LWTPB 48
Ilang linggo na ang lumipas mula nung nasa bahay kami ni Aidan. Mas lalo siyang naging abala dahil sa pag bbranch out ng Resort nila at ganoon din naman ako dahil sa Renovation ng Grande Palace sa Cebu. Bihira din kami magkita ni Aidan at madalas puro sa Dinner lang dahil inaabot ng ilang oras ang meeting at pag pa-plano nila. Nawala ako sa pag-iisip ng may kumatok sa opisina ko at pumasok si Julia na sekretarya ni Lolo.
"Maam, tumawag po ang Lolo niyo. Kailangan daw po kayo sa Cebu dahil madedelay ang renovation ng isa pang buwan." Napag-usapan na namin ni Lolo ang tungkol dito. Pumayag din siya sa gustong mangyare ni Engineer Altamir kaya wala na akong nagawa.
"Baket ako? What about him? Siya ang mas nakakaalam doon."
"He wont be back til next week po kasi, Maam. Kailangan na po kasing puntahan sa Cebu this coming Friday." Miyerkules na ngayon at wala na talaga akong choice!
"Ano bang gagawin sa Cebu at kailangan pang puntahan?"
"Sabi po kasi ng Lolo niyo may mga kailangan daw pong i-approve at para makita niyo din daw po ang improvement."
"Naka-book na ba ang flight?"
"No, maam. Gamitin niyo na lang daw po ang private plane niyo para mabilis lang." Tumango ako at lumabas na si Julia. Hindi ko alam kung pano sasabihin kay Aidan dahil siguradong magmamaktol nanaman ang isang iyon. Agad kong dinial ang numero ni Lolo para mismo makausap siya. Pangatlong ring ng sagutin niya.
"Lo, pwede bang si Julia na lang ang pumuntang Cebu?"
"Why, apo? Ikaw ang gusto ko para talagang sigurado ba kung ano na ang progress doon."
"Kilala mo naman si Aidan, Lo." Sumbong ko at tumawa lamang siya.
"Edi why not come together?"
"Lo, he can't. Mag bbranch-out ang Resort nila sa Davao."
"Ikaw naman ang uunahin non." Pang-asar pa niya at umirap lang ako.
"Fine." Sabi ko at binaba na ang tawag. Hindi ko na muna inisip ang pagpunta ng Cebu. Naging abala din ako sa mga papeles na kailangan ng approval at dalawang meeting para sa Airlines. Alas-syete ng pumasok si Aidan sa opisina ko. Magulo ang buhok at naka-ngiti. Tanggal lahat ng pagod ko.
"Dinner?" Tanong niya at tumayo na ko para salubungin siya. Niyakap ko lang siya at pinanggigilan nanaman.
"You're being so clingy, baby. Baka iuwi na kita niyan." Panunuya niya at lumabas na kami. Pumasok kami sa Bugatti niya at nagpasyang sa malapit na Resto na lang kumain. Sa bahay namin siya ngayon uuwi dahil kailangan daw naming mag catch-up. Sinapak ko lang dahil alam kong iba nanaman ang iniisip niya.
Sinalubong kami ng isang waiter at nag mwestra para sa lamesa namin. Nag order lang ako ng back ribs pero agad bumaliktad ang sikmura ko.
"Are you okay, baby?" Tumango ako habang pinipigilan ang pagduwal. Si Aidan na ang nag order at mabilis na lumipat sa tabi ko at hinagod ang likod ko.
"Pagod siguro. Halos dalawang araw na kong walang tulog." Sabi ko at medyo umayos na ang pakiramdam. Nakatingin lamang siya sakin ng seryoso at agad akong niyakap. Kumalma agad ang sarili ko at nginitian siya. Dumating ang pagkain namin pero wala pa man sa kalahati ay nawalan na agad ako ng gana.
"Saf, eat. Ang payat mo." Tukso niya pero inabala ko na lang ang sarili ko sa aking phone. Pagkabukas ko ng Facebook ay agad kong na-receive ang isang request galing kay Easton Altamir. Bigla kong naalala ang pagpunta ko sa Cebu.
"Aidan, I need to tell you something." Napahinto naman siya sa pagkain at mariin akong tinitigan.
"Are you pregnant? I mean ilang weeks pa lang diba? Say 3 or 4 weeks? Please tell me it's a yes." Halos mamula ako sa sinabi niya agad ko siyang inirapan at hinampas.
"I'm not pregnant. Baliw. I need to go sa Cebu this Friday. Para sa renovation ng Grande." Agad naman kumunot ang noo niya at tinignan akong mabuti.
"You're going there alone, Saf? No. Not when Altamir is there." Seryoso niyang sabi. I knew it.
"Sandali lang naman iyon. Say 3-5 days."
"You called that sandali lang? No. If you go there, sasama ako. That's the only choice you have." Pinal niyang sabi at napabuntong-hininga na lamang ako.
"Baka nakakalimutan mo Aidan you have branching out of West II going on. You can't go with me. Isa pa, so what kung nandoon si Engineer Easton? It's not like i'll flirt with him." Umigting ang panga niya at hindi na sumagot. Natapos siyang kumain at agad din kaming umalis. Tahimik siyang nag ddrive pauwi sa bahay.
"Are you mad?" Tanong ko at sinandal ang ulo sa bintana. Umiling lamang siya at hindi na ko nag salita pa. Nakarating kami sa bahay at pumasok lamang siya. Dire-diretso kami sa kwarto at agad akong nagpalit. Tinanggal niya lang ang pang-itaas niya at lumapit sakin.
"I wanna come with you. Mababaliw ata ako pag di kita nakikita at pag naiisip kong nandoon ka at wala akong magawa." Sabi niya at niyakap ako.
"A, let's not make this a big thing. Hindi naman ako aabutin ng isang linggo doon. Babalik din agad ako sayo." Napamura siya sa sinabi ko at mas lalong hinigpitan ang yakap.
"Fine. Siguraduhin lang ng Altamir na yan na wala siyang masamang balak or else hindi ako magdadalawang isip na pabagsakin ang kompanya nila." Tumawa lang ako at hinampas ang likod niya.
Magdamag lamang kaming magkasama kahit abala siya sa dami ng kailangang gawin. Dumating ang Biyernes at kailangan ko ng magtungo palipad sa Cebu. Ihahatid niya ko patungo sa private plane namin at panay ang paninitig niya sa akin. Tumawa ako at lalong kumunot ang noo niya.
"What's funny?" Maktol niya.
"Wala. Baka lusaw na ko bago ko makarating ng Cebu."
"You're so pale. At baket parang tumataba ka and...." Hindi niya pinagpatuloy at huminto lamang ang kanyang tingin sa aking dibdib. "Nevermind." Sabi niya at pinagpatuloy lamang ang pag ddrive. Weirdo. At anong tumataba? Wala naman akong nararamdamang pagbabago sa katawan ko and I am pale since day one. Dahil maputi ako palagi kong kailangang maglagay ng blush at tints para lamang matago ang putlain kong kulay. Tahimik lang siya hanggang sa nakarating kami kung nasaan ang private plane. Bumaba ako sa kanyang Bugatti at sumunod naman siya agad.
"Kailangan mo ba talagang umalis? Si Julia na lang, please." Pagmamaktol niya at sinimangutan lamang ako.
"A, I'll be in Cebu just for 5 days. Let's not make this big, okay? Isa pa, mas kailangan ka ng West ngayon." Sabi ko at yumakap sa kanya. Hmmm, parang hindi ko ata gusto ang pabango niya ngayon?
"Did you change your scent?" Walang abog kong tanong. Tinitigan lamang niya ko at umiling. "Anyways, I'll go. May meeting ka din so go." Sabi ko at hinalikan siya. Hinapit niya ang bewang ko at mas lalo akong diniin sa kanya.
"Please be careful there. Call me all the time or I'll go nuts here, baby." Bilin niya bago ako niyakap. Tumango ako at nagsimula ng lumakad. Hinintay niya kong makapasok sa private plane namin bago siya tuluyang bumalik sa sasakyan.
Ilang oras lang ang tinagal ng byahe bago kami makarating sa Mactan-Cebu. Sariwang hangin agad ang bumugad sakin. Sinundo ako ng isang VW Carabelle na gamit naming shuttle sa Grande Palace. Sumakay lang ako at agad inantok. Pagkarating sa Grande Palace ay sinalubong ako ng ibang staff habang abala ang ilan sa renovation. Sarado ang Resort kaya naman kaonti lang ang staff na nandito. Agad kong natanaw ang mga tauhan na gumagawa ng Resort namin.
"Maam, ilalagay na po namin ang luggage niyo sa kwarto?" Tanong ng isang bellboy habang hawak ang key card na para sa tutuluyan kong kwarto.
"Yes, please. Pasabi na din na dalin na lang sa kwarto ang Lunch ko." Sabi ko at humarap na ulit sa infinite pool na nasa harap. Nakatayo lamang ako doon hanggang sa may nakapukaw ng atensyon ko. I saw Engineer Altamir leading the renovation. May hawak siyang blueprint at inuutusan ang iilang trabahador. Tumingin siya sa gawi ko at nilapag ang hawak bago tuluyang lumapit.
"Safara.." Bungad niya at nag beso sakin. Hindi ako nakakilos agad at napapikit na lang ng humaplos ang kamay niya sa bewang ko. Lumayo ako ng kaonti at inayos ang buhok.
"Uhmm, can we just talk later about the delay of renovation? Magpapahinga lang ako saglit." Panimula ko at tumaas lamang ang kilay niya.
"All right. If that's what you want." Ngumiti lamang ako at tumalikod na para pumunta sa kwarto ko. Tatawagan ko din si Aidan dahil because he's been firing me tons of phone calls. Pagka-swipe ng key card ay bumukas ang ilaw at AC. Agad kong naamoy ang steak na nasa dining table. Bumaliktad ang sikmura ko sa amoy at dali-dali akong tumakbo sa CR. Pigil hininga ang nangyare at nasapo ko na lamang ang noo ko. What the fuck is that? Pagkalabas ko ay dinial ko agad ang receiver sa Kitchen.
"Good day, maam. May kailangan po ba kayo?" Bati ng kabilang linya.
"Can you ask someone to go here sa kwarto ko? Hindi maganda ang amoy ng pagkain. Baka naman expired na ito?"
"Maam? Fresh po lahat ng goods natin dito sa Resort kaya imposible po iyan. Pero papupuntahin ko si Marta para matignan. Sorry, maam."
"It's okay. I just want my food to be check." Sabi ko at agad binaba ang linya. Ilang minuto bago may kumatok at pumasok si Marta. Ngumiti siya at lumapit sa pagkain na nakaahin sa harapan ko. Inamoy niya at ito na parang wala lang.
"Maam, hindi naman po mabaho?"
"It stinks. Naduwal pa nga ako." Tumango siya at tinikman ng kaonti ang steak na nasa harap.
"Maam, hindi po talaga. Baka naman po may nakain kayong iba?"
"Wala. I'm sure it's the steak. Pakikuha na lang, please."
"Sige po, maam. May gusto pa po ba kayo?" Umiling lang ako at ngumiti. I don't want them thinking na nagpapaka-maldita ako dito. I just don't like the smell of the steak.
"Uh maam, baka naman ho buntis kayo?" Agad akong napatingin sa kanya at napa-isip. Am I? I mean it's been 4 weeks halos isang buwan na pala. Kaya ba hindi ako nadatnan last month? Posible ba iyon? You had unprotected sex Safara malamang posible iyon! Agad akong napahawak sa tiyan ko...
"Maam, okay lang po ba kayo?" Tumango ako pero hindi ko alam ang iisipin ko. Shit don't tell me sa isang beses na yon ay nagbunga agad? Napakabilis naman ata? Paano na lang kung buntis nga ako?
"May PT ba tayo diyan?" Naiilang kong tanong.
"Naku maam wala po. Pero mag-uutos po ako na bumili para ma-check niyo po. Nagkabalikan po pala kayo ni Sir Aidan?" Kumunot ang noo ko kung paano niya nalaman.
"Pano mo nasabi iyan?"
"Eh Maam, alam naman po ng lahat na mahal na mahal kayo ni Sir Aidan. Naku maam dati palaging tumatawag yon dito sa Resort para i-check kung nasaan na kayo. Tsaka po pala kanina, tumawag siya tinatanong po kung nakarating na daw po kayo." Imbis mainis ay lumawak lamang ang ngisi ko. Ngumiti din si Marta at hindi matago ang ngiti.
"Sige po maam ipapadala ko na lang dito ang PT." Masaya niyang sabi bago tumalikod at lumabas ng kwarto. Napahawak nanaman ako sa aking tiyan. Is it really happening? Lintek mukhang dadami pa ata ang lahi ng mga Oxrin!
Agad kong kinuha ang cellphone ko at dinial ang number ni Aidan. Pangalawang ring ng sagutin niya. Kumalabog agad ang dibdib ko. Nagwawala nanaman ang mga demonyo sa tiyan ko.
"What took you so long to call me?" Panimula niya.
"Halos kararating ko lang. Traffic papunta dito sa Resort."
"You should have called me pagdating mo pa lang ng Mactan." Kahit di ko siya nakikita ay naiisip ko na agad ang pag-irap niya.
"Eto na nga oh. How's the meeting with the Griego and Saltamor?" Tanong ko para malipat ang usapan namin.
"It's fine. Next week na ang formal na opening ng West II sa Davao. It's good and you have to be there." Ang main branch neto ay nasa Manila para hands-on siya dito. At habang naiisip ang pag byahe pabalik ng Manila at pagpunta ng Davao makes me nauseous. Parang ngayon pa lang ay nahihilo na ko.
"Well, it's good then. Bababa na ko mamaya para makausap si Engineer."
"Please do it sa Lounge niyo yung kita kayo ng mga staff. I don't want you getting stuck with that guy." Maktol niya at napairap na lang ako.
"Fine. Sige na I'll change. Let's facetime later when I'm done. I love you, A."
"I love you too. Call me, okay? Don't make me wait. Mababaliw ako, Safara." Tinawanan ko lamang siya at pinatay na ang linya. Pumasok naman ulit si Marta na may dalang plastic.
"Maam, tatlo po eto. Iba-iba para masubukan niyo talaga." Sabi niya pagkaabot ng plastic na may lamang tatlong Pregnancy Test. Holy. Kumakalabog na agad ang dibdib ko at sinabihan si Marta na hintayin ako bago ko nagtungo ng CR. Nakatanga lamang ako doon habang nakatitig sa PT. Sinundan ko ang instruction na nakasulat sa likod ng kahon at ilang minutong naghintay. Dumaan ang halos tatlong-minuto bago ko nakita ang resulta. Halos hindi ako makahinga ng buo. Kinuha ko pa ang isa at sinubukan ngunit ganon pa din ang resulta. Lumabas ako ng Cr at hinarap si Marta na malawak ang ngisi.
"Maam ano magkakaron na po ba ng apo si Sir Romwel?"
"Two lines."
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip