Chapter 09
Selena's POV
Monday nanaman. Nauna na kong umalis kay Clyde. Mamaya pang 10 ang klase nun eh. Kung di pa ko nagpumilit, malamang, hindi pa rin ako nakaalis. Si Clyde naman kasi naging mongoloid nanaman. Nagpapaka-sweet ang loko. Feeling. Umalis na ko at nakarating sa school. Maaga pa naman. 8:30 pa kasi start ng first class ko. 7am pa lang naman. Nagpunta muna ko sa gazebo. Peaceful kasi.
Nilabas ko lang yung libro ko sa isang major subject ko dahil baka magkaroon ng quiz. Tiwala naman ako sa sarili ko that I can pass it pero much better na yung prepared ako.
“SEEEEEEEEE!!!” Kakasabi ko lang na peaceful dito at gusto kong mag-aral diba?
“Sab! Ang ingay mo. Nagrereview ako.”
“Ay sorry! Na-excite lang. Ba't ka alone?"
“Trip ko lang. Tahimik kasi dito.”
“Ah gnun ba? Selena.. ayaw mo ba kong maging kaibigan?” Yan ang problema kay Sabrina. She’s too dramatic. Ewan ko pero I find it a lil bit irritating. Masyado kasing “childish” yung mga kinikilos niya to think she’s already 18. Hay. I know, she’s having a hard time dahil she’s emotionally hurt. But, it’s not a reason for her to be so dramatic. Isa pa, ayoko ng ganito. Hindi ako sanay sa mga ganyang bagay.
“What? Sab please, stop the drama.”
“Sorry if napaka-babaw ng emosyon ko ha? If I’m childish and such. I’m still coping up with having a friend. And I h-hope.. you won’t leave me behind, Se.” I sigh. She need someone beside her. Someone who can understand her. And I think, ako na lang ang gagawa. I’m her friend. I must understand her.
“Sab, sorry for being harsh. It’s just that, hindi kasi ako sanay sa ganyang mga bagay. You know. Don’t be sad. Everything’s gonna be fine. You just need to be strong. I’m here. We’re friends right? So, smile. It makes you strong.”
“Thank you, Se. you know, naiinis na nga ako sa sarili ko ang bilis kong malungkot. Ang babaw ng emosyon ko. Siguro dahil ‘to sa kawalan ng atensyon sakin ng magulang ko. Since my dad left us, my mom started to become workaholic. Kungbaga, si Saturn na lang ang nandyan para sakin.. kaya nga nung naging kaibigan kita, nabuhayan ako ng lakas ng loob. Kasi I know, I found a true friend, now.”
“Oh dear. Tama na ang drama. Mag review ka na lang din.” Nginitian lang naman niya ko. akala ko mag-aaral din siya pero bigla na lang siyang nag strum ng gitara. Sanay pala siya niyan.
“Sanay ka?”
“Hindi Selena! Joke lang ‘to. Haha. Joke ulit. Medyo."
“Tse! Mag-aaral na nga ako.” Pinagpatuloy ko lang yung pagbabasa ko na naudlot kanina. Parang yung muntikan lang na nangyari samin ni perv este ugh ano ba yan!
“Uy narinig mo ba yung balita? May transfer student daw.” Narinig kong sabi nung babae sa mga kasama niya. Nasa tapat lang ng pwesto namin sila kaya dinig ko. Ang lakas pati niya dumaldal.
“TALAGAAAA? ANONG YEAR DAW BA?!”
“Junior College daw. Media Arts yung course.”
“Talaga? Babae ba o lalake?”
“Babae daw eh.”
“Ay sayang naman pala.”
“Narinig mo yun, Se? May transfer student daw.”
“Narinig ko nga. Di ako interesado.” Pinagpatuloy ko naman na yung pagbabasa ko. Pake ko ba dun? 8:20 na kaya umalis na kami ni Sab at nagpunta na sa room namin since parehas lang kami ng subj. ngayon.
“Uy grabe. Nakita niyo yung bagong transfer student?” Headline na headline naman yun. Mas maganda ba sakin yun? Tss.
“Oo! Grabe. Ang ganda noh?”
“Onga eh. Tapos balita ko pa, mabait daw. Mahiyain lang nga lang.”
“Nako sa umpisa lang yan. Pero nakita ko rin siya, ang ganda nga.” What?
“Oy Sab! Media Arts diba si Saturn?”
“Oo baket?”
“Baka classmate niya yung transfer student.”
“Kala ko ba di ka interesado dun? Haha.”
“Eh I’ve heard, MAGANDA daw. Tignan natin mamaya.”
“Hay nako ka Se! HAHA. Don’t worry, MAS maganda ka don.”
“Alam ko. Wala naman akong sinabi na MAS maganda siya. As if. Haha.” Ang maldita ko ba? Umpisa pa lang yan.
“Omigad, Selena! Hahahahaha. Nararadar ko na sungay mo! Hahahaha!"
“Yeah right. Haha.” Dumating naman na yung prof. namin. Pinapasa niya lang yung activity na pinagawa niya samin. Tas isang surprise quiz ang naganap. Hah! Buti na lang talaga nag-aral ako kanina. Selena.. Selena.. Ang ganda mo talaga. Mabilis din namang natapos yung 2 pa naming natirang subj. kaya naka-alis na din kami agad ni Sab. And now, let’s see kung MAGANDA ba talaga yung transfer student na yun.
Saturn's POV
Maaga akong nakarating dito sa room. Iilan pa lang kami. Sa barkada, ako at si Clyde lang ang naiba ng course. Yung apat, pare-parehas ng engineer ang course. Natulog muna ko sa armchair ko. Maaga pa. Bahala sila.
“Uy may transfer student daw. Media Arts din ang course.” Rinig ko namang sabi ng mga kasama ko dito sa room.
“Onga daw. Balita ko pre, chicks daw!" Mga ungas talaga! Pagdating sa mga usapan na ganyan eh, aktibo. Hahahaha!
“Ayos pala. Muling magkakabuhay ang media arts department. Yung Selena kasi na maganda, iba ang course. Sayang yun pre.” Tss. Nakakainis. Si Selena pa talaga ah. Palagay ko talaga.. siya yun eh. Siya.
Narinig kong dumating na yung prof. hindi na ko tumayo. Tinatamad ako. Iniisip ko pa si—
“Okay. May bago kayong kaklase. Transfer student. Miss Guzman, you may now enter.” Napatahimik naman yung klase. Pero naka-dukdok pa rin ako sa desk ko. Hindi ako interesado sa bagong studyante na yan.
“Sige na Miss Guzman. Introduce yourself.”
“A-ah. Hi. I’m Pae Alexxa Guzman.”
Wtf. Ano daw? P-pae?! Pae ba talaga?!
“Anong pangalan mo miss?” Bigla ko namang sabi. Ano raw ba pangalan niya? Baka namamali lang ako ng rinig.
“P-pae po.” Sabi niya sabay yuko. Baket siya naka-yuko? Hindi ba niya alam na mas gwapo ako kesa sa sahig? Tss.
“Sigurado ka miss?”
“Hoy Saturn! Wag mong takutin yan.” Sabi naman ng isa sa blockmate ko. Tss.
“Ah Ge. Thanks.” Umupo na ko pagtapos kong malaman yung sagot. PAE? Baket may PAE sa pangalan niya? Anakvng! Ang tanga mo Saturn! Malamang. Alangan namang iisa lang sa mundong ‘to ang may pangalan na PAE.
Pinaupo na rin yung Pae sa tabi ko. Alexxa na lang itatawag ko sa kanya. Baket ba? Pangalan din naman niya yun ah. Kanina pa siya tingin ng tingin sakin. Sus. Nagwapuhan pa sakin oh! Tinignan ko din siya kaya naman napaiwas agad siya ng tingin. Hmm. Pwede na. Maganda rin. Maputi. Pero maputla. Ayoko. Mas maganda si Selena. Ba't ba Selena ako ng Selena?!
“A-ah.. S-saturn ba pangalan mo?” napatingin naman ako sa knya. Grabe naman sa hinhin yung boses nito. Mag mamadre siguro sa future.
“Hindi. Baket?"
“Ah w-wala naman po..”
“Joke. Saturn nga.”
“Ah..” Bigla naman siyang umiwas na ng tingin at nagsulat. Grabe. Babae ba’to o santo? Uso pa pala ang mga mahinhin na babae? I mean, mas gusto ko kasi yung tipo ni Selena. Fierce but exceptional. Hay nako.
Natapos na rin yung klase namin pero nandito pa rin ako sa room. Tinatamad ako puro kasi Selena ang nasa isip ko. Tsk. Malala na ata ako.
“KAMBAAAAAAAAAL!”
“Hoy Sabrina! Boses mo nga.” Boses ni ano yun ah.
“Oy pre! Nasa labas yung chicks. Yung selena.” Rinig kong sabi nung kaklase kong mga manyak. Nandito pa rin ako ko sa loob ng room. Inaayos ko yung minamahal kong DSLR. Kelangan ‘to para sa project namin.
“Oh? Anong ginagawa? Baka hinahanap ako.” Kapal ng balat.
“Hoy! Tigilan niyo si Selena.” Sabi ko naman. Maigi na yung mabantaan sila habang maaga. Kesa magsisi sila pag pinatay ko sila. De joke lang. Agad naman silang lumabas. Ice yan. Matakot kayo sa gwapong Saturn.
“G-girlfriend mo ba yung sinasabi nila?”
“Oo. Baket?”
“A-ah.. a-akala ko kasi..”
“Joke. Hindi pa.” Hayaan na. hindi naman naririnig ni Selena ‘to. Hahahaha!
“G-gnun b-ba? Mukhang maganda siya ah.” Close ba tayo?
“Walang halong pagtataka. Ge. Alis na ko.” Di ko na inintay yung sagot niya. Pake ko? Nainis ako bigla sa presensya ng babaeng yun ah.
“HOY SATURN! NAPAKA-TAGAL MONG LUMABAS!” Bungad na sigaw naman sakin ni Sabrina. Napaka-arte talaga. Buti na lang gwapo ako. Tsk.
“Boses mo nga. Baket ba?”
“Eto kasing si Se!”
“Nasan yung transfer student? Maganda ba? Ano?” Sunod-sunod naman na tanong ni Selena. Haha. ang ganda talaga. Pucha naman!
“Panget yun. Wag kang mag-alala.”
“Weh? Eh ba’t hindi naman ganyan yung rinig ko kanina?” Nag pout pa. Ah shit. Isipin ang exercise. Barney’s blue not violet.. barney’s bl—
“Ikaw ba yung transfer student?” Bungad ni Selena nung lumabas si Pae este Alexxa.
“A-ah.. a-ako nga. Baket?”
“Wala. Sige. You may go.” Bilib din ako sa katarayan nitong babae na’to eh. Agad namang umalis si Alexxa sa harap namin.
“Infairness maganda nga ah.” Agad sabi ni Sabrina. Siraulo talaga pinarinig pa kay Selena eh mukhang vain na vain 'tong isa na'to. Hahahaha!
“ANONG SABI MO?!”
“Aypantymo! Selena naman! Wag kang sumigaw!”
“Sabi mo kasi maganda yun!” inis na sabi naman ni Selena. Hahahaha shet baket ang ganda nito kahit galit? Nag blush pa ata ako, pucha!
“Totoo naman ah!”
“Hindi kaya!”
“Grabe naman, Selena! Ganyan ka ba ka-bitter? Wag ka ngang selfish! Ako nga maganda din pero quiet lang!"
“Kapal mo! Hoy Saturn! Maganda ba yon? Umamin ka!” agad naman niya kong tinitigan ng masama. Hahahaha.
“Hindi. Wag kang mag-alala. Mas maganda ka.”
“Alam ko. Hindi ko tinatanong opinyon mo tungkol sa ganda ko." Pambihira! Hahahahaha.
“Se, naka-shabu ka ba?"
“Tigilan mo ko Sabrina ah! Oy planetang bayolet ang buhok!” Yung buhok ko nanaman. Ang gwapo ko nga. Oo. Violet buhok ko. ang gwapo ko tuloy lalo. Nung una kong kita sa kanya, kulay orange pa buhok ko nun na parang brown. Ako ata ang dapat na drop dead gorgeous dito at hindi si Clyde. Tsk.
“Ano? Namumuro ka na ah!”
“So? Anyway, tinatanggap ko na yung offer mo!”
“Alin? Yung maging girlfriend ko?”
“Mamatay ka muna. Bwisit. Magsama nga kayong magkapatid!” sabay alis naman niya. Ang pikon talaga. Hahahahaha.
“Hoy Sabrina! Problema ba nun?”
“Hay nako! Pasan ang mundo. Na-intimidate yun dun sa classmate mong transfer student.”
“Ano? Baket naman?”
“Eh usap-usapan halos sa buong college dept. na maganda daw. Well, infairness, totoo naman. Tho, mas maganda pa rin si Se!”
“Alam mo bang may PAE siya sa pangalan niya?”
“Sino si Selena? Eh diba—“
“Hindi! Yung transfer student. Pae Alexxa ang pangalan.”
“So?"
“Napaka-slow mo. Dyan ka na nga. Tss.” Sabay alis ko naman. May dapat pa kong gawin.
Para masigurado ko kung siya ba talaga.
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip