Chapter 24
Selena's POV
Nandito ako sa school ngayon. Sabay kaming pumasok ni Clyde kaya lang nasa klase na siya.
“Selena!” Tumingin ako sa likod only to see Sabrina running. Let me bet, alam na niya yung nangyari.
“What?”
“Sinabi na ni Saturn sakin..”
“And so what?”
“Se naman! You know how long he waited for you. You know how hard it is for him. Sana naman naging gentle ka kahit papano..” Gentle? Me? Hell, no.
“Sorry to say Sabrina but, gentleness is not my expertise.”
“Selena, don’t be too harsh on him. He waited for so long. Alam mo naman yung pain na dinanas niya. He waited for you until now. He doesn’t give up cause he loves you.”
“And what do you expect me to do? Love him back?” I hiss. Ano bang gusto niya? Tss.
“I’m not asking you for that.. ang gusto ko lang, wag ka namang maging harsh masyado kay Saturn. Wag naman sana—“
“Sabrina, hindi ako PAASA. Hindi ko kailanman gagawin yun kay Saturn cause I love him as a friend. Gusto kong maging totoo at prangka sa kanya dahil ayoko siyang masaktan ng sobra.”
“But he’s hurting now, Se.. Masyado mo naman kasing—“
“What? I do that because I don’t want to make it hard for him. Sabrina, this is getting nowhere. Friendship is the only thing I can offer to your brother.”
“I know.. wala naman akong sinabing mahalin mo siya pabalik. Kausapin mo lang sana siya ng maayos. Make him understand. Please?”
“Fine. I’ll talk to him. Pero wag ngayon let him be alone first.” Sabi ko. Kailangan din naman namin talaga mag-usap ni Saturn. Ayokong may maiba sa samahan namin. I want him back as my friend, like we used to before.
“Thank you, Se. Anyway, tara na baka ma-late tayo.”
“Dang! Oo nga pala.” Hinili ko naman na siya. Sht. Calculus yung subject namin. Sht. Nakarating naman kami pero late na kami ng 15 minutes. Dang!
“Late nanaman kayong dalawa. Sit down, now!” sigaw ni maam na feeling maganda. Ew. Kita cleavage maganda? Maisumbong nga ‘to kay Kriella ng makatikim. Ha! Nag discuss naman siya ng nag discuss. Syempre yung mga ka-blockmate kong lalake na manyak, ligayang-ligaya ang mga kaluluwa. Na-alala ko naman daw si perv. Ugh. 2 weeks na din pala since, nangliligaw yon. Patagalin pa natin. Ha!
“Omg! Sila ba yung nasa labas?”
“Sila nga! Whuuuut is air?! Omggg. Ang gwapo ni Sarossa talaga! Eeeek~”
“Ang hot ni Mike. Eeeeeek~”
“No! si Sarossa talaga ang hoooot. Eeeeek~”
Napatingin naman ako sa mga tinitignan ng mga babaeng akala mong kinakatay. Puro, “Eeeek” Asar. Kasuka. Kaya naman pala. Nasa labas ng room namin sila Perv. Sus.
“Oy Se! ayan si labidabs mo oh. Sus. Ang mukha namumula.”
“Mukha mo! Blush-on yan.”
“Weh? Blush-on? Ikaw? Lip gloss lang ang kaya mo, friend!” Hinampas at inirapan ko lang siya. Ayokong sinasabihan akong nag b-blush. Naiirita ako ng walang kadahilanan. Kumatok naman sa pinto si Perv. Kasama niya si Mike at Parker. Nasan kaya si Yael at Jeff? Si Saturn? Wag ng itanong. Mabuti ng di siya kasama.
“What is it, Mr. Sarossa?” Tanong ng teacher kong kadiri. Pa-flirt pa ang boses. Eto namang si Mike ligayang-ligaya din.
“Ah makikiseat-in lang, maam!"
“Is that so? At baket naman?” Sabi ni Maam Cleavage sabay lapit pa lalo kay Perv. Tatayo na dapat ako para sampolan yung prof namin pero tinignan lang ako ni perv. He just smile at me. Fine. hindi na ko magmamaldita. Umatras naman siya palayo sa maarte naming teacher at humawak sa batok niya na parang nahihiya. Sus arte talaga nitong perv na'to kaya mahal na mahal ko eh.
“Hindi po kami naka-attend ng calculus kanina.” Sagot ni Mike.
“Oh. Sige. Humanap na kayo ng upuan niyo.” Lumakad naman agad si perv palapit sakin.
“Oy ikaw, alis dyan. Ako ang uupo.” Sabi niya sa katabi kong lalake. IDK who he is. Sa may right side ko si Sabrina tapos yung lalakeng IDK na pinaalis niya eh naka-upo sa left side ko. Umalis naman agad. Takot lang niya kay perv.
“Hi, baby..”
“Ba’t ka nandito?”
“Di nga kami naka-attend ng calculus kanina.”
“Why?”
“Kinausap kami ni coach.”
“Ehem. Ms. Samaniego and Mr. Sarossa, if the both of you are just going to talk there, better leave now.” Sabi ni miss cleavage. Tumayo naman ako na ikinagulat niya.
“As you say so, Miss.” Lumakad na ko palabas sumunod naman sakin si Perv. Di ko kailangan ng miss cleavage na yon para lang matuto sa calculus. I can handle myself. Ha.
“Se! wait up. Tsk. Chill lang naman.”
“Anong chill? Impaktang babae yun. Feeling niya.” Gahd. Nai-stress ako!
“Oh. Oh. Chill lang. Hayaan mo na yun. Tara na pasok na ulit tayo.”
“Mag-isa ka. Nag walk-out ako para umalis at hindi para bumalik lang ulit! Bwisit!” Lumakad na ko para pumunta sa canteen.
“San ka pupunta oy?”
“Sa impy—“ Hindi ko na natapos yung sinabi ko kasi bigla niya kong pinitik sa noo sabay yakap.
“Ayan nanaman yang bibig mo. Tsk. Okay na. Tara na sa canteen.” Hinalikan lang niya yung forehead ko at hinawakan na yung kamay ko. Bigla ko tuloy nakalimutan na galit pala ko. Bwisit. Pumunta na rin kami sa canteen. Na-upo lang ako habang umorder naman si perv.
“Hey, biatch!”
“What?”
“I’ve heard what happened sa inyo ni Zella. Gahd! I told you to befriend her!”
“Eh sa hindi ko siya na-take eh. Isa pa, she just showed me how flirt and slut she is!”
“Kahit na! Edi sana ginamit mo muna yang SANTA MODE mo! Kainis ka naman eh!”
“Tigilan mo ko. if you want, ikaw na lang ang gumawa niyan.”
“Ugh. Kasi naman Selena! Pano ko uumpisahan yung plano ko kung ayaw mong maki-join force? Letche ka tlga!”
“Ano ba yang plano mo?”
“Seducing Parker.”
“Da hell! Kadiri ka talaga.”
“Duh. It’s fun. You should try it some time.”
“No need, Kriella.” I smirk at her. Binato naman niya ko ng tissue na nakalagay sa table. Bwisit talaga!
“Wala ka talagang kwenta. Tse!” Inirapan lang niya ko at umalis na as if madadaan niya ko sa mga ganun niya.
“Sino yon?” Tanong ni perv pagbalik niya.
“Some trash-student.”
“Rude. Be good, Selena. Tigilan mo yang pagiging warfreak mo.”
“Excuses. Pero hindi ako warfreak. I’m just showing them how nice I am.”
“Selena naman.. wag kang makipag-away kung kanino-nino lang. Pag gusto mong makipag malditahan, sige ka lang ng sige. Enough of that please, baby.”
“Clyde naman! Alam mo namang..”
“Oo alam ko. Alam kong nature mo na yang pagmamaldita. Alam ko yun, Se. that’s why I’m asking you a favor.”
“You know what? You should accept me for who and what I am. If you can’t, wala akong pakialam.” Seriously? Dati wala siyang pake kung magmaldita ako o ano and now? Oh, hell be with him!
“I’m just worried, Selena!”
“Worried of what?!”
“Worried that you’ll be hurt! Selena, hayaan mo na si Zella. Wala akong pake o ano mang nararamdaman sa kanya as well as Trixie. Ikaw lang ang iniisip ko. Mahirap kalaban si Zella. Iba makipaglaro yun. Ayoko lang may mangyare sayo..” And there I am. Speechless. Ganito niya ba ko kamahal? Kasi nakaka-speechless lang talaga..
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip