LWTPB 16
Maaga akong umalis para pumasok sa school dahil major subject ang una kong klase. Ayokong ma-late. Tulog pa ata yung mga hambog dahil wala pang maingay pagka-gising ko. Pero mas mabuti na yun kesa naman ako yung bwisitin nila. Naglalakad lang ako dito sa building nila Aidan. Medyo maaga pa. 8 ang start ng klase ko at 7am pa lang. Naglalakad-lakad ako ng biglang may humila sa bewang ko at hinalikan agad ako sa noo.
"Wtf--" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil nakita ko na kung sino. Tsk. Umagang-umaga.
"Hi. Goodmorning." Naka-ngising sabi ni Aidan. Baket nandito na siya? Akala ko natutulog pa siya dahil alam kong napuyat siya kahapon kakagawa ng report niya para mamaya sa isang major subject din niya.
"Yung kamay mo nga!" Sabi ko habang hinahampas ko yung kamay niyang nasa bewang ko. Pero imbis na tanggalin niya, lalo niyang hinigpitan at siniksik pa lalo ako sa katawan niya. Alam niyo ba yung mabango? Si Aidan yun eh. Hindi ko alam pero naramdaman kong namula talaga ako at mukhang napansin niya yon. Uggh.
"You're blushing." Pang-asar niya at humalakhak pa.
"Bwisit! Tanggalin mo na nga yang kamay mo baka may makakita."
"Eh ano ngayon?" Sabi niya at tumawa ng pang-asar. Bwisit talaga. Kaya naman no choice ako kundi lumakad habang para siyang ahas na nakapulupot yung mga kamay niya sa bewang ko. Ang dami na din naming nakukuhang atensyon ng mga naglalakad na students. I swear, para kaming naglalampungan sa itsura namin. Tinignan ko lang si Aidan na diretso lang naka-tingin sa daan habang naka-ngisi. Gusto kong burahin yung ngisi niya at ibaon siya dito hallway. I swear.
"Aidan..." Tawag ko sa kanya dahil lalo pang humigpit yung hawak niya sa bewang ko.
"Hmmm?" Naka-ngiti pa din niyang tanong pero hindi niya ko tinitignan. Lakad pa din kami ng lakad.
"Yung kamay mo.."
"Nasa bewang mo." Sabi niya at humalakhak nanaman. Ang sarap talaga niyang murahin at pag sasapakin tuwing humahalakhak siya ng ganun. Tss.
"Pupunta na ko sa room." Sabi ko habang hinawakan ko yung kamay niyang naka-palupot sa bewang ko pero bigla naman niyang hinawakan yon habang naka-kapit pa din siya sa bewang ko.
"Aidan naman! Nakakainis ka na!"
"Problema mo ba kasi? Hahatid na nga kita eh!" Para naman siyang nainis. Aba, mas naiinis ako dahil hindi na basta-basta yung mga nakatingin samin. May mga ibang prof kami na dumaan na at nakikita kami habang para talaga kaming naglalampungan sa itsura namin pero wala talaga siyang pakialam.
"Kaya ko naman ng mag-isa! Wala ka bang klase?" Tanong ko sa kanya dahil parang siya ang nagmamay-ari ng buong oras. Ang walanghiya na'to nakakabadtrip talaga pag nakikita ko siyang naka-ngisi ng ganyan. Para siyang laging may balak na ewan..
"Meron." Cool na cool naman niyang sabi.
"Anong oras?"
"7." Sabi niya at humalakhak nanaman tapos bigla nanaman niya kong hinalikan sa noo.
"7:30 na kaya! Late ka na! Aidan!" Sigaw ko sa kanya dahil parang wala siyang pakialam. Malapit na ang midterms kaya dapat nagtitino siya.
"I can ditch that for you."
"Siraulo!" Sabi ko sabay hampas sa kanya.
"Totoo nga. Kaya bilisan mo ng maglakad para di ka ma-late." Hindi na ko sumagot at hinayaan na lang siyang ngumisi na parang tanga hanggang sa nakarating na kami sa room. Nagtinginan lang samin yung mga kaklase ko including Kim and her minion na mukhang shock na shock sa itsura namin.
"Sige na baby, bye!" Sabi ni Aidan sabay halik ulit sa noo ko at tuwang-tuwa na tumakbo palayo bago ko siya masapak. At ano daw? Baby? Wtf. Mga kakornihan talaga nung bwisit na yon. Naupo lang ako sa pinakaunahan dahil alam kong anytime magpapa-pansin nanaman sakin si Kim pero nakakapagtaka dahil wala pa din siyang imik kaya naman lumingon ako sa kanila at nakita ko siyang masama lang ang tingin sakin. Nakakapanibago. In fairness, mas maganda siya pag ganyan. Baket kaya hindi na lang siya naging pipi? Hahahaha.
Malapit ng mag 8 pero wala pa din si Venice. Hindi ko na siya tinext. Bahala siya sa buhay niya. Agad ko namang kinuha yung phone ko na nag vibrate. Halos mapanganga ako dahil si Aidan nanaman yung nag text. First time niya kong tinext. Feeling ko nag blush pa ko. Asar!
Aidan:
Boring.
Matutuwa na sana ako ng bongga dahil nag text siya pero napa-irap na lang ako sa screen ng phone ko dahil sa text niya. Walang sense. At anong gusto niyang gawin ko? Naghintay lang ako ng mga 3minutes bago mag reply. Ayokong isipin niya na excited akong mag reply sa text niya.
Ako:
So?
Tipid kong sagot. Mabilis naman siyang nag reply.
Aidan:
Tss. Kumain ka mamayang lunch ha. Pakiss!
Hindi ko alam kung kikiligin ba ko sa reply niya pero alam na alam kong humahalakhak nanaman yung siraulo na yon. Tss. Hindi na ko nag reply sa kanya dahil pumasok na yung prof namin at nag discuss na agad-agad. Nagpa-quiz lang at buti naman may nasagot ako.
Maaga kaming dinismiss ng prof namin kaya naman natutuwa ako dahil may gagawin pa kong report para sa isa ko pang major subject. Graduating na ko kaya naman ramdam ko na talaga yung pressure na lampas na ata sa ulo ko. Hindi naman ako nag wo-worry sa magiging future ko dahil para saan pa ang kayamanan namin? Pero kahit ganun, gusto kong may mapatunayan ako hindi lang para sakin kundi pati na rin kay lolo. Anyway, namimiss ko na siya. Hindi pa rin siya tumatawag dahil alam kong busy siya sa pag b-branch out ng mga negosyo niya. Kakausapin ko din siya about sa pag tra-trabahong gagawin ko sa 'Mori Airlines' na pag mamay-ari namin tutal Travel Management naman ang course ko.
Agad na kong lumabas ng room para pumunta sa Lib. Kailangang matapos ko lahat ng requirements dahil malapit ng mag midterms at hindi pa rin ako nakakapag review. Bwisit kasing Aidan. Baket kaya hindi pa rin siya nag te-text? Tss. Nadaanan ko naman yung room nila. Ang alam ko, wala na silang klase kaya napahinto naman agad ako nung may narinig akong mahihinang boses na parang nag-aaway.
"What's with that scene awhile ago?" Rinig kong sabi nung boses babae. Parang familiar. Hindi ko sila makita dahil sarado yung room pati na yung bintana. Lalakad na sana ako palayo ng marinig ko yung boses niya...
"That's nothing." Hindi ko alam pero agad akong kinabahan. Pakiramdam ko nanglambot agad yung tuhod ko. Agad akong lumapit sa pinto at dahan-dahan ko yung binuksan.. Then I saw them. Kim and Aidan. Baket sila magkasama? Ano yung pinag-uusapan nila? Ano yung sinasabi ni Aidan na, 'That's nothing.'?! Feeling ko napako yung mga paa ko dun at hirap na hirap akong umalis hanggang sa napatingin sa kinatatayuan ko si Aidan. Agad kong sinara yung pinto at tumakbo palayo.
"Safara!" Sigaw niya pero tuloy-tuloy lang ako sa paglakad. At baket parang nasasaktan ako na magkasama sila? Baket ako tumatakbo? Pero baket pakiramdam ko, merong kakaiba sa kanilang dalawa..
"Safara!" Sigaw niya habang hinila ang braso ko kaya naman agad akong napahinto at muntikan na kong masubsob sa dibdib niya. Ang bango talaga niya pero hindi pwede. Hindi pwedeng ganito ang iniisip ko.
"What?" Kalmado kong sabi. Ayokong malaman niya na naiinis ako. Ayokong isipin niya na naiinis ako dahil nakita ko siyang kausap at kasama yung babaeng kinaiinisan ko sa lahat. Galit siya kay Kim diba? I know galit siya kay Kim pero baket sila magkasama?
"Baket ka tumatakbo?" Naka-ngisi niyang tanong pero bakas pa rin sa boses niya ang inis.
"Pake mo ba? Bitiwan mo nga ako!" Sabi ko habang pilit na inaalis sa pagka-hawak niya yung braso ko. Pero imbis bitiwan niya, pumalupot nanaman yung kamay niya sa bewang ko. Baket parang nasasaktan ako pag naiisip kong gagawin niya yan sa ibang babae? Ang selfish man pero gusto ko sakin niya lang gagawin yan.
"Not unless you tell me why are you running away."
"Masama na bang tumakbo? Bumalik ka na dun kay Kim!" Oo alam kong ang bitter ko pakinggan pero wala na kong pakialam.
"You jealous?" Tanong niya sabay halakhak nanaman. Ayan nanaman yang hobby niya na yan. Naiinis ako. Humigpit naman yung kapit niya sa bewang ko sabay halik ulit sa noo ko.
"O-of course not! Ba't naman ako magseselos?! Tabi nga!" Sabi ko sabay sapak sa braso niya pero tumawa lang siya at hinalikan yung buhok ko. Halos tumayo yung balahibo ko dahil sa ginawa niya. Dapat sakin niya lang yan gagawin! Baka masapak ko siya pag nakita kong ginagawa niya yan sa iba!
"Sus. San ka ba pupunta?" Tanong niya habang lumakad na siya. At dahil nakakapit nanaman siya sa bewang ko, wala akong magawa kundi lumakad din. Nakakainis talaga 'to. Ang daming nakatingin samin pero at the back of my mind, I was screaming, "Yes, he likes me, bitches!" kaya naman kahit naiinis ako tuloy-tuloy pa rin ako sa sunod sa kanya. Ang dami naming nakasalubong na halos lalamunin na ata ako pero tinataasan ko lang sila ng kilay. Napatingin naman si Aidan sakin at humalakhak nanaman na parang tanga. Shet, baket ang gwapo niya? Tss.
"Ba't ka tumatawa?!" Inis kong tanong sa kanya.
"I really want you tuwing nagtataray ka." Sabi niya at tumawa nanaman.
"Tss. Bitawan mo na ko! Balikan mo na si Kim!" Inis kong sabi sa kanya.
"Selos naman."
"I'm not, Aidan. Wag kang assumero diyan."
"I'm stating the fact, baby."
"Nakakainis ka talaga! Iwan mo na nga ako!"
"I won't leave you, Safara. Alam kong alam mo yan. Wala akong pakialam sa iba, pag kasama kita." Seryoso niyang sabi na nagpatayo nanaman ng mga balahibo ko. Hindi ko alam kung kikiligin ba ko o ano.
"B-baket magkasama kayo ni Kim?"
"Selos ba yan?" Tanong niya at humalakhak nanaman. Sasapakin ko na sana siya ng bigla siyang nagsalita ulit, "Kim's my ex.." Halos madapa na ko dahil sa sinabi niya. EX niya si Kim?! How come? I don't know what to say..
"D-do you still love her?" Halos pabulong na tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung baket pakiramdam ko sasabog ako sa nalaman ko. Feeling ko na h-highblood ako. Gusto kong sapakin si Kim.
"If I do, I wouldn't be here chasing you." Seryoso niyang sagot habang bakas sa boses niya ang pagka-inis at irita.
"Pero ba't kayo magkasama?! Tsaka, ano yung pinag-uusapan niyo?!" Napatingin naman siya sakin at agad humalakhak. At talaga namang nagawa niya pang gumanun, eh inis na inis na nga ako sa mga nalaman ko. Badtrip.
"Baket ka curious?" Pang-asar niyang tanong kaya sinapak ko na.
"Aray naman!" Natatawa niyang sabi. Nandito kami sa gitna ng hallway at parang wala siyang pakialam sa mga nakakakita samin. Nilagay nanaman niya yung kamay niya sa bewang ko sabay halik ulit sa noo ko. Napaka-chansing talaga nito pero parang gustong-gusto ko naman. Shet.
"Umayos ka nga! Niloloko mo na lang ata ako!" Inis kong sabi sa kanya dahil puro kabalastugan naman ang alam nitong lalake na'to. Nakakainis.
"Tss. Come. Baka halayin kita." Agad naman akong napatingin sa kanya.
"Ano?!"
"Wala." Sabi niya sabay ngisi nanaman ng nakakaloko. Lumakad na ulit kami pero papunta na kami sa parking lot.
"San tayo pupunta?"
"Pakakasalan na kita." Sinapak ko nanaman dahil baka mamaya, maniwala ako. Ugh. Ano bang nangyayare sakin?! Ako ba talaga si Safara?! Agad kaming lumapit sa Z3 niya. Pinagbuksan niya lang ako ng pinto habang umikot siya para sumakay na din. Pangalawang beses ko pa lang na sakay dito sa kotse niya. Amoy Aidan. Nakaka-adik.
"Pwede namang ako na lang amuyin mo. Promise, no hard feelings." Sabi niya sabay tawa nanaman.
"Tse! San ba kasi tayo pupunta?! May gagawin pa ko!" Agad naman siyang humarap sakin na naka-kunot ang noo.
"At ano yang gagawin mo?!"
"Secret!"
"Baket secret?! Baket ayaw mong sabihin sakin?!" Naiinis niyang tanong. Para siyang bata ang gwapo niya mainis. Unfair talaga ng mundo.
"Kasi gusto ko." Pang-inis kong sabi sa kanya. Inis na inis pa din yung mukha niya. Hindi pa rin niya ini-start yung kotse.
"Tss. Baket, may ibang lalake ka ba?!" Parang bata niyang tanong. Hindi ko alam pero I suddenly have the urge to laugh at his face! Hahahaha.
"Eh ano naman sayo ngayon kung meron?"
"Hindi pwede kasi.. Aish! Fvck!" Parang tanga niyang sabi at tumingin sa bintana. At wala talaga siyang balak i-start yung kotse niya at umalis? Natatawa na lang talaga ako sa reaksyon niya.
"Baket naman hindi pwede?"
"Cause I said so! Fvck mapapatay ko yun pag nalaman ko kung sino!" Sabi niya at tinignan ako ng matalim. Hindi ko na napigilan yung tawa ko at bigla naman siyang napa-nganga dahil sa sobrang tawa ko.
"What's funny?!" Irita niyang tanong.
"Wala. Mag drive ka na!" Sabi ko habang naka-ngisi. Inistart niya na yung kotse niya at mabilis na mapa-andar. Pasalamat na lang ako sa seatbelt dahil baka tumilapon na ko. Bwisit talagang hambog na'to! Hindi pa rin siya nagsasalita at pasulyap-sulyap sakin habang iritado pa din yung mukha niya.
"San tayo?" Tanong ko dahil hindi ko talaga alam kung san kami pupunta. Hindi naman siya sumagot at inirapan lang ako. Ang gwapo talaga nito kahit parang tanga eh. Pinabayaan ko lang siyang mag drive. Pero hindi ko talaga matiis kaya naman umusog ako ng konti palapit sa kanya. Hindi pa rin niya kong tinitignan.
"You won't talk to me?" Hindi pa rin siya sumagot at para na talaga kong tanga. Umusog na ko ng sobrang lapit sa kanya at hinawakan siya sa braso.
"Sorry.." Sabi ko dahil alam kong nainis ko siya. Ang kapal naman kasi niyang mang-asar tapos isa pala siyang pikon din. Hahahaha. Pero hindi pa rin niya ko pinapansin. Medyo naasar ako dahil natitiis niya ko.
"Sorry na.." Ulit ko pa. Finally, tinignan niya na ko.
"Ahhh shit! Fvck. One.look.fvck.fine!" Sigaw niya habang pinarada yung kotse niya sa tapat ng isang malaking bahay. Infairness, mas malaki sa mansion namin. Agad siyang bumaba at umikot para pagbuksan ako ng pintuan. Agad akong bumaba at hinawakan nanaman niya yung bewang ko. Para talagang ahas 'tong lalake na'to.
"Where are we?"
"Our house." Halos mamutla ako sa sinabi niya. At anong ginagawa namin dito sa bahay nila?! Don't tell me dito niya ko balak halayin?! Este shet, baket nandito kami?!
"What?! Ba't nandito tayo? No.. Aidan, no!!" Tinawanan niya lang ako at siniksik niya ko sa katawan niya. Nawawala ako sa ulirat pag naaamoy ko siya. Pinaliligo niya ba ang pabango? Ano kayang pabango niya?
"Relax. Dito natin gagawin yung mga projects mo." Naka-ngiti niyang sabi habang hinalikan nanaman niya noo ko.
"Ba't dito pa?"
"Basta." Sabi niya at lumakad na kami papasok. Sinalubong lang kami ng maid siguro nila.
"Hi sir." Bati ng isang babae na halos kaedad lang siguro namin. Tinignan ko lang siya ng masama dahil obvious na obvious ang pagpapa-cute niya kay Aidan. May pa hawi hawi pa siya ng buhok niya. Bwisit!
"Sila dad?" Tanong ni Aidan. Mukhang hindi naman niya napansin yung pagpapa-cute nitong mahaderang katulong nila. Tss.
"Wala pa po sir." Sagot lang nitong katulong nila. Tumango lang si Aidan at lumakad na ulit kami. Hinigpitan niya yung hawak niya sa bewang ko kaya lumingon ako dun sa ambisyosa nilang katulong and I just stick my tongue-out at her. Hah!
"Bwisit na katulong niyo! Nagpapa-cute pa mukha namang takong!" Inis kong sabi. Humagalpak lang sa tawa si Aidan habang inis na inis pa rin ako. Bwisit na yan. Na h-highblood talaga ako pag nakikita kong may nagpapansin sa hambog na'to! Uggh!
"Wag mo ng pansinin." Sabi niya habang nakapasok na kami sa loob ng bahay nila. Ang laki. Ang ganda. Hindi matatanggi na, galing talaga sila sa mayaman na pamilya. Pagkarating namin sa sala nila, agad kong nakita si Eises at Delta na naglalaro ng xbox habang lumipat yung tingin ko kay Blake na nakaupo sa sofa habang naka-tingin sakin na may ngiting ewan.
"So, you're here.." Sabi niya at tumayo para lumapit sakin. Pero hindi pa man siya nakakalapit ng tuluyan ng biglang nilagay ni Aidan yung kamay niya sa bewang ko. Huminto lang si Blake sa tapat namin at ngumiti.
"Kalma, kuya." First time kong narinig na tinawag niyang 'kuya' si Aidan. Parang merong kakaiba sa pagtawag niya na yun at nakaramdam agad ako ng awkward. Baket kasi ang ganda ko?
"You fvck off." Kalmadong sabi ni Aidan pero may tono ng pagbabanta.
"Why? Wala pa naman akong ginagawa.."
"Dahil wala kang gagawin."
"Let's see.." Naka-ngiting sabi ni Blake at lumapit na ulit kila Delta. Agad naman akong hinila ni Aidan pa-akyat siguro sa kwarto niya. Ni-lock lang niya yung pinto kaya nakaramdam agad ako ng kaba. Binuksan niya ng padabog yung pinto ng balcony niya sabay gulo ng buhok niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil kahit ako, kinakabahan lalo ng bigla siyang lumapit sakin at agad akong niyakap.
"Shit! Hindi ka sakin.. and fvck! Shit! Shit!" Mura lang siya ng mura at halatang frustrated.
"Aidan." Sabi ko at niyakap siya. Agad namang kumalma yung katawan niya at mas niyakap pa niya ko ng mahigpit.
"I won't let him have you. Fvck I wont!!" Sigaw niya sabay gulo nanaman niya ng buhok niya. Lalo siyang nagiging hot at gwapo sa paningin ko. Hinawakan niya nanaman yung bewang ko at hinalikan ako sa noo at sunod naman sa buhok ko. Ilang beses niyang ginawa yun at tinignan ako ng diresto. Agad naman niyang tinapat sakin yung isang daliri niya.
"He can't hold you like this and he can't kiss you like that. Understand?" Sabi niya at ewan ko kung baket um-oo naman ako. Siguro dahil ang gwapo niya at ang sarap niyang halayin at this very moment.
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip