Chapter 17

Selena's POV

At dahil nga ako si Selena, hindi ako dapat ang kawawa dito. Pumunta na ko sa next subj. ko. Pagpasok ko nakatingin lang sila sakin. 

“FRIEND!” Sigaw ni Sabrina. Sino pa nga ba? Tss.

 

“Oh?”

 

 

“Hinahanap ka kanina ni Clyde.” Himala. Akala ko nagpakamatay na sila nung Trixie pusit eh. Tss.

 

“Wala akong pake. Alis. Matutulog ako.”

 

 

“Bawal! Ano ka ba naman! Kwento mo na kasi sakin.”

 

 

“Wala akong gana. Isa pa, sayang laway ko. Asa sila.”

 

 

“Napaka mo namang babae ka. Dali na.” At dahil hindi ako titigilan kwinento ko na sa kanya. Sarap i-stapler ng bibig eh. Ang daldal.

“What?! Si Trixie nanaman?! Letche talaga yung bruha na yun!” Oo. Kilala niya si Trixie. Pakialam ko? Tss.

“Hayaan mo na. Kung dun masaya yung manyak na yun, edi dun siya. Ay joke lang pala. Ako ang bida sa storya na’to kaya akin dapat si Clyde. Asar! Malalagot talaga sakin yung pusit na yon!” Sabi ko. Pero chill lang. Sayang naman yung ganda ko. Wag kayong feeler dyan na ngangawa o iiyak lang ako sa storya na’to. No. Not Selena.

“Tama yan friendship! Omg. I wanna see kung pano magmaldita ang kaluluwa ni Selena. Omg!” Tuwang-tuwa naman ‘tong isa na’to. Baka gusto niyang siya una kong sampolan. Tss.

“Oh mamaya ka na magbunyi. Matutulog muna ko para may lakas ako pag pinatay ko na yung pusit. At ikaw, makinig ka sa prof. ng hindi ka nganga dyan. Mga imbyerna kayo!” Sabi ko sabay dukdok ng ulo ko sa arm chair.

“Napaka-walangya mo talaga!” Inis na sabi ni Sab. Masanay na siya dahil wala akong planong makipaglaro ng bait-baitan kahit kanino.

Clyde's POV

 

Dinala ko lang sa clinic si Trixie. Hindi ko alam kung ano yung naramdaman ko nung nakita ko siyang natumba. Ang alam ko lang, kailangan niya ko. Nasigawan ko pa si Selena. Ang tigas kasi ng ulo niya. Napaka-stubborn. Nakakainis. Pero ba’t parang nasaktan ako nung nakita ko siyang tumalikod at umalis? Uh. Pakamatay ka na Clyde. Nandito pa rin ako sa clinic tulog pa kasi si Trixie..

“Keiden..” Napatingin naman ako sa kanya. Hanggang ngayon, yan pa rin ang tawag niya sakin. Oo. Unang babaeng minahal at sineryoso ko si Trixie. Siya siguro yung masasabi kong nagpatino sa isang playboy, siraulo pero drop dead gorgeous na kagaya ko. Pero di ko alam, siya rin pala ang magbabalik sakin sa kung ano niya ko unang nakilala. Si Clyde na g*gong playboy. Tss.

“Okay ka na ba?” Tanong ko sa kanya. Mukha naman kasing wala na siyang problema. Ni hindi naman siya maputla kanina. Wala din siyang lagnat.

 

“O-okay na ko.. Salamat sa pagbabantay.”

 

 

“Wala yon. Sige, una na ko. May klase pa kasi ako.” Aalis na sana ko pero, hinawakan niya yung kamay ko. Ewan ko ba pero  ba’t parang may ibang pakiramdam pa din akong nararamdaman. Napaka-gay talaga ng ganito. Tsk.

“P-pwede bang dito ka m-muna? Please?”

 

 

“Trixie kasi..”

 

 

“Sige ayos lang. Salamat na lang ulit.” Pagkasabi niya, tumalikod na siya ng higa. Lumabas na rin ako. Ayoko siyang iwan pero may parang nagtutulak sakin na umalis na at hanapin si Selena. Paglabas ko, dumaan muna ko sa field. Baka kasi nandun si Selena. Pero wala siya. Nakita ko lang si Parker na may kausap na babae. Sa pagkaka-alam ko yun yung Kriella anak ng may-ari nitong Xander University. Nakita kong umalis na si Kriella pero yung mukha ni Parker, akala mong nalugi. Tss. Lumapit naman ako sa kanya. Nagulat pa ang loko.

“Oy! Nakita mo si Selena?”

 

 

“Hindi.”

 

 

“Ah. Sino yon? Si Kriella? Bago mong chicks?”

 

 

“Tss. Di ko type yun. At wala akong balak na isama yon sa koleksyon ko.”

 

 

“Naka ng parker! Ikaw na.”

 

 

“Wag mong ibaling sakin yang pang-aasar mo. Ba’t mo hinahanap si Selena? Magkasama kayo kanina ah.”

 

 

“Eh k-kasi..”

 

 

“Iniwan mo siya dahil nakita mo si Trixie? Pre, tatapatin kita ah, Si Trixie, babae yun ng nakaraan mo. Si Selena, babae na nasa harap mo, at nasa realidad ng buhay mo. Wag mong lokohin yang sarili mo pre! Sundin mo kung ano yang sinasabi ng puso mo. Magka-iba si Trixie at Selena. Kungbaga, sa mundo ng realidad mo ngayon, isang nakaraan at realidad ang nasa harap mo ngayon. Nasa sayo na lang yan kung sino ang pipiliin mo. Wag kang magpaka-tanga. Kasi hindi lahat ng bagay, aayon sa kagustuhan mo. Malay mo..

 

 

..Isa sa kanila ang mawala.. Kaya ayusin mo ang pagpili. Hindi lahat ng nakikita ng mata mo, tama at totoo. Baka kasi magulat ka..

 

 

..Yung taong talagang para sayo, magbago at mawala sayo sa isang maling galaw mo lang. Ge. Alis na ko. Goodluck.”

 

Natanga naman ako sa sinabi ni Parker. Wala akong naintindihan. Lalong sumakit yung ulo ko. Pumunta ko sa room nila Selena, pero di daw pumasok. Hinanap ko na siya kung saan pero wala pa din. Kaya pumasok na muna ko sa klase ko. Major eh. Mahirap na. Kaklase ko sa major subject ko na’to si Mike.

“Oy pre! Di ata kayo magkasama ni Selena kanina?”

 

 

“Nakita mo ba siya?”

 

“Ha? Oo. Pumasok na sa isa niyang subject.”

 

 

“Ah. Ge. Pupuntahan ko na lang mamaya.”

 

 

“Nag-away ba kayo? Tsk. Buti na lang ako playboy. Ang gwapo ko talaga.”

 

 

“Tss. Tigilan mo ko.”

 

“Pre, payong gwapo lang ha? Nakita ko kasi yung eksena niyo kanina. Nakita ko kung paano mo iwanan si Selena para kay Trixie. Alam kong nalilito ka pero ikaw lang naman ang nagpapa-komplikado ng lahat. Take it from me pre, hindi mo na mahal si Trixie. Iniisip mo lang yung pride mo. Pride ng isang Clyde Playboy. Hindi mo lang matanggap na iniwan, niloko, at sinaktan ka ng babaeng nagpatino pa sayo kaya akala mo, gusto mo pa siya ngayong nagkita nanaman kayo. Pero pre, hindi mo lang alam, wala ka ng pang-baklang nararamdaman sa kanya. Kasi nakakita ka na ng BAGO. Bagong babae na alam mong hindi ka iiwan, lolokohin, at sasaktan. Kaya pre, open your eyes. English yan kasi gwapo ko. Oh ang haba ng litanya  ko sayo kaya umayos ka. Gayahin mo ko, gwapong hot na matalino.” Pagtapos niyang mag nobela sa harap ko, natulog na ang g*go. Baket naiisip nila yan pero ako, wala akong maisip na ganyan. Ang tanga mo Clyde. Pakamatay ka na talaga.

Natapos yung klase ko kaya naman agad-agad akong lumabas para puntahan si Selena sa Room nila. Sakto naman palabas sila ni Sabrina.

Selena..

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip

Tags: