LWTPB 25

Aidan's at the right side

"What the?! Eh baket hindi na lang ako?! I mean, I volunteer!!" Tuwang-tuwang sabi ni Ven sakin pagkatapos kong i-kwento sa kanya yung nangyari. Hindi pa rin ako makausad dahil hanggang ngayon, iniisip ko pa rin si Claye. Gusto ko siyang tulungan pero ayokong masaktan si Aidan.

"Si Safara na kasi yung nasabi ni Claye sa daddy ni Miguella." Agad kaming napatingin kay Delta na biglang sumulpot dito sa gazebo. Akala ko kasama na niya si Aidan dahil pinapatawag sila ng coach nila.

"Pwede namang bawiin!"

"We can't just pull it off. Mas lalong hindi maniniwala daddy ni Miguella. Kilala namin ang pamilya nila. Sa tingin ko, hindi dahil lang sa may nangyare kay Claye at sa anak niya kaya gusto niyang magpakasal yung dalawa. There's more. Matagal ng gusto ni Tito Fred (Miguella's father) na mag merge ang kompanya nila sa kompanya namin pero ayaw ni papa dahil palugi na ang kompanya nila." Mahabang paliwanag ni Delta samin habang chill na chill na nakaupo at kumakain ng lollipop. Seriously? Lollipop?

"Sana ako na lang yang lollipop!" Malanding bulong ni Ven sakin kaya naman inirapan ko lang siya.

"Wala na bang ibang option? I mean, bukod sa pagpapanggap ko as Claye's fiancee. You know, I can't and Aidan won't approve."

"Alam ko naman eh. Pero yun lang yung option na pwede or else, kahit si papa, wala ding magagawa."

"Excuse me lang ha? Pero nabuntis ba si Miguella at ganun maka-react yung daddy niya? Ang OA ha."

"Miguella's not pregnant pero ganun kasi yung paniniwala nila. May nangyare sa dalawa kaya kailangan pakasalan agad. Tss."

"Hayyy. Kawawa naman si Claye my loves."

"Speaking of. Nasan pala si Claye?" Tanong ko dahil gusto ko sanang mag sorry sa kanya.

"Kasama si Karina."

"Karina who?"

"Alam niyo na. Flavor or the day." Napa-buntong hininga na lang ako at napa-upo sa tabi niya.

"Parang walang problema yung lalakeng yon ah." Sabi pa ni Ven at umupo rin sa tabi ni Delta.

"Problemado yon. He's Claye for all we know. Hindi naman niya ipapakita satin na problemado siya dahil gago yon eh haha."

"Siraulo. Wala ka bang klase?" Tanong ko sa kanya.

"Meron pero nandito ako para pilitin ka pa din."

"Delta--"

"I know. Pero pwede bang pag-isipan mo ulit? Yung desisyon mo talaga hindi yung desisyon ni Aidan."

"Delta, relationship doesn't work that way. Aidan's my boyfriend that's why I need to consider his opinion and his feelings. Ayokong eto yung pag-awayan namin, ayokong eto yung makasira sa anong meron kami."

"You know what, Delta? Safara's right. Hindi pwedeng si Claye lang ang i-consider natin dito--"

"You fucking leave my girlfriend o tayong magkakapatid magkakasiraan dito." Mabilis akong napatayo ng marinig ko yung boses ni Aidan. Nakatayo siya sa likod namin at masamang nakatingin kay Delta.

"Ganyan ka ba ka-selfish?" Galit na tanong ni Delta habang napatayo na din siya. Kung titignan silang dalawa, hindi maipagkakaila na magkapatid sila. 

"Ganyan din ba kayo ka-gago na pati si Safara idadamay niyo? Pre, walang talo-talo." Kalmadong sabi ni Aidan sabay lapit sakin.

"Aidan.."

"Let's go." Sabi niya at mabilis akong hinawakan sa bewang at lumakad. I know, kahit ako naman ang tatanungin, hindi pa rin ako papayag. Mahal ko si Aidan kaya ayokong saktan siya.

"Sorry.." Mahina kong sabi sa kanya at niyakap siya. Niyakap lang niya ko ng mas mahigpit at hinalikan sa ulo.

"I love you, okay? Promise me, you won't agree to that goddamn sht." Tumango lang ako sa kanya at mas niyakap siya.

"Aidan, Safara.." Agad naman akong napalingon kay Claye na nasa harap na pala namin.

"Nag-usap na tayo diba? Hindi pwede." Mariing sabi ni Aidan kay Claye pero ngumisi lang siya ng pang-asar. Claye will be Claye. 

"Baket, Kuya? Takot ka bang maagaw ko sayo si Safara?" Sagot ni Claye habang mabilis siyang nahawakan sa kwelyo ni Aidan.

"Say that again at hindi ako magdadalawang isip na sapakin ka." Galit na sabi ni Aidan habang naka-ngisi lang si Claye sa kanya.

"Aidan, tama na." Agad akong lumapit sa kanilang dalawa at hinawakan si Aidan sa braso. Binitawan din niya si Claye at hinawakan ako sa bewang.

"Uulitin ko, isa pang lapit kay Safara, makakatikim ka na sakin. Uulitin ko pa, ang akin, akin lang." Sabi ni Aidan at umalis na kami sa harap ni Claye. Sobrang bilis ng lakad ni Aidan kaya naman pati ako napapa-sunod na lang dahil hawak niya yung kamay ko. Agad ko siyang hinawakan sa braso and there I saw him, crying. First time ko siyang nakitang umiyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko..

"Aidan.."

"Sorry.." Sabi niya at mabilis akong niyakap. "Nasasakal na ba kita?" Tanong niya habang nakayakap pa din sakin.

"Aidan, no."

"Tae, ang bakla ko tingnan. Haha." Sabi niya sabay punas sa luha niya. "Sorry kung ipagdadamot kita ha? Boyfriend kasi ako, boyfriend mo ko. Ayoko yung hahawakan ka ng iba, yayakapin ka ng iba. Gusto ko ako lang yung magpapatawa sayo tas magpapa-ngiti. Kahit magmukha pa kong tanga o bakla, basta akin ka lang, okay lang sakin. Ayoko yung magpapanggap ka bilang girlfriend ng iba lalo na fiancee ng iba. Masakit kasi sa part ko yon. Pinaghirapan kitang makuha tapos yung iba gagamitin ka lang para pagtakpan yung kagaguhan na ginawa nila. Sorry kung napaka-selfish ko sayo o kaya nasasakal kita ha? Boyfriend kasi ako eh.. Boyfriend mo." Sabi niya habang nakatingin ng diretso sakin sabay halik sa noo ko. Hindi ko alam yung isasagot ko. Sabi ko nga dati, ganito ata yung epekto ni Aidan sakin. Yung tipong napapatulala na lang ako, yung wala akong maisagot kasi sobra-sobra yung pagmamahal niya sakin. Yung natatakot ako na baka pag wala si Aidan, hindi ko na alam yung gagawin ko.

"Sa lahat ng bakla, ikaw ang gwapo. Hindi mo naman kailangang mag sorry kasi naiintindihan kita. I know you're scared pero stop it, Aidan. Alam mo kung gaano kita kamahal kaya hindi ako papayag diba? Boyfriend kita, girlfriend mo ko. Malinaw na yon para malaman nilang hindi pwede, na ikaw lang talaga. Okay?" Sabi ko at hinalikan siya.

"Corny na natin. Tara nga! Haha." Sabi niya at hinila na ko. Nakahawak nanaman siya sa bewang ko kaya naman mas lalo ko pang nilapit yung katawan ko sa kanya at hinawakan din siya sa bewang.

"May klase ka diba? Ihahatid na kita" Sabi niya sabay halik sa buhok ko.

"San ka na pupunta?"

"Babalik akong gym. Tumakas lang ako kay coach kanina kasi bigla akong kinabahan tas tama nga yung kutob ko bwisit na Delta na yon." Inis pa niyang sabi.

"HOY KAYONG DALAWA TAMA NA YAN IBALIK MO MUNA SI SAFARA DITO AT MAY QUIZ KAMI!" Sigaw ni Ven sa gitna ng hallway. Tumawa lang kami ni Aidan sabay halik niya sakin.

"Mine." Sabi niya sabay suot ng isang silver na singsing sa daliri ko. Halos mapako ako sa kinatatayuan ko na parang gusto kong maiyak. Nakatitig lang ako sa singsing na nakasuot sakin habang inikot niya yung singsing at may lumabas na, "A.Z" na naka-engrave ng italic letters at gold color.

"Aidan!" Hinampas ko naman siya sa braso niya dahil nagpapaka-sweet nanaman siya. Hindi kami ganito. Yung lambingan namin, madalas asaran. Minsan lang maging sweet 'tong siraulo na'to. Tumatawa lang siya at hinalikan nanaman ako sa forehead. "Aidan naman! Ang sweet mo bwisit ka!" Sabi ko at niyakap siya ng sobrang higpit.

"Gwapo kasi ng boyfriend mo." Sabi pa niya kaya hinampas ko ulit siya sa braso niya. "Pero seryoso, boyfriend mo ko kaya responsibilidad ko na pangitiin at pakiligin ka ng ganyan." Sabi niya sabay gulo ng buhok ko.

"I love you."

"I love you, too, A.Z. Hindi yung I love you forever o kahit yung I love you to the moon and back kasi di naman mapapantayan ng mga yon kung gaano kita kamahal. Siguro mas bagay yung, I love you and I won't stop." He says and i'm speechless, again.

xxxx

A/N: 

Can't promise na ma u-update ko daily sa summer dahil may summer class at summer workshop po ako. Super sorry sa mabagal na update and thank you sa mga patiently waiting pa rin! Thank you, guys!! x

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip