LWTPB 35
Literal naman akong napa-nganga sa text ni Aidan kaya mabilis kong dinial ang number niya at agad din naman niyang sinagot. Umalis ako sa counter at lumabas ng Sherwood. Tahimik ang kabilang linya at alam kong galit siya.
“Aidan,” Tawag ko sa kanya at nagbuntong-hininga. Umupo ako sa isang gutter at pinilig ang ulo ko dahil ramdam ko na ang tama ng alak sa sistema ko.
“Go home. Now, Safara.”
“Aidan look okay lang ako—“
“Go home. I’m fucking mad and pissed right now, Safara.” Madiin niyang sabi and I know right now I won’t win the argument. Pinikit ko ang mata ko bago ako tumayo. Tahimik pa rin at ayaw niyang magsalita. Damn he’s really mad!
“I love you, A.”
“Home. May mga tatapusin lang akong papers na ipapasa bukas. Call me pag nakauwi ka na.” Sagot niya at mabilis na binaba ang tawag. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. God, he’s overreacting again! Ni wala namang nangyari samin ni Brixx pero kung maka-react siya as if may masama at kalokohan akong nagawa. Napa-irap na lang ako sa ere at napagdesisyonan na hanapin si Reema at Ven para makauwi na kami. Mas lalong umingay sa loob at napuno ng usok natanaw ko agad si Reema na hinihila ni Claye kaya mabilis ko silang sinundan.
“Reema!” Sigaw ko at napatingin naman sa gawi ko si Claye. Marahas namang tinanggal ni Reema ang braso niyang hawak-hawak ni Claye at mabilis namang nilagay ni Claye ang kamay niya sa bewang ni Reema kaya napataas ang kilay ko.
“We need to go.”
“No Saf she’s coming with me.” Si Claye ang sumagot at wala namang nagawa si Reema kundi sumunod ng lumakad na si Claye habang nakapalupot sa bewang niya ang kamay neto. Napa-iling lang ako at pinuntahan na si Venice na nakaupo na ulit sa high chair sa may counter. Buti na lang at wala na doon si Brixx. Lumakad ako at di ko napigilan ang paghawak sa gilid ng ulo ko. Umaalon ang paningin ko dahil na din sa tama ng alak at sa nakakahilong mga nagsasayaw na neon lights.
“Where have you been?” Wala sa ulirat na tanong ni Ven. Tanaw na tanaw ko ang sobrang pulang pisngi niya dahil sa tama ng alak at halatang madami na siyang naiinom.
“Let’s go home.” Tumawa naman siya at tinitigan ako.
“You don’t say. Come on Saf ang aga pa it’s just 12!” Umirap lang ako sa kanya at tinawag si Parker na agad namang lumapit sakin.
“Having a good time?”
“I’m going. Aidan’s mad and can you look after Ven? I really need to go.”
“No big, Saf. Ako na bahala.” Sabi niya at tinuro si Ven na nakadukdok ang ulo sa counter. Nginitian ko lang siya at mabilis na kong lumakad palabas ng Sherwood. Kinuha ko ang phone ko para sana magpasundo kay Delta dahil nasa kabilang bar lang sila pero agad akong sinalubong ng driver nila Aidan. Umirap lang ako at sumunod na sa kanya sa loob ng sasakyan. Sinandal ko ang ulo kong pumipintig sa sakit at naisipan kong tawagan ulit si Aidan. Pangatlong ring ng sagutin niya.
“What?” Medyo iritado niyang tanong kaya naman nakaramdam agad ako ng kaba at ewan ko ba kung baket naiiyak ako.
“Sorry. Uhmm, pauwi na ko.” Sagot ko at halos hampasin ko ang sarili ko dahil basag ang boses ko at di ko na napigilang umiyak. Narinig ko naman ang pagsinghap niya at pagbuntong-hininga.
“Damn. Sorry, baby. Please stop crying. I’m just really mad at you at myself lalo na kay Brixx. Saf you know yan yung mga kinakatakot ko. I may look like a sefish jerk but fuck ayoko ng may ibang lalakeng lalapit sayo. Sorry.”
“Sorry. I love you.” Tanging nasagot ko at mabilis na pinatay ang tawag. Mas lalo kong naramdaman ang matinding pagpintig ng ulo ko kaya sinandal ko ang ulo ko hanggang sa nakarating kami sa bahay. Pagkababa ko ay tumunog nanaman ang phone ko at nakita kong si Aidan ang tumatawag ngunit hindi ko iyon sinagot. Alam kong kahit nag sorry siya ay galit pa din siya at hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano-ano. We both need trust and it works both ways and I know Aidan magagalit siya sa mga simpleng bagay lang pagdating sakin. I understand him dahil baka ganun din ang maging reaksyon ko pag may lumapit sa kanyang ibang babae.
Pagkapasok ko sa bahay ay tahimik at naalala kong wala nga pala si Lolo at wala din si Reema. Well I hope they can sort things out between sa kanila ni Claye. I don’t think Reema fell out of love. Kilala ko siya kahit hindi kami close alam kong magsasabi siya ng masasakit na salita sa iba without caring at all but its her only way para mas lalo siyang hindi masaktan. It’s like to spare her from pain. Nilapag ko ang pouch ko at ang phone ko na panay ring pa din. Napabuntong-hininga na lang ako at sinagot eto.
“Baby..”
“What? Can I rest? Pagod ako.” Walang gana kong sagot sa kanya dahil to be honest, naiinis pa din ako sa kanya at di ko na rin makaya ang sakit ng ulo ko.
“Baby no. You cant sleep without us talking first. Look, i’m sorry if I’m too much but damn Safara that jerk was hitting you. He wants you and he wants what’s mine.” Napa-irap naman ako at naisip na masyado siyang insecure.
“And you think papayag ako Aidan? Ganyan lang ba talaga tingin mo sakin?” Rinig ko ang pagsinghap niya sa sinabi ko.
“No baby it’s just that kilala ko si Brixx. Just please, don’t go near him.”
“I don’t think you’re giving me one good reason para sundin ko yang sinasabi mo.” I spat at pinutol na ang tawag. I want a good sleep right now and I think I deserve that. Umakyat ako sa kwarto ko at nag half bath before I settle down myself na matulog. Hindi nagtagal ay nakatulog din ako hanggang sa nagising na lang ako sa lakas ng alarm ng cellphone ko. Tinignan ko naman at nakalagay don ang note na ngayon nga pala ako pupunta sa agency ni Tita para sa pag papart time ko sa modelling agency nila habang hindi pa ko graduate talaga. Inayos ko lang ang sarili ko at nagpasyang kumain muna bago maligo.
Pagkababa ko ay bumungad sakin ang sala naming na punong-puno ng iba’t-ibang bulaklak. Naabutan ko ang isa naming katulong na inaayos ang mga yon at nginitian ako kaya nagtaas lang ako ng kilay.
“Nako maam buti po gising na kayo.”
“Sino ang namatay?” Mapait kong tanong kahit alam ko naman ang ibig sabihin ng mga bulaklak na yan.
“Maam naman masyadong mapagbiro. Hindi niyo po ba nagustuhan?”
“Nasa itsura ko ba?” Maarte kong tanong at nag diretso na sa dining para kumain.
“Naku maam galing po yan kay sir Aidan. Pati nasa ref po pala yung mga chocolates na gusto niyo.” Hindi ko naman na siya pinansin at kumain na lang. Nang matapos ako ay tumayo na ko para makaligo pero tinawag ko muna yung isa naming katulong.
“I want those flowers… gone.”
“P-po?”
“I said itapon mo.” Sabi ko at nag diretso na para umakyat sa kwarto ko. Hindi ko alam kung anong problema ko kung baket ako ganito kainis to the point that whenever I remember what happened last night it pisses me off. Hindi ko lang talaga maisip yung mga pinagsasabi ni Aidan na wala namang sapat na dahilan para utusan niya kong layuan si Brixx. He’s been a good friend to me and isa pa, hindi naman kami ganun ka-close so I don’t get Aidan at sobra siya mag-react. Isinantabi ko ang iniisip ko at nagpasyang maligo na. Pagtapos ay agad akong nagpatuyo ng buhok at hinayaang umalon lang ang kulot neto sa balikat ko. Isang high-waist boyfriend jeans at puting midriff top lang ang sinuot ko habang nakita ko naman yung singsing na binigay sakin ni Aidan. Kahit galit ako sa kanya ay sinuot ko pa din yon bago ako tuluyang umalis.
Pagkarating ko sa tapat ng agency ni Tita Claire ay bumungad na agad sakin ang mga nakahilerang kotse at mga taong halos kaedad ko lang ata at mukhang may mga sinabi din sa buhay. Bumaba ako sa ferr ko at diretsong lumakad papasok sa loob. May naka set up na mini-stage at sa harap neto ay may mahabang lamesa na may apat na taong nakaupo halatang busy ang lahat. Natanaw ko naman si Tita na nakatayo sa gilid at tinitignang mabuti ang mga damit na ipapasuot sa mga gustong mag model. Lumapit ako sa kanya at halatang nagulat siya dahil hindi niya akalain na papayag ako sa alok niya.
“Hija, it’s so nice to see you. Are you…” Hindi niya matuloy ang sinabi niya kaya naman napatawa ako sa reaksyon niya.
“Of course Tita. Isa pa, part-time lang naman to habang hindi pa ko nag ttrabaho sa kompanya.” Lumawak naman ang ngiti niya at niyakap ako.
“You know I really want you here in our agency. You’re such a big catch.” Naka-ngiti niyang sabi pero mabilis din nawala ang ngiti niya.
“But I thought hindi ka papayag. Aidan called me yesterday.” Literal naman na napa-nganga ako dahil hindi ko alam na kilala pala niya si Tita. At mas lalo akong nainis sa mga iniisip kong sinabi niya.
“He told me na if tutuloy ka daw dito at sa pag momodel ay ingatan kita.” Nakangising sabi ni Tita habang nawala naman ako ulirat at parang biglang nawala yung inis ko sa kanya dahil salungat ng mga iniisip ko kanina ang sinabi niya kay Tita.
“You know what Saf? You both are so lucky to have each other. Just by talking to him, alam kong aalagaan ka niya for good and hey he’s a total big catch too, sweetheart. He really loves you way too much, Safara. I know it.”
"But he’s too controlling sometimes, tita. Masyado siyang insecure at madalas wala na sa lugar and lagi na lang siyang nagseselos sa maliit na bagay even though alam naman niyang siya lang yung mahal ko. ” Giit ko ng hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
“You wanna know why?” Tumango naman ako at tinapik niya ang dibdib ko at matamis akong nginitian.
“Cause he loves you way too much, Safara. Tipong gusto niya, lunod ka sa kanya. Yung hindi ka makakaahon.”
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip