LWTPB 12

"Safsaf!" Agad naman akong napahinto sa paglalakad ng marinig ko yung boses ni Claye. Palabas na ko ng university dahil wala na kong klase. Ang hassle talaga dahil wala akong kotse. Tiis ganda. Dang.

"What?"

 

 

"Chill ha? Kakamustahin lang kita. Okay ka na ba?" Tanong niya at sabay kaming naglalakad. Naiirita ako. Naalala ko kasing bwisit ako sa manyak na'to! Ugh.

"Mukha naman akong okay diba? Nakikita mo naman unless tanga ka."

 

 

"Tss. Ang sungit mo. Tatanda ka ka-agad niyan."

 

 

"O ano ngayon? Ikaw ba ang tatanda? Hindi naman diba? unless tanga ka nga talaga."

 

 

"Grabe! Suko na talaga ko sayo! Aish. Bahala ka nga! Pumunta ka na lang sa gym!"

"At anong gagawin ko dun--"

 

 

"Sabi ni Aidan. Bye sungit!" Sabi niya at tumakbo na. At ano nanamang kalokohan ang nalalaman ni Aidan? May ano sa gym? Letche. Hindi ako pupunta baka isipin niya feel na feel ko naman at nagpunta talaga ako. 

"Hoy Safsaf, di diyan ang daan sa gym!" Sigaw ni Delta na nakabihis ng jersey. May laro ba sila kaya ako pinapunta dun ni Aidan? For what? Para i-cheer at i-support siya like what other pathetic girls are doing? Heck no! Hindi ako tatayo sa ibabaw ng bleacher with pompoms on, hindi ako titili na parang tanga dun, hindi ako sisigaw na ang hot ni Aidan. No. Hindi ko gagawin yun.

"Hoy Mori! Sabi ng hindi naman diyan daan papunta dun! Tara nga!" Asar na sabi ni Delta at hinatak na ko. 

"What the eff, bitawan mo ko! Dirty."

 

 

"You're so loud! Pwede ba? Huwag ka ng pakipot!"

 

 

"Pakipot your ass cause i'm not! Bitawan mo nga ako! Uuwi na ko!"

 

 

"Hindi nga sabi pwede dahil malalagot kami kay Aidan! Tss."

 

 

"At baket naman? Edi sabihin mo, ayaw ko. Tapos."

"Manahimik ka na lang!" Ugggh! Worst. This is worst. Nakarating naman agad kami sa gym. Wala pa kami sa loob pero rinig na yung mga sigawan nung mga pathetic ass sa loob. Ang dami ding tao.

"May laban kayo?" Tanong ko dahil sobrang crowded talaga sa gym at hirap na hirap kaming pumasok. Wtf.

"Nah. Game practice lang." WTF.

"GAME PRACTICE?! ARE YOU FREAKING KIDDING ME?! NAPAKADAMING TAO TAPOS ANG SIKIP SIKIP TAPOS GAME PRACTICE LANG?!" I shout at him para marinig niya.

"OO GAME PRACTICE LANG! AISH ANG INGAY! EXCUSE ME NGA!!" Sigaw niya na kinatahimik naman ng buong gym at parang mga robot silang automatic na nag give way samin ni Delta. Talkin bout how famous they are.

"Hoy Aidan! Oh, eto na." Sabi ni Delta habang tinulak ako ng bahagya paharap. Agad namang tumayo si Aidan at lumapit samin sabay binatukan si Delta.

"Aray naman Aidan! Letche ka!"

 

 

"Mas letche ka. Huwag mo kasing itulak!" Sabi ni Aidan sabay lapit sakin. Baket ba nagkakaganyan siya? Nasisiraan ba siya ng ulo at parang ang sweet niya masyado? o baka naman balak niya lang akong manyakin? Shit Safara, you're worst.

"Oh, sorry na. Landi nito!"

 

 

"Pakyu!" Sigaw niya kay Delta na tumakbo na palapit sa mga teammates nila. "Tara nga dito!" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at hinila ako palapit kung nasaan yung apat niyang kapatid pati mga teammates at coach nila.

"Kamay ko."

 

 

"Hawak ko." Sagot niya. Bwisit talaga.

"G-ago."

 

 

"Gagong inlove sayo? Haha. Tara!" Sabi niya sabay bitaw sa kamay ko at tumakbo na. Naiwan akong naka-nganga sa gitna ng court dahil sa sinabi niya. What the hell. Inlove?! What the..

"ALAM KONG KINILIG KA, ALAM KONG GUSTO MONG CENTER OF ATTRACTION KA, ALAM NAMING LAHAT, ALAM KO, NA MAGANDA KA PERO TARA NA DITO! HAHAHAHA." Sigaw ni Aidan at mas lalo akong napa-nganga. Lumapit na ko sa kanila na mga nagtatawanan balik sa ingay ang mga tao sa gym. Nakakainis. Nakakainis na Aidan talaga. Urghhhh!

"Nice one captain Aidan!" Sabi ng isa niyang teammates at nag apir sila.

"Okay guys, game na. Practice na! Tama na ang live show!" Sigaw ng coach nila. Feeling ko kahiya-hiya ako dito. Fuck Aidan! Walanghiya talaga! Feelingerong hambog!! Nagsi-sunudan na yung ibang players sa coach nila at naiwan naman kami ni Aidan pero napatingin ako sa inuupuan nila kung nasaan si Blake na parang lutang at tumakbo na rin sa gitna ng court.

"Uy kinilig. Sige na, upo ka muna diyan." Sabi ni Aidan.

"At san naman ako kikiligin? Conceited."

 

 

"Pakipot. Haha. Kiss nga!" Sabi niya sabay halik sa forehead ko at tumakbo na. Ugh, manyak na hambog talaga.

Naupo lang ako at nakatingin sa kanila. Wala akong hilig manuod sa mga ganito kaya naman kinuha ko na lang yung phone ko at naglaro. Mas may kwenta pa 'to kesa sa practice game nila na yan. Tss. Kinabit ko sa tenga ko yung earphones ko, volumes up and that's it, life.

"Pre, tinulugan ka. Hahahahaha!"

"Wala naman pala yang mga pasikat mo Aidan! Tinulugan ka! Hahaha." 

  

"Gago! Umalis nga kayo! Pa-panget niyo!"

"Feeling--"

"Oo gwapo ko, thank you! Layas na! Tss."

Ang ingay. Ang ingay-ingay. Baket may mga bulong ng bulong?! Uggh!

"Hoy Safara, gising!" Napadilat naman ako bigla ng may mahinang tumatapik sa pisngi ko. What the. Nakatulog pala ako? 

"Ba't ka natulog?" Inis na tanong nitong hambog na'to na may kasama pang simangot. Ang hot, nakakainis!

"So? Ang boring ng laro niyo."

 

 

"A-ano?! Boring?! Hindi mo ba nakita kung gaano karaming nanuod kahit na practice game lang 'to?! Hindi mo ba narinig yung sigawan nilang lahat dahil ang gwapo't hot ko tapos sasabihin mong boring yung laro?! Seriously pinanuod mo ba?" Hopeless niyang tanong. Ang hot talaga, asar!

"No. Boring nga kasi."

 

 

"Aish! Naman Safara! Kaya nga kita pinapunta dito eh!"

 

 

"Eh sa ang boring talaga. Anong gagawin ko?!"

 

 

"Tss. Nagpanggap ka man lang sana na nanunuod ka, kahit nga isang cheer galing sayo wala akong narinig eh! Wala ka ba talagang sweet bones sa katawan?!"

 

 

"Dami mong alam boring naman! Alis na nga ako!" Ngayon ko lang napansin na kami na lang pala ang tao pati na yung janitor na nag m-mop.

"H-hoy! San ka pupunta?! Hoy Safara teka nga!" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Malanding hambog talaga.

"Uuwi na ko. Pawis ka. Ew."

 

 

"Anong ew? Ang sabihin mo, ang hot ko."

"Mukha mo! Bitaw nga!"

 

 

"Yoko nga. Kiss muna."

"Manyak! Hambog! Bastos! Bwisit!"

 

 

"Mahal mo naman." Agad akong napahinto sa sinabi niya. Paano niya nalaman I mean, ganyan ba siya kahambog?!

"Excuse me?!?"

 

 

"Sabi ko, I love you! Wahahaha. Teka, shower lang ako!" Sabi niya at tumakbo na pabalik sa shower room.

Ugggh shit na Aidan.

"Nililigawan ka ba niya?" 

 

 

"Fuck-- Blake naman!"

 

 

"Nililigawan ka ba ni Aidan?"

"Of course not!"

 

 

"Hindi ba? Akala ko.."

 

 

"Hindi! Rumaragasa lang ang manyak hormones nun!"

 

 

"Buti naman.."

 

"What do you mean?"

"Wala. Wala. Sige, una na ko." Sabi niya at lumakad na palabas ng gym. Creepy. Weirdo.

"Oy I love you, tara na!"

 

 

"Come again?!"

 

 

"I love you. Hahahaha. Gusto naman! Tara na!"

 

 

"Kadiri. Ang bilis mag shower."

"Gwapo naman. Kamay." Sabi niya kaya napataas ang kaliwang kilay ko. Minsan talaga, napapa-speechless na lang ako sa g-ago na'to eh.

"What?"

"Sabi ko yung kamay mo akin na, hahawakan ko. Para walang maka-agaw, para sakin lang. Akin." 

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip