Chapter 08
Clyde's POV
Hindi ko pa rin makalimutan yung muntikan ko ng mahalay ng tuluyan si Selena. Pucha tumatalab ata sakin yung kapangyarihan niyang pula. Swerte naman niya at isang drop dead gorgeous ang hahalay sa kanya. Haha!
“Clyde..”
Ah okay. Wala na. Badtrip na ulit. Tss.
“What now, Trixie?”
“Can we talk?”
“For what? Wala akong sasabihin sayo.” Lumakad naman na ko palayo sa kanya. Baka masaktan ko lang siya kahit babae pa siya. Pero nagulat ako nung niyakap niya ko mula sa likod. Pucha naman! Inalis ko naman yung kamay niya na nakayakap sakin. Buti na lang kaonti na lang tao dito sa hallway.
“Trix, tigilan mo na ko. Wala ka ng mapapala sakin.”
“No Clyde! I won’t stop hangga't hindi mo pa ko napapatawad. I admit, nagkamali ako. Pero Clyde, am I not worthy for a second chance?”
“Yes. You’re not.” Sabay iwan ko sa kanya. Ayoko siyang nalalapit sakin. Pagtapos niya kong lokohin? Tangina lang para lumapit pa siya sakin.
“Oy bro! Ginugulo ka pa din?” Tanong ni Yael na mukhang nakita yung nangyari. Oo. Alam ng barkada kung baket ako galit kay Trixie. Kung baket hanggang ngayon.. Tss. Badtrip talaga!
“Hayaan mo na siya. Nag umpisa na ba practice?”
“Mahal mo pa ba si Trixie, pare?”
“E-ewan ko..” Iniwan ko na siya. Mahal? Galit ako sa kanya. Pero hindi ko alam kung naka move-on na ba ko o hindi. Bahala na. Pumunta na ko sa field. Mga nag wawarm-up pa lang sila. Naupo naman ako sa isang bench. Tinatamad talaga ako. Mas gusto ko pang umuwi. Edi sana, magkasama kami ng babaeng pula.Muntikan na talaga, sayang! Tsk. Konti na lang eh! Buti na lang talaga magaling ako sa, “Blue si Barney at hindi Violet Exercise” HAHAHAHA. Kung ano yun? Hulaan niyo.
“Ngiting-ngiti ang manyak ah!” Napatingin naman ako kay Mike. Tss. Manyak daw eh siya yun. Nilipat pa sakin ng gago.
“Ulol! Magtigil ka. Manyakin ko mukha mo eh.”
“Wag naman pre. Madami pang naghahabol sa mukhang ‘to!”
“Ano kamo? Bakla ka?”
“Ang bakla mo mag joke pre! Patapon ka na! HAHAHAHA.”
“Oh ang bakla mo tumawa pre! Pakamatay ka na.“
“Napakasama nito oh! Para tayong hindi magkaibigan niyan eh! Gusto mo na bang magsulian tayo ng kandila?!”
“Mongoloid ka talaga. 10 laps. NOW!” Sabay ngisi ko ng pang-asar sa kanya.
“Anong 10 laps?! Gago!"
“10 laps o 20? Pili na.”
“Aba hoy! Hindi porket ikaw captain eh--"
“COACH!” Sabay sigaw ko naman ewan ko lang kung hindi pa siya sumunod. Haha!
“Nagmamakaawa ako sayo pre! Wag mo kong isumbong kay coach. Eto na 10 laps. Sige. Bwisit!” sabay takbo niya. Yan. Ganyan. Move like a boss.
Nasan na ba yung cellphone ko? makapag fruit ninja muna..
"HOY SAROSSA! TRENTA MINUTO NA ANG SINASAYANG MO! 30 LAPS, NOW!" Ay pucha!
“Coach naman, walang ganyanan.."
“Umpisahan mo na Sarossa. Nauumay ako sa mga mukha niyo. Takbo na! NOW!” Napatakbo naman ako sa sigaw ni coach. Dapat pala 50 laps na pinagawa ko kay Mike! Badtrip.
Natapos ko din ang 30 laps tas nag warm-up pa ko ng konti at nag umpisa na ang practice. Inabot kami ng 5:30pm. Ang hassle talaga ng practice na'to dahil malapit na ang next game namin. Wala naman silang binatbat sa team namin lalo na sakin na may lahing drop dead gorgeous. Tsk.
“Okay. Practice’s over. Bukas na lang ulit. Bawal ang late!” Sabi naman ni coach sabay alis.
“Ahhh! Yung katawan ko yung muscles kong tinitilian ng mga babae, masakit.” Sabi naman ni Mike. Napaka feelingero talaga ng gago. Kaya di umuunlad sa course niya eh. Engineering yan. May nalalaman pang mag s-shift eka siya sa tourism. Tangina. Laughtrip talaga kami dun. Gaysht ampotek. Pero bigla naman niyang sinabi na, “madami kasing chicks dun mga tanga!” Kaya nawala ang iniisip naming sa kanya na siya si Barney na Blue. Hahahaha!
“Hoy! Tumigil ka. Ahhh teka yung abs ko. Aray. Teka yung biceps ko pa. Uh.. ang sakit.” Sabi ni Jeff na isa pang gago! May mga babae kasi na nakatingin samin. Pustahan, mamaya lang isa sa mga babae dyan kasama nanaman ni Mike at Jeff mamaya.
“Mga ulol! Magsitigil kayo. Nakakadiri kayo.” Sabi naman ni Saturn. Badtrip pa din ako dyan. Di hamak na mas gwapo ako dyan wala siyang panama sa isang drop deag gorgeous na kagaya ko.
“Una na ko mga tol. Ge.” Sabat naman ni Parker. Naalala ko nanaman yung mga muntangang pinagsasabi niya sakin nung isang araw. Maraming chicks yan si Parker. Pero misteryoso talaga siya. Hindi naming siya gnun kakilala kahit na sabihing napaka-tagal na naming magkakasama. Hindi kasi nagsasabi samin. Kungbaga, para siyang may sariling mundo. Pero, madaming babae ang halos umaaligid dyan. Baliw lang talaga.
“Una na rin ako mga pre!” sabi ni Yael. Isa pang laging MIA. Short for Missing In Action. Para silang mga kabute. Lalabas lang pag nagkayayaan ang barkada. Tsaka pag ganitong may practice lang. Sa barkada kasi, si Yael lang ang may girlfriend. Loyal ang loko. Kahit na sa ibang university nag-aaral yung girlfriend niya. Loyal na loyal pa rin.
“Oy pre, uuwi ka na ba?” wala na pala si Mike at Jeff. Kami na lang ni Saturn tsaka yung ibang player ang nandito.
“Ah oo. Gabi na rin eh.”
“Ah ge. Ingat na lang pre. Hahanapin ko pa si Sabrina.”
“Sige. Ingat din. Nag-ala dora nnaman pala yang kambal mo. Haha.” Binatukan lang niya ko at umalis na. Napaka-walangya talaga ng mga tao ngayon. Buti na lang gwapo ako.
Saturn's POV
Alas-sais na pala. Nasan na ba yung Sabrina na yun? Sabi ko hintayin niya lang ako eh.
“SATUUUUUURN! KAMBAL!” Napatingin naman ako sa babaeng tumatakbo papalapit sakin. Tss. Isip bata pa rin talaga ‘tong babae na’to.
“San ka ba galing?”
“Somewhere over the road. Tara na. Uwing-uwi na ko.”
“San-san ka pa kasi pumupunta!” Lumakad naman na kami. Nasa parking pa yung kotse. Oo. May kotse ko may student’s license naman na ko since, 18 na ko.
“Kambal! Ang ganda ni Selena noh?”
“Ayos lang. Kaklase mo ba yon?"
“Yup. Same course lang naman kami. Akala ko nga mataray yun eh. Di naman pala. Mabait pala siya. Tas alam mo, ang matured niya mag-isip. Hayyy. Nakakainggit yung ganda niya.”
“Sira. Haha. childish ka kasi. Ah! Nga pala. Pakiusapan mo naman yun na pumayag na sa inaalok ko sa kanya.”
“Ano ba yung inaalok mo dun?”
“Model sa gagawin naming photoshoot. Para sa project ko yun. Dali. Pilitin mo ha!”
“Pwede naman kasing ako.”
“Wag ka ng epal. Basta ah! Pilitin mo.”
“Fine. Fine. Ay! Alam mo, ang gaan ng loob ko dun. It’s like I’ve known her long time ago.”
“Wag mabilis magtiwala, Sabrina. Mahirap. Masasaktan ka lang.”
“I know.. pero kasi, iba siya Saturn. The first time I saw her, parang ang gaan na agad ng loob ko sa kanya. To the point na, kinaibigan ko siya.”
“Bahala ka. Basta. Yung sinabi ko sayo. Wag kang agad agad magtitiwala. Mahirap umasa sa wala, Sab.” Nakarating na kami sa parking. Sumakay na rin kami at umalis na. Selena.. Selena..
Hindi pwede…
“Sabrina.. alam mo yung buong pangalan ni Selena?”
“Ahhh.. w-wait.. nabanggit na niya sakin eh.. Selena Hmm.. ano nga ba yun? Aish. I forgot. Baket?”
“Wala. Natanong ko lang.”
“Hmm.. basta.. sa letter P nagsisimula yung second name niya eh.. ewan ko lang.. naka—“
“Selena Pae ba?”
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip