Chapter 28
*AT DAHIL F NA F KO YUNG BOSES KONG MAY SARILING TONO, ISA PANG VOICE RECORD. EMERGED. PASENSYA NA KUNG UMULAN MAN. PASENSYA NA DIN SA INGAY NI @ELLAVINITEZ CHUMI-CHEER ANG PEG! HAHAHAHAHA.*
xxxx
Selena's POV
Naglalakad lang kami dito sa dalampasigan. Ngayon lang ako nakapunta dito. Entalula Island, El Nido. Feeling ko nga nasa langit ako. Halos kaonti lang ang tao since hindi naman summer. Ang gaan sa pakiramdam pero parang may mali..
“Clyde, may problema ba?”
“Wala. Masaya lang ako kasi finally you’re alone with me.” Sabi niya sabay yakap sakin.
“Clyde..”
“Sssh. 5 minutes.” Hindi ko talaga maintindihan kung ba’t siya ganyan. Pero baket parang imbis matuwa at kiligin ako sa mga kilos niya baket parang nasasaktan ako? Yakap-yakap lang niya ko. Hinahayaan ko lang siya kasi natatakot ako. Natatakot ako na baka may malalim na ibig sabihin yang mga kilos niya.
“Se, may tanong ako sayo.” Sabi niya sabay tingin sakin habang hawak niya yung dalawa kong kamay. Shet talaga ‘tong perv na’to. Nawawala na ba yung pagka-perv niya?
“Ano?”
“Kelan mo ko sasagutin?” Tanong niya. Nagulat naman ako kasi ngayon lang niya yan tinanong sakin.
“Clyde..”
“Wag mo na pala sagutin.” Sabi niya sabay yakap ulit sakin. Hindi ko talaga siya maintindihan. Pero nagkakaron ng parang kirot sa puso ko kasi ganyan siya kumilos.
“Clyde, sabihin mo nga sakin, may problema ba?” sabi ko habang nakatitig lang sa kanya. Pero nagulat ako kasi umiwas siya.
“Sana nga walang problema. Wala. Tara. Pasok na tayo sa loob.” Hindi ko naintindihan yung una niyang sinabi. Pero may tiwala naman ako kay Clyde.. Sana lang wag niyang sayangin. Pumasok na rin naman kami. Ang laki talaga ng resthouse na’to.
“Clyde, kaninong resthouse ‘to?” Tanong ko habang nililibot ko yung paningin ko sa buong loob.
“Sakin.” Sabi niya habang nakatitig lang sakin. Kinikilabutan tuloy ako.
“Nakakainis yang mga tingin mo perv! Umayos ka nga.”
“Maayos naman ako. Nagugutom ka na ba?”
“Kanina pa.”
“Haha. Osige. Tara na.” Sabi niya sabay hawak nanaman sakin tipong parang mawawala ako. Madilim na rin paglabas namin. Medyo malayo din yung nilakad naman para makapunta kami sa isang seafood restaurant. Madami-dami din yung mga tao.
“Upo ka dyan. O-order lang ako.” Sabi niya sabay talikod. Pero di pa siya nakakalayo nung lumapit ulit siya sakin sabay hawak ng kamay ko.
“Ay may naiwan ako.” Sabi niya. Na-tanga nanaman ako.
“Ano ba naiwan mo?” Tanong ko sa kanya.
“Yung magiging asawa ko. Tara na.” Sabi niya sabay hitak sa kamay ko. Feeling ko talaga nag blush ako. Bwisit!
Napa-isip naman ako bigla sa tanong niya kanina. Kelan ko nga ba siya sasagutin? Ngayon? Bukas? Ugh. Feeling ko naman kasi kami na. Totoo naman eh. Parang kami na talaga. Duh. Pumila lang kami para magbayad. Oo magbabayad ka muna. Ganun ata talaga dito kasi nasa isang buffet table yung mga pagkain. Self-service kungbaga. Kukuha ka na lang kung anong gusto mo. Si Clyde na yung kumuha ng sakin. Hirap na hirap siya pano ba naman kasi, ayaw niyang bitawan talaga yung kamay ko. Napaka-landi talaga ng manyak na’to.
“Clyde, pwedeng bitawan yung kamay ko. Swear.”
“Tss. Tignan mo na lang yung gwapo kong mukha. Wag ka ng madaming sinasabi.”
“Para ka talagang tanga. Ay mali pala kasi mukha ka na talagang tanga kanina pa."
“You better shut up kung ayaw mong halikan kita sa harap ng maraming tao.”
“You wouldn’t dare!”
“Hah! Trust me, Se. I can.” Sabi niya sabay smirk. Natapos na din siya sa pagkuha. Hawak ko yung akin tapos hawak niya yung kanya. Take note: ISANG KAMAY LANG ANG GAMIT NAMIN PAREHAS. Ayaw kasi talaga niyang bitawan yung kamay kong maganda. Pagdating naman namin sa table namin naka-upo na kami parehas pero hawak pa rin niya yung kamay ko. Nagsimula na siyang kumain kahit obvious na nahihirapan siya dahil isang kamay lang gamit niya. Pero baket ang hot pa rin niya tignan? Parang ang unfair tuloy sa ibang mga lalake. Ang dami tuloy nahahatak na mata ng mga babae ng presensya niya. Tss.
“Clyde, pwede talagang bitawan yung kamay ko para parehas tayong di nahihirapan.”
“Ayoko.” Cool na cool niyang sabi habang patuloy pa rin sa pagkain.
“Eff. Ang hirap kaya kumain ng isang kamay lang ang gamit!”
“Madali lang yan. Eat up. Gabi na masyado.”
“Bitawan mo na kasi ko.” Pinilit ko talagang tanggalin yung kamay ko sa pagkaka-hawak niya pero lalo lang niyang hinihigpitan. Nakaka-kilig. Paki-pasok ang sarcasm dito.
“Isa pang pilit mong tanggalin kamay mo, ire-rape kita dito.”
“Mukha mo! Puro ka rape rape rape ayaw mo namang gawin! Letche!”
“So gusto mong i-rape talaga kita? Wow, Selena! HAHAHAHAHAHA.” Sabi niya at humalakhak.
“Puro ka salita. Tss."
“Ah gnun? Osige Selena, mamaya pagbalik natin sa resthouse.” Sabi niya sabay smirk. Baket ang hot niya lalo tignan pag ganun?
“Mauubos muna lahat ng panget sa mundo na’to bago mo ko ma-rape!” Sabi ko habang dire-diretso pa rin sa pagkain.
“So pag naubos na sila pwede na?”
“Hah. Wag ka ng umasa dahil kasama ka dun. Feeling mo! Kasama ka rin sa lupon nila.”
“Asa ka. Ang gwapo ko kaya.” He said while stroking my knuckles. Tumaas ang balahibo ko sa ginawa niya. Uggh.
“Yung kamay ko, nilalandi mo. Tigilan mo yan perv.”
“Tss. Bilisan mo na nga dyan ng ma rape—este maka-uwi na tayo.” Binilisan ko na yung pagkain ko. Excited ako ma rape eh. Joke. Inaantok na kasi ako. Napagod ako. Pagtapos ko, dire-diretso lang kaming lumabas. Pagdating namin sa tapat ng resthouse, hindi pa kami pumasok. Dinala lang ako ni Clyde sa isang malaking bato. Umupo siya kaya napasunod din ako dahil hawak pa rin niya yung kamay ko.
“Dito ka.” Sabi niya sabay tap ng lap niya. Tss. Sabi na eh may binabalak talaga ‘tong perv na’to.
“Ayoko nga. Umasa ka muna.”
“Aarte pa eh.” Sabi niya sabay hitak sa kamay ko kaya napa-upo ako sa lap niya. Hindi ako makatayo kasi nakapalupot yung dalawa niyang kamay sa bewang ko. Alam niyo yung biglang tumayo yung balahibo ko? Sht.
“Clyde naman!”
“Ssh. Wag maingay.” Sabi niya. Sinandal niya yung ulo niya sa likod ko. Parehas lang kaming tahimik. Bumalik nanaman yung kaba at takot na nararamdaman ko kanina.
“Sorry Selena, sorry.. kung ano man yung gagawin ko, tandaan mong, hindi ko gusto yon. I love you, Selena.."
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip