Chapter 13

Selena's POV

Tuesday ngayon, wala akong pasok. Pero si Clyde meron. Bukas pa kasi siya walang klase. Hindi kami parehas ng sched. Nakahiga lang ako dito sa couch since wala nga akong pasok. 10am pa lang. 12 pa ang klase ni Clyde. At ang pev tulog na tulog pa.

“But now it’s over, it’s over, why is it over..

We had the chance to make it..

Now it’s over, it’s over, it can’t be over..

I wish that I could take it back..

But it’s over..”

Napatayo agad ako nung narinig ko yung  phone tumutunog. Hindi akin yun. Hinanap ko kung san galing at ayun, nasa likod ng speaker. Phone pala ni perv. Ang gara lang ng ringtone niya. Brokenhearted lang? Tss. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi pero baka importante? O baka mamaya eh, chicks niya ‘to! Kaya sinagot ko na. Bahala siya.

“Hello?”

 

 

[Clyde?] Boses babae. I knew it.

“This is not Clyde. I’m Selena and you are? Siguro babae ka niya no? Just so you know Miss, Nililigawan niya na ko. Seryoso siya sakin, at seyoso din ako sa kanya. Actually, mahal ko na nga yung perv na yun. So, back off.” Dire-diretso ko namang sabi. Ayoko ng third wheel. Bwisit na 'yan.

[HAHAHAHAHA. Walangya talaga yung anak ko na yun. Hindi sinabi sakin na may nililigawan na pala siya. And oh, Selena right? I’m his mom.]

Kill me now, please. Shit.

“Ahh.. Err.. Ano p-po..”

 

 

[HAHAHA. You’re funny. Anyway, I like you for my son. And oh, kindly tell him na, papunta ko dyan. Bye hija.] Then she hung up. Fudge! How stupid can you be Selena?! Nanay ni perv yun! NA-NAY. At ano daw? Papunta siya dito?! Gad. This is so shameful! Alam ba niyang roommate kami?! Magtago ka na Selena! Or go back to cali! Hellish hell. Nakakahiya! Natataranta ako dito ng bigla akong tinabihan ni Clyde. Ugh! Ba’t shirtless siya?! Hindi ba niya naisip na mahina ako?! Ugh.

“Problema?”

 

 

“Kasi ano Clyde.. K-kasi..”

 

 

“What?” Humiga pa siya sa lap ko. Shit nitong perv na’to. I know what he’s up to. 

“Eh kasi.. Yung phone mo nag ring.. sinagot ko.. Boses babae akala ko babae mo. Tss. Tas kung ano ano sinabi ko! Eh.. Urgh! Nakakahiya talaga, Clyde! Ano ba!!"

 

 

“Go straight to the point, Se.”

 

 

“Eh kasi.. Wag kang magagalit sakin?”

 

 

“Oo na. Sige na. Dali.”

 

 

“Kasi ano.. Mom mo pala yung natawag. Sorry talaga! Di ko talaga sinasadya!” Sabi ko na natataranta habang tinawanan niya lang ako.

“Ayos lang yun, Se. Nagalit ba? Di naman diba? Cool yun. You’ll get along well.”

 

 

“Kahit na! Nakakahiya. Tas pupunta daw siya dito, on the way na..”

 

 

“Ah. Ge. Hintayin na lang natin..”

 

 

“Eh Clyde naman! Natatakot nga ako. Nakakahiya yung mga pinagsasabi ko!”

 

 

“Ano ba kasi sinabi mo?” Naalala ko naman yung sinabi ko. Asa naman ‘tong perv na’to na sasabihin ko sa kanya. Lumaki pa ulo niya. 

“Wala. Dyan ka na nga! Magluluto ako.” Tumayo na ko at dumiretso sa kusina. Sht. Wag kang kabahan Se! Maganda ka, Mayaman. Chill. Naghanda na ko ng lulutuin ko. Ah Beef Steak na lang since favorite ni perv yun. Magluluto na rin ako ng Cordon Bleu. Maalam naman ako magluto since, naturuan ako ng magaling kong daddy. Oo, si Daddy. Hindi kami close ng mom ko. Masyadong strict yun eh. Tss. Nakaka-bitter isipin. Natapos na rin ako ng biglang may kumatok. Sht. Sht. Ayan na. Ayan na. 

 “Uy Ma! Anong ginagawa mo dito?” Narinig ko naman na nag-uusap sila. Lamunin mo na ko lupa, please lang.

 

 

“Wala lang. Dinadalaw ka. Tsaka, ikaw ah..”

 

 

“Kuya, sino yung girlfriend mo? I wanna see her!" Narinig ko namang sigaw ng batang babae. Uh, I think 14 or 15 pa lang siya.

 

“Selena..” tawag sakin ni Clyde. Sht. Hindi ko alam kung lalabas ba ko o hindi eh..

Nagulat ako ng biglang pumunta dito si Clyde.. Hinawakan lang niya yung magkabilang pisngi ko. Letche ‘tong perv na’to! Chansing.

“Ang putla mo. Haha. Wag ka ng kabahan. Mabait yan si Mama. Tara na. Dali.” Hinila lang niya ko pero nakayuko pa rin ako.. Uhhh. Ba’t ganto sa feeling?!

“OMG. S-siya ba kuya? As in siya?! Selena Pae Samaniego!?” Napatingin naman ako sa kapatid niya. Uh. Ba’t niya ko kilala?

 

“OMG! OMG! IKAW NGA! OMG! IKAW YUNG MODEL SA CLAIRE MAGAZINE DIBA?! JUST... OMIGAD!” Bigla naman niya kong nilapitan tas niyakap. Err. Di kami close. Hindi ako makahinga. At pano niya nalaman? Limited edition lang kasi ang copy ng Claire Mag. dito sa pilipinas. Yep. I’m a model. Part time model to be exact. Hindi ko siya priority. Gawa lang yun ng boredom. 

“Oy Nia! Di na siya makahinga. Bitaw. Bawal yan.” Sabi naman ni Clyde.

“Asus. Selos. Anyway, I’m Nia Sarossa. Clyde’s younger sister. And oh, I’m your biggest fan! Omg. Pero diba nasa Cali. ka ate?”

 

 

“My mom sends me to study here so no choice. Thank you."

 

 

“Ehem. Hija, ikaw ba si Selena? Yung nakasagot ng phone ni Keiden kanina?” Oh Jeez. Evaporate now, Se!

“Ah.. A-ako nga po.. Sorry po talaga..”

 

 

“Ano ka ba! It’s fine. So.. kayo na ba ng anak ko?”

 

 

“Ma naman! Hindi pa kami. Malapit na. Wag kang rush dyan. Tara na nga. Kain na tayo.” Pumunta na kami sa dining room. Awkward o ako lang nakakaramdam nito? 

“Ikaw nagluto ate?”

 

 

“Uh.. Yeah.”

 

 

“Ang galing mong magluto hija. Pwede ng mag-asawa.” Nasamid naman ako sa sinabi ng mama ni Clyde. Tas bigla lang syang tumawa. Ang ganda niya. Siguro nasa 40’s na siya pero hindi halata.

“Ma naman! Kumain ka na nga lang. Tsk. May pasok pa pala ko.”

 

 

“Wag ka ng pumasok! Mag i-stay kami dito ni Nia.”

 

 

“Ano?! Ma naman! Istorbo kayo!” Sinipa ko naman yung paa ni perv. Baka mamaya eh, kung ano pa isipin ng mama niya. Nakakahiya talaga ‘tong perv na’to!

 

“What? Totoo naman ah! Ma kasi! Umuwi na kayo.”

 

 

“Fine. Ang arte nito. Pero wag ka ng pumasok. Samahan mo na lang dito si Selena.”

 

 

“Oo na. Tss.” Kumain lang kami. Yung mama ni Clyde, kung ano-anong sinasabi. Tas si Nia, ang daldal pero ang bait nila. Sana ganyan na lang din si Mommy. I erase the thought. Nakaka-bitter. Tapos naman na kaming kumain. Nagkwekwentuhan na lang kami..

“So Selena.. Alam ba ng parents mo na dito ka nakatira? I mean, na may roommate kang lalake?” actually, hindi alam ni mommy. Si daddy lang ang nakaka-alam. Nagulat siya nung una pero sinabi niya na, malaki na daw ako. Alam ko na daw kung ano yung mga limitations ko.

“Ah yung dad ko po alam. But my mom, she still doesn’t know it.”

 

 

“Oh. Pero atleast alam ng dad mo. So, ba’t ka napunta pala dito sa pinas? Diba model ka sa cali?”

 

 

“Yup. Part-time model lang naman po. And my mom sends me here and okay lang naman po sakin.” I know, I lied.

 

 

“I see. Oh siya we’ll go. You guys are old enough to know your limitations ayt? Pero ayos lang sakin kung bibigyan niyo na ko ng apo.”

 

 

“MA! UMALIS NA NGA KAYO! AISH!” Tumayo naman na si perv para ihatid yung mom niya at si Nia sa labas. Tumayo na din ako.

“I’m just kidding, Keiden! Sige na, ingat kayo.”

 

 

“Sige po tita. Ingat po kayo.”

 

 

“Ate! Next time, bonding tayo ah?”

 

 

“Sure, Nia.” Umalis naman na sila. Pumasok na rin kami ni Clyde sa loob. Naupo lang ako sa couch. Napagod ako kaka-daldal. 

“Ang cool ng mom at kapatid mo, perv!”

 

 

“Tss.”

 

 

“Ang arte neto!” Nahiga lang ulit siya sa lap ko. Napapadalas ang pag ganyan-ganyan niya sakin. Hindi na healthy yan!

“Inaantok ulit ako. Dyan ka lang. Tutulog ako.” Tas pumikit na siya habang tinitigan ko lang yung buong features ng mukha niya. Ang gwapo talaga niya pag close-up tipong nakaka-drool. 

“Teka, gusto ko ng ice-cream, perv!” Agad kong sabi sa kanya.

 

 

“Edi kumain ka. Meron dyan.”

 

 

“San?”

 

 

“Sa oven, Selena. Sa oven.“

 

 

“Ha-ha-ha. Sarcasm is the lowest form of wit, Sarossa.“

 

 

"Tss. Malamang kasi nasa ref 'yun."

 

 

“Tse! Ayoko na pala ng ice-cream! Mangga na lang!”

 

 

Buntis ka ba?Fck. Me? No.

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip

Tags: