Chapter 27

*Ehem. Isang magandang tinig na voice record sa right side. Meeey singing i won't give up. Maikli lang yan. Kasi, ni-cut namin. HAHAHA. Pasensya na kung ma-ingay yung background. May sarili kong tono kaya sarreh.*

xxxx

Clyde's POV

 

Nagising naman ako sa ingay ng kumakatok sa pinto kaya agad akong bumangon at tinignan kung sino.

“Clyde,”

 

 

“S-sir, baket po? Tulog pa po si Selena.”

 

 

“Call me tito. Ikaw talaga ang sinadya ko dito.” Sabi  ng daddy ni Se.

“Baket po?”

 

 

“I'll go straight to the point. My wife doesn’t agree about this. I think, alam mo na kung ano yung tinutukoy ko. Selena doesn’t know that her mom is suffering from Leukemia.” Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba yan o ikalulungkot ko para kay Selena.

 

“That’s why i’m here to ask a favor from you. Alam mong hindi ako tutol ng anak ko sa inyo. Hindi ako tutol na magkasama kayo sa isang apartment dahil alam kong may respeto ka sa anak ko. Alam kong mahal mo din siya. But can I ask you a favor?” Nagsimula na kong kabahan. Para kasing alam ko na kung san babagsak yung usapan namin.

“Ano po ba yon?” Diretso kong tanong.

“Selena will be coming with us.”

“P-po?”

 

 

“Clyde, I’m sorry. Pero para ‘to sa pamilya ko. Isasama namin si Selena sa cali.”

 

 

“P-pero tito..”

 

 

“I know it’s hard. Pero madami pa kayong pwedeng pagdaanan ng anak ko. Clyde, hindi ko siya ilalayo sayo. Hindi namin siya ilalay—“

“Kelan po ang alis niyo?”

 

 

“The day after tomorrow. We need to get back there as soon as possible. Malubha na ang mommy ni Selena.” Kaya pala ganun yung itsura ng mommy niya kahapon.

“P-pwede po bang akin muna si Selena ngayon hanggang bukas?”

 

 

“Of course. Salama—“

 

 

“Sige po tito.” Tumayo na ko at pumasok sa kwarto ni Selena. Narinig kong sumara na yung pinto kaya baka umalis na rin si Tito. Para kong pinapatay ng pakonti-konti nito. Walang kasiguraduhan kung kelan ba ulit babalik si Selena. Kung babalik pa nga ba siya.

Umupo lang ako sa tabi niya. Tinititigan siya hanggang pwede pa.  Ang saklap talaga maglaro ng tadhana. Masyadong MADAYA. Hindi pa nga nagiging kami ng babaeng gusto ko na nasa harap ko ngayon, bigla namang dadating yung ganitong problema. Ayokong maging makasarili ngayon. Alam kong mas kailangan nila si Selena. Hindi ko siya isusuko. Hindi ko isusuko yung nararamdaman ko sa kanya kasi mahal ko siya. Nakakabakla man pakinggan pero wala akong pakialam.

Ang gusto ko lang gawin ngayon, makasama siya hanggang hindi pa nagiging sobrang daya ng tadhana at panahon.

 Selena's POV

Nagising naman ako ng may naramdaman akong nakayakap sakin. Si Clyde pala.

 

“Nangyare sayo?” Tanong ko. Mukha kasi siyang nanglalata na ewan.

“Wala. Bangon na kakain tayo tas aalis tayo.”

 

 

“San tayo pupunta?”

 

 

“Sa langit.” Binato ko naman sa kanya yung unan. Umagang-umaga eh.

 

“Aray naman, Se! Totoo nga sa langit!“

 

 

“Heh! Langit mo mukha mo.” Iniwan ko na siya at lumabas na ng kwarto. Kumain lang ako ng tumabi siya sakin. Muntanga nanaman si perv. Alam niyo yung ngingiti siya sakin tapos biglang hihinga ng malalim. Muntanga.

“Clyde, may problema ka ba?”

 

 

“H-ha?”

 

 

“Sabi ko, may problema ka ba?”

 

 

“Wala. Dalian mo na dyan. Aalis na tayo.” Kumain lang ako. Pagtapos naligo na din kami. HINDI SABAY. Bawal pa. Pagtapos naming mag-ayos sumakay na kami sa kotse niya. Oo may kotse siya.

 

“San ba kasi tayo pupunta?”

 

 

“Sa langit nga. Si Selena ang kulit.“

 

 

“Bastos ka kasi! Anong langit?!”

 

 

“Basta. Makikita mo rin. Langit talaga.” Hindi na ko sumagot. Nakahithit ata ng katol si perv eh. 

***

“Selena, wake up.” Nagising naman ako bigla. Napatingin ako sa relo ko. 5pm na.

 “Nasan na tayo?”

 

 

“Sa langit. Take a look.” Napatingin naman ako sa dagat na nasa harap namin. At isang malaking bahay na parang resthouse. Tipong puro puti lang ang makikita mo. Idagdag pa yung kalmadong atmosphere ng paligid. Langit nga. Napatingin naman ako kay Clyde. Para talagang may hindi siya sinasabi.

“Clyde..” Nagulat naman ako ng bigla niya kong niyakap. Ewan ko ba pero baket parang iba yung pagyakap niya sakin? Tipong ayaw na niya kong bitawan.

 “Se, let’s be happy even just for today and tomorrow. Kasi pagkatapos nun, ipapaubaya na kita sa kanila..”  Hindi ko naman na narinig yung huli niyang sinabi. Pero baket kinabahan ako bigla?

Baket parang may mangyayaring hindi ayon sa gusto namin?

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip

Tags: