Seven

"Hoy! Anong trip mo at may naka file ka na leave ng isang linggo?" Nagulat ako nang bigla akong hampasin ni Irene sa balikat ng bond paper. 

Napakunot ang noo ko at saka siya nilingon, "Umagang-umaga nanakit ka, ano bang problema mo?" tanong ko dito at inirapan ako nito. 

"Yung leave mo, isang linggo, saan ka naman pupunta?" tanong ulit nito, napabuntong hininga ako bago napangiti. 

"Ah, isasama ako sa Siargao ng manliligaw ko." sagot ko rito at biglang nanlaki ang mata nito at napanganga. 

"WOW HA! Naka jackpot ka naman yata sa manliligaw mo!" ani nito bago ulit ako hinampas sa balikat ng bondpaper, impaktita talaga. 

"Pinsan ni Mr. Talavera." sagot ko dito at napakunot ang noo nito. 

"Huh? May pinsan pala siya, hindi ko naman alam." sagot nito at napahagikhik nalang ako at umiling bago muling hinarap ang aking computer. 

Friday na ngayon at bukas na ang alis namin ni Namjoon, si papa ay sa Lunes pa ang alis pero ang sabi nito ay kaya naman daw niya na mag-isa sa bahay. Noong una ay medyo kinakabahan pa ako at nag-aalinlangan na iwan siya pero ang sabi nito ay magiging okay lang siya. 

Pagsapit ng lunch break ay sakto na natapos din ang trabaho na gusto kong tapusin. Bumaba na ako sa cafeteria at doon ay kumain. Habang payapa na kumakain ay pumasok sa isip ko si Yoongi na siyang tinawagan ko para kamustahin. 

[Hello kuya?] Sagot nito na animo'y hagas. 

"Oh, bakit parang galit ka?" Pagbibiro ko dito, 

[Haha, hindi! Stress lang.] sagot niya at tumango ako. 

"Kamusta ka diyan?" tanong ko bago bahagyang itinuktok ang kutsara ko sa pinggan. 

[Ito, buhay pa, buo pa man, dalawa pa rin ang itlog ko.] sagot nito at bigla akong nasamid ng laway. 

"Sira ka! Kumakain ako!" Tirada ko dito, humaglpak ito ng tawa at sumubo naman ako ng pagkain. 

[Ay sorry sorry, stressing lang talaga dito, pero kinakaya ko naman.] sagot niya at nag-hum ako. 

"Oh sige, ingat ka diyan, kinamusta lang kita." turan ko, 

[Sige sige, ingat ka rin, kuya. Ingat ka sa Siargao mo tapos si papa pa-alalahan mo na mag-ingat din.] ani niya at muli akong nag-hum bago pinatay ang tawag at nagpatuloy sa pagkain. 

Buong hapon ay nagpaka busy nanaman ako sa trabaho. Kailan ba ako namahinga? Mabuti nga at pumayag si sir sa isang linggo ko na leave. Madalang daw naman kasi ako mag day-off at paminsan-minsan ay nago-overtime rin. Deserve ko pa nga daw ang Siargao eh. 

Palabas na ako ng kumpanya nang napagdesisyunan ko na tawagan si Namjoon, ano kayang ginagawa nito ngayon?

[Hey, what's up?] ani nito nang sagutin ang tawag, "Ahm, kamusta? Gusto mo ba na pumunta ako diyan sa condo mo?" tanong ko dito habang naglalakad, 

[I'm not in my condo right now, andito ako sa bahay, I'm working on my parent's business.] sagot niya at utay-utay akong tumango. 

"Sige, mag-iimpake na rin ako mamaya." ani ko at nag-hum ito. 

[Yes yes, I'll call you later if magkikita nalang tayo o susunduin kita.] ani niya at nahulog ang panga ko, 

"H-Ha? Hindi na kailangan---"

[Pero gusto ko, tsaka... I hope I get to meet tito, kahit you introduce me as a friend muna.] Putol nito, naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang pag-init ng pisnge ko. 

"O-Okay, sige, message mo nalang ako." ani ko at nag-hum ito. 

[I will, bye, ingat sa pagmamaneho.] ani nito at nag-hum ako bago pinatay ang tawag. 

Lumabas na ako ng kumpanya at sumakay ng aking sasakyan at nagmaneho pauwi. Pagkadating ko ay nagpalit muna ako ng damit dahil naiinitan na ako sa suot ko na polo bago naghanda na ng hapunan namin ni papa. 

"Anong oras ang alis mo bukas?" tanong ni papa habang naghihiwa ako ng sibuyas. 

"Mamaya pa po sasabihin ng kasama--" Bigla akong natigilan sa pagsasalita nang mapagtanto na nasabi ko may kasama ako. Ang alam ni papa ay mag-isa lang ako na pupunta. 

"Hep, hep, may kasama ka pala, di mo naman sinabi!" Biglang humaglapak ng tawa si papa at ako itong napangiwi. 

"Ano pa... kaibigan lang." sagot ko bago nagpatuloy sa paghihiwa. 

"Ay, sayang naman, babae o lalaki?" tanong nito,

Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi, "Lalaki po," sagot ko ulit, 

"Ay, sayang nga." ani nito at napakunot ang noo ko bago nilingon si papa, 

"Bakit naman sayang, pa?" tanong ko dito at napabungisngis si papa. 

"Wala naman, bakit kaibigan lang?" tanong nito at nanlaki ang mata ko. 

"Si papa, siyempre kaibigan lang." ani ko at muli itong humaglapak ng tawa bago umiling at lumabas, titingnan nanaman mga halaman niya. 

Nagpatuloy nalang ako sa pagluluto hanggang sa matapos at kumain na kami ni papa. Kagaya ng nakasanayan ay ako na rin ang naghuhugas ng pinagkainan namin. Iilang pinggan kutsara at baso lang naman. 

Nang umakyat na ako ng aking kwarto ay saka ako naglinis ng katawan sa banyo at nagpalit na ng pangtulog. At saka ako nagimpake, isang malaking maleta ang inihanda ko. Yung maleta ko pa na binili sa Singapore. May mag basura pa nga sa loob kaya nilinis ko muna. 

Bandang alas nuebe, naghahahanap nalang ako ng mga kailangan ko pa na dalhin nang biglang tumawag si Namjoon na agad kong sinagot. 

"Hello? Kumain ka na ba?" Agad kong tanong dito, 

Humagikhik ito sa kabilang linya, [Yes, I'm actually eating right now.] sagot niya at tumango ako. 

[I'll pick you up by 6:30AM tomorrow, 7AM ang flight natin.] ani niya at tumango ako. 

"Sige sige, sinabi ko na rin kay papa na may susundo sa akin." ani ko at nag-hum siya. 

[You addressed me as...?] napakagat ako sa pang-ibaba ko na labi. 

"Kaibigan," maikli ko na sagot, nahihiya kasi ako na sabihin sa kaniya iyon dahil alam ko an mas gugustuhin niya na ipakilala ko siya bilang manliligaw ko. 

[That's okay, you sounded down? Anything wrong?] tanong niya at umiling ako, 

"Wala naman, I'm fine, just tired from work." sagot ko at nag hum siya. 

[Okay okay, you should take a rest, maaga ang flight natin. See you tomorrow, goodnight, Jin.] ani nito at tumango ako, 

"See you, goodnight." sagot ko bago pinatay na ang tawag. Tinapos ko na ang pag-iimpake bago namahinga na. 



Kinabukasan ay 4:30am ako ng umaga nagising. Agad akong naligo at isinuot na ang jeans at pink na hoodie na inihanda ko kagabi. Alam ko kasing malamig sa eroplano kaya kailangan ko nang makapal na damit. Pagkatapos ko na ayusin ang aking sarili ay bumaba na ako at naghanda ng almusal. Nagluto ako ng pagkain para sa amin ni papa at naghanda na rin ng pwede namin na baunin ni Namjoon. 

"Anong oras ang alis mo?" Napa-igtad ako nang biglang magsalita si papa sa likod ko. 

"Alas siyete po ako susunduin ng kasama ko." sagot ko at utay-utay tumango si papa bago naupo sa kaniyang bangko. 

Inilapag ko na ang niluluto kong ham sa harap ni papa, "Kain ka lang diyan pa, ibababa ko lang ang maleta ko." ani ko bago humaripas ng takbo pataas. Pagpasok ko sa kwarto ko ay sinigurado ko na wala akong maiiwan na nakasaksak at wala akong nakalimutan. Isinakbat ko na ang backpack ko at dinampot ang aking cellphone mula sa lamesa nang mapansin na may message dito. 

from Balmores: 

I know it's just 6am, pero I can't wait to see you, pwede bang pumunta na ako diyan? 

Nanlaki ang mata ko at agad binitawan ang handle ng maleta para hawakan ang aking cellphone gamit ang aking magkabilang kamay. 

to Balmores: 

Ha? Ano naman ang gagawin mo dito? 

Pagkasend ko ay napatingin naman ako sa oras, 6:02 palang, ang aga-aga pa. 

from Balmores: 

I don't know, ahm... anything. Makipag kwentuuhan kay tito? 

Napabuntong hininga ako nang mabasa ang sagot nito. 

to Balmores: 

Alam mo, bahala ka ha, kapag hinabol ka ng itak ni papa. 

from Balmores: 

Edi tatakbo.

Napa-iling ako habang tumatawa nang mabasa ang sagot niya, 

to Balmores: 

Tsaka paano ka pupunta dito? 

Kasunod ko na isinend ang aking address. 

from Balmores: 

Taxi... di naman ako maalam magmaneho eh. 

Napasapo ako sa aking noo, oo nga pala, hindi nga pala ito maalam magmaneho. 

to Balmores: 

Sige na,  sige, bilisan mo na. Kakain na kami ng almusal. 

from Balmores: 

Sure sure, see you. 

Napa-iling ako habang nakangiti bago hinawakan ang handle ng maleta ko at bumaba ng ng hagdan at sinaluhan si papa sa pagkain. 

"Baon niyo ba itong mga sandwich?" tanong ni papa habang kumakain kami. Nilingon ko ang mga nakabalot na pagkain sa tabi at tumango. 

"Opo pa, dalawang oras na flight lang pero baka magutom pa rin kami." sagot ko at tumango si papa, maya-maya ay may nag doorbell at agad akong napatayo. 

"Siya na ba 'yan?" tanong ni papa, pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang umalis na taxi habang si Namjoon naman ay kumakaway sa gate. 

"Kumain ka na ba?" tanong ko dito habang naglalakad papunta sa gate at pinagbuksan siya. 

"Nope, not yet, pwede naman sa airport na." sagot niya nang makapasok sa gate, 

Ipinagsara ko siya ng gate, "Sumabay kana sa amin ni papa." ani ko at napatingin siya sa akin na nanlalaki ang mata. 

"Hijo! Halika ka! Pasok ka!" Parehas kaming napalingon ni Namjoon sa gawi ng pinto ng bahay, nakangiti at kumakaway bago kami tinalikuran at naglakad pabalik sa loob. 

Napalingon sa akin si Namjoon, "He's not holding itak right?" tanong niya at umiling ako. 

Pumasok na kami ng bahay at ipinasok ang mga gamit niya sa loob. 

"Ano bang ngalan mo, hijo? Ngayon lang kita nakilala, wala naman kasing ikinwekwento 'yang si Jin na kaibigan niya." ani ni papa nang umupo si Namjoon sa tabi ko at sa harap niya. 

"Ahm... ano po--"

"Kumain ka pala muna, kain ka." Ini-abot ni papa kay Namjoon ang isang pinggan na agad niyang inabot. 

"Marami talagang magluto yan si Jin. Hindi tipid, kahit noong andito pa yung kapatid niya, kilala mo ba 'yon? Si Yoongi? Yung bunso ko?" Dire-diretsong tanong ni papa, napatingin lang ako kay Namjoon na ngumiti. 

"Yes sir, kilala ko po siya." sagot ni Namjoon, 

"Naku, huwag mo na akong tawaging sir, tito nalang." ani ni papa bago sumubo ng kanin. 

"Ano nga ulit ang ngalan mo?" tanong ni papa, 

"Namjoon po, Namjoon Balmores." sagot ni Namjoon at tumango si papa, 

"Ah, Namjoon, katrabaho mo si Jin?" tanong ni papa at umiling si Namjoon, naupo lang talaga ako doon habag pinapanood silang mag-usap. 

"Ah hindi, nagkakilala lang po kami sa... sa isang ice cream shop, kwentuhan, tapos ayun, naging magkaibigan na." ani ni Namjoon bago bahagyang lumingon sa akin na may ngiti sa labi. 

"Ah, palakaibigan pala ang anak ko, pero ikaw lang talaga ang tanging ipinakilala niya sa akin na kaibigan niya. Kagabi nga, noong sinabi na may susundo sa kaniya, akala ko ay karelasyon na niya!" Biglang humaglapak ng tawa si papa at ako itong napakagat sa pang-ibaba kong labi habang si Namjoon ay kumakain na ng sausage. 

"Lalaki po kami parehas," turan ni Namjoon na medyo humina ang boses. 

"Ay naku, kayo talaga, iyan din ang sinabi sa akin ni Jin kagabi. Eh ano naman kung parehas kayong lalaki? Bawal ba?" Nanlaki ang mata ko at si Namjoon naman ay napa-angat ng tingin. 

Biglang bumungisngis si papa, "Sige na, kain lang kayo, baka nahihiya na ang anak ko sa dami kong tanong." ani ni papa bago tumayo na, dala-dala ang kaniyang pinggan. 

"Mag-iingat kayong dalawa sa pupuntahan niyo, nalimutan ko kung saan..." 

"Siargao pa," Sabi ko kay papa, 

Tumawa si papa, "Ay oo nga, kung saan man 'yon, mag-iingat kayo, pakasaya kayong dalawa." ani ni papa bago lumabas, magdidilig ng halaman. Binilisan ko na ang pagkain at nang matapos ay inilagay na sa lababo ang pinagkainan at nag tooth brush. 

"Ang daldal pala ni tito." Turan ni Namjoon habang kinukuha ko ang maleta ko. 

"May pinagmanahan ako, tara na, nasa labas yun." Pag-aaya ko sa kaniya, kinuha na niya ang kaniyang maleta at lumabas na kami kung nasaan si papa at nagdidilig. 

"Pa, alis na po kami." Paalam ko, humarap sa amin si papa habang hawak ang host. 

"Oh sige sige, ingat!" ani nito at kumaway na kami bago lumabas ng gate at lumabas ng subdivision.Paglabas namin ay may taxi agad sa labas kaya naka-alis agad kami. 

"Tito isn't homophobic..." He stated, 

"It must be nice to have him as a father." dagdag niya at tumango ako, "Sobra, napunan niya lahat ng pangangailangan namin." sagot ko, 

"Noon ngang bagong dating ako, akala ko hindi kami magkakasundo kasi mula 13 years old ako, hindi kami nagkasama, bumalik ako 25 na ako, pero hindi man lang nag-iba ang turing niya sa akin, para pa rin akong bata sa paningin niya." Dagdag ko bago siya nilingon at nginitian. 

"Do you think your brother would approve me?" tanong nito at bahagyang naningkit ang mata ko. 

"Mabait yun, masungit lang, judgmental, bugnutin, mukhang mananakit...-"

"Pero mabait?" 

"Pero mabait." ani ko at parehas kaming napahagalpak ng tawa. 

Ilang minuto lang ay dumating na kami sa airport. 6:48am, dumiretso agad kami sa mga dapat puntahan at matapos iyon ay sa departure area na. 

"Sandwich, sausage lang kinain mo." ini-abot ko sa kaniya ang nakabalot na sandwich na agad niyang tinanggap. 

"Thank you," ani nito bago binuksan at kumagat, hinintay namin na tawagin ang aming flight. Saktong naubos na nag kinakain niya nang tawagin ang flight namin at nakasakay na kami sa eroplano. 

Nagulat ako na sa business class pala ang binili niyang ticket, kaya naman komportable na komportable ako sa aking inuupuan. 

"Are you scared?" tanong niya na nasa tabi ko, nilingon ko siya at umiling, "Hindi, bakit ako matatakot? I was 13 when I took my first flight with a stranger that is a staff in the school I got accepted." sagot ko at tumango siya, may demo muna na ginawa ang FA na babae na nasa tabi pa mismo ni Namjoon. Napapatawa ako nang mahuhuli si Namjoon na nakatitig sa FA tapos biglang maglalayo ng tingin na parang napapagtanto niya na nakatitig siya sa FA. 

Matapos iyon ay nag take off na ang eroplano, nakasara ang mga bintana sa loob kaya naman medyo madilim, pero gaya ng aking inaasahan ay malamig dito. Saglit ko na ipinikit ang aking mata hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako nang tapikin ako ni Namjoon sa aking binti. 

"We're here." he softly said, I slowly look around and saw that some passengers are already out of the plane. Tinanggal ko na ang seatbelt ko at kinuha ang gamit ko sa taas at saka kami lumabas ni Namjoon ng eroplano. 

"Here, taxi." Namjoon pointed towards the Taxi drivers waiting for passengers. Medyo tulog pa ako kaya sunod nalang ako nang sunod kay Namjoon hanggang sa makapasok kami ng taxi, may sinabi siya sa driver na address bago sumandal sa bangko at ako naman itong napasandal sa kaniyang balikat. 

"Antok ka pa?" he ask and I slowly nod, eyes closed. 

"Dont worry, the place we are going to stay is ready, you can sleep after we get there." ani nito at tumango ako. Nang imulat ko ang aking mata ay pinanood ko na ang mga dinadaanan namin. Dahil bago ako sa lugar ay namamangha ako sa mga nadadaanan namin. 

Maya-maya ay pumasok kami sa isang malaking gate. Napa-ayos ako ng upo nang ibaba ni Namjoon ang binatan niya. 

"Namjoon Balmores," ani nito, "Ah yes sir, welcome po, tuloy kayo." ani ng staff ng resort at saka dumiretso ang taxi. Nang tumigil ang taxi ay binuksan ko na ang pinto at lumabas ng taxi bago kinuha ang luggage ko sa likod. 

Napanganga ako habang tumitingin sa paligid ng resort, ang ganda!!

"Let's go to our room?" Nilingon ko si Namjoon na nasa likod ko bago siya nginitian at tumango. He lead us to a small house made in woods and palapa, as we enter the inside, I cold air coming from the aircondition immediately welcomed me. 

"There's two beds, one downstairs and one upstairs." he said as he place down his luggage. 

I raised a brow, "We're not gonna share a bed?" I ask, he look at me with a slight surprise printed on his face. 

"Well... we can if you want." he said and I slowly nod before walking towards a door that leads to a bedroom. I place down my luggage and remove my shoes before laying down on the bed. 

"Pwede ba na matulog muna ako?" I ask, the door is opened so I know he can hear me. 

"Sure, but we will eat lunch later. I'll wake you up." sagot nito at tumango nalang ako bago ipinikit na ang aking mata. 

Nagkusa ako na nagising at hindi namamalayan ang presensya ni Namjoon sa loob ng bahay, kumuha muna ako ng pamalit na damit para mas maging presko ang pakiramdam ko. Saktong paglabas ko ng banyo ay siyang paosk ni Namjoon sa bahay. 

"Glad you're awake, let's eat?" he ask, tumango ako bago inilagay sa kwarto ang hinubad ko na damit at sabay kaming lumabas. 

Dinala ako nito sa isang malaking hall kung nasaan ang mga pagkain. 

"You can have anything you want, it's an eat all you can." ani nito at tumango ako, kumuha na ako ng pinggan at nag ikot na. Agad kong pinuntahan ang mga seafoods, lobster at shrimps lang. Napapakagat pa ako sa pang-ibaba kong labi nang ma-alala na allergic nga pala si Namjoon dito. Baka kasi mailang siya na kumakain ako nito, sana ay okay lang sa kaniya. 

Kumuha na rin ako ng mga pasta at iba pang ulam bago bumalik sa lamesa at kasunod ko ay si Namjoon na puro baka at karne ang pinggan. 

"Kumuha ka manlang ng gulay." ani ko bago sumubo ng pasta. 

"It's fine, I'm not really in the mood for veggies right now." ani nito at tumango nalang ako bago kumain. 

"What are your plans?" tanong ko dito nang magpahinga mula sa pagnguya dahil nabubusog na ako. 

"Well, we swim, we go island hopping, we can try the jet ski  if you want, there's also a biking terrane, there's a lot of things we can do." sagot niya at tumango ako. 

"And... there's something special coming." 

- to be continued - 



Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip