Chapter 34

Selena's POV

Pagkagising ko naabutan ko naman si dad na kumakain habang pinapakain naman si Cloud ng nanny niya.  Nginitian lang ako ni dad habang papalapit ako sa kanila. Agad naman akong lumapit kay Cloud at ginulo yung buhok niya.

“Meanie is here. Meanie. Bad! Bad!” Sabi niya habang he’s sticking his tongue out nanaman. Pasalamat siya at mabait na ko sa lagay na’to. Yumuko naman ako para magka-pantay na kami. Kinuha ko yung pinapakain ng nanny niya sa kanya.

“I told you i’m not bad. I’m pretty kaya!” Sabi ko sabay subo sa kanya ng kung ano man ‘tong pagkain niya na’to.

“Meanie!” Ulit naman niya. Aba’t walanghiya talaga ‘tong bata na’to.

“Hindi nga ako meanie. Maganda ako. Irita ka ah.” Sabi ko pero sinusubuan ko pa rin siya. Tinikman ko pa nga eh. Kadiri.

“Selena..” Sabi ni dad. Tumayo lang ako at binalik ko na sa nanny niya yung kinakain ni cloud.

“Goodmorning, dad.”

 

 

“Are we okay?”

 

 

“Sure basta ba’t ipatapon mo na si Cloud eh. Joke. Okay na. Tanggap ko na. It’s not that bad after all. I guess I have to accept the fact that I have a younger brother, now.”

 

 

“Thank you, baby.” I just smiled at him at kumain na.

“Eat up. Pupunta na tayo sa mom mo.” Kumain lang ako ng mabilis. Pagkatapos ko kinuha ko ka-agad si Cloud dun sa baby’s chair niya. Nagtaka naman si dad.

“San mo dadalhin yan?”

 

 

“Itatapon ko na. Dejoke lang. Bibihisan ko. Isn’t he coming with us?”

 

 

“He is. Sige na mag-ayos na kayo parehas.” Umalis na rin ako habang buhat-buhat ko si Cloud. Pinaglalaruan lang niya yung buhok kong kulot sa dulo.

“Bad!” Sabi nanaman niya. Walanghiya talaga ‘to. Eh kung bitawan ko kaya siya? Imbyerna. Kabata-bata kung magsalita eh dinaig pa si amalayer sa English.

 

“Ang kulit ng lahi mo ha! Maganda nga ako hindi bad.” Sabi ko at nilapag siya sa kama ko. Nauna na kong magbihis. Pagkatapos ko sinuutan ko na siya ng damit niya. 

“Pupunta na tayo kay mommy ko na mommy mo na rin. Behave ulap!” Ang cute kaya ng ulap tagalog sa pangalan niya. Binuhat ko na ulit siya at bumaba na kami. Nasa labas na din si dad kaya sumunod lang kami. Nakita ko namang lalabas na yung nanny nitong si ulap kaya agad akong lumapit sa kanya habang karga-karga ko pa si ulap.

“San ka pupunta?” Tanong ko sa kanya kasi balot na balot ang babae. Takot mag yelo? Tss.

“Eh sasama po ako dahil ako po yung bantay ni Cloud.” Sabi niya sabay akmang kukuhanin sakin si ulap.

“Dyan ka nagkakamali. Dyan ka sa bahay magbantay ka. Ako na bahala dito kay ulap.”

 

 

“Pero maam.. baka po anong gawin niyo kay Cloud.” Sabi pa niya.

“At baket? Itatapon ko lang naman ‘tong bata na’to.” Seryoso kong sabi sa kanya mukha naman siyang gulat na gulat. Shunga talaga.

 

“Oh puso mo. Joke lang. Ge. Bye.” Sabi ko at tumalikod na. Lumapit na ko kay dad at sumakay na rin kami sa kotse. Naka-upo lang kami ni ulap dito sa back seat. Naka-upo lang siya sa lap ko habang nilalaro nanaman niya yung buhok ko.

“Oy ulap! Inggit ka sa buhok ko noh? Tsk.”

 

 

“Meanie!” Wala ba siyang ibang alam sabihin kundi ang meanie, pop, at bad? 

“Say, ma-gan-da.” Sabi ko sa kanya. Slow mo pa yan para gets niya agad.

“Freak!” Aba’t walanghiyang bata!

“DAAAAAAD! KAINIS NAMAN ‘TONG BATA NA’TO! FREAK DAW AKO?! SIGURADO KA BANG 2 YEARS OLD LANG ‘TO?!” Sabi ko na inis na inis. Hindi ko matanggap! Tinawanan lang naman ako ni dad. Tss.

“Ikaw ulap, ang ganda ganda ko kaya. Aba! Be proud at may ate kang saksakan at ubod ng ganda.” Sabi ko habang inaayos yung beanie niya.

  

“Ate!” Nagulat naman ako sa biglang sinabi nitong ulap na’to. Iba pala sa feeling na may tumatawag sayo ng ate.

“Naks. Tumatalino ka ah. Mabuti yan.” Sabi ko sabay kurot pa sa pisngi niyang mataba. Ay bongga namula! Gusto ko yan. Sakalin ko na rin kaya? Joke.

After ilang minutes nakarating na rin kami sa hospital. Binuhat ko na ulit si ulap. Shet. Yung ganda ko napapagod. Hindi talaga bagay sakin ang magpaka-ate. Tss.

“Dad, wala bang stroller ‘tong si ulap or something?”

 

 

“Ulap?” Nagtatakang tanong naman niya. Ang slow nitong tatay ko.

“Duuh. Ulap as in tagalog ng Cloud. Naman dad! Sayang utak.”

 

 

“Hay ewan sayo. Nasa trunk ng kotse yung stroller.”

 

 

“Ay mabigat pala yon. Bubuhatin ko na lang pala siya. Ay maglalakad na lang pala siya.” Baket? 2 years old na siya! hindi naman putol mga paa niya kaya keri niya na lumakad. Agad ko naman siyang ibinaba. Hinawakan ko yung kamay niya at nagsimula na kaming lumakad sumunod naman si dad.

Pagkarating namin sa tapat ng room ni mommy huminga ako ng malalim. Kailangan ko ng lakas. Lakas para makayanan kong makita ulit siya sa sitwasyon niya. Dahan-dahan kong binuksan yung pinto. Binuhat ko si Cloud at lumapit kami kay mom.

Gising siya..

“Cloud.. Selena..” Agad sabi ni mom pagka-lapit namin sa kanya.

 

“Mommy~” Agad sabi ni cloud pagka-lagay ko sa kanya sa kama ni mommy. Hinawakan naman niya yung kamay ni mom.

“Hi baby boy..” mahinang sabi ni mom kay cloud.

“Mommy..” Sabi ko. Nasa tabi ko lang si dad. Bakas din sa mukha niya yung lungkot. Sino ba naman ang hindi malulungkot sa sitwasyon na kinahaharap namin ngayon?

“Selena..” Sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Wala na kong iba nagawa kundi ang umiyak at yakapin siya. Narinig ko naman na umiiyak na din si Cloud kaya agad siyang kinuha ni dad at pinapatahan.

“Mom, please be safe, please.. promise me you’ll fight. We will fight, mom.. whatever it takes, we’ll do this all together..” Sabi ko habang naka-yakap pa rin sa kanya. First time ko kasing mayakap ulit siya.

“I’m sorry, sweety..” Sabi niya na halata namang nahihirapan siyang magsalita.

“Hush. You don’t need to say sorry mom.. I love you, aright? Fight for us..” Sabi ko habang pinupunasan ko yung mga luhang bumabagsak sa mata niya.. She looks..

Helpless..

Lumapit naman si dad samin habang buhat niya si Cloud.

“Ikaw mom! Nag ampon ka di mo man lang ako ininform! Nakakatampo ka. Kaya dapat magpagaling ka talag kasi magsasama pa tayong apat nila Cloud.. please, mom..” Sabi ko habang pinipigilan ko yung mga luhang nagbabadyang bumagsak sa mga mata ko..

“Selena.. I don’t want you to expect.. I’m sick. I’m tired. I w-want you a-ll to be p-prepared..”

 

 

“No mom! Don’t say that. We will do anything for you.. mom.. lumaban ka naman.. kasi kami, ilalaban ka namin..” Nakita ko namang umiiyak na din si dad..

“Selena..” sabi ni dad sabay hawak sa mga kamay ko.. No. alam ko kung ano yung sasabihin niya. AYOKO!

“No dad. Lalaban si mommy. Lalaban siya. right, m-mom?” Nakatingin lang ako kay mom. Naghihintay ng sagot niya.. pero umiiyak lang siya..

“I love the three of you..” Tanging sagot niya na lalong nagpa-bagsak ng mga luha ko.. Ilang sandali lang ng pumasok yung doctor. May ininject lang sila kay mom at bigla na lang siyang nakatulog..

“The patient need to rest.” Sabi nung doctor.

“Selena, tara na. Babalik na lang tayo bukas.” Sabi ni dad. Tinititigan ko lang si mom. She looks peaceful while lying in her large hospital bed.

Agad naman akong lumapit kay Cloud na naglalaro sa may couch. Binuhat ko lang siya at lumabas na. Sumunod naman si dad at tahimik kaming lumakad papunta sa parking lot. Pagkarating namin agad lang akong sumakay habang nasa lap ko si Cloud..

Nag drive naman na si dad hanggang sa bigla na lang hinawakan ni Cloud yung mukha ko.. pinupunasan niya yung mga luha ko habang umiiyak din siya. Napa-ngiti na lang ako sa itsura niya.

“Ikaw talagang ulap ka. Pasalamat ka at cute ka kung hindi, tinapon na talaga kita.” Sabi ko sabay halik pa sa buhok niya. Amoy siya baby. Pagkarating namin sa bahay, dinala ko agad si Cloud sa kwarto ko. Wala lang. Yung presensya kasi niya may something. Naka-upo lang siya habang dumapa naman ako sa harap niya.

Nagulat ako sa ginawa niya kasi bigla niya kong hinalikan sa pisngi tapos pinagpatuloy na yung paglalaro niya.

“Nagandahan ka na sakin noh? Tsk. Magpatuli ka muna!” sabi ko sabay gulo ng buhok niya.

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip

Tags: