LWTPB 49
Hapon ng lumabas ako sa kwarto ko para kausapin si Engineer. Lutang pa din ako sa resulta ng pregnancy test. Hinawakan ko ang aking tiyan at naisip agad si Aidan. Hang in there, baby. Pumunta ako sa tapat ng infinity pool at doon naupo para sa sariwang hangin nang matanaw ako ni Engineer Easton ay agad niyang tinigil ang ginagawa at lumapit sakin.
"Shall we start talking about the approvals?" Pag-uumpisa niya at naupo agad sa katapat kong upuan. Tumango ako at nilapag niya sa mesa ang iilang papeles na naglalaman ng breakdown ng gastusin at ang bagong kontrata.
"So baket kailangan ma-delay ng renovation?"
"There's a typhoon, Safara. Hindi pwedeng ituloy namin kaya madedelay talaga ang paggawa." Katwiran niya. Tumango ako at isa-isang pinirmihan ang kontrata. Pinasadahan ko ang breakdown ng mga presyo ng materyales na gagamitin at as usual, mamahalin nanaman ang mga ito.
"Have you talk to Lolo about these materials?"
"Yes and all I need is your approval para masimulan na ang pag sshift ng mga yan sa makalawa." Hindi na ko nakipagtalo at mabilis na lang pinirmahan. Dumating ang isang staff na may dalang kape at cake. Bigla kong naramdaman ang pagbaliktad ng sikmura ko at napahawak sa bibig. Shit. Eto nanaman napahawak ako sa aking tiyan habang mabilis na hinagod ni Engineer ang likod ko.
"Ayos ka lang, Saf?"
"Please put away the coffee." Nagtataka siya sinabi ko ngunit sinunod din ito. Nang mawala ang amoy ay agad kumalma ang sikmura ko.
"Are you not fond of coffee?" Umiling ako at pinunasan ang aking mata na naluluha dahil sa masamang nararamdaman.
"I'm pregnant." Napatayo siya ng diretso at lumayo ng bahagya sakin.
"Ohh. I didn't know. Sorry."
"It's okay. Tapos ko ng pirmahan. Is it okay if I'll go ahead first?" Tanong ko at tumayo na. Inalalayan niya ko at ngumiti lang ako.
"Sure, Saf." Aniya at tumalikod na ko para bumalik sa aking kwarto.
Tatlong araw na ang lumipas at hindi ko pa rin nasasabi kay Aidan ang kalagayan ko. Ayokong sabihin sa kanya sa phone lang dahil magmamadaling pumunta iyon dito at gusto ko din na personal kong ibalita sa kanya. Tatlong araw na din akong pabalik-balik kung saan nag rerenovate ang mga manggagawa ni Engineer at nakikita ko naman ang progress neto. Malapit ng matapos ang Lobby at ang main pool naman ang susunod nilang pagkakaabalahan. Ngayon ko din napagpasiyahang babalik na ko sa Manila bukas dahil wala naman ng masyadong kailangan gawin dito.
"Maam, sure ba kayong hindi kayo magpapasundo kay Sir Aidan?" Ulirat ni Marta habang nilapag ang mga inutos kong pagkain. Bigla akong nag crave sa mga prutas pero ilang subo pa lang ay inayawan ko kaagad.
"Gagamitin ko naman ang private plane kaya safe naman ano ka ba." Pagsisigurado ko sa kanya. Nabawasan ang pagsusuka ko pero madalas ay nahihilo ako. Hindi na siya nagtagal at iniwan na din ako bago ko sabihin na siya na ang mag impake ng mga gamit ko sa kwarto. Napapansin ko ang pagiging tamad ko. Damn Safara ngayon pa talagang magkaka-anak ka na! Hindi ko alam kung dahil sa pagbubuntis ba o sadyang ang bilis kong mapagod at palaging mas gusto kong nakaupo lang.
Nang mag umaga ay agad akong naligo at nag-ayos. Kakain lang ako at tutulak na pabalik ng Manila. Hindi na ko makapaghintay na makita si Aidan. Nung isang araw ko pa siya gustong makita ngunit masyado siyang busy dahil sa makalawa na ang opening ng West II. Pagkalabas ko ay dumiretso ako sa kitchen.
"Maam, nandiyan na po ang breakfast niyo." Tumango ako at inayos ang buhok. Pagkaupo ko ay agad akong kumain ng mag ring ang telepono ko.
"Baby, hindi ka pa ba uuwi?" Bungad ni Aidan at halos mapunit ang labi ko sa kakangiti.
"Hmmm. Sa Linggo pa ata ang uwi ko." Sabi ko at lalong ngumiti. Ramdam ko ang inis niya sa kabilang linya.
"Masyado naman atang matagal? Hindi na ko mapakali dito. I want you here. Now." Maktol niya.
"Basta sa Linggo na. Sige na Aidan busy ako."
"You don't say. Subukan mong ibaba at susunduin kita diyan ngayon din!"
"Whatever, A." Sabi ko at pinutol na ang tawag. Tinapos ko ang pagkain ko at tinawag na si Marta para dalin na sa VW Carabelle ang mga gamit ko. Nauna na din akong pumasok ng sasakyan at dinial ang number ni Reema.
"What?" Bungad niya. Napairap lang ako sa bungad niya sakin.
"Can you fetch me sa office ni Lolo?"
"Where's your magaling na boyfriend?"
"Basta. Isama mo na din si Venice please and if you want you can bring with you your boyfriend." Pang-aasar ko pa at tinawanan siya.
"Shut up."
"Sige na basta ha? I'll text you pag malapit na sa Manila." Sabi ko at pinatay na ang linya. Balak ko talagang sa kanila magpasundo at didiretso ako sa condo ni Aidan. Gusto kong kaming dalawa lang pag sinabi ko na sa kanya. Dumating si Marta kasama ang isang bellboy para sa mga gamit ko. Nagpaalam lang ako sa kanila at tumulak na din ang shuttle papunta kung nasan ang private plane.
Pagdating sa eroplano ay agad akong nakatulog sa byahe. Tatlumpong-minuto ang lumipas at tinext ko na si Reema na pumunta na sa office ni Lolo dahil doon ako magpapadiretso sa susundo saking shuttle. Agad kong natanaw ang mga naglalakihang billboards ng Manila. Isa na doon ang Grand Opening ng West II sa Davao. Nandoon ang billboard ng buong pamilya ni Aidan. Damn those genes. Napahawak nanaman ako sa aking tiyan at naisip kung lalake ba o babae ang magiging anak namin. Sana ay mamana niya na lahat kay Aidan wag lang ang pagiging babaero.
Pasado alas-dose ng makarating ako sa opisina ni Lolo. Sinalubong ako ni Julia at huminto sa harap ko.
"We've heard the news, Maam. Congratulations. Siguradong matutuwa ang Lolo niyo na magkakaron na siya ng great-granchild!" Hindi na ko nagulat sa sinabi ni Julia. Malamang ay binalita na ng mga taga-Grande ang pagbubuntis ko. Balak kong ibalita kay Lolo pag alam na ni Aidan.
"Thanks, Jul." Sabi ko at lumakad na ulit. Tanaw ko agad ang Volvo ni Claye at mukhang may LQ pa sila ni Reema habang busy si Venice sa kanyang phone. Lumapit ako sa kanila at narinig ang bangayan ni Claye at Reema.
"Di ka na dapat sumama! Doon ka na sa mga babae mo nakakabwisit ka talaga!" Pag-iinarte ni Reema.
"Eh bat selos na selos ka? Partida nililigawan pa lang kita niyan." Lumapit na ko ng tuluyan sa kanila at agad natigil ang bangayan nila.
"Saf? Ikaw ba yan? Baket parang nag tan ang balat mo? Hindi naman na summer! Tapos blooming?" Bungad ni Venice at pinanggigilan pa ako.
"Syempre epekto ng pagbubuntis." Sabi ko at laglag panga silang tatlo na humarap sakin.
"YOU ARE PREGNANT?!" Halos mabingi ako sa sigaw ni Reema. Tumango lang ako at dumiretso na sa loob ng Volvo ni Claye. Narinig ko ang tili ng dalawa at sinundan agad ako.
"Kelan pa? Alam na ba ni Kuya?" Tanong ni Claye.
"Not yet. Mamaya na pag uwi sa condo niya."
"Kelan ka pa buntis? May nangyare na pala sa inyo? Baket hindi ko alam?" Sunod-sunod na tanong ni Ven at hindi ko na lang pinansin.
"Shush your mouth, Ven. Baka ma-stress anak ko niyan." Sabi ko at pinikit na lang ang mata. Huminto ang sasakyan ni Claye sa tapat ng condo ni Aidan. Bumaba na ko at nagsunudan naman sila.
"What? Nagpahatid lang ako I didn't say I'll invite you sa loob."
"The hell, Safara? Buntis ka na't lahat pero your attitude still sucks." Napangiwi na lang sila habang tatawa-tawa ako at kumaway habang papasok ako sa loob ng unit. Sumigaw si Reema ngunit hindi ko na pinansin. Pagod ang katawan ko ng pumasok sa loob ng condo unit ni Aidan. Agad akong humiga sa sofa at nakatulog.
Nagising ako ng nasa kwarto na ko ni Aidan. Natanaw ko ang kape sa bedside table at dali-daling tumakbo palapit sa cr. Halos kainin na ko ng toilet bowl sa pagduwal ko. Narinig ko ang malakas na kalabog at malulutong na mura ni Aidan habang hinawakan ako.
"What the hell Safara? First, I found you here in my condo and now nagsusuka naman?"
"Asshole. That's because magiging daddy ka na at dadami na lahi mo." Sabi ko at sandamakmak nanaman ang isinuka. Nahinto lamang ako ng halos puro tubig na lang ang isinusuka ko. Pagkatayo ko ay nakita lang si Aidan na nakatulala habang umiiyak.
"What?" Tanong ko at nginitian siya.
"Damn, I love you." Sabi niya at mahigpit akong niyakap at binuhat pabalik sa kanyang kwarto. Inatake niya agad ako ng malalalim na halik at mariin ko siyang tinulak. For heaven's sake kakasuka ko lang!
"Aidan stop! Kakasuka ko lang! Kadiri ka!"
"I don't care." Aniya at pinagpatuloy ang halik. Napasabunot na lang ako sa buhok niya dahil sa kakaibang sensasyon na nararamdaman ng biglang nag ring ang phone ko. Tinulak ko siya at halatang inis na inis.
"Turn it off." Kinuha ko ang phone ko at nakitang tumatawag si Lolo. Umupo ako at niyakap naman ako ni Aidan.
"Safara? I heard nasa Manila ka na daw? Akala ko sa makalawa pa?" Sasagot na sana ako ng biglang inagaw ni Aidan ang phone. Pinindot niya ang video call at bumungad si Lolo samin na nasa loob ng kanyang opisina. Malawak ang ngiti namin sa kanya ni Aidan.
"Lo, you can now go back here in Manila." Panimula ni Aidan at mas tinutok pa sa kanya ang phone. "Magpapakasal na kami ni Safara." Anunsyo niya at napatingin na lang ako sa kanya habang mapang-asar na ngumisi si Lolo.
"I'm not against that pero baket mukhang mabilisan ata?"
"Lo, pag pinatagal baka di na magkasya ang gown kay Safara." Panunuya ni Aidan at tumawa lamang silang dalawa.
"Masyado na bang matakaw ang apo ko?" Pang-asar pa ni Lolo. Nginitian lang ako ni Aidan at hinalikan ang tuktok ng aking ulo.
"No, Lo. Your granddaughter is pregnant so I want the wedding as soon as possible." Aniya at halos atakihin si Lolo sa tuwa. Napatayo siya sa kanyang swivel chair at lumabas ng kanyang opisina para ipangalandakan na magkakaron na siya ng apo sa tuhod. How I wish my family was here to celebrate this big news. Isinantabi ko ang iniisip ko at hindi napigilang maluha. Niyakap ako ni Aidan habang rinig pa rin ang pag aanunsyo ni Lolo sa kanyang mga trabahador. Puro congratulation ang naririnig ko hanggang sa humarap ulit si Lolo sa amin.
"Akala ko ay hindi ko maaabutan ang magiging great-granchild ko! Congratulations to the both of you. Alam kong parehas kayong magiging mabuting magulang and Aidan, please take care of my apo." Sabi ni Lolo.
"I will, Lo." Nag kwentuhan lamang kami at uuwi na si Lolo pagkatapos ng isang linggo hanggang sa nagpaalam na kami dahil nahihilo nanaman ako. Lumipat kami ni Aidan sa sala ng condo niya at dinalan niya ko ng tubig.
"Let's have you check, Safara. Normal ba ang ganyan? Lagi ka bang nagsusuka?" Dire-diretso niyang tanong habang puro tango lang ang ginawa ko. Tumayo siya at kinuha ang kanyang phone. May dinial siya doon at kinausap.
"Safara's pregnant. Normal ba iyong nahihilo at nagsusuka siya? Baka mapano naman yung mag-ina ko?" Tanong niya sa kanyang kausap. Parang may humawak sa aking puso at naluha nanaman. I'm gonna start my own life at lahat gagawin ko para sa kanilang dalawa. I want to be always there for my child at para kay Aidan.
"Normal lang iyon? Sige Rach, tomorrow sana ng umaga ayoko ng patagalin. Sige. Thank you." Aniya at pinutol na ang tawag.
"Who's that?"
"Si Rachel. Yoong kaibigan namin na OB. I want you check, asap. May masakit pa ba sayo?" Tanong niya at lumapit nanaman sakin at agad nilagay ang kanyang tenga sa tiyan ko.
"Aidan, wala ka pang mararamdaman diyan!"
"Kahit na! Pagsasabihan ko lang anak natin na wag kang pahirapan." Litanya pa niya at pinagpatuloy lang ang pag hagod sa aking tiyan. "Baby? Wag masyadong pahirapan si Mommy, okay? Kapit ka lang diyan." Sabi pa niya at tinawanan ko na lang. Umayos siya ng upo at niyakap ako.
"Thank you, baby. I love you. I promise to do everything for the both of you. Lahat ata ay ibibigay ko kahit ako na lang ang maubos. Basta para sa inyong dalawa, ayos lang iyon." Hindi ko napigilan ang pagluha dahil sa mga sinabi ni Aidan. I always longed for a complete family at ibibigay ko yoon sa magiging anak ko.
"I love you too, A." Maghapon lamang kaming nasa sala habang nanunuod at kain lang ako ng kain. Ayoko din ng nawawala si Aidan sa tabi o paningin ko. Naiirita agad ako kahit mag c-cr lang naman siya.
"Saf, I need to pee."
"Eh tiisin mo na lang. Sige ka pag di mo ko sinunod, mai-stress kami ng anak mo." Pananakot ko at sumubo ulit ng popcorn.
"Saf, sasabog pantog ko neto. I'll be fast promise." Pagmamakaawa niya. Naawa naman ako at hinayaan na siya pero inorasan ko lang. Nagmamadali siyang bumalik at humalik sakin.
"Damn daig pa neto ang mga mood swings mo nung di ka pa buntis. Mas malala pala to." Sabi niya at siniksik pa lalo ako sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip