LWTPB 30

Ngayon ang alis ko dito sa Davao pabalik ng Manila kaya naman maaga pa lang ay nagising na kami ni Aidan. Naka-simangot na mukha niya ang bungad niya sakin dahil ayaw talaga niya kong pauwiin sa Manila. 

"Baby," Halos mapatalon ako ng niyakap niya ko galing sa likuran. Humalakhak naman siya at inamoy ang buhok ko.

"Stay please." Paglalambing niya. Gustong-gusto kong bumigay pero hindi pwede! Put your shit together, Safara! Tandaan mong graduating ka kaya wag kang magpadala sa tukso. Mababaliw na ata ako. Pakiramdam ko konting pilit pa ni Aidan sakin ay bibigay na talaga. Lintek talaga!

"Aidan."

"Yes, baby?" Sabi niya at inamoy amoy pa lalo ang buhok ko. Lintek talaga tong lalake nato baka mamaya hindi na talaga ko umuwi ng Manila at hindi umattend ng graduation!

"I know what you're up to. Come on, umayos ka na. Mamaya na ang flight ko pabalik ng Manila." Nag buntong-hininga lang siya at tinanggal ang pagkakayap sakin. Naupo lang siya sa kama at sumimangot nanaman. Alam ko naman, hindi ang pag-uwi ko sa Manila ang kinaaayawan niya. Unang-una, ayaw niya sa ideyang mag papart-time ako sa modeling agency ni Tita at lalong alam kong iniisip niya na nandito siya sa Davao habang makakasama ko sa Manila si Blake at Claye. Pero napag-usapan naman namin na sa bahay na ko uuwi at hindi na sa bahay nila. Umupo naman ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya pero mabilis niyang iniwas ito kaya naman parang may kalahating parte sakin na nasaktan.

"Aidan look kung ayaw mo talagang mag part-time model ako, fine. I won't do it."

"Pumayag naman ako diba?" Malamig niyang sagot. Huminga lang ako ng malalim at niyakap siya. Medyo natakot ako na baka umiwas siya pero nagulat ako ng mahigpit niya din akong niyakap. Napa-ngiti naman ako dahil ang bilis din talaga bumigay ng isang to sa konting lambing lang. Hay. Mamimiss ko talaga tong hambog nato.

"I love you. If you're happy then do it. It's just that--"

"You're scared. Aidan, mahal kita. Kung iniisip mo yung mga pwedeng mangyari dahil hindi tayo magkasama, forget it. I can handle it, okay? Kung iniisip mong makakaporma sakin si Blake, you better think again. At lalong wag mong isipin si Claye dahil hindi niya talaga ko mapipilit but i'll help him."

"What the fuck dont tell me papayag kang maging fiance ng kapatid ko?! Hell no--"

"Shush. May naisip ako for him to be out of that trouble with Miguella." I said with a smile. I can't be Claye's fake fiance kaya naman nasa Manila pa lang eh may naisip na ko na solution para sa problema niya. For pete's sake Miguella's family are overreacting. Wala namang nabuo sa anak nila at Claye pero gusto ng ipakasal? That's to lame. That's why I have a better plan.

"Dont stress over it, Safara. Gulo niya yon let him fix his own mess."

"He's your brother. Isa pa, this is gonna be fun. Basta wala tong kinalaman sakin." Proud na proud kong sabi sa kanya. Naeexcite na tuloy akong umuwi ng Manila ngayong naalala ko nanaman tong plano ko.

"Tell me." Malambing niyang sabi habang niyakap nanaman ako. Ugh Aidan!

"Malalaman mo din to baby. But not now." 

"Fine. Babae ka talaga siguraduhin mo lang na hindi ka mapapahamak diyan." Sermon niya at mabilis na tumayo at hinila din ako. Tinulungan niya kong ayusing ang dadalin ko. Wala naman kaming planong maligo ngayon sa resort nila dahil halos nagawa na namin kahapon. Maaga din ang alis ko pabalik ng Manila kaya naman sinulit na talaga namin. Nag kwentuhan lang kami at pilit talagang bumabalik ang usapan namin sa pagpipilit niyang wag na kong bumalik muna sa Manila.

Alas dos na at kailangan ko ng umalis. Hinatid lang ako ni Aidan kung nasaan ang private plane nila. Halos ayaw na niya kong bitawan kaya naman hirap na hirap akong umalis. Ilang buwan din siyang mawawala at hindi ko alam kung kakayanin ko din ba. Saglit akong natulog dahil mabilis lang naman ang byahe dahil by air at sa Davao lang naman ako nanggaling. Agad kong binuksan ang phone ko at halos malunod ako sa sunod-sunod na missed call at texts ni Aidan. Hindi ko pa nababasa lahat ng text niya ng mabilis namang tumunog ang phone ko. Lintek na Aidan masyado talagang OA.

"What took you so long? Kanina pa ko tawag ng tawag--"

"Calm down." Pagpuputol ko sa sermon niya dahil daig ko pa ang byumahe sa ibang bansa. Pero napapa-ngiti na lang talaga ko tuwing naiisip kong ganyan siya. That's my Aidan.

"I'm worried." Naiimagine ko nanaman siyang nakasimangot habang sinasabi yan. Parang gusto ko tuloy bumalik na sa Davao. Hay bwisit talaga.

"I'm fine. Hinihintay ko na lang si Claye na sunduin ako dito."

"What?! Baket si Claye? Yung driver namin ang pinapunta ko diyan para sunduin ka! What the hell, Safara?!" Inis na inis niyang sabi pero parang tanga pa din akong naka-ngiti. Ang seloso talaga ng isang to akala mo namang maaagaw ako sa kanya.

"Why no chill? Can you please calm down a lil bit? Si Claye ang pinapunta ko dito dahil sasabihin ko sa kanya yung plano ko para naman matapos nato. So chill."

"Fine." Tipid niyang sagot at alam kong frustrate na frustrate na siya dahil wala siyang ni-isang ideya kung ano ba ang iniisip ko.

"I'm hanging up. I love you, Aidan. Bye." Mabilis kong pinatay ang phone ko ng matanaw ko ang itim na Hilux ni Claye. Mabilis niya tong pinahinto sa harap ko at binuksan ang kabilang pinto. Ni hindi man lang siya nag-abalang bumaba. Bwisit talaga.

"How's Davao?" Bungad niya habang iniikot ang sasakyan para makalabas na kami.

"Breathtaking." Tumango lang siya at swabeng pinaandar ang sasakyan niya. Seryoso siyang nagmamaneho habang hindi ko maiwasang titigan siya. Sa kanilang magkakapatid, siya ang pinakabata. Halos pare-parehas sila ng korte ng mukha pati na ng mata. Hindi talaga maipagkakaila na magkakapatid sila.

"Staring is rude but I wont mind if it's you." Maangas niyang sabi kaya naman napakunot ang noo ko sa kanya habang humalakhak naman ang lintek.

"Shut up. Bilisan mo na lang mag drive."

"Where to? Okay lang ba sayo kung diyan na lang sa South?" Tanong niya habang nililiko ang sasakyan niya sa kalsadang halos puro chill place. Puro fast food chain at halo-halong shop na pwede kang mag chill. Nag park lang siya sa tapat ng Top's at mabilis na bumaba para pagbuksan ako. Pagkapasok namin sa Top's ay amoy na agad ng kape ang bumungad samin. Umupo kami sa bandang likod at hindi ko mapigilang igala ang paningin ko sa buong shop.

"So, what's the plan?" Tanong niya. Agad namang may lumapit saming babae at nilapag ang dalawang frappe sa lamesa namin. Ni hindi ko natandaang umorder kami pero mukhang kakilala ni Claye yung babae at parang regular na customer siya dito.

"I don't remember na umorder na tayo." Sabi ko at kinditan lang niya ko.

"Your plan, Safara." Inirapan ko lang siya dahil masyado siya pa-gwapo sa harap ko. I know gwapo siya. Gwapo naman sila pero Aidan will always be the best.

"Fine. You know Reema, right?" Tanong ko at mabilis naman siyang umayos sa pagkaka-upo niya.

"Your cousin? Of course. Who wouldn't? That's Reema Cassidy Mori." 

"Am I late?" Sabay naman kaming napatingin ni Claye sa nagsalita at mas lalong lumawak ang ngiti ko.

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip