Chapter 18

Selena's POV

Palabas na dapat kami ni Sab sa room pero nagulat ako sa tumawag samin. Oh si perv pala. Hindi naman ako galit sa kanya. Inis lang siguro dahil ipinagpalit niya ko sa pusit. Magka-iba naman siguro ang inis at galit diba? Spelling pa lang.

“Ayan na siya friend! Upakan mo na yan!” Sabi naman ni Sab sabay layas. Extra lang naman siya sa storya ko na’to kaya dapat lang yan umalis siya ngayong nagmamaldita ang kaluluwa ko. Lumapit naman sakin si perv. Ewan ko ba pero parang nadagdagan lalo yung inis ko sa kanya. Baket feeling ko nakaka-suffocate na yung presensya niya?

“Selena..”

 

 

“Oh ikaw pala.”

 

 

“Sorry. Sorry talaga Selena kung nasigawan kita kanina.”

 

 

“Wala yon. Sanay na ko sa eksenang sinisigawan at iniiwan ako. Wala ng bago sakin dun.”

 

 

“Se..”

 

 

“Shut it, Clyde. Ipapa-alala ko lang sayo, nililigawan mo ko. Ewan ko kung totoo yon o rumaragasa lang dyan sa katawan mo ang kalandian pero, NILILIGAWAN MO KO! Tandaan mo yan. Akin ang storya na’to kaya wag mo kong lokohin! Kung ipagpapalit mo naman ako at lolokohin lang, wag yung harap-harapan. Kung iniisip mo na iiyak at masasaktan ako sa ginawa mo kanina at sa nakita kong kadiring eksena niyo, nagkakamali ka. Hindi ako madrama. Lalong hindi ako kagaya ng pusit na yun na saksakan ng arte at drama sa buhay isa pa—“

“Selena!”

 

 

“Wag kang epal. Ako muna ang magsasalita. At yun nga kung inaakala din ng pusit na yun na magpapatalo ako sa kanya at magpapadala ako sa mga plano niyang patapon na, umasa kamo siya. Sawang-sawa na ko sa drama at kaartehan ng buhay." Inis na inis kong sabi! Yung ganda ko nasstress na talaga. Ang sarap pumatay ng sagabal at hampaslupa!

“Selena, chill.”

 

 

“Anong chill chill? Are you nuts?!"

 

 

“Chill lang baby. Sorry na.”

 

 

“Anong akala mo sakin? Easy easy lang? pagtapos mong sigawan at ipagpalit dun sa pusit na yun papatawarin na lang kita basta-basta? Asa ka. Pero joke lang. sige bati na tayo. Kailangan yun para sa plinaplano ko.”

 

 

“Se, tigilan mo na yan. Wala ng kami at hindi ko na siya gusto. Kaya please lang, wag na. Baka mapano ka pa.”

 

“Siya ang sabihan mo niyan dahil baka pag hinarap ko na siya, siya ang mapano. Napaka-basura kamo ng drama niya kanina. If I know, sinadya nya lang yung nahimatay siya. Nakaka-imbyerna. Ikaw naman ‘tong si uto-uto. Napaka-tanga talaga ng mga tao ngayon. Bwisit!” Inis na sabi ko. Naiimbyerna talaga yung ganda ko. kung akala nila, ikakatalo ko ‘to, ASA SILA.

“Yang bibig mo ang daming alam. Chill lang masyado kang hot. Wag ka ng magpa-apekto dun. Natauhan na ko. Hayaan mo na. Let's go home."

 

 

“Aalis ako. Mauna ka na.”

 

 

“San ka pupunta?”

 

 

“Sa babaeng madrama ang buhay. Una ka na. Dali. Alis.”

 

 

“Okay. Ingat siya sayo. Intayin kita sa bahay, baby. Bye.” Akala niya tapos na ko sa kanya? ASA DIN SIYA. Tinalikuran ko na siya. Baka mamaya eh ano pang mangyare. Alam niyo naman pag si perv ang katabi ko, kung ano anong kababalaghan sa mundo ang nagaganap. Lumakad na ko papunta sa clinic.

Pagdating ko naman wala na daw si pusit dun. Hinanap ko lang siya dahil baka may klase pa siya. Pero sa itsura nun, obvious na hindi naman nag-aaral yun. MUKHA NIYA. Nakarating ako sa rooftop. Sakto naman nakita ko siya. Oh sarap niyang itulak. Napatingin siya sa pwesto ko. Nginitian ko lang siya ng bongga.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong niya sakin. I knew it. She's a fake.

“Baket masama ba? As far as I know, hindi iyo ‘tong rooftop.”

 

 

“Wala naman akong sinabi na akin ‘to. Tinatanong ko lang kung ba’t nandito ka. Tss.”

 

 

“I know." Sabay ngiti ko pa ng pang-asar.

“Tss. Ewan ko ba kung anong nagustuhan sayo ni Keiden. Napaka- war freak mo naman.”

 

 

“Ooops. Watch your mouth, sweety. Baka hindi mo alam ang meaning ng war freak. I'm so far from that. I'm nice, Trixie. So damn nice.” Sabi ko with my very sweet voice. 

“Yeah right. Ang nice mo. Sa sobrang nice mo, gusto kitang patayin.” 

“The feeling is mutual. Alam mo bang sa sobrang galing mo mag drama? Gusto kitang itulak dito sa rooftop papuntang baba. Ang gandang idea noh? Try natin, you want?” Lumapit naman ako sa kanya. Para tuloy siyang natakot. Priceless.

“Pwde ba, wala akong oras sayo.” Akmang aalis na siya. Pero hinawakan ko siya sa braso niya. MADIIN, PARA DAMANG-DAMA NIYA.

“Aray! Ano ba! Nasasaktan ako. Bitawan mo ko.”

 

 

“Sure. Pero wait lang muna. Gusto ko lang linawin lahat ng bagay sayo. You should be thanking me dahil nakaharap mo ang isang Selena. So, gusto ko lang sabihin na, EX ka lang at ako ang NILILIGAWAN NGAYON. Take note the word, “NGAYON” kaya pwede ba? Wag ka ng epal. Masyado ng cliché yung ganun. Yung may kontrabida sa relasyon ng dalawang bida. Kaya ang mabuti pa, tumigil ka na sa mga drama mo. Kaya umayos ka. Kung hindi, makikita mo ang matagal mo ng hinahanap. At kung tatanungin mo kung ano yon? Simple lang. IMPYERNO. Kaya piliin mo kung kaninong relasyon ang sisirain at pakikialaman mo ha? Wala akong oras sa mga kadramahan mong plano. Ang alam ko lang, nababanas ako sa mukha mo. Iiwan-iwanan mo si Clyde tas ngayon na okay na siya, babalik ka at aagawin siya sakin? No Trixie, no fcking way." Binitawan ko naman na siya. Napapa-nobela ako ng bongga sa storya na’to. Nabwibwisit ako. 

“Wala kang pakialam kung gusto kong kuhanin ulit si Keiden. Dahil sa umpisa pa lang, akin siya. AKIN.”

 

 

“No, Trixie. He might be yours before but not now. Not ever.” Tinalikuran ko na siya. Pero syempre di pa natatapos yon. Sinara ko yug pinto ng rooftop at nilock dito sa labas. Anong akala niya, yun lang ang ganti ko? No. Mukhang ayaw niya ng kasama kanina sa rooftop. Ayaw din ata niya ng kausap edi ayan, magsolo siya dun. Gusto niya HABANGBUHAY PA. itinapon ko  naman yung susi ng lock na ginamit ko. 

 

Learn, Trixie, learn.

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip

Tags: