LWTPB 17

 

"Mori!" Liningon ko lang si Venice na kalalabas lang ng room. Kakatapos lang namin mag take ng midterms exam. Finally, finals na lang ang kailangan kong atupagin. Napasa ko na rin lahat ng mga research project ko kaya no hassle for me anymore. 

"What?" Naka-ngiti kong tanong sa kanya. Mukha siyang na-stress na ewan. 

"What's with the face? Blooming ah!" Agad ko siyang sinapak sa braso. Bwisit kasi. 

"Aray naman! Bwisit!" Inirapan ko lang siya at lumakad na. Gusto ko sanang umuwi na para magpahinga pero parang gusto kong umuwi sa mansion namin. Halos ilang weeks na rin akong hindi nakakauwi doon.

"Ba't mo ba ko sinusundan-- shit!" Gulat kong sabi ng may naramdaman akong kamay na nakapulupot nanaman sa bewang ko. Agad ko sanang sasapakin si Aidan ng makita kong hindi naman pala siya. Shit. Blake. Halatang nagulat si Venice pero mas ako.

"Hi.." Naka-ngiti niyang bati samin habang napahawak siya sa batok niya as if nahihiya siya. Nakahawak pa rin siya sa bewang ko. Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko may mga matang naka-tingin sakin. Agad akong lumingon sa buong hallway dahil feeling ko tinitignan niya kami pero hindi ko siya makita.

"Err. Sige Mori, una na ko!" Naiilang na sabi ni Venice bago lumakad na paalis. Pakiramdam ko nag yelo na ko sa kinatatayuan ko lalo na't ayaw pa rin tanggalin ni Blake yung kamay niya sa bewang ko. Hindi ako sanay..

"Blake..What?" 

 

 

"Lunch?" Tanong niya. Umiling lang ako at lumakad na. Nakahinga ulit ako ng maluwag nung hindi na siya nakakapit sa bewang ko.

"Meryenda?" Habol niya sakin sabay akbay naman.

"No, Blake."

 

 

"Baka magselos si Aidan?" Seryoso niyang tanong kaya naman napahinto ako. Yes, I know na nasasaktan ko si Blake. Alam kong alam niya na gusto ko si Aidan but still, he keeps on insisting his feelings for me. Ayoko siyang paasahin. I may be a bitch, but I will never do that thing.

"No, Blake. It's just that, I don't want you hurt.."

 

 

"Why can't you give me a chance, Saf? Baket yung kapatid ko lang?"

 

 

"Blake, alam ko na alam mo kung baket si Aidan lang. You know it, you just don't want to admit it to yourself."

 

 

"Cause I can't! Fvck!" Halos mapatalon naman ako sa sigaw niya. Nakatingin naman samin yung ibang mga studyante. I hate having conversation like this kaya naman tumalikod na ko sa kanya bago pa niya ko mahabol. Dumiretso lang ako sa labas ng school ng biglang may humila sakin only to see Aidan na halatang galit na galit. I knew it. He saw us. Hawak-hawak niya lang yung kamay ko habang hinihila ako at pinasok sa kotse niya. Agad siyang sumakay din at hinampas yung manibela na ikinagulat ko. Ngayon ko lang siya nakita ng ganyan kagalit. Gulo-gulo yung buhok niya, pero hindi ko alam kung paano niya nagagawang maging ganyan ka-hot. Tss.

"Baket magkasama kayo?" Seryoso niyang tanong pero bakas pa rin sa boses niya yung galit. 

"Don't dare blame me. Agad na lang siyang sumulpot nung nag-uusap kami ni Venice--"

 

 

"SHIT! FVCK! ANG KAPAL NIYANG HAWAKAN KA NG GANUN. DAMN IT!" Sigaw niya. Ngayon ko lang talaga siya nakitang nagkakaganyan. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman iniwas ko lang yung tingin ko sa kanya.

"Sorry." Agad kong sabi kahit alam kong wala naman akong ginawang masama. Alam kong magagalit siya sa paghawak-hawak sakin ni Blake na yon. I can't blame Aidan for being like this dahil baka maging ganyan din yung reaksyon ko pag nakita ko siyang ginagawa yung mga yon sa ibang babae. No, I can't take that.

"Shit! Shit! Shit!" Sunod-sunod niyang sabi. 

"Nginitian ka niya ng ganun! Fvck him and his guts!! Tapos hahawakan ka niya sa bewang at sisigawan ng ganon?! In my face, Safara!! In my face!!" Galit na galit niyang sabi. Pulang-pula na din siya and it pains me seeing him like this..

"Aidan.." Mahina kong tawag sa kanya. Halos pumiyok yung boses ko dahil sa takot. 

"FVCK!" Sigaw niya ulit sabay hila sakin at yakap. "Sorry, sorry. Shit! Shit!" Dire-diretso niyang sabi while stroking my back. Ramdam kong kumalma na siya kaya tinignan ko na siya.

"Sorry.." Ulit niya.

"It's okay." I said and kissed him. Yes, ngayon lang ako nag initiate na halikan siya. It's just a smack at halos mapa-nganga siya sa ginawa ko.

"Tss." Sabi niya sabay ngisi nanaman niya na parang tanga. Nawala na yung galit na Aidan. Inistart niya na yung kotse niya at nag drive habang naka-ngisi pa rin.

"Baket ka naka-ngiti diyan?!" Irita kong tanong dahil parang na-stapler na sa mukha niya yung ngiti na yan.

"Wag kang mataray diyan. Naiinis pa din ako kasi pumayag kang hawakan ka niya ng ganun." Parang bata niyang sabi pero ngiti pa rin siya ng ngiti. Weirdo.

"Kasalanan ko pa ngayon?!"

 

 

"May sinabi ba ko? Tss."

 

 

"Eh ba't ang taray mo?"

 

 

"Eh ba't mo ko hinalikan?" Agad ko siyang sinapak sa tanong niya. Bwisit siya. Hindi ko na yun uulitin at baka mahalay ko na talaga siya. Humalakhak lang ulit siya kaya kinurot ko yung bewang niya!

"Aray!"

 

 

"Tse! San mo nanaman ako dadalhin?"

 

 

"Sa hotel. Joke! Pupunta tayo sa bahay niyo."

 

 

"What?!" 

"Nakauwi na lolo mo." Naka-ngiti niyang sabi na parang may iniisip na kung ano.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko dahil mas nauna pa niyang nalaman kesa sakin?!

"Ganun talaga pag drop dead gorgeous." Sabi niya sabay kindat. Wtf. Nakarating na rin kami sa bahay. Agad niya kong pinagbuksan ng pinto at ayan nanaman yung kamay niya na nakasabit sa bewang ko. Agad akong na-concious dahil makikita kami ni Lolo na ganito ang itsura. 

"Wag ka ngang ano! Makita tayo ni lolo!"

 

 

"So? Kaya nga tayo nandito eh."

 

 

"Ha?" Humalakhak lang siya at pumasok na kami sa loob. Naabutan namin si lolo na naka-upo sa sofa habang nanunuod ng tv. So it's true na nandito na nga siya. Agad siyang napatingin samin at ngumisi ng nakakaloko ng makita niya kung paano ako isiksik ni Aidan sa katawan niya. Shet naman.

"Hi, lolo." Bati ni Aidan. Binitawan na din niya ko sa wakas dahil lumapit ako kay lolo at humalik sa pisngi nito. Umupo naman siya sa tabi ni Lolo habang nakatayo ako sa harap nila. Tinaasan ko lang sila ng kilay. Mukha silang close na close na ewan. Nakakainis sila.

"Lo, baket di ko alam na uuwi ka?!" Inis kong tanong sa kanya.

"Surprise." Inirapan ko lang siya. Tinawanan lang ako ni Aidan at nakipag-apir kay lolo. Seriously?!

"Lo, si Safara, nagtataksil sakin." Halos literal na mapa-nganga ako sa sinabi ni Aidan. Shet, paano niya yan nasasabi sa lolo ko? Worst, nasa harap lang nila ko. Tinignan lang ako ni Aidan ng nakakaloko. Gusto ko sana siyang sapakin dahil puro nanaman siya kalokohan.

"Nako. Dapat diyan, pakasalan na." Sagot naman ni lolo. At anong pakasalan?! Masyado pa kong bata! Oo 19 na ko pero shet, bata pa ko!

"Sa tingin mo din, lo?" Sabi pa ni Aidan.

"Aidan! Lo!" Inis kong tawag sa kanila pero parang hindi nila ko narinig at nag-usap pa rin. Sa sobrang inis ko naupo lang ako sa sofa sa harap nila habang patuloy pa rin silang nag-uusap. Edi fine, magsama sila! Bwisit!

"Aba, basta ikaw ang makakatuluyan ng apo ko, ayos na ayos." Sabi ni lolo at tawa pa ng tawa.

"Talaga lo? Nga po pala, diba dapat hindi siya nakikipag-usap sa ibang lalake? Tsaka po, hindi dapat siya pumapayag na dikitan siya ng iba? Diba, lolo?" Pang-asar na sabi ni Aidan.

"Tama. Dapat sayo lang." Pag sang-ayon pa ni lolo. Halos ma-frustrate ako sa pinag-uusapan nilang dalawa kaya nilayasan ko na. Umakyat lang ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. At ano yun, binubugaw ba ko ng lolo ko kay Aidan? Hindi naman sa ayaw ko pero letche talaga!

Halos ang tagal ko na ding nakahiga dito. Gusto ko sanang bumaba at puntahan sila kaya lang baka mainis nanaman ako at baka pati si lolo masapak ko din. Bigla namang may kumatok sa kwarto ko at pumasok si Lolo na may nakakalokong ngiti. Nahawa na siya kay Aidan. At kelan pa sila naging friends?!

"Hey, lucky young lady.." Sabi niya sabay upo sa dulo ng kama ko. Inirapan ko lang siya para malaman niyang nababadtrip ako sa kanila pero tinawanan niya lang ako. Feeling bagets 'tong si Lolo. Kainis!

"You know what Safara? You're lucky." Naka-ngiti at seryoso niyang sabi.

"Why so?" Tanong ko sa kanya.

"You're lucky to have him." At alam kong si Aidan ang tinutukoy niya pero hindi talaga pwede yung iniisip at pinag-uusapan nila kahit na biro lang yun. No. Madami pa kong pangarap and I won't let all that pass.

"He's territorial, Safara. I'm very amaze how he can say straight to me how deep he falls for you." Agad akong napatingin kay lolo dahil sa sinabi niya. Sinabi yun ni Aidan?!

"Don't expect too much, lolo. Isa pa, he only likes me--"

 

 

"No, he loves you." Seryosong sabi ni Lolo sabay tayo at akmang aalis na pero agad siyang lumingon sakin,

"But you're too young.." Sabi niya at lumabas na. I don't know pero bigla akong kinabahan sa huli niyang sinabi.

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip