Chapter 22
Selena's POV
After seeing that slutty-whore and that arse together, bigla akong napa-isip. Is Clyde really serious about courting me? Akala ko ba wala siyang pasok? Pero baket nandito siya? And worst, magkasama pa sila nung Zella na yon. Ah! Scratch that. MAGKAYAP pala sila. Oh diba? Ang galing. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may nabunggo ako.
“Hey.” Napatingin naman ako sa kanya.
“Baket?”
“You’re crying. It’s okay, Pae.” Napahawak naman ako sa mukha ko. Sht. Baket may luha? Baket ako umiiyak? I shouldn’t be. Hindi dapat ako pa-apekto. Ako si SELENA. No one dares to get in my way. Walang luha ang dapat masayang dahil lang sa walang kwentang bagay. Pero, baket ako umiiyak worst, nakikita pa ni Saturn! Ugh!
“I’m not, Saturn. Bahala ka dy--“
“Walang masamang umiyak.” Sabi niya ng malumanay. As if he’s talking to a kid.
“Hindi nga ako umiiyak.” Tinalikuran ko na siya. Wala akong oras para sa kanya. Pero bigla na lang niya kong hinila kaya naman napa-yakap ako sa kanya. Ang bango. Hindi ko alam kung baket hindi ko magawang umalis. Instead, I end up crying into his chest.
“Ssssh. Sige lang. Cry it all out. It’ll lessen the pain.” He said while stroking my back. Somehow, I feel at ease.
“Nakakainis kasi! Hindi dapat ako umiiyak dahil ako si Selena eh. Pero pesteng mga luha ‘to! Ang kapal mga magsilabas ngayong hindi ko naman sila kailangan. Nakakainis talaga!” Sabi ko sa kanya habang umiiyak pa rin at nakayakap sa kanya. I feel like a ranting kid.
“Alam mo Pae, hindi dahil kilala ka ng lahat sa pagiging matapang at maldita mo, hindi ka na pwedeng umiyak. Tao ka pa rin. May karapatan kang umiyak at ipakita sa lahat kung ano mang emosyon ang gusto mong ilabas.” Ayokong makinig sa kanya. Ayoko. Pero hindi ko alam kung baket tinatanggap ng utak at tenga ko yung mga sinasabi niya.
“Saturn.. ang sakit.” And that’s it. I burst out crying like a kid. Halo-halong emosyon yung nararamdaman ko. Galit, sakit, inis. Pero hindi mawala yung tanong sa isip ko. MAHAL KAYA AKO NI CLYDE? O mahal niya ko dahil siya pa rin yung dating Clyde. Si Clyde na Cassanova, playboy, mangloloko, at higit sa lahat, WALANG SINESERYOSO.
“I know. Sssh. Let it go. Mas masakit yan kung hindi mo ilalabas. Hayaan mo ako lang ang nakakakita in that state of yours. Haha.”
“Bwisit! Ngayon lang ‘to noh. Asa ka pang maulit. Chumachansing ka lang eh.” Sabi ko sa kanya at kumalas na sa pagkaka-yakap niya. Chansing na. Di pwede. Masyado akong maganda at oo, PALAGI.
“Tss. Bahala ka na nga dyan. Ako na nga ‘tong nagmamagandang loo--“ Hindi ko na siya pinatapos dahil niyakap ko na siya agad-agad. Baket? I saw Clyde looking at us. Lemme play fair and square. And yeah, We’re just QUITS.
Clyde's POV
Pagkababa ni Selena sa sasakyan ko, hindi ako umalis agad dahil tinawag ako ni Jeff. Hinahanap daw ako ni coach. Kaya naman bumababa ako at pumunta sa GYM. Pagtapos kong makausap si Coach uuwi na dapat ako pero nakasalubong ko si Zella. May pinagsamahan din kami kahit papaano. Mabait naman siya. Pero alam ko yung motibo niya. I won’t fall to her bait. Alam ko kung ano ang laro niya. Nakita ko siyang umiiyak kaya naman nilapitan ko siya.
“Zella, baket ka umiiyak?”
“Clyde..” Umiyak lang siya ng umiyak.
“Baket? Tell me.”
“Selena. She’s blackmailing me.” Nagulat naman ako sa sinabi niya dahil hindi ko naman alam na magkakilala sila. At isa pa, baket naman siya ibla-black mail ni Selena?
“What do you mean?”
“Ewan ko s-sa kanya.. nilapitan na l-lang niya ko k-kanina tapos she threatened me. She says, if I didn’t leave you alone, ipapa-expel niya ko at sasaktan niya k-ko.. Clyde.. I’m scared.” Ewan ko kung maniniwala ako o hindi dahil alam kong hindi kayang gawin ni Selena yon. Nakita ko naman siyang napatingin sa likod ko lilingon na sana ako pero bigla niya kong niyakap. Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Selena. Sht.
Bigla siyang lumakad paalis kaya itinulak ko si Zella palayo sakin. Wala akong paki-alam sa kanya. Hinabol ko si Selena but I guess, it’s too late. Magkayap sila ni Saturn. T*ngina masakit pala. Pero t*nginang sakit yan di ako papayag sa nakikita ko. AKIN.SI.SELENA.
Selena's POV
*BOGSH*
“G*go ka! Bitawan mo si Selena!” Sigaw ni Clyde kay Saturn.
“Pre, ano bang problema mo?!” Sabi ni Saturn habang tinutulungan ko siyang tumayo.
“Ikaw ang problema! Pwede ba? Layuan mo si Selena. Wag kang agaw ng agaw.”
“Wala akong inaagaw, Clyde. Malay mo, kinukuha ko lang kung ano ang sakin.” Sabi niya sabay talikod kay Clyde at harap sakin. His knuckles touch my face, taking me by surprise.
“Sige na Pae. Una na ko. Ingat ka.” Ginulo niya lang yung buhok ko at umalis na. Ewan pero ba’t parang may naramdaman akong kakaiba?
“Bata, anong pangalan mo?”
“Pae..”
Ugh. Hindi ko alam ba’t biglang nag-flash sa utak ko yan. Tatlong bata sa park. Dalawa, umiiyak. Pero baket yung isa, kamukha ko? Jeez. My head is spinning.
“Selena..” Bigla akong bumalik sa realidad nung tinawag ako ni Clyde. Bumalik din yung inis at galit ko sa kanya. Parang mas lalo akong na-susuffocate.
“What now, Clyde? Nandito ka ba pra i-explain sakin kung baket kayo magkayakap nung babae na yon o magsisinungaling ka at sasabihin sakin na wala lang yon? Pwede ba Clyde, I’ve had enough. Nakaka-asar ka na.”
“Selena, can you please listen to me first?!” Nagulat naman ako sa pag sigaw niya. Ha! At siya pa talaga ang may gana? How dare he.
“Ha-ha-ha. Funny Clyde, funny. Listen to your what? Bullshit lies?! Please lang ha! Nakakasawa na yung ganyan. One second we’re fine then later we’re not again. The hell. Ang g*go mo naman!”
“Selena, it's not what you think!” He said with frustration. Hell be with him. Kasalanan niya yan!
“Ha! It’s not what I think?! Then what is it, Clyde? Can you explain to me kung baket magkayakap kayo nung slut na yon?! To think na sabi mo sakin, wala kang pasok! Pero dang! Makikita kita sa harap ng madaming tao na may kayakap?!” Sigaw ko sa kanya. Bwisit na mga luha 'to gusto nanaman atang lumabas!
“Selena, hindi ko siya niyakap. Hindi AKO ang yumakap. Makinig ka naman kasi sakin muna! Yan ang hirap sayo. Sarado ang tenga at isip mo sa mga explanation ng iba!”
“You want to explain? Wag na, Clyde. Cause all your explanation are utterly bullshit!" Tumalikod na ko sa kanya. This is going nowhere.
“Makinig ka naman kasi muna sakin, please..” Hindi ko alam kung baket pakiramdam ko nanghina ako nung sinabi niya yan. Ramdam ko na nahihirapan siya pero nasaktan din ako..
“Makikinig ako saan Clyde? Sa kasinungalingan nanaman ba? Okay tayo kanina eh. Pero wala. Ayan ka nanaman sa mga explanation mo.
..Hindi tayo, Clyde. Walang tayo kaya wala kang dapat i-explain.” Sinabi ko sa kanya habang nakatalikod ako. May mga pesteng luha nanaman kasi. Umalis na rin ako. Na-susuffocate lang ako sa presensya niya. Nakarating ako sa gazebo dahil tahimik. On-going ang klase kaya walang tao dito.
“Okay lang umiyak. Walang nakakakitang iba. Ako lang.” Napatingin ako sa likod ko. Akala ko walang tao pero meron pala.
“You again.”
“Yes. Sige na. Iyak lang.” Sabi ni Saturn. Ewan ko kung baket sa tuwing may problema ako, siya yung laging nandyan.
“Bata, anong pangalan mo?”
“Pae..”
Sumagi nanaman sa isip ko yan. Kamukha ko talaga yung bata.. pero baket yung lalakeng bata kamukha ni..
“S-saturn.. may itatanong ako sayo."
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip