LWTPB 15

SAFARA'S POV

Nandito ko ngayon sa Lib dahil kailangan kong gumawa ng research paper para sa isang major subject ko. Sa friday na ang due kaya meron na lang akong dalawang araw para tapusin 'to when in fact wala pa kong nauumpisahan kahit first page. Ugh.

"Research project, eh?" Rinig kong sabi ng isang lalaki. Hindi ako nag abalang tignan siya dahil busy ako can't he see? 

"Hey," Sabi niya ulit habang umupo sa harapan ko. Sino ba'to? Tinignan ko lang siya. Bago lang sa paningin ko 'tong lalaki na'to. Mukhang antipatiko.

"What? Can't you see that i'm busy?" Pagtataray ko sa kanya pero tumawa lang siya ng mahina at ngumiti. Weirdo.

"I'm Kent. Kent Borromeo." He says habang nilahad niya yung kamay niya sakin at tinitigan ko lang naman.

"Hindi ko tinatanong pangalan mo." Tuloy-tuloy kong sabi sa kanya pero hindi ko na siya tinitignan at baka malusaw siya. Isa pa, nakaka-distract yung amoy niya. Ang bango tapos yung buff niyang katawan.. ayshet Safara.

"Sungit pasalamat ka maganda ka.." Bulong niya pero narinig ko rin naman. Tinignan ko lang siya ng masama at lalong sumama yung tingin ko ng mapansin ko yung tao sa likod niya.

"Oo maganda talaga yan kaya dapat ka ng umalis." Mahina pero seryosong sabi ni Aidan. Agad namang napalingon 'tong si Kent sabay ngumisi. Parehas silang hambog. Hindi ba nila alam na nadidistorbo nila ang peaceful life ko? Nakakainis talaga. Baket kasi wala yung liblarian dito at hindi tuloy sila mapa-alis. Bwisit.

"Pwede ba, kayong dalawa ang umalis." Sabi ko sa kanila. Hindi ako matatapos sa ginagawa ko kung hindi sila aalis. Hindi ba nila alam na nakaka-distract yung presence nilang dalawa? Masyado ata akong maganda. Tsk.

"Oh, tayong dalawa daw!" Pang-asar na sabi ni Kent kay Aidan pero hindi niya siya pinansin. Nilapitan lang ako ni Aidan at hinawakan yung kamay ko.

"Uwian mo na diba? Dun ka na sa bahay gumawa niyan. I'll help you." Malambing niyang sabi sabay tingin kay Kent. Hindi ko alam pero parang nagka-goosebumps ako sa ginawa ni Aidan. Shet ang sexy at hot niya pag naglalambing yung boses. Asar! Halos napa-tanga lang si Kent dahil sa sinabi ni Aidan. Nakakahiya talaga 'tong lalaki na'to. Letche.

"Hey, i'll go. Sorry nakadistorbo." Seryosong sabi ni Kent at ngumiti lang sakin sabay lumakad na palabas ng Lib.

"Tss. Aalis din pala pinatagal pa." Parang batang maktol ni Aidan sabay upo sa kaninang upuan ni Kent. Hindi ko na siya pinansin at nagsimula na ulit akong magsulat. Shit, wala pa talaga akong nauumpisahan ni isa. Nakakainis namang research 'to. 

"Sino ba yon? Ba't mo kasama dito?" Parang batang tanong niya. Parang gusto ko tuloy matawa sa itsura niya.

"Ba't ka natatawa? Kainis! Sino ba yon?"

 

 

"Aba malay ko. Biglang umupo sa tabi ko eh." Walang gana kong sagot sa kanya kasi busy talaga ako at lalo akong walang matatapos kung uunahin ko siya kahit na ang hot niya dahil mukha siyang bagong paligo. Galing siguro sa training.

"Tss. Sa susunod wag kang nakikipag-usap sa kung sino-sino ha."

 

 

"And who are you para sabihin sakin yan?"

"Soon-to-be-boyfriend mo. Haha-- Joke! Eto naman mananakit agad!" Sabi niya dahil hahampasin ko sana. Baka kasi kiligin ako at sunggaban ko siya este patayin. Ugh grabe namang distraction 'tong hambog na'to!

"Umalis ka na nga. Di ako makapag focus."

 

 

"Sus. Kaya nga ako nandito para inspirasyon mo!"

 

 

"Ha-ha, funny." 

 

 

"Eto ang taray! Uwi na tayo. Dun mo na lang yan sa bahay gawin. Ha?" Paglalambing nanaman niya. Nakakaasar pag gumaganyan siya kasi ang gwapo niya lalong nakakainis. 

"Hindi pwede."

 

 

"Sige na naman. Tutulungan kita. Promise."

 

 

"No, I don't need your help. Umuwi ka na."

 

 

"Pag ako, pinauuwi mo pero yung lalaking mukhang bakla kanina hindi mo mapa-alis!" Malakas niyang sabi kaya naman napatingin yung ibang studyante samin. Inirapan ko lang sila.

"Oo na. Fine. Tara." Para naman siyang nanalo sa lotto at nagmamadaling kinuha yung mga gamit ko. Tinititigan ko lang siya. Para siyang puyat at pagod na ewan idagdag pa yung messy hair niya tapos baket ang hot ng hambog na'to?!

"Oo alam kong gwapo ako. Haha. Tara na nga." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Wala siyang pake kahit maglakad kami sa gitna ng campus na hawak-hawak niya yung kamay ko. Medyo awkward. 

"Alam mo bang ang tagal ko ng gustong gawin 'to?" Naka-ngiti niyang sabi sakin. Para talagang tanga 'tong hambog na'to.

"What?"

 

 

"Yung ganito.." Sabi niya sabay pinag-entwine niya yung kamay ko sa kamay niya. "Yung hawakan ka ng ganito sa harap ng madaming tao." Sabi niya sabay pisil sa ilong ko. Napa-speechless na lang ako dun hanggang sa nakarating na kami sa parking lot. Hindi mawala yung ngiti niya. Para talagang tanga yung hambog na'to.

"Ba't ka naka-ngiti? You're so weird."

 

 

"Baket masama? Tss. Panira ka talaga. Seatbelt." Seryoso niyang sabi. Hindi na kami nag-imikan habang nag d-drive siya. Nakarating na din kami sa bahay almost 6pm na din pala. Hindi ko man lang napansin na halos one month na pala akong nakatira dito kasama sila.

"Kayo na ba?" Bungad samin ni Eises na nanunuod ng TV. 

"G-ago."

 

 

"Biro lang. Hi Saffy! Ano, mabait ka na ba?" Inirapan ko lang siya at tumabi sa kanya. Kahit papano, magkakasundo na kami pero lagi pa rin nila kong inaasar. Nakakainis talaga. Sumandal lang ako sa balikat ni Eises. Wala namang malisya samin 'to kasi ganito talaga kami. Ewan ba pero si Eises ang madalas ko kasing maka-kwentuhan. Siguro siya na yung pinaka-least na manyak. Haha. Agad namang lumapit si Aidan samin at hinila ako palapit sa kanya.

"Bawal kayong maging close na ganyan. Bawal yang sandal-sandal!" 

 

 

"Napakadamot mo naman!" 

 

 

"Ganun talaga! Umusog ka nga dun! At ikaw naman, wag kang dikit ng dikit diyan sa mokong na yan!" Pag sesermon niya. Wala na, hindi ko na nagawa yung research ko. 

"Epal ka talaga. Ikaw gumawa ng research ko!"

 

 

"Ba't ako? Sabi ko tutulungan kita hindi ako yung gagawa."

 

 

"Kahit na! Ikaw ang gumawa nun!"

 

 

"LQ ba yan? Makalayas na nga. Bye Saffy! Ingat ka kay Aidan baka makagat ka. Haha." Pang-asar niyang sabi at umalis na. Nasaan kaya yung ibang hambog?

"O ano na? Gawin mo na resear-- Ay shet! Aidan!" Sabi ko dahil bigla niya kong siniksik at niyakap. Yung mukha niya nasa leeg ko kaya nakikiliti ako. Shit naman.

"Aidan ano ba!"

 

 

"Sandali lang. Napagod kasi ako." Sabi niya habang lalong humigpit yung pagka-yakap niya sakin. Hindi ko alam but i feel safe everytime na malapit siya sakin. 

"A-aidan. Gusto mo bang matulog? Dun ka na lang magpahinga sa kwarto mo.." Sabi ko habang pilit ko siyang nilalayo sakin. Ramdam na ramdam ko yung hininga niya sa leeg ko. Nakakakiliti. 

"Wait. Gusto ko dito." Mahina niyang sabi at yumakap pa lalo sakin. Para talagang tanga 'to.

"Tss. Oo na. Sandali lang ha." Sabi ko sa kanya bigla naman siyang umayos ng upo at nahiga sa lap ko. Hindi talaga ako sanay sa mga ganitong bagay. I admit, wala pa kong nagiging boyfriend. Fling, oo pero iba yun. I'm so not into this kind of relationship I mean, wala naman kaming relasyon ni Aidan pero i'm happy.. Yes, I am. Hindi ko alam kung ba't hinawakan ko yung buhok niya. Hinahaplos ko lang dahil mukhang antok na antok talaga siya. Ngayon ko lang natitigan ng ganito kalapit yng mukha niya. Ang gwapo pala ng hambog na'to. Baka naman sa looks niya lang ako attracted talaga? Ugh, Safara. Napatingin naman ako sa labi niya. Shet baket parang.. Namamanyak yung pag-iisip ko talaga pag malapit sakin 'tong hambog nato.

"I wish we could be so close like this everyday.."

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip