LWTPB 06

*Delta at the right side*

SAFARA'S POV

It's been a week since i've been living with the pervert ABCDE Brothers and it's been hell. Pasukan nanaman bukas. Graduating college na ko kaya i'm expecting of busy schedules, hassle days and hellish life, now. Hindi ko pa nga nasusulit ang bakasyon. Letche.

"Safara, kakain na!" Agad naman akong lumabas ng kwarto at pumunta na sa dining area. Kumakain na ang mga hambogsssss. Umupo lang ako sa tabi ni Delta.

"Anong pagkain yan? Kelan pa kinakain ang damo?" 

 

 

"Lul. Di yan damo. Kumain ka na nga lang!" -Eises

"I'm not eating grass." Akmang tatayo na ko pero nagsalita nanaman siya.

"Upo. Kakain ka o kakain?"

 

 

"Duh. Ang daming choices, Aidan. Tss." Na-upo na ko at kumain ng KANIN LANG. Sinabi ng hindi ako nakain ng damo eh! Letche na pagkain yan.

"Kumain ka ng gulay."

 

 

"No thanks. Ayoko ng damo."

 

 

"Tss. Sabi sa inyo wag nating isabay kumain yan eh. Na-sstress nanaman yung abs ko!" Hirit ni Claye na ubod ng kupal at hambog. Number 1 ang loko. 

"Abs daw. Patingin nga!" 

 

 

"AHA! Sabi na eh. Sabi ko na nga ba. May pagnanasa ka talaga sakin!"

 

 

"Magtigil ka nga. Kumain ka na lang nyang damo." Usal ko at tumayo na. Ni hindi man lang ako nabusog sa mga damo na yon. Buti pa sa mansion ko puro hayop ang kinakain ko hindi damo. Tss. Na-upo lang ako sa couch at nag hanap ng magandang drivel sa TV. Ang boring ng mga palabas. Pang mahirap! Tumabi naman sakin si Aidan at inagaw ang remote. Bastos talaga.

"Ako nauna. Layas!"

 

 

"Tanong, iyong ba yang TV?" He said with a smirk. Hambog!

"Pinagmamalaki mo yang TV mo? Oh ayan ang remote, kainin mo!" Tatayo na dapat ako pero bigla niya kong hinila kaya naman napa-upo ako sa lap niya. Ay sheet. Baket may eksenang ganito? Yak.

"Ano ba! Bitaw nga!" Sigaw ko sa kanya. Hindi naman siya natinag at hinigpitan pa lalo ang pag kapit niya sa bewang ko. Nakakasuka ang sight naming dalawa. 

"Ba't ka namumula?" Tanong pa niya na halatang nang-aasar.

"Duuh. Blush on yan. Bitawan mo nga ako!"

 

 

"Ayoko. Kiss muna." Alam niyo yung bwisit? yun ang nararamdaman ko ngayon! Bipolar ata 'tong hambog na'to. Letche sa split personality!

"Heh manyak! Ikiskis mo sa TV mo!" Singhal ko sa kanya at siniko siya sa dibdib. Tawa lang siya ng tawa. Ugh. Nakaka-inis talaga! Nakakainis!

"Eto naman napaka-seryoso."

 

 

"Napaka-panget mo naman!"

 

 

"Gwapo di panget!" Lumayas na ko sa tabi niya at lumabas ng bahay. Ayokong nalalapit dyan sa hambog na yan. Isa pa, kailangan ko ng fresh air baka sumabog ang bahay nila sa inis ko. Gusto ko ding maghanap ng sasampolan. Ughh.

"Delta!" Tawag ko sa kanya. Naglilinis siya ng kotse niya siguro. In fairness, halatang mayaman din ang mga hambog pero kahit na. MAS MAYAMAN AKO.

"Oh?"

 

 

"Samahan mo ko."

 

 

"Busy ako."

 

 

"Aba't-- samahan mo ko sabi!"

 

 

"Aish. Oo na. Oo na. San ka ba pupunta?"

"Sa mansion ko." Agad naman akong lumapit sa kotse niya at sumakay na. 

"Hoy! Hoy! dahan-dahan Safara. Aiiish. Shit. Dahan dahan lang sa pag-upo!"

 

 

"Wag kang mag-alala mayaman ako, bibilhan pa kita ng isang daang ganito. Mag drive ka na bilis!" Agad naman siyang sumakay sa driver's seat.

"Dito ka umupo sa shotgun seat. Magmumukha akong driver mo."

 

 

"Why, hindi ka pa ba mukhang driver sa lagay na yan?"

 

 

"Aish ewan sayo." Nanahimik naman na siya at nag drive na lang. Good dog. Nakarating na agad kami sa mansion ko. Nagulat pa ko dahil alam niya kung saan. Agad ko na siyang hinila papasok sa mansion ko. Naabutan ko naman yung mga maids na hawak-hawak yung mga branded bags, shoes at dresses ko. Sht. 

"HOY MARIA! SAN MO DADALHIN YAN?!" Agad naman silang napahinto at napa-atras na lang si Delta sa lakas ng sigaw ko.

"Miss S-safara.. a-ano po k-kasi.."

 

 

"ANO?! HINDI KA SASAGOT? GUSTO MO BANG HILAHIN KO PA YANG DILA MO PALABAS?!"

 

"Y-yung pinsan niyo po k-kasi.."

 

 

"Who? Is it Reema?"

 

 

"O-opo Miss Safara.."

 

 

"Pwes, bitawan niyo yang mga gamit ko at tawagin niyo yung hampaslupang Reema na yon! BILIS!" Agad naman nilang nilapag sa couch yung mga gamit ko. Umupo naman ako sa couch habang sumunod si Delta.

"Oy chill lang."

 

 

"Chill? Nahihibang ka ba?! Baka gusto mong patayin kita?!"

 

 

"Sabi ko nga, tatahimik na lang eh." 

"Hi my beloved cousin. 'Sup?" Cool na cool niyang tanong habang umupo pa sa harap ko. Shit. Just the sight of her makes me throw up! 

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE, REEMA?"

 

 

"Well, it should be me asking you that question. According to lolo, you're not staying here, temporarily."

 

"Wala kang pake. And what are you doing with my stuffs? Omg. Don't tell me you're gonna get it! Reema, MAYAMAN TAYO. Di afford bumili ng bago? Naghihirap na ba kayo?"

 

 

"Mayaman pa ko sayo. I'm just asking the maids to throw it all."

"WHAT?!"

 

 

"Bingi lang? I said, pinapatapon ko na lahat."

 

 

"And why is that? Are you insane?!"

 

 

"I'm not. Gagamitin ko yung kwarto mo kaya pinapatapon ko yung mga gamit mo."

 

 

"It's my room, Reema. Touch anything there, and you'll be dead." Agad akong tumayo at hinawakan siya sa leeg. Unti-unti kong hinigpitan ang paghawak ko dun.

"S-safara i c-can't b-bre---"

 

 

"Hindi ka talaga makakahinga dahil papatayin kitang hampaslupa ka!"

 

 

"Safara!" Bigla naman akong hinila palayo ni Delta pero sinakal ko ulit si Reema. I warned you. Gagawin ko lahat para sa sarili ko.

"S-safara l-let me g-go!"

 

 

"NO!" 

 

 

"Safara, ano ba!" Agad naman akong binuhat ni Delta at marahas na binagsak sa isang couch. Hawak-hawak lang ni Reema yung leeg niya. She deserves that!

  

"MARIA!!" 

"P-po?"

 

 

"Ibalik mo lahat ng gamit ko sa kwarto ko. At nakita mo yang si Reema? Yan! Yan ang itapon niyo. NGAYON NA!" Nagdalawang-isip pa sila pero agad din nila kong sinunod. Nagpupumiglas lang si Reema pero wala na siyang nagawa.

"Safara.." Nagulat ako kay Delta na biglang hinawakan ang mukha ko habang pinupunasan niya yung luha ko. Eto nanaman ako. Nararamdaman ko nanaman yung feeling na inaagawan. Since the very start, nabuhay ako na NASAKIN LAHAT at hindi ko hahayaan na mawala ang lahat ng yon sakin.

"Sssh. It's okay. Don't cry." Yakap yakap lang ako ni Delta habang patuloy lang ako sa pag-iyak. Simula bata ako, lagi ng inaagaw ni Reema lahat sakin. Kulang na lang pati si Lolo kuhanin niya sakin.

  

But i'm SAFARA MORI. Babaeng hindi niya gugustuhing kalabanin ngayon.

"That bitch. Kung hindi mo lang ako pinigilan, edi sana napatay ko na yon!" Sabi ko habang nakayakap pa din sa kanya. Bigla naman siyang natawa at pinitik lang ang noo ko.

"Wag ka nga. Umiiyak na dyan, nagmaldita ka pa."

 

 

"Blame that, bitch! At talaga namang dito pa sa mansion ko nanggulo. Ha. If i know, itinataboy nanaman siya ng parents niya. She sucks!"

 

 

"Oo na. Tara na uwi na tayo. Malalagot ka nanaman kay Aidan niyan." Inalalalayan niya lang ako patayo at lumabas na kami ng bahay. Pero agad-agad akong bumalik ulit sa loob kaya sumunod ulit si Delta sakin.

"MARIA!!"

 

 

"Baket po Miss S-safara?"

 

 

"Isa pang beses na papasukin niyo dito yung Reema na yun, kayo na ang itatapon ko sa basurahan. Kuha mo?!"

 

 

"O-opo Miss Safara." Tinalikudan ko na siya habang napapa-iling na lang si Delta. Sumakay na kami sa kotse niya. Pagkarating namin sa bahay nila agad akong bumaba. Hinintay ko naman si Delta na makababa din.

"Thank you." Sabi ko pagka-labas niya.

"Naks. Bago yan ha."

 

 

"De wag. Binabawi ko na pala!" Tatalikod na dapat ako pero hinila niya ko at niyakap.

"Welcome." Bigla naman akong namula sa ginawa niya. Sht.

"Pumasok na kayo pagtapos niyong maglandian diyan." Agad akong napa-bitaw sa yakap ni Delta ng marinig ko yung boses niya.

Boses ng bipolar. Tss.

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip