LWTPB 19
SAFARA'S POV
"Saf, i'll go first. Pupunta pa ko sa shop ni mom. Bye." Paalam ni Venice sakin sabay nagmamadaling lumayas. If I know, reason niya lang yon at ang totoo, makikipagkita siya kay Steven. Sikat na basketball player si Steven sa kabilang university at ang gaga, naka-big catch. Pauwi na rin ako since pumasok lang naman ako para gawin ang mga final requirements dahil konti na lang, i'm finally building my own name.
"Safara!" Napatingin ako sa likod ko at nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Siya yung lalake na walang kaabog-abog na tumabi sakin sa library. I'm not good in names and he's not that important kaya naman hindi ko matandaan ang pangalan niya kahit na sabihin pa nating ang gwapo nito at mas big catch. But no, I have Aidan. Ugh, nagiging mabait na nga ata ako at sweet ng dahil sa hampaslupang yon. Ni-hindi ko na nagagawa ang mga pang-aaping madalas kong gawin dati. Halos buong araw ko, kay Aidan umiikot and I know it's not healthy. I love him, yes but I need to remind myself na i'm only 19 and there are many things na mas dapat unahin ko. I'm quite ambitious that's why I wouldn't let myself drift in that so called, "love relationsip"
"Hey," Bati niya pagka-lapit niya sakin. Tinitigan ko lang siya dahil hindi niya ko madadaan sa pagpapa-cute niya.
"You don't remember me, eh?" Tanong niya sabay flash ng makalaglag panga at panty niyang ngiti samahan pa ng dimples niya shet may mga ganito pa pala talaga lalake eno? Noong una, akala ko wala na eh, pero meron pa pala. Pero di ko maitanggi na mas better si Aidan sa lalakeng 'to whoever he is.
"Obvious ba?" Pagtataray ko dahil alam ko na ang mga simpleng galawan na ganyan. Kung akala niya'y madadala niya ko sa mga ganyan, nagkakamali siya. Sa Aidan moves lang ata ako naaapektuhan pero pag sa iba, no freakin way. And why the hell am I comparing Aidan and this ass? Puro na ko Aidan Aidan Aidan hindi na talaga healthy ang ganito.
"Okay. So let me introduce myself again. Kent Borromeo." Sabi niya sabay lahad ng kanang kamay niya sa harap ko. Tinitigan ko lang iyon at nag smirk sa harap niya. Nang maramdaman siguro niyang wala akong balak makipag-kamay sa kanya, bigla siyang napabuntong-hininga sabay hawak sa batok niya.
"Ang sungit mo pala talaga. Akala ko sabi lang ng iba, pero totoo pala." Sabi niya sabay tawa as if may isang nakakatawang joke siyang sinabi. Eto ata ang kadalasang problema ng mga gwapo, yung pagiging weird nila. Hay jusko.
"Pwede ba layuan mo nga ako." Irita kong sabi habang patuloy pa rin sa paglalakad. Paniguradong pag nakita kami ni Aidan, magagalit nanaman yon na akala mong go na go ako sa paglandi. Hanep din ang isang yon, hindi pa nga kami pero akala niya, kanya ako pero baket parang gustong-gusto ko naman na nakikita siyang nagseselos at takot na takot maagaw ako? Feeling ko tuloy humahaba ang buhok ko segu-segundo. Punyeta 'tong mga iniisip ko. Hindi ko akalain na iisipin ko ang mga bagay na ganito.
"Eh ayoko nga." Naka-ngising sagot nitong lalakeng FC na'to sakin. Sobrang kulit nito. Panigurado ako clingy 'to pag nagka-girlfriend.
"Masyado kang feeling close." Diretso kong sabi sa kanya. Akala ko nga mao-offend ko siya which is yun naman talaga ang intensyon ko pero nagulat ako nung mas lalong lumaki ang ngisi sa mukha niya tipong ang sarap niyang sapakin.
"Baket ganyan kayong mga babae? Pag hindi kayo kinakausap sasabihin niyo, snob kami tapos ngayong kakausapin na kayo't lahat-lahat sasabihin niyo naman feeling close. Ang gulo talaga ng mga babae." Mahabang litanya niya sa harap ko habang tinatahak namin ang mahabang pesteng hallway na'to na wala na atang katapusan. At dahil naiinis ako sa litanya na feeling niya masosolve non ang global warming, hinarap ko siya at tinitigan siya ng masama.
"Alam mo, may feeling close kasi na nakakatuwa, at may feeling close na nakaka-asar. At sa lagay mong yan, ikaw yung feeling close na masarap sapakin. Tse!" Dire-diretso ko ding litanya sa harap niya akala niya siya lang ang marunong mag litanya? Kayang-kaya ko din yon kahit nobena pa! Dali-dali akong lumakad pero napakatigas ng ulo ng lalake na'to!
"Ang hard mo naman haha. Nakikipag-kaibigan lang naman ako ah?" Inosenteng sabi niya sa harap ko habang palabas kami ng school lobby. I swear, nasan na ba si Aidan kung kelan kailangan ko siya?!
"Madami na siyang kaibigan, pre. Di mo na kailangang dumagdag." Sabay kaming napalingon ni Kent kay Aidan na nasa likod namin habang naka-lagay ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng suot niyang faded jeans. Shet ang gwapo talaga ng isang 'to yung tipong gusto ko na lang talaga siyang sunggaban kahit madaming makakita ayaw pa nila live show yon! Baket namamanyak ako pag nakikita ko 'tong si Aidan? Ganito ba talaga ang epekto niya sakin?
Agad siyang tumabi sakin at agad nilagay ang isa niyang kamay sa bewang ko. Oo alam ko, paraan niya yan sa pagsabi na sa kanya lang ako. Dapat nga naiinis ako pero mas nangibabaw pa rin ang kilig jusko pwede bang halayin ko na lang 'to?
"Nakikipag-kaibigan lang ako, okay? So chill, bro." Cool na cool na sabi ni Kent pero ngumisi lang si Aidan sa kanya.
"Kakasabi ko lang madami na siyang kaibigan at hindi na niya kailangan ng bago. Sige pre, una na kami." Sabi niya at lumakad na kami. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa bewang ko sabay buntong-hininga ng malalim. Oo na, alam kong nagseselos siya pero hindi niya masabi dahil alam niyang wala pa siyang karapatan para doon pero wala namang kaso sakin kung magselos siya dahil gusto ko naman. Ang harot ko talaga hindi dapat ganito ha. Bakas pa rin sa mukha niya ang inis at pagka-irita.
"Ba't magkasama kayo?" Agad niyang tanong. Bigla naman akong parang na-disappoint ng tanggalin niya ang kamay niya sa bewang ko.
"Siya yung lumapit sakin." Matabang kong sabi dahil alam ko, galit nanaman siya sakin.
"Ahh." Tipid niyang sagot habang naglalakad kami papunta kami ng parking lot. At dahil maganda ako at mahal ko 'tong siraulo na'to, sige na, ako na ang magbababa ng bandera ng napakataas kong pride! Agad akong kumapit sa braso niya tinitigan lang niya ko pero mas lalo ko pang dinikit ang sarili ko sa kanya.
"Sorry na. Di na mauulit, promise!" Sabi ko pero parang wala lang sa kanya. Ang walanghiyang 'to! Hindi ba niya alam na napaka-swerte niya dahil minsan lang ako magbaba ng bandera ng pride?!
"Sorry na." Sabi ko sabay halik sa pisngi niya. Halatang nagulat siya dahil alam naming dalawa, hindi ako showy na babae, hindi ako sweet kagaya ng iba. Ang alam ko lang eh, magtaray ng magtaray sa kanya. Bahagya siyang ngumisi pero agad din binawi. Pakipot!
"I love you, okay? Bati na tayo ha?" Halos pigil-hininga kong sabi sa kanya. Ngayon ko lang sinabi sa kanya ang mga salitang yan kaya halatang nagulat din siya to the point na napahinto siya sa paglalakad kaya napahinto din kami for god's sake nasa gitna kami ng parking lot!
"What did you say?" Halos gulat at di makapaniwalang tanong niya sakin.
"No repeating, sweety." Sabi ko sabay kindat sa kanya at mabilis na lumakad para lumapit sa Z3 niya na naka-park. Mabilis din siyang lumapit sakin at nilagay nanaman ang kamay niya sa bewang ko.
"Sinasagot mo na ba ko?" Buong ngiting tanong niya sakin. Ngayon ko lang nakita si Aidan na ganito. Yung tipong parang sasabog siya sa sobrang saya.
"Not so fast, A. Mangligaw ka naman ano bang akala mo sakin? Ganun-ganun lang? Hoy mahiya ka nga isang Safara Mori ang pinapangarap mo tapos wala ka man lang effort diyan?" Frusted kong litanya sa kanya for the win, sunod-sunod kong sinabi yon feeling ko kailangan ko ng madaming air. Napahagalpak siya sa tawa na parang tanga sabay halik sa noo ko.
"As I expected. Pero dun din naman ang tuloy nito!" Sabi niya habang pinagbubuksan ako ng pinto ng kotse niya.
"Okay edi sige, break na tayo tutal dun din naman ang punta non." Biro ko sa kanya pero seryoso pa din ang mukha niya hanggang sa nakapasok na din siya sa loob at ng kotse.
"I don't want you saying that, Safara. Pag naging akin ka, putangina pero walang break break o ano man na mangyayare dahil sisiguraduhin kong akin ka lang." Seryoso niyang sabi pero agad din siyang ngumisi at hinalikan ulit ako sa noo.
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip