ani ko bago patuloy siyang pinanood na kumain. He looks like he's enjoying it that he ate 3 toasts, finished the omellete and almost finish the sisig and pepperoni too. 

"Hmm, you pala, bakit hindi ka kumakain?" he ask, 

I shook my head, "Kumain na ako sa bahay." I said and he nods. When he's done eating, we both put away the dishes he used and he put them in the dishwasher saying he will wash it later. 

"Anong agenda natin today?" I ask him when we are done cleaning the table. 

"Mhmm, come with me sa mall. I'll buy new decorations." he said and I just nod. We soon left his unit and took my car to the nearest mall. 

We immediately went to the home decors and I'm surprised that he knows what he wants. Mostly my clients who ask me to come with them to shop for the decorations don't know what they want. But him, he knows what he wants but he ask me when it comes on the color palette. 

"Where are you even gonna put all of these? Parang ang dami naman yata." ani ko sa kaniya habang nagbabayad na siya. Narinig ko siyang humagikhik bago kinuha ang black card niya mula sa kaniyang wallet. 

"In my music studio sa kumpanya." sagot niya at napakunot ang noo ko. Hindi na muna ako nagtanong pa at tinulungan nalang siya na dalhin ang mga pinamili sa sasakyan bago muling pumasok ng mall at pumunta naman sa appliances. Kaunti lang ang binili namin dito. Bagong rice cooker, microwave at blender. 

"Would you teach me how to cook?" Natigilan ako nang bigla niya akong tanungin nito habang naglalakad kami sa loob ng appliance store. 

"Huh? Hindi naman ako magaling magluto." ani ko at muli siyang humagikhik. 

"But you know how to cook, so maybe you can teach me simple once." he said before glancing at me and giving me a smile. Wala akong ibang nagawa kundi ang tumango nalang. 

Bigla siyang naglagay ng mga pans and pots sa cart, mga sandok at kutsilyo.

"Huy, maayos pa naman yung mag gamit mo sa condo mo." Pigil ko dito. 

"But if you're gonna teach me, I want to use new once." ani nito at napatawa nalang ako bago umiling. 

Naglalakad-lakad pa kami nang biglang may saleslady na nagsalita, "Good morning mga sir, bili na po kayo ng air defuser + humidifier para mahimbing nag tulog niyong dalawa at makapag pahinga kayong dalawa ng mabuti sa bedroom niyo." nakangiti niyang turan, nanlaki ang mata ko nang mapagtanto na inaakala niyang mag-boyfriend kami ni Namjoon. 

"Ay hindi--"

"Sure, we'll take one, my boyfriend have been stressed on his work, he needs a good sleep." Putol ni Namjoon, lalong nanlaki ang mata ko at napatingin sa kaniya. Pero siya itong nginitian lang ako bago inilagay ang kahon ng humidifier sa cart. 

Matapos ang ilang minuto pa na paglalakad sa appliance store ay napagdesisyunan na niya an magbayad na at pagkatapos nito ay dinala ulit namin sa sasakyan ang mga pinamili bago siya nangakit na magtanghalian na. 


"Here's your Ramen, and here's my katsudon." Namjoon placed down the tray that contains our orders. He placed the bowl of ramen in front of me and place his plate in front of him before handing a waiter the tray. 

"May I ask you a question?" tanong ko dito habang kumakain kami. 

"Sure, what is it?" he replied, 

"You... are a music producer, right?" tanong ko at nag-angat siya ng tingin bago tumango. 

"Yes, I work as Hoseok Quijano's music producer at my uncles agency." sagot niya at tumango ako, 

"What course did you finished?" tanong ko ulit, "Well... I was studying to be a psychologist, but after 4 years... I got tired of studying." sagot niya at utay-utay akong tumango. 

"I'll take over at my dad's company soon, if I wanted to, my future is secured with all the money my parents saved for me. The only thing that isn't sure is... if I will live that long." Dagdag niya at napakagat ako sa pang-ibaba kong labi. 

"What else are your dreams?" tanong ko bago sumubo ng pagkain ko. 

Bahagya siyang humagikhik, "A dad, I wanted to be dad. Be married to someone I love, be good parents, better than mine." Medyo humina ang boses niya at naramdaman ko ang lungkot dito. 

"How about you? Is being an interior designer really your dream?" tanong niya at tumango ako, "Sobra, lumaki ako sa bahay na halos... walang kabuhay-buhay, kaya bata palang ako pinaplano ko na kung ano ang magiging histura nng pangarap ko an bahay para sa amin. Pero... minsan pinangarap ko rin na maging chef." Pag-amin ko, 

"Kaso... wala eh, naisip ko na mas magiging malaki ang kikitain ko kapag nag interior designer ako lalo na kung makakapasok agad ako sa isnag kumpanya. Kung chef kasi... baka ang uwi ko ay mag karinderya ako." Dagdag ko pa at napabuntong hininga. 

"Well... gusto mo bang mag-aral ulit? To be a chef?" tanong niya at umiling ako, "Huwag na, sagabal pa yun sa trabaho ko." sagot ko at tumango siya. Matapos iyon ay natahimik na kaming dalawa at nagpatuloy sa pagkain at pagkatapos ay umalis na rin kami ng mall. Inihatid ko siya sa kaniyang condo at ibinaba ang mga pinamili. 

"Can you send me sa kumpanya namin?" tanong niya nang matapos namin na ilapag ang mga pinamili. 

"Sige ba," sagot ko at tumango siya bago may kinuha sa kwarto niya at lumabas na kami ng condo niya at muling sumakay ng sasakyan at inihatid ko siya sa kanilang kumpanya. 

"Can you help me decorate my place tomorrow?" tanong niya nang lumabas ng sasakyan. 

Tumango ako at ngumiti, "Sure, no problem." ani ko at tumango siya bago nagpaalam na at ako naman ay bumalik na sa kumpanya namin. 

Bandang hapon at akma akong nag-aayos ng mga gamit ko nang mag message sa akin si Namjoon at nagtatanong kung ano ba ang mga dapat niyang ipamili sa grocery. Napatawa ako at  muling napa-upo sa aking bangko bago naglista ng mga dapat na laman ng kaniyang ref. Ilang minuto pa ang ginugol ko doon bago ito isend sa kaniya at saka ako naka-alis. 


Kinabukasan, gaya ng aming napag-usapan ni Namjoon ay pumunta ako sa kaniyang condo. Nagulat ako nang may lutong hotdog at tocino sa lamesa na medyo... sunog. 

"I tried, okay? Kaso talagang dumidikit yung tocino eh." eh niya habang kumakain kami. 

Napatawa ako ng bahagya bago umiling, "Okay lang 'yan, mabuti yan kaysa sa take out ka nanaman. Kaso processed food siya kaya hindi pa rin gaano ka healthy. Next time turuan kita na gumawa ng tapa, para rin siyang tocino pero homemade." ani ko at tumango siya. 

"Sure sure, I'm excited for that." ani niya at napangiti ako. Matapos namin na kumain ay inilagay na niya ang mga pinggan sa dishwasher at binuhay ito at saka kami nagsimula na maglagay ng mga decorations sa bahay niya. Mga bagong kurtina, punda at kumot, mga paintings at figurines. 

Iyong air defuser rin niya na binili ay nakabuhay na kaya naman ang bango na ng unit niya. 11AM nang matapos kami at napa-upo na ako sa sofa na bahagyang naghihingalo. 

"Here, cookies?" Napalingon ako sa kaniya na inaalok ako ng cookies. Umupo siya sa tabi ko bago binuksan ang cookies at kumuha ako ng isang piraso. 

"On a rate of 1-10, gaano ka kapagod?" tanong niya habang ngumunguya ng cookies. Bahagya akong napatawa bago bumuntong hininga, "Eight," sagot ko at tumango siya. 

Napakunot ang noo ko dahil wala na siyang sinabi matapos iyon kaya napalingon ako sa kaniya, "Don't tell me balak mo pang mag sex." ani ko at bigla siyang nasamid sa kaniyang kinakain. 

"What? No! I know you're tired so why would I ask you for that?" tanong niya at nagkibit balikat ako. 

"Awan, baka lang gusto mo. That's what fuck buddies do." ani ko bago muling kumuha ng piraso. 

"Yeah, I wish we can be more than that though." ani niya bago ako nilingon, "I think we would make a great couple." ani niya at napatawa ako. 

"Baka mandiri ka sa akin kapag nalaman mo kung ano ang ginawa ko noon sa Singapore para lang magkapera." ani ko at napakunot ang noo niya. 

"What? Tell me," ani niya bago iniharap ang katawan niya sa akin. 

Umiling ako, "Mandidiri ka--"

"Would never, I want to know, please? If... if okay lang naman. But if you just think na mandidiri ako kaya ayaw mo sabihin, you're wrong." Putol niya at napabuntong hininga ako bago kumagat sa cookies at hinarap din siya. Itinukod niya ang kaniyang siko sa sofa at ang knaiyang ulo sa kaniyang kamay. 

Huminga ako ng malalim, "I was once a... prostitute in Singapore. Those time... walang-wala ako. wala akong maipadala kila papa, wala akong makain, I can only pay for my rent at yun lang. It was only for three times. It was... with multiple men. Around 3-4 men at the same time, kaya diring-diri ako sa sarili ko pero iniisip ko na para yun kila papa. I was... I was that dirty. At hanggang ngayon iniisip ko na ganon pa rin ako kadumi, na... na baka wala nang tao na  magmamahal sa akin, babae man o lalaki dahil ganun ako kaduming tao. Na isa akong bayaran at katumbas lang ako ng pera na humihigit ng---"

"Hey, hey, Jin, calm down." Napahinga ako ng malalim bago tuluyang umiyak sa balikat ni Namjoon nang yakapin ako nito. 

"Ang dumi-dumi kong tao, Namjoon. Ngayon alam mo na kung gaano ako kadumi--"

"You're not, you did what you thought was right on that moment. Gusto mo lang makatulong." Putol niya, 

"Hindi ko magawang sabihin sa kahit sino dahil nahihiya ako sa kung ano ang sasabihin nila sa akin. At ngayon... alam kong iniisip mo na madumi akong tao. Naiintindihan ko kung... kung ayaw mo na akong makita, pero please huwag mo lang ipagkalat yung sikreto ko." Pagmamaka-awa ko sa kaniya. Mahigpit ang kapit sa balikat habang ang mga luha ay patuloy na umaagos. Takot na baka ipagkalat niya ang sikreto ko na alam kong sisira sa buong pagkatao ko. 

"Shhh~ shh~ I won't love, I won't. Stop crying, please." He softly said beside my ears as he caress my back. 

"Hindi ako nandidiri sayo. I am more likely amazed on you. You're so brave, love. You're not dirty, you're not a whore, you're not a slut. You don't even deserve to be hated, you deserve to be loved." ani nito sa tainga ko. 

"Don't think that no one will ever love you. Cause you deserve it, love and care, respect and everything." Dagdag pa niya habang patuloy ang pag hagod sa likod ko. 

Utay-utay akong kumalas sa yakap niya at siya itong pinunasan ang aking pisnge, "Knowing how brave you are makes me want to love you more." 

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip