LWTPB 07

It's been 1 week since Aidan and I are treating each other as stranger. For teresa's sake! He's being so grumpy without NO reason. He's not talking to me so i did the same thing. Who the hell he think he is? Tss.

Si Blake lang ang halos lagi kong kasama. Siya lagi kong kausap sa bahay na'to. But for some reason.. Aidan's silence is hitting into my nerves. Naiinis ako na hindi niya ko kinakausap. Nababanas ako na ang sungit at cold niya towards me when in fact, i don't know his reason. He's a pain in a butt!

Ngayon na din ang start ng hell day. Oo balik pagiging magandang studyante nanaman ako. Hassle day vibes is all i can feel right now. Graduating students na ko same as the ABCDE brothers.. Too bad,  our presence will be colliding in one university. Nakaka-drain pa naman sila ng maldita vibes. Gosh! Bumaba  naman na ko at naabutan sila na kumakain na.

Wala si Aidan. Tss. Asshat.

"Hoy Safara! Sigurado kang yan suot mo?" Tanong ni Eises sakin habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa, MAGANDA. DUH. 

"Problema mo sa damit ko? Epal ka ah!" Sagot ko sabay upo sa tabi ni Claye na nakatingin sa legs ko. Gad! Pervert.

"Hoy mata mo! Bulagin kita eh!" 

"Eh kasi naman.. sheet! Teka c-cr ako!" Sabi ni Claye at biglang tumakbo sa CR. What's with him? Tss.

"Magpalit ka ng damit." Sabi ni Delta na seryoso lang. Ano bang problema nila sa damit ko?! Alam ba nilang ang mahal mahal nito?! Wala kasing prescribe uniform sa university namin. Wear all you want as long as mag-aaral ka ng matino. Kahit mag bold ka nga lang pwede basta ba't matalino at hindi ka TANGA eh. -_- Naka-red dress lang naman ako. Hindi naman ganun kaikli ah? Errr.

"Yes Safara. Change that dress of yours." Sabi ni Eises. 

"Shut up. Mind your own business. Yang mukha mo nga di ko pinakikialaman kahit hindi ko na ma-take eh." Sabi ko at kumain na lang not minding their butthurts about my dress.

"Aba't---"

"What? Totoo naman eh. Tse! Blake, tara na. Sayo ko sasabay." Sabay hila ko sa kanya. Kanina pa kasi siya nakatulala tas tahimik. Na-mesmerize ata sa ganda ko. Tsk.

Agad akong sumakay sa ferrari niya. At bumalik nanaman siya sa pagiging possessive niya sa kotse niya. Sus.

"Safara ingat nga! Aish!"

"Arte neto. Bili pa kita ng sampong ganito eh."

"Ewan sayo. Umayos ka ng upo. Ang ikli ng suot mo."

"Duh. Ang ganda ko kaya. Di mo ba nakikita? Bloody red pa  yan, para HOT." Sabay kindat ko pa sa kanya. Nakita ko ang pag galaw ng adams apple niya. HAHAHAHA. Gad. Nabibighani siya sakin, I KNOW. 

Agad niyang pinaharurot si baby ferr niya. Nakita ko naman sa side mirror na nakasunod na samin yung ibang mga hambogs. Gad! Na-miss ko yung kotse ko. Epal kasi si lolo eh. Urgh!

Nakarating naman agad kami sa university at nag park lang si Blake. Mga nagsitabihan ang mga taong naglalakad sa parking lot. Masyado kaming agaw sa atensyon. Yes. I love this. ATTENTION. Hah. >:) Agad akong bumaba at sinuot ang giorgio armani shades ko. Halos sabay-sabay kaming bumabang lima. Lima lang kami dahil wala si Aidan. Tss.

Ayan nanaman ang mga mata ng mga impakta. Gad. I'm so sorry, eyes. I pity you for this kind of view. Trashes everywhere. Gosh.

"Hey, i'll go first. See yah." Sabi ko sa apat na magkapatid at nauna na kong lumakad. Ayoko ng BG. I'm so better off alone. Mabilis akong nakarating main hallway at katakot-takot na pang-sisipol ng mga lalake ang narinig ko. BOYS WITH NO MANNER. 

Pag may sumipol sa inyo, wag kayong lilingon o mag rereact. TAO kayo HINDI ASO. DUH. Kahit mukha kayong aso, wag kayong lilingon. Konteng hustisya sa sarili mga friends! ;)

"Miss, ang sexy mo. Pwede ka ba?" Sabi ng isang halimaw sa banga. Gosh. How dare he talk to me like that. His face is very awful. Gad. Shokoy at it's finest. Tsk, tsk.

"Oo. Pwede akong killer. Gusto mong patayin kita? Gad! Mas makapal pa yang mukha mo kesa sa balat mo! Shame on me, please." 

"Aba, palaban mga pre." Sabi niya sa mga kaibigan niyang tinging aso sakin. 

"Miss, wag ka ng pa hard to get. Come on, the two of us looks good together."

"Bukod sa sinabi mo, anong katangahan pa ang alam mo? Impakto! Pwe!" Sabi ko at lumakad na palayo. Gosh. Umagang-umaga nasisira ang ever sexy vibes ko. Agad kong hinanap ang room ko. Konte pa lang ang tao. Nakatingin lang sila sakin. 

"Tinitingin-tingin niyo? Idol niyo ko? Tss." Sabi ko sa kanila at umupo sa pinaka-harap. 

"Kung maka-asta ka naman akala mo ang ganda-ganda mo!" Singhal ng isang naghihimutok na talangka. Gad. Bunch of sea creatures.

Agad naman akong umupo at tinaggal ang mamahalin kong shades. Tska ako humarap sa kanya still sitting pretty.

"Iiyak ka na niyan? Wala naman akong sinabing maganda ako. Sadyang nagsusumigaw lang talaga ang kagandahan ko kaya bitter na bitter ka dyan. Isa pa ang point ko lang naman, PANGET KA." Akmang susugurin na niya ko pero pinigilan siya ni babaeng buwaya at babaeng galunggong. Tsk. 

"Wag kang pumatol dyan, Kim. Wala kang mapapala." Sabi ni babaeng galunggong sa kanya.

"As if naman may mapapala ako sa mga kagaya niyong lamang dagat. Gosh." Sabi ko at saktong dumating yung prof na adviser din ata namin.

So tama ang rumors about him. He's still young. Fresh graduate siguro. Agad siyang napatingin sakin dahil nasa mismong harap niya yung pwesto ng inuupuan ko. Agad ko sin siyang tinaasan ng kilay. 

"Paki-baba yang kilay mo, Ms. Mori." Sabi niya at agad nilipat ang tingin sa iba ko pang kasama. Gad. How dare he! Ang epal niya.

"Masyado kasing feeling. mas maganda naman ako." Rinig kong bulong ni Kim penoy na naka-upo sa likod ko. 

"Hindi porke't maganda ka, ikaw na pinaka-maganda. Tandaan mo hanggang nandito si Safara Mori, mukhang paa ka lang." Agad kong sagot sa kanya. Napa-lakas pa ata dahil naka-tingin si Prof. Vin.

"Ms. Robles and Ms. Mori, get out. Hindi ko kailangan ng studyanteng mga immature." Sabi niya samin. Gosh. Ang cool pa din niya tignan. Agad naman akong tumayo at lumabas. Duh. hindi ko rin kailangan ng grumpy prof. Epal.

"Napalabas tuloy ako! Ugh! Kasalanan mo 'to eh!" Singhal ni Kim penoy sakin pagkalabas namin. Ang arte talaga. MAS MAGANDA NAMAN AKO.

"Wag mo kong sisihin. Unang-una, yang bibig mong amoy kubeta ang may kasalanan. Papansin ka kasi. Mukha kang tanga."

"Pakialam mo ba? Alam mo ang taray-taray mo feeling ka talaga! Baket ba napaka-maldita mo?" 

"Hindi ako magiging maldita kung hindi ka pakialamera! Isa pa, magandang dyosa kasi ako." Bigla naman siyang tumawa ng napaka-lakas. ABA'T IMPAKTA!!

"Dyosa? ang alam ko ang mga dyosa, nasa langit. Taas ng pangarap mo teh!" Agad naman akong napa-ngiti sa sinabi niya at lumakad palayo.

pro dahil maganda ako lumingon ulit ako sa kanya...

"Hindi lahat ng dyosa, makikita sa langit. Tignan mo ko, andito ako sa lupa, diba? Toodles!" Sabi ko at lumakad na. NGANGA siya ngayon. Dakilang epal kasi. Hilig pumapel. Goodness!

Lakad lang ako ng lakad hanggang nakarating ako dito sa canteen. Chin up with poise pa kong lumalakad sa pinaka-gitna pero agad nupakaw ng paningin ko si Aidan at isang babae sa may pinaka-gilid.

They're kissing.

And i don't know why kung baket parang....

parang may masakit..

---------------------------

A/N: 

Sorry for the turtle update. Gosh. Umaabot ang WB ko dito eh. I know it's short. Wala ng mapiga sa utak ko. Pity me for this! Hahahaha. Salamat pala sa mga bumabasa pa rin nito. Gad. :">

F.beetch♥

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip