LWTPB 37

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Mabilis akong umalis sa harapan ni Versace at lumabas ng agency ni Tita. Parang punyal na tumusok sa dibdib ko ang mga sinabi ni Versace. God please, I have the rights na umakto ng ganito. Alam kong totoo ang mga sinabi ni Versace cause why would she say such things kung gawa-gawa lang naman? Hindi ko alam kung anong gagawin ko o kung saan ako pupunta o kung sino ang kakausapin ko. I need a break before I approach Aidan. Isa pa, ayokong kausapin siya habang nasa Davao siya. I want face to face at isa lang ang ibig sabihin non it' either he'll fly back here or ako ang pupunta sa kanya. Pero hindi ko na siya pwedeng hintayin I want pure and honest answers. Sumakay ako sa ferr ko at naisipang pumunta sa bahay nila Aidan. Maybe nandun sila Eises. Kabado akong nagmaneho at pilit kinakalma ang sarili ko. Pagkapark ko sa garahe ay nakita ko agad si Eises na kakababa lang din ng Crosswind niya. Napa-ngiti siya ng nakita ako at mabilis akong nilapitan pero bakas sa mukha niya na napansin niyang hindi ako nagpunta dito para lang sa wala.


"Long time no see." Sabi niya at niyakap ako. Tipid lang akong ngumiti sa kanya at inaya siyang pumasok sa loob na agad din naman niyang nakuha.

"Who's Versace?" Diretso kong tanong dahil ayoko ng magpaligoy-ligoy pa. I need answers right here, right now. Pigil ang paghinga ko dahil hindi ako magpapaka-plastik there's something in me na natatakot. I'm scared that all these time, hindi naman pala ako. Hindi naman pala ako sineseryoso at mas lalong baka hindi naman pala talaga sakin si Aidan ng buong-buo. I know you can't own someone but damn I want him whole. Bakas sa mukha ni Eises ang pamumutla at pagkakaba kaya naman mas lalong nadagdagan ang pangamba ko. Versace is something. Kwento pa lang niya ay malalaman mo na agad na malalim ang pinagsamahan nila ni Aidan and yes i'll admit, i'm jealous.

"Saf, it's not may tale to tell."


"Eises, wala si Aidan and I fucking need answers now. Hindi ko na alam ang gagawin ko so please, enlighten me. Who is Versace?" Nakita ko ang paghinga niya ng mabilis at mabilis din siyang tumikhim.


"Aidan's first love and bestfriend. Bata pa kami non magkakilala na kami madalas din siya dito sa bahay dahil bukod sa only child siya busy din yung parents niya kaya madalas dito siya samin tumutuloy para may nakakasama siya. Hindi siya niligawan ni Aidan kahit kailan but there's that connection between them na alam mong walang ibang para sa kanila. Hindi sila pero parang sila ganon sila, Saf." Sabi niya at agad akong tinitigan. Parang hinahampas ang dibdib ko. Masakit but I need to hear all of these. I want it to hear para pag narinig ko mismo kay Aidan, hindi na ganon kasakit.


"Then what happened? Baket never naging sila?"

"Saf, really, wala ako sa pwesto para sabihin sayo--"


"Eises I need to hear it! I fucking need to hear it!" Halos mabasag ang boses ko sa sinabi ko pero pinigilan kong umiyak. No I wont cry infront of anyone. Kay Aidan lang ako nagiging mahina pagdating lang sa kanya ako nawawala sa pagiging Safara. Sa kanya lang ako nasasaktan ng ganito.

"Saf, masyadong mahal ni Aidan si Versace noon. Tipong lubog." Mahina niyang sabi at parang piniga ang dibdib ko. Parang lahat ng lakas ko sa katawan ay nawala. Kinalma ko sandali ang sarili ko bago tumayo at nagpasyang tumayo. Pero bago ako umalis ay tumingin ulit ako kay Eises na walang magawa.


"And he loves Versace up until now am I right?" Halos pabulong kong tanong. Naghintay ako sa sagot pero umiwas lang ng tingin si Eises at yumuko. And there, I know the answer. Kailangan ko lang talagang ipasok sa utak ko na kahit anong gawin ko, there will be someone better than me. Hindi ko alam kung baket ngayon ko lang naisip na posibleng may dating minahal si Aidan na baka nga may hinihintay pa siya at rebound lang ako. Maybe she missed Versace too much kaya niya lang ako napansin. To divert his feelingtowards her. Lumabas ako ng bahay nila at nagpasyang umuwi. I need a break and I deserve it right now. Gusto kong mag-isip ng iba pero pilit bumabalik kay Aidan at Versace. I can imagine them na masaya and by just thinking na nagkausap sila weeks ago makes the whole situation worst. Baket hindi ko alam? Baket walang sinasabi si Aidan?Pagkarating ko sa bahay at dumiretso agad ako sa loob at umupo sa sofa. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Panay ang tunog ng phone ko kanina pa kaya naman sinagot ko na at kahit hindi ko na tignan kung sino ang tumatawag ay alam ko na agad kung sino.

"Hi baby." Masayang bati ni Aidan sa kabilang linya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. I don't know if I should feel fine dahil ako naman ang girlfriend and Versace is just someone from the past.


"Hi." Basag ang boses ko at agad natahimik ang kabilang linya and knowing Aidan, malalaman niya agad na hindi ako okay.

"Safara, may problema ba?" May bahid ng pag-aalala sa boses niya at mas lalo akong nanghina.

"Nothing. I just miss you." Mahina kong sabi at rinig ko ang pagbuntong-hininga niya.


"Damn baby do you want me there now? I miss you more." Kahit nalilito at nahihirapan ako ay hindi ko matago ang pag ngiti sa tanong niya.


"No Aidan. Sige na baka madami ka pang ginagawa--"


"Alam mong ikaw ang priority ko, Safara." Ako nga ba talaga Aidan? O baka naman ako sa ngayon pero sa susunod, hindi na.


"I know. I love you, A."


"I love you too, baby." Sandali kaming natahimik habang dinadama ko yung ganito lang kami. Masaya naman kami pero baket biglang may ganito? Can I just be happy? At least, I deserve to be.


"I'll take a rest. Sige na Aidan, laters." I said at pinutol na ang linya. Dahil sa sobrang gulo ng isip ko ay tinawagan ko na agad si Lolo.

"Yes, sweetheart?"


"Lo, can you please get me a ticket papuntang Davao?"


"What? May problema ba?" May bahid ng pagkataranta sa boses ni Lolo and right now, pagod ako para mag explain. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko.


"Lo please. I just need it. The day after tomorrow will be good. Can you make it, Lo? For me?" Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya at alam kong pagbibigyan niya nanaman ako.


"Alright. But you need to tell me kung baket pupunta ka ng Davao."


"I will, Lo. Not just today."


"Sige at ipapadala ko na lang diyan bukas ang lahat ng kailangan mo. Are you going alone?"


"Yes, Lo. Thank you. Take care." Sabi ko bago pinutol ang linya. I need to go to Davao. Soon. Ayokong patagalin pa to at lalong ayokong maunahan ako ni Versace. I need to make it fast dahil aaminin ko, natatakot ako sa mga bagay na posibleng mangyare pag nagkita na silang dalawa that's why Aidan need to be sure he's worth the run. It's either we'll lose each other or we'll lose everything. And either of the two, ako ang mawawalan. In the end, ako yung masasaktan.

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip