LWTPB 03
Pagka-gising ko nag-ayos lang ako at bumaba na. Kinalma ko muna yung maganda kong sarili. Mahirap na. Mga pervert jerks pa naman ang makakaharap ko. Pagkababa ko, naabutan ko naman silang mga kumakain na. Ang sasama. Di man lang ako sinabihan. Tss.
"Oh gising ka na pala." Sabi ni Blake na sitting pretty sa upuan niya.
"Kung hindi ka tanga, malalaman mong gising na nga ako."
"Oy ikaw Saf-Saf, maupo ka na nga. Umagang-umaga nagtataray. Nahiya naman yung gwapo kong mukha sa inyo." Sabi naman ng kumag na si Delta.
"Eww. Saf-saf? Eww. Isa pa, walang kahiya-hiya sayo at hindi ka naman gwapo!"
"Ha. Kung hindi ako gwapo eh ano pala ako?" Ako pa talaga ang tinanong niya? Gusto ata talagang makatikim.
"Ano ka? Impokrito. Letc—"
"Oh kalma, Safara. Kumain ka na lang." singit ni Aidan. Walanghiya!
"Oy Saffyyyy, may itatanong ako sayo." Sabi ni Eises.
"Ano? Siguraduhin mo lang na may sense yan kung hindi, ipapalunok ko sayo 'tong plato ko."
"Oo na. Oo na. hindi ka ba nag wo-worry na baka ikasama ng loob ng parents mo yang ugali mo?" Agad namang napataas ang kilay ko sa tanong niya.
"Worrying is a waste of time. It doesn't change any thing. It messes with your mind and steals your happiness. Gets mo? Maybe, no. Tanga ka eh. And one more thing, my parents are dead already." Natahimik naman silang lima. Tss. What's new?
"Oh wag kayong ngumanga. I don't need your pity." Kalmado kong sabi sa kanila habang kumakain pa din ako. Speechless pa din sila.
"Ano na? Nganga forever? Tss." Mukha naman silang mga natauhan at kumain na din. Bumalik nanaman sila sa ingay-self nila.
"Ehem. Ako may tanong. Ako! Ako!" sabi ni Claye. Masyado siyang alive na alive. Naka-singhot ata ng baygon at katol. But no wonder mukha namang nasa blood line nila ang pagiging abnormal.
"Go on. Basta ba't may sense yan di kagaya mo."
"Itatanong ko lang kung.."
"What?"
"Masyado na ba kong gwapo?" Tanong niya sabay hawak pa sa chin niya na parang nag-iisip. Akala mo talaga may isip ang loko.
"Wag mo ng itanong at wala namang sagot."
"Oy ikaw ha! Nakaka-offend ka ng babae ka!" Sabi niya sabay pout pa. Seriosuly? Akala ba nila natutuwa ako na kasama ko sila? Nakakainis talaga si Lolo. Pwede namang nasa bahay lang ako edi sana hindi ako nai-stress ng sobra!
"Well, I might want to offend you again later." Sabi ko sa kanya sabay ngiti ng napaka-sweet. Natahimik naman na sila. Siguro masyado na nilang hindi ma-take at makeri ang kagandahan kong ubod ng maldita. Kumain lang ako ng kumain hanggang sa isa-isa na silang natapos.
"At dahil ikaw ang nahuli, at dahil inutusan kami ng Lolo mo na patinuin ka, sisimulan na natin ngayon. Kaya naman, ikaw ang maghuhugas ng mga pinggan ngayon." Sabi ni Blake. Bakas ang pang-aasar sa mukha niya. I know, ginagawa nila 'to para pag tripan ako.
"Are you kidding me? Ako, maghuhugas ng mga yan?! No freaking way!" Hysterical kong sabi sa harap nila. Ni-hindi nga ako sanay humawak ng walis tapos maghugas pa ng mga yan?
"Asa ka rin na kami ang maghuhugas niyan. Kahit ata kinder kayang gawin yan."
"Mukha ba kong kinder?"
"Ugaling kinder. Kaya mo yan." Sabi ni Delta sabay tapik pa sa shoulder ko.
"Need help?" Tanong ni Aidan.
"Sure. Ikaw na mag hugas ng mga yan." Diretso kong sabi sa kanya. Aalis na dapat ako pero hinawakan niya ko sa braso.
"Oops. Not so fast, Safara. Kiss mo muna ko." Sabi niya sabay pikit at lapit ng lips niya sakin. Agad ko naman siyang tinulak at humalakhak lang siya.
"Bastos! Manyak! Umalis ka nga sa harap ko bwisit!" Inis kong sabi sa kanya habang umalis siya ng tumatawa. Shit. Anong malay ko sa paghuhugas ng pinggan? Kainis! Halos malusaw na tong mga plato dahil tinititigan ko lang sila. At dahil wala na kong ibang maisip kinuha ko lahat ng pinagkainan namin at pumunta sa trash bin at tinapon lahat ng utensils and such dun. Tapos ang problema. Wala na kong huhugasan. Lumakad naman ako habang naka-chin up sa harap ng limang kumag na busy'ng-busy sa panunuod.
"Tapos ka na mag hugas ng mga pinggan?!" Di makapaniwalang tanong ni Eises.
"No."
"Oh eh ba't nandito ka na? Anong ginawa mo?" –Aidan
"Tinapon sa basurahan yung mga ginamit natin. Simple as that. Bye." Aakyat na sana ako pero bigla akong tinawag ni Aidan. Napahinto agad ako dahil sa tono ng pagtawag niya. Tipong kalmado pero galit.
"Safara."
"What?!"
"Bumalik ka lang dito."
"And pano pag ayoko?" Mataray kong sagot. Asa naman na siya na susunod ako.
"Fine. ayaw mo? Pwes, hindi ka kakain mamaya." WHAT?! Agad naman akong lumapit sa harap ng Aidan na letche na yan!
"Hey you bastard! At anong peg mo? Ang gutumin ako?! Mahiya ka nga sa balat mo! Kumag ka talaga!"
"At ako pa ngayon? Ilang taon ka na ba? 3 years old? Hoy! bente ka na. Edad para masabing sanay ka na maghugas ng pinggan! Parang yun na nga lang ang gagawin mo!" Tumayo na rin siya at tinalakan ako. Aba't ang kumag na'to!
"Eh anong pake mo kung hindi ako sanay? Eh sa mayaman ako eh!"
"Pwes, hindi uubra dito yan. Hindi uubra sakin yang dahilan mo na mayaman ka. Mamili ka. Lilinisin mo 'tong bahay at makakakain ka mamaya o mag wawalk-out ka at hindi ka talaga kakain mamaya! Tignan lang natin kung hanggang san ka." Sinusubukan talaga ako ng hampaslupa na'to!
"Well sorry to inform you pero mas pipiliin ko pang wag ng kumain kesa naman makasabay ko ang isang kumag na kagaya mo! Tse!" Sabi ko sabay walk out. Letcheng kumag yon. Anong feeling niya? Katulong nila ko? Asa sila. Ang ganda ganda at ang yaman-yaman ko tapos magiging maid lang nila?! Frustrated akong nahiga sa kama ng tumunog ang phone ko.
"Oh?" Walang gana kong sagot. Ni hindi ko na tinignan kung sino ba yung natawag. Bahala siyang magpakilala.
[Huhuhu. Friiiieeend! Huhuhuhu]
"Sino ba'to?"
[Safara naman! Ako 'to si Venice!]
"Oh ngayon? Wala akong pake."
[Bwisit ka talaga! Huhuhu. Tulungan mo ko!]
"Wala akong balak mag sayang ng oras sayo."
[Tse! Makinig ka nga muna sakin.]
"Fine. bilisan mo. Sinasayang mo yung maganda kong oras! Letche."
[Eh kasi.. I made a bad decision. Kasi naman BV ako! Huhu. Kaya ayun. Nakagawa tuloy ako ng maling desisyon! Huhuhuhu] Iyak lang siya ng iyak. Buti na lang hindi ko siya nakikita dahil alam kong ang panget niya umiyak. Can this day get any worst? Ano pa? Fight me!
"Just so you know my dear friend, everything happens for a reason. But sometimes the reason is that you're stupid and you make a bad decision." Kalmado kong sabi sa kanya. Pustahan, hindi nanaman niya na-gets yan. Tss.
[And your point is?] Sabi na eh.
"My point is, tanga ka! Bye!" sabi ko sabay end ng call. Wala siyang kwenta. Walang kwenta ang pag iinarte niya. Kailangan kong magtanggal ng stress. Pupunta ako sa bahay namin at bibisitahin si baby ferr ko. Bumaba na ko at nadatnan ko naman si Claye.
"Saf-saf, pag pasensiyahan mo na si Kuya Aidan. Ikaw naman kasi."
"Oh well, apology not accepted." Lalabas na dapat ako pero bigla siyang humirit ng sobrang nagpa-imbyerna sakin!
"Alam mo ba, kwento ng Lolo mo samin, mabait at sweet ka daw dati eh. What happened?" Inosente niyang tanong. Humarap naman ako sa kanya at lumapit. As in sobrang lapit.
"What happened? Well, jerks like you killed it. Jerks like you killed the old Safara!" Sabi ko sabay alis na. Letche. Mga walang kwenta talaga ang tao sa paligid ko. Buti na lang at nabubuhay ako sa mundong cheap na'to. Atleast, nagkakaron ng thrill ang boring earth na'to. Hindi pa ko nakakalayo ng biglang sumigaw si Claye.
"Maldita talaga. Wala namang puwet!" What the effin fuck.
"KUNG WALA AKONG PUWET, MUKHANG PUWET KA NAMAN! KUMAG!" Sigaw ko sabay alis dahil baka hindi ako makapagpigil. Nai-stress ako in so many levels!
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip