Chapter 04
Selena's POV
One month na since naging roommate kami ni Clyde. Medyo naging close na rin kami. Hindi naman pala siya pervert ng sobra. In fact, he’s hot I mean cool. Madaming bagay ang pinagkakasunduan namin. Pero sobrang daming times pa rin talaga na nasa 'pervert mode' siya which is nakakairita kasi alam ko namang pinag ttripan niya ko pag ganun.
"Let's have a date." Seryoso niyang sabi sakin. Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanya kasi ramdam ko yung titig niya sakin as if baon na baon. Bwisit.
“Hoy, not because nag-uusap na tayo ng matino, makikipag-date na ko sayo. Asa ka."
“Pakipot. Dali na kasi. My treat." Pagmamayabang niya as if hindi ko siya kayang ilibre. Baka gusto niyang isampal ko sa kanya kung gaano ako kayaman?
“No need. Ako si Selena Pae Samaniego, Magandang Mayaman.”
“Sus. Kala mo ikaw lang. Ako naman si Clyde—“
“Yeah. Clyde Keiden Sarossa, Mayabang. Mahangin. Makapal ang mukha. Mapanget. MANYAK.”
“Hoy! Hindi nman katanggap-tanggap yan. Uulitin ko. Wag kang epal. Ehem ehem. Ako si Clyde Keiden Sarossa, MA-GWAPO. MA-HOT. MAYAMAN. MACHO. MA-ABS. MA-GWAPO ULIT. TAS MAGW—“
“Manyak. Admit it. You’re pervert.”
“Ang sakit mo naman magsalita.” Sabay alis naman niya sa tabi ko. Nakaupo kasi kami sa sofa. Aba’t ang loko nag drama pa.
“HOY MANYAK! TIGILAN MO KO SA DRAMA MO. DI MO BAGAY.” Hindi naman siya kumibo. Aba wag mong sabihin na dinamdam niya yung sinabi ko? Eh sa yun ang totoo eh. Ilang minuto na siyang di bumabalik. Nandun lang siya sa loob ng kwarto. Tumayo na ko para tignan kung ano ba drama nung manyak na yun. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto namin, nakita ko naman siyang nakahiga. 8PM na rin kasi. Grabe ah. Wag lang tlgang sabihin sakin na nag dradrama siya. Not at his age and not with a joke like that. Ang pikon naman pala niya. Haha!
“Huy perv! Huy!”
“Huuuuuuy!” Sabi ko habang hinihila ko yung shirt niya pero no reaction pa din siya. Naka-yakap lang siya sa unan.
“Huy Clyde naman eh! Gumising ka nga.” Napausog naman ako bigla dahil bigla siyang tumalikod. Seriously? Anong drama neto?
“Pagod ako. Matulog ka na lang din. Ge. Goodnight.” Sabay lagay ng unan sa mukha niya. Luh? Anyare? Hindi ko na lang siya pinansin. Aba. Ang ganda ko kaya. Kunh ayaw niya, edi wag. As if pipilitin ko siya. Hell no.
****
Pag gising ko, wala na sa higaan si Clyde. 7:30AM pa lang. Tss. Bumangon na ko at pumasok sa banyo. Pagtapos kong maglinis, lumabas na din ako para kumaen. Naabutan ko si Clyde na nanunuod ng spongebob. Seryoso? Yung tipong ganyan? Nanunuod ng spongebob? Akala ko PORN ang favorite niya.
Pag-upo ko sa mesa. May pagkain na. Oo. Sanay magluto ang mokong. Sanay din nman ako. Though, nakakatamad lang tlga.
“Huy Clyde!” Hindi nman niya ko pinansin at nanunuod pa talaga. Aba’t ini-snob niya ang ganda ko? Samantalang dati, pag gising ko nasa pervert mode na agad siya eh. Ba’t ko ba siya inaala? Bahala siya sa buhay niya ang arte-arte niya. Pagtapos ko namang kumain, tumabi lang ako sa kanya na seryoso pa ding nanunuod. Mas maganda naman ako dyan. Lalong mas maganda ako kay spongebob! Naiinis na tuloy ako kasi parang hindi man lang niya ko nakikita o sinasadya niya lang?!
“Huy Clyde. Di mo talaga ako kakausapin?” Hindi pa rin niya ko pinapansin. Tas umisod siya ng konti palayo sakin. Ang ganda ko para layuan niya. Hindi ba niya alam na paglalapastangan yun sa isang diyosang maganda?!
“Naman Clyde eh! Kausapin mo na kasi ako.”
“Shit.” Nagulat nman ako kasi bigla niya kong hinila at niyakap pero hinayaan ko na lang. Ba’t ba? Nasanay na din ata ako? Siguro? Ewan. Pero sa loob ng 1 month na pagsasama namin, gumaan na yung loob ko sa kanya. Yung tipong prang pagkatabi ko siya feeling ko safe ako. Basta. Ang ganda ko talaga. Sanay na rin ako sa gsnyan niya. Pag inaasar ko siya at napipikon siya, hindi niya ko kakausapin tas pag kinulit ko na siya, bigla na lang niya kong niyayakap. Weirdo.
“Uy! Ano ba kasing problema? Kagabi ka pa eh.” Tanong ko sa knya. Pero yakap yakap pa din niya ko. Tss. If I know, chansing lang ‘to eh!
“Wala.. wala..” sabay ayos nman niya ng upo. Hindi na kami magkayakap. Nabitin ata ako? Ugh, Selena!
“Naman Clyde! Mas maganda ba sakin yang pinanunuod mo? Tss.” Napatawa nman siya sa sinabi ko sabay patay niya ng TV tas harap sakin. Tas tinitigan lang niya ko tas biglang tingin sa TV na nakapatay tas tingin ulit sakin.
“Maganda ka. But on the second thought, mas maganda palang manuod ng spongebob.”
“ANO?! A-ang kapal mo ah! Mas maganda naman ako dyan. Bwisit!”
“Oo na. Oo na. nga pala. After 1 month pasukan na ulit ah.”
“Onga eh. Ano pala course mo?” Sa one month kasi na pagsasama namin. Hindi nmin napag-usapan yung school. Stress kasi yun.
“BS Management.” Eh? Siya? Interesado sa ganung course? Akala ko kasi.. Nevermind.
“So, may interest ka sa ganyang course? Wow Clyde ha. HAHAHA.”
“Wag ka ngang tumawa. It’s not my choice. My dad’s.” Oh. Prang I already get it.
“Oh. So tell me more about it. I mean, gusto ko lang malaman kung sino ba talaga si Clyde Keiden Sarossa. Aside of him being such a very pervert one. What else do I need to know more about him?” Ewan ko pero bigla akong na curious sa buhay niya. Para kasing we’re experiencing the same suffocation.
“At ba’t naman bigla kang naging interesado sakin?”
“Nothing. Just curious. Dali na. kwento na. So are you not in good terms with your dad?”
“Probably, yes. We’re not. Dahil ako ang panganay nasakin ang lahat ng pressure. I mean, being the successor of our company is such a good opportunity for me. But, it was not the thing I want to do.” Yeah. As far as I know, Siya kasi ang panganay. Dahil babae yung kapatid niya at mas bata sa kanya. So hindi talaga pwedeng yun ang mag handle ng company nila. Neto ko lang din nalaman na sila pala ang may-ari ng pinaka sikat na branch na “Sarossa’s Hotel.” “Sarossa’s Corporation” At yung pinaka-sikat na clothing line sa iba’t-ibang bansa na “Sarossa’s Sapphire” fashion designer pala ang mom niya and upon hearing it, parang gusto kong maka-bonding ang mom niya. I take up B.Sc fashion design. Since, hindi ko kailangan i-handle ang company namin. You know, we’re in good track ng daddy ko si mom lang talaga ang feeling kontrabida.
“So what was your interest then?”
“Ako? Gusto ko lang ng simpleng buhay. I mean, far from pressure and suffocation.”
“I can feel you. But, mukhang wala ka ng magagawa. And hey! It’s not that bad after all.”
“Yeah. Ikaw? B.Sc in fashion design ang course mo diba?”
“How did you know? Ikaw ha! Stalker kita noh?”
“Mukha mo! Haha. Nakita ko lang dun sa notes mo. Tss.”
“Tss. If I know. Crush mo kaya ako.”
“Ge. Mag feeling ka pa. Ikaw nman mag kwento bilis.”
“At ano nman ang ikkwento ko?”
“Anything.”
“Tss. Wala naman akong masyadong problema. Even though, parehas na business related ang trabaho ng parents ko, wala akong pake. Basta mayaman kami. Tapos ang usapan.”
“Baliw. So, you’re in good terms ng parents mo?”
“No actually. Kami ng daddy ko, close kami nun. Cool yun eh. But my mom? Oh please. Wag na nating pag-usapan. She’s a monster.” Natawa naman siya sa sinabi ko. Parehas lang kaming natahimik. Hay. Himala ata. Hindi nag pervert mode ‘to.
“Ah Selena, M-may tanong ako sayo.”
“What?”
“Ba’t ang hilig mo sa red?”
“WHAT?!”
“Yung panty mo oh. Red din.” Napa-ayos nman ako ng upo. Naka-indian sit kasi ako! Tas ang ikli lang ng short ko. prang boxer pero yung pang-babae. Nakakainis. Manyak talaga 'to! If I know, kanina pa yan nakatingin!
“Know what?! Manyak ka talaga, bwisit!"
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip