Chapter 33
Selena's POV
Pang limang araw ko na dito sa cali. Gabi na rin kaya naman nandito kami ni daddy sa bahay. Tuwing umaga kasi ang punta namin dun kay mom. Hindi siya pwedeng i-uwi dahil mahina na yung katawan niya pero kahit ganun, we’re still hoping that she’ll survive. That we can surpass this dilemma.
“Pop! Pop!” Agad naman akong napa-tingin sa batang pumasok sa bahay namin. May kasama siya na nanny ata niya.
“Poooop~ pooop~” Paulit-ulit niyang sabi.
“Hey! Who’s this kid? And who are you?!” Tanong ko dun sa babaeng nag-aalaga siguro sa kanya. Aba! Sa pagkaka-alam ko wala naman kaming kasama na bata dito. Isa pa, wala akong kapatid na baby noh!
“Pooooop~ I want pooooop~” Sabi niya. Ang cute sana niya kaya lang ang ingay. Ugh!
“Oh ano? Tatanga forever? Sino yang bata na yan?” Tanong ko ulit sa kasama nung batang lalake.
“A-ah ano p-po..” Sasagot pa lang sana siya pero biglang dumating si dad.
“Hey baby boy!” sabi niya sabay buhat dun sa bata.
“Poooop!” Sabi niya sabay tawa. Anong pop?!
“Dad! Who’s that?” Inis kong tanong.
“Oh. This is Cloud. Your baby brother.” Wtf. Baby brother?! Kelan pa?! As In, kelan pa ko nagkaron ng kapatid na bata?!
“W-what?! Him?!” sabi ko sabay turo sa batang buhat-buhat niya. “Kapatid ko? Ow please dad! You’ve got to be kidding me!”
“Sadly, I’m not kidding you. Kapatid mo ‘to.” Sabi ni dad na tuwang-tuwa pa. Letche! Anong nakakatuwa? Nasan ang nakakatuwa?! May dahilan ba para matuwa ako?!
“Quit it dad.”
“Fine. Inampon namin siya ng mom mo.” Sabi niya sabay baba sa batang ewan. Nakatingin lang sakin yung bata na akala mong takot na takot sakin. Tss.
“Ampon? Inampon niyo? D-dad..” Hindi ko alam yung sasabihin ko. Nag ampon sila for what?
“This is your mom’s idea. She want this. She want to adopt Cloud. And we did.” At talaga naman. Ako ngang tunay na anak hindi niya mabigyang pansin at oras tapos nag ampon pa siya? Oh great. Just great.
“Ang galing naman dad. Hindi niyo man lang ako sinabihan. Ni karampot nga ng oras niyo hindi niyo maibigay sakin, then what now? Nag ampon kayo?! So ano ‘to dad? Wala lang ako?! Na mas gusto niyo pa yang bata na yan over me?! Great dad. Just great.” Nasasaktan ako. Tunay akong anak, tapos malalaman ko na lang may ampon sila? Ampon na binibigyang oras nila kesa sakin! Hooow noble of them!
“Bad! Bad! Meaniiiiieee!” Sigaw nung ugh.. Cloud sakin habang umiiyak siya. Agad naman siyang binuhat ni dad at pilit na pinapatahan. Somehow, I feel jelous.
“Sssh. Don’t cry Cloud. Shhh.” Sabi ni dad habang patuloy pa rin na pinapatahan si cloud.
“Ang galing dad. Adopted child over me? Hah. Ang saya niyo.” Sabi ko sabay alis na. Lumabas lang ako ng bahay. Dire-diretso lang ako sa paglalakad ni hindi ko alam kung san ako pupunta. Bahala na. Ang alam ko lang, galit ako. Naiinis ako.
Nakarating lang ako sa clubhouse-like na lugar malapit sa bahay namin. Umiiyak nanaman ako and worst, dahil sa isang bata. Hindi ako galit sa bata. Nagseselos ako. Buti pa yung ampon na yon, nabigyan nila ng oras samantalang ako na totoo nilang anak, nevermind..
“You again. Here.” Napa-angat ako ng ulo at nakita ko nanaman siya.
“Crayon.” Sabi ko sabay yakap ko sa kanya. FC na kung FC pero gusto ko lang talaga ng karamay ngayon. Yung iintindi sakin kahit ngayon lang.
“Oh tahan na.” sabi niya habang pinupunasan niya yung luha ko.
“Sorry..”
“Ayos lang. Kailangan ba talaga tuwing magkikita tayo umiiyak ka? Haha.” Inirapan ko lang siya. Pang-asar din kasi. Bwisit!
“Anong gusto mo tumawa ako ng tumawa kahit na ang sakit sakit na?!”
“Kwento lang. Makikinig ako.” Sabi niya sabay upo sa sa isang bench. Umupo naman ako sa tabi niya.
“Ang daya lang kasi ng mundo sakin. Can you imagine na nag ampon yung parents ko samantalang ni konting oras lang nila hindi nila maibigay sakin pero what now? Nagawa pa nilang mag ampon. Ang galing lang.” sabi ko habang pinupunasan ko nanaman yung mga peste kong luha.
“Inalam mo ba yung buong dahilan kung baket nila ginawa yon?” Malumanay niyang tanong. Tumingin lang ako sa kanya at umiling.
“Tignan mo. Tsk. Pupusta ko, nag walk-out ka noh?” tanong niya sabay kiliti pa sa bewang ko.
“Ano ba! Eh anong gusto mo? Mag stay ako dun? Baka sumabog yung bahay namin kung mag i-stay pa ko dun!”
“Stubborn. Tsk. Pwede naman kasing hindi na mag walk-out. Haha. Dapat sana inalam mo muna kung baket nila ginawa yun.”
“Hindi kasi ako mahal nung magaling kong ina! Galit siya sakin and to top it all, ayaw niya sakin. Mas pipiliin niya po yung ampon na yon kesa sakin. Trust me.” Sabi ko sa kanya na halatang-halata naman ang pagka-bitter ko. Tss.
“Akala mo lang yan. Malay mo may mas malalim pa na dahilan. Isa pa, ayaw mo ba nun? magkakaron ka ng kapatid.”
“Another baggage. I don’t like.”
“Hahaha. Sabi na eh. Pero kung ako sayo, imbis na nagmumukmok ka dyan, umuwi ka na. kausapin mo yung parents mo. Sabihin mo sa kanila lahat ng gusto mong sabihin. Itanong mo lahat ng gusto mong itanong. Gawin mo na lahat kasi walang tamang oras. Walang perfect timing. Kasi bawat oras, bawat araw, ay perpektong pagkakataon. Lubusin mo na yung nakakasama mo pa yung magulang mo. Lubusin mo yung pagkakataon na magkakasama pa kayo. Wag puro galit ang pairalin. Madaya ang panahon. Dapat sumabay ka sa laro ng mundo para sa huli, matalo ka man, atleast, lumaban at masaya ka. Enjoy lang. Sakyan mo lang ang problema. Mapapagod din yan.” Sabi niya habang nakatingin lang sa langit.
“Baket ang dami mong alam?” Tanong ko sa kanya. Tinawanan lang niya ko tapos inayos niya yung buhok niya sabay tingin sakin.
“Gusto mo talaga malaman ang sagot diyan?” Tanong niya na halata namang tuwang-tuwa siya sa pang-loloko sakin. Tumango lang naman ako sa kanya.
“Gwapo kasi ko.” Sabi niya. Napanganga naman ako. Hindi ko kasi lubos maisip na isa din pala siyang conceited na lalake. Wala kasi sa pananalita niya.
“Mukha mo! Ganyan na pala ang mukha ng gwapo, PANGET.”
“Hoy! Di porque maganda ka gaganyanin mo na ko! Aba! Ginawa mo na nga akong taga-punas ng luha mo eh. Ang mahal pa naman ng talent fee ng isang gwapong kagaya ko.”
“Sinabi ko bang punasan mo yung luha ko? Kasalanan ko bang sa tuwing umiiyak ako, lagi kang sumusulpot? Tss. Naradar mo siguro yung ganda ko noh?”
“Wag kang makapal. Binabawi ko na yung sinabi kong maganda ka.” Sabi niya sabay tawa pa.
“Ewan ko sayo. Na-drain ata lahat ng pagka-maldita ko.”
“Gwapo kasi katabi mo. Pero de, seryoso na. Umuwi ka na kasi. Kausapin mo yung parents mo ng maayos hindi yung puro ka walk-out. Pano pag sa susunod may nangyare nanaman na hindi maganda? Mag wwalk-out ka nanaman? Pano pag sa pag-alis mo na yun, mawala yung mommy mo? Wag naman sana pero pano pag ganun nga diba? Kaya kung ako sayo, wag galit ang paiiralin. Tanggapin mo lahat ng bagay kasi lahat yan, may dahilan.” Nginitian ko lang siya. Tumayo na din ako at naglakad palayo. Pero may bigla akong naalala kaya bumalik ako kung san siya naka-upo.
“Oh? May nakali—“
“I’m Selena, btw. Salamat Crayon.” Sabi ko pagka-halik ko sa pisngi niya. Lumakad na rin ako palayo. Hindi kasi niya alam yung pangalan ko samantalang yung kanya alam ko. Naglakad na rin ako pauwi ng may ngiti sa labi ko. Ang dami ko kasing na realize na bagay-bagay.
Pagpasok ko sa bahay hindi ko agad nakita si Dad. Si Cloud lang kasama yung bantay niya. Pagkakita niya sakin agad siyang tumayo at lumapit sakin. Siguro mga 2 years old lang siya.
“Meanie is back! Bad! Bad!” Sabi niya sa harap ko at talaga namang he’s sticking his tongue out pa talaga sakin. Dumidila-dila pa siya. Walanghiyang bata. Buti na lang at ang cute niya.
“I’m not bad. I’m hot. Tse!” sabi ko sabay palipad ng aking magandang buhok. Napa-ngiti na lang ako habang lumakad ako palayo sa kanya. Having a baby brother is not that bad after all.
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip