LWTPB 45



It's been 3 weeks since nagkaayos kami ni Aidan. Everything's fine and smooth at hindi ko mapigilang maisip na sana'y ganito na lang palagi. Yung walang pangamba at takot. 3 weeks na din si Aidan na consistent sa pagsundo sakin dito sa opisina para ihatid sa bahay since hindi naman na ko sa kanila nakatira. Hindi pwedeng ihatid niya ko dito dahil every 10am ang shift ko dito sa kompanya ni Lolo habang 7am naman ang pasok niya sa kompanya nila. But we're both making things work para sa ikabubuti ng lahat.

"Maam Saf, nasa labas po si Sir Blake may iaabot daw ho siya sa inyo." Sabi ng sekretarya ni Lolo na si Julia.

"Sige papasukin mo na." Tumango naman siya at lumabas sandali. Sa pagbalik niya ay kasama niya si Blake na malaki ang ngisi sakin. Sinara ni Julia ang pinto at iniwan kaming dalawa sa loob.


"Mori," Sambit niya at umupo sa bakanteng upuan na nasa harap ko.


"What a pleasant surprise. What's the catch?" Agad kong tanong habang nalipat ang tingin ko sa hawak niyang kulay mint na papel. Halos lumawak ang ngiti ko ng mapagtanto kung ano iyon.


"I hope you'll come. Congrats for me, eh?" Nakangisi niyang sabi at inabot ang wedding invitation sakin para sa kasal nila ni Miguella. Ang bilis ng mga pangyayari. Parang kailan lang ay tinatakbuhan pa niya ang responsibilidad na ito pero ngayo'y nandito siya sa harap ko with all smile like he's fucking smitten. Oh well, the Oxrin blood.


"Syempre hindi ko palalampasin ito. Kamusta pala si Miguella at ang baby?"


"Ayos naman. Sa susunod na linggo ang kasal pagtapos naman ay due date na ng panganganak niya sa susunod na linggo." Napangiwi ako sa naisip. I can't imagine Miguella wearing gown with her tummy's big as eff.


"Sure ba kayo diyan? Hindi ba siya mahihirapan?"


"Siya na rin naman ang may gusto naisip ko na din yan. Supposedly, nagplano kami na pagtapos na lang niyang manganak ngunit mapilit. Akala ata tatakasan ko nanaman."


"Sabagay. Tutal kasalanan mo din yan kaya para wala ng pigil magpakasal na talaga kayo." Panunuya ko at tumawa lang siya.


"Kayo ni Aidan, kelan balak?" Inismidan ko lamang siya at inirapan. Wala pa ngang kami ay gusto na niyang ikasal ako sa kapatid niya.


"Mga after 10 years?" Biro ko.


"Pwede din. Hulog na hulog naman sayo ang isang yon na lahat ng sasabihin mo ay sasambahin niya. Sige na, i'll go. Baka awayin nanaman ako ni Miggy abnormal pa naman ang mga buntis." Halakhak niya at tumayo na. Tumayo na din ako para ihatid siya sa labas at nadatnan si Aidan na papasok ng reception. Nagtama ang paningin namin at tumingin din siya kay Blake. Tinapik lamang neto ang balikat ng kapatid niya at dumiretso na sakin.


"O, ginagawa ni Blake dito?" Tanong niya at humalukipkip sa harap ko. Ang gwapo niya talaga! Kainis! Tipong ang sarap na lang niyang titigan at magiging masaya ka na sa ganoon.


"Baby," Agad nawala ang pag-iisip ko ng kumapit nanaman siya sa bewang ko. Ayan nanaman ang nakakatukso niyang paglalambing!


"Wala inabot lang yung invites sakin." Sabi ko at lumakad na kami pabalik sa opisina ko. "Ano palang ginagawa mo dito? Wala kang trabaho?"


"Pina-cancel ko muna lahat namimiss kita eh, masama ba?" Panunuya niya at hinila ang braso ko papunta sa kanya. Mahigpit niya kong niyakap at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Mint and aftershave, huh.


"Aidan ang harot mo talaga hindi pa kita sinasagot niyan ha??"


"So? Gusto mo bang sa iba ako magharot kesa sayo?" Pang-asar niya at mas lalo akong siniksik sa dibdib niya. Pwede bang ganito na lang palagi?


"Aidan, may trabaho ako kaya bitawan mo na ko." Agad din naman niya kong pinakawalan at mabilis na hinalikan sa pisngi pagtapos ay naupo siya sa sofa ng opisina ko na parang walang nangyare. Bumalik na din ako sa aking swivel chair at nagsimula ng magtipa sa laptop. Alas-tres pa lamang ng hapon at alas-sais pa ang out ko. Nagsasayang lamang si Aidan ng oras dito imbis inaasikaso niya ang kompanya nila.


"A, are you sure you have nothing to do sa West? Are you ditching your office hours so just you can sit there?" Tumayo naman siya at piniling umupo sa mismong upuan sa harap ko.

"Nope. I'm ditching my office hours so I can see my girlfriend."


"Hindi mo ko girlfriend." Pang-asar ko at sumimangot naman siya.


"Doon din punta neto inaadvance ko lang. KJ mo."


"Ewan sayo. Baliw ka talaga."


"Sayo baliw, oo. Bilisan mo na diyan mag out ka ng maaga tutal kompanya niyo naman to. Pupunta tayo sa bahay." Napa-angat naman ang tingin ko sa kanya.


"What for?"


"Umuwi sila Mama at Papa. Hinahanap ka kasi nga sabi ko—" hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil nag ring ang phone niya. Sinagot agad niya eto at di man lang nag abalang umalis sa harap ko.


"Opo. Opo. Nandito na nga. Mas atat pa kayo sakin. Opo, ma. Magagalit nanaman to inadvance ko na talaga lahat. Opo sige ma. Bye." Kunot ang noo kong nakatingin sa kanya. Wala ni isa akong naintindihan.


"Anong sabi ni Tita?"


"Ayun nga. Basta bilisan mo na lang gusto ka na makita ni Mama alam mo naman ang isang iyon gustong-gusto ka. Akala pa ata pakakasalan na kita." Agad akong namula sa sinabi niya. Hindi kami ganong ka-close ng Mama ni Aidan dahil minsan ko lang naman eto makita dahil nasa Barcelona. Umuwi siguro dahil sa kasal nila Blake.


"Aidan, nakakahiya!"


"Eh bat ka mahihiya? Ganon din yun, Saf. Magiging Oxrin ka na din. Hintayin mo lang kahit atat na talaga ko."

Hindi ko naman na pinansin ang mga pinagsasabi niya at nagtipa na lang ulit sa aking laptop. Naupo lang siya sa harap ko at naglaro sa phone niya. Ilang oras kaming ganoon ng pumasok si Julia.

"Miss, nandiyan po si Engineer Altamir. Bilin po ng Lolo niyo ay kayo na lang pumirma ng mga papeles tungkol doon sa renovation ng Grande Palace sa Cebu."

Sabi niya at kumunot lang ang noo ni Aidan. Maybe he's wondering kung baket ipapa-renovate ang isa sa mga chain ng Hotel namin sa Cebu.

"Sige Julia, papasukin mo na." Tumango lamang siya at isinarado ang pinto.


"Kelan pa nirenovate yung Hotel niyo sa Cebu?" Tanong agad ni Aidan.

"1 month ago? Pinasa lamang sakin ni Lolo iyon. Ni-renovate dahil malapit nanaman ang Summer at magkakaron ng Grand Re-opening. Yung sa Tagaytay lamang na under ng kompanya niyo ang mas alam ko."

Tumango lamang siya at sakto naman ang pasok ng isang lalakeng halos ka-edad lang ata namin ni Aidan. Nakasuot siya ng isang itim na longsleeves at nakatupi ito hanggang sa siko niya at isang faded pants. Malalim ang kanyang mata at kulay banyaga, matangos ang ilong at sakto lamang ang mapulang labi sa mukha niya. Kung wala si Aidan ay baka pinagnasaan ko na to. Tumayo ako at ganoon din ang ginawa ni Aidan. Lumapit ako sa kanya at sumunod naman si Aidan. Ang isang to talaga, naku!


"Good afternoon, Miss Oxrin, I guess? I'm Engineer Easton Altamir." Sabi niya at nilahad ang kamay niya sakin na agad ko namang tinanggap. Napatingin agad ako kay Aidan na kumapit sa bewang ko.

"Nice to meet you, Engineer... And this is Aidan." Utas ko at awkward na tumayo sa pagitan nilang dalawa. Nagkamayan naman sila at matiim akong tinignan ni Aidan. Iginaya ko naman si Engineer na umupo sa harap ko habang sa katabi niya ay si Aidan.

"So I guess, nasabihan ka na ng Lolo mo tungkol sa mga kailangan pirmahan? Mga breakdown lamang to ng presyo ng mga materyales na idadagdag at kailangan ko lang ng approval niya." Binigay niya sakin ang isang folder na may mga papel at agad kong binasa yoon. Quality over Quantity, huh.

"Hindi ba masyadong mahal naman ata ang mga gagamitin? Pati, baket pati ang Lounge ay gagalawin?" Tanong ko dahil hindi ko masyadong alam ang mga napag-usapan nila ni Lolo. Tumikhim si Aidan at kinuha ang papel sa akin.

"Your Lolo suggested it binigyan ko lamang siya ng mga bagay na mahal ngunit maganda naman ang kwalidad. Your Hotel at Cebu are one of the big spot you can't expect na gugustuhin ng Lolo mo na mura lamang ang mga materyales na gagamitin doon. Gusto ng Lolo mo na isama na ang pag renovate sa Lounge pero kaonti lamang ang babaguhin." Tumango lamang ako at nag-isip. Baket ba hindi na-kwento ni Lolo sakin ito? Hindi ko tuloy alam ang kabuuan.

"I think, pwede namang mga mura na materyales lang pero parehas pa din ng kwalidad na makukuha. You can use gray-shell fragments and cross cut para sa mga foyer at staircase. Isa pa, their Hotel at Cebu is famous for it's sumptuous marble decoration and it makes for a fine display of primarily French decorative stones so sa tingin ko ay tutugma lamang ito doon." Seryosong sabi ni Aidan. Madami siyang alam sa ganito dahil sa mga nagdaang renovation din ng iilang kompanya nila.

"Mahirap maghanap ng ganyan ngayon lalo na't rush ang gusto ng Lolo ni Safara." Sagot ni Engineer. Dama ko ang alitan sa pagitan nilang dalawa.


"Kung propesyonal, kaya naman ata." Walang abog na sabi ni Aidan kaya naman nagsalita na ko.


"Can you leave this papers here? Irereview ko lang at sasabihin ko na din kay Lolo ipapadala ko na lang bukas sa opisina niyo." Sabi ko kay Engineer at isang ngiti lamang ang pinakawalan niya.

"Sure. I'm free until Lunch time. Babalik na ko sa Cebu para sa renovation dahil kailangang bantayan." Sagot niya at tumayo at kinamayan ulit ako. Tumingin siya kay Aidan at ngumiti din.

"You seem competitive. Sige, alis na ko." Huling sabi niya at tinapik si Aidan sa balikat. Kinalma ko ang sarili ko at tinignan si Aidan na nakahalukipkip na sa harap ko.


"Aidan.." Tawag ko at hinawakan siya. Nag buntong hininga lang siya at umupo.


"Competitive, huh." Pang-asar niyang sabi at inirapan ko lang. "Don't sign at those papers yet. Kausapin mo muna ang Lolo mo. Madaming alternatives sa mga materyales na gagamitin nila. Sure ba Lolo mo na Engineer talaga iyon?"

Umirap lang ako at umupo na ulit sa aking swivel chair.

"Malamang, A. Alangan kumuha kami ng Doktor para gumawa ng Hotel namin?" Pang-asar kong sabi at tinignan lang niya ko ng masama.


"And you didn't even bother tell him na boyfriend mo ko. May nalalaman pang i'm free until lunch time ano siya ungas? Akala ata ikaw pa ang magbabalik." Pagsisimula niya at halatang iritado.


"Alangan ipangalandakan ko, A? Loosen up pwede ba? Masyado kang tense." Halakhak ko at lalo lamang siyang naasar.


"Pag na-tense ako ng sobra Safara baka angkinin na lang kita bigla at di ka na makapalag diyan." Hirit niya at ako naman ngayon ang natahimik.

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip