LWTPB 23
"A.Z, A.Z. Hayyy gusto ko na din ng A.Z of my life." Nakaka-iritang sabi ni Venice habang para siyang tangang nag de-daydream dito sa tabi ko. Nandito kami sa room dahil may klase pa kami dahil 2 weeks na lang finals na at malapit na talaga kaming grumaduate.
"Tigilan mo nga ako." Iritado kong sagot sa kanya.
"Eto naman! Hindi ka ba kinikilig? Ang sweet kaya ng boyfriend mo!" Boyfriend. Up until now, hindi talaga mag sink-in sakin na kami na ni Aidan. I know there's still a lot of things na hindi namin alam sa isa't-isa but the heck I care! I got him. Yun naman ang importante diba? Yung magkasama kayo and there's a lot of time for us to get to know each other. Isa pa, why prolong kung parehas naman kami ng nararamdaman? It sounds corny but i'm smitten.
"Hoy! Di ka pa rin ba maka get over na kayo na talaga? Haha." Pang-aasar pa ni Venice pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Wala pa ang prof namin dahil palaging late yon. Kung 1:30 ang start ng klase namin sa kanya, 2:30 na siya dumadating. Finals na so I know the feeling na sobrang nakakatamad na talaga pumasok pero iba para saming mga gra-graduate na. There's a lot of paperworks and it's driving me nuts! Kahapon, kulang na lang hindi ako matulog para sa tatlong reports na ginawa ko para sa dalawa kong major class at isang pa-feeling major. Buti na lang talaga at kasama ko si Aidan kaya naman natulungan niya ko even though I know, he got tons of works to do too. Agad naman akong napatingin kila Kim at kanyang mga minions na papasok ng room.
"Hey, congrats." She said and I know, alam na niya.
"Thanks." Tipid kong sagot sa kanya habang hindi ko mapigilang mairita sa mga ngiting pumoporma sa mukha niya. It bothers me and I don't know why.. Sinamaan ko naman ng tingin si Venice na kanina pa ko kinakalabit.
"What?" Tanong ko sabay nguso naman niya sa pinto ng room namin and there I saw Aidan. Naka-nigiti lang siya at tumayo naman ako para lapitan siya.
"Hi," Parang tanga niyang sabi sakin at mabilis akong hinalikan. Ang PDA talaga nito. Walang pinipiling lugar sa kaharutan niya. But it makes me smile. I know Aidan. He's a bigtime flirt. I remember seeing him kissing one of our schoolmates but here I am, loving this flirty man.
"Flashy!"
"You want me flashy. I love you." Sagot naman niya at mas lalo akong napa-ngiti. Para kaming tanga dito sa hallway at walang pakialam sa mga studyante na dumadaan.
"Don't you have class?" Tanong ko sa kanya habang nakahawak siya sa bewang ko at nakasandal kami sa railings. Naka-ngiti lang siya as if he won in a lottery.
"Early dismissal." Tipid niyang sagot while his lips are on my hair. Nakakapit pa rin siya sa bewang ko habang hawak din niya yung isa kong kamay. This man is making me happy. Really.
"Wala ka na bang next class?"
"Meron. Mamaya pa naman. Ayaw mo ba kong nandito ha?" Tanong niya habang nakatingin ng diretso sakin. Hinampas ko naman siya dahil ang drama-drama.
"Sira. Nagtatanong lang eh." Sagot ko at humalakhak lang siya at hinalikan ako sa noo. His simple gestures makes me swoon. I swear, pag ako sinaktan ni Aidan, baka hindi ko na alam gagawin ko. I've taken such risk and it will surely wreck me pag ginago niya ko.
"Sabay tayong umuwi?" Tanong niya sakin habang niyakap ako ng mahigpit.
"We can't" Sagot ko dahil naalala kong uuwi ako ngayon sa bahay namin dahil namimiss na daw ako ni Lolo kaya gusto niyang doon ako matulog since he'll be flying to Spain next week because of his business meeting at isa pa, I miss our home. Namiss ko lahat don including my baby ferr. Simula nung tumira ako sa bahay nila Aidan, everything seems to changed. Ang daming bagay na hindi ko na nagagawa. It's not the usual me anymore. Hindi na ako si Safara Mori na puro night life ang iniintindi, yung carefree, yung halos gabi-gabing laman ng mga bar. Hindi na ako yon. But I have no regrets doing all those. Wala akong pinagsisisihan dahil naging masaya ako don. Siguro ang pinagkaiba lang, mas masaya ako ngayon.
"Hey,"
"Uuwi ako sa bahay." Sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa cheeks niya.
"Why?"
"Namimiss na ko ni Lolo. Tsaka ngayon lang naman. Uuwi din ako dun satin bukas."
"Okay. Pero ihahatid kita. No buts." Tumango lang naman ako sa kanya at mas lalong niyakap siya.
"Sige na, papasok na ko." Sabi ko pero mas lalo niyang hinigpitan pagkayapak niya sakin. Possessive and clingy Aidan.
"Wag muna."
"Clingy." Sabi ko at kumalas na sa yakap niya dahil kung hindi ko pa yon gagawin, baka hindi na ko pumasok sa klase ko na'to at i-take home ko na 'tong boyfriend ko na'to.
"Mahal kasi kita. Haha."
"Corny mo!"
"Mahal na mahal mo naman! Sige na, pumasok ka na. Love you!" Sabi niya at lumakad na ko papasok na may malawak na ngiti.
"Blushing Mori. Grabe." Sabi ni Venice at hinagis ko lang sa kanya yung bag ko na sakto naman sa mukha niya.
"Ay bwisit!" Tinawanan ko lang naman siya at naupo na ko. Ilang minuto na kaming naghihintay sa prof namin pero wala pa din hanggang sa pumasok na si Kent. Nakalimutan kong kaklase nga pala namin siya sa subject na'to.
"Hi niggas." Natatawang bati niya samin ni Venice. Tumayo naman ako at pinaupo siya sa inuupuan ko. Pag ganitong magkakasama kaming tatlo, gustong-gusto kong nakaupo siya sa gitna namin ni Venice. Para na namin siyang clown at entertainer ni Venice dahil sa mga sobrang corny niyang joke mga corny one-liner niya.
"Wag mo ng subukang mag joke ngayon Kent ha? Wala ako sa huwisyo at baka masapak kita." Sabi ni Venice sa kanya habang nag pout lang si Kent. Ang gwapo talaga ng mokong na'to. Isa pa, bagay sila ni Venice.
"If I know, tuwang-tuwa ka nga sa mga jokes at pick-up lines ko sayo eh! Sus!" Sinapak lang naman siya ni Venice sa braso at tumawa lang si Kent. Baket kaya hindi na lang sila at ng hindi na ako yung nilalandi nitong si Kent.
"Venice," Seryosong sabi ni Kent sa kanya at hindi ko alam kung matatawa ba ko o ano habang nakikita kong naiirita si Venice.
"Ano nanaman--"
"You must be in the dictionary because you are the definition of love." Banat niya sabay tawa ng malakas. I know, hindi naman niya type si Venice. I know him. At isa pa, alam niyang may Steven si Ven.
"Trip mo ba ko? Yang si Kim ang banatan mo. Bilis!" Mahinang sabi ni Ven kay Kent at napa-iling na lang ako sa kanilang dalawa. Agad naman ngumisi ng nakakaloko si Kent at humarap kay Kim na naka-upo sa likod niya.
"Kim," Tawag ni Kent sa kanya habang kitang-kita ko ang pamumula ni Kim. Flirt. He wants Aidan and I know, he wants Kent too.
"What?" Pagtataray pa niyang tanong if I know, kilig na kilig yan. Bigla naman nag seryoso ang mukha ni Kent at inayos pa yung sexy hair niya habang gustong-gusto ko ng tumawa.
"Pwede ba kitang banatan..."
"Of course--"
"Sa mukha?"
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip