Chapter 37

Selena's POV

Lumabas ako ng kwarto ni mom na nanglulumo, natatakot, wala sa sarili. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.. hindi ko alam kung baket,

Sumagot ako ng oo. Kung baket pumayag ako..

Seeing mom like that, hindi ko alam kung paano siya tatanggihan. Since then, alam ko namang ako na talaga ang mag ma-manage ng company na handle ni mom pero hindi ko naman expected na sa ganitong sitwasyon.. Sa sitwasyon na pipili ako.. Madami akong pangarap.. I’m quite ambitious. Noon pa man pinapangarap ko na ang pag handle sa company ni mom pero kaya ko ba ngayon? Kakayanin ko ba? Alam ko ang hirap na dinanas ni mom para lang mapanitili ang “S Corporation” at hindi ko kakayanin na makitang mawawala lang yun dahil mas pipiliin ko yung sarili ko, yung sarili kong kaligayahan..

Sa desisyon na ginawa ko, alam kong imposibleng makakabalik pa ko ng manila... sa lugar kung nasaan si Clyde. Alam kong mga bata pa kami. Alam kong madami pa din siyang pangarap. Pero baket sobrang komplikado naman ng mundo at parang tutol ‘to samin ni Clyde? I take a deep breath. Kalma Selena. Dire-diretso akong lumabas dito sa hospital. Nagpahatid na agad ako sa driver namin.. tahimik lang yung bahay pagkadating ko, agad naman akong pumunta sa kwarto ko at nakita ko si Cloud na mahimbing na natutulog.

Kinuha ko lang yung telepono ko at tinawagan si Sabrina..

[Hello?]

 

 

“Sabby..” Halos pabulong kong tawag sa pangalan niya.

[S-selena? Omg. Bespren! How are you? I missed you! Anyway ayos na yu—Se? may problema ka ba?] Hindi ko na napigilan yung mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

“S-sabrina..” Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ang alam ko lang, kailangan ko ng kaibigan ngayon..

[Se, I’m your friend. C’mon, tell me. makikinig ako.]

“Sabrina, I’m not going back there, anymore..”

[W-what?! Se, if you’re joking, quit it. Selena, umayos ka nga!] Halata sa boses niya yung kaba..sana nga joke lang ‘to... how I wish it is..

 “I’m not joking, Sabrina.. I’m s-sorry..”

 

 

[Se, baket naman.. Selena paano yung pag-aaral mo? Paano yung next sem?! Selena, paano si Clyde?] Hindi ko alam yung isasagot ko.. Hindi ko alam kung ano yung iisipin ko..

Kasi nasasaktan din ako..

 

 

“I d-don’t know, Sabrina.. I don’t know what to do anymore...”

 

 

[Selena, alam kong may rason ka. May tiwala ako sayo. Pero you should talk to Clyde.. Kausapin mo siya. Don’t leave him hanging, Se. He deserves to know this...]

 

“Hindi ko a-alam kung paano ko sasabihin sa kanya.. Sabrina, natatakot ako.. Mahal ko si Clyde and I just can’t—I just can’t—“ Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong sabihin, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman..

[Se, mahal ka ni Clyde. I’m sure maiintindihan ka niya… He will, Selena, he will.]

 

 

“Sabrina, t-thank you..”

 

 

[Se, alam mong nandito lang ako pag kailangan mo ko.. Talk to him. Kung ano man ang mangyare, nandito lang ako. A’right? I love you, friend.]

 

 

“Thank you..” I said then ended the call. Agad kong tinabihan si Cloud at niyakap. Sobra akong naguguluhan. Hindi ko alam kung ano na bang tama at kung ano ba ang mali. Ang alam ko lang,

Sa gagawin kong desisyon, may masasaktan ako.

 

 

***

  

“Selena..” Agad naman akong napatingin kay dad na pumasok sa kwarto ko. Agad akong tumayo at niyakap siya.

“Dad,ang sakit..”

 

 

“Baby, you’re strong. You are. Nandito lang ako lagi para sayo…”

 

 

“Dad, mahal na mahal ko si Clyde. Pero baket parang masyado naman atang komplikado lahat para saming dalawa? Dad kasi, hindi pa nga nagiging kami pero baket ang dami na agad problema? Dad anong gagawin ko?

 

 

…anong gagawin ko ngayong hindi ko na siya mababalikan? Ngayong mas pipiliin ko yung hiling ni mom kesa sa kanya? Dad nahihirapan ako..

“Selena, ang pag-ibig, sobrang komplikado niyan. Masarap sa pakiramdam pag dumating sayo, pero napakasakit pag kinuha o ginawang magulo para sa inyo. Bata ka pa, anak. Bata pa kayo ni Clyde. Sabihin na nating nasa tamang edad ka na pero hindi sapat yun para sabihing kaya mo na lahat. Selena, madami pang mangyayare, madami pang dadating. Kung mahal ka ni Clyde, maiintindihan ka niya, at bilang mahal mo siya, iintindihin mo kung ano man ang magiging desisyon o mararamdaman niya pag nalaman niya. Selena, madami pang oras para sa inyo ni Clyde. Siguro hindi lang ito yung tamang oras para sa inyo. Kung ano man ang magiging desisyon mo, nandito lang ako, nandito lang kami, okay?” Sabi niya habang pinupunasan ang mga luhang nagbabagsakan sa mga mata ko..

“Dad,ang simple lang naman nitong problema na’to diba? Pero baket parang ang hirap hirap naman ata? Gusto ni mommy na dito ako magtapos ng pag-aaral and after that, i-manage ko yung company na maiiwan niya. Hindi ko naman pwedeng tanggihan yun dahil alam kong hindi mo yun ma-mmanage dahil meron ka ring sariling kompanyang hinahawakan. Hindi ako pwedeng tumanggi kasi hindi ko kayang makita yung bagay na pinaghirapan ni mom na mawala na lang… kaya ko nga gagawin ‘to diba, dad? maiintindihan naman ako ni Clyde, diba?”

 

Sana nga maintindihan niya… kasi ako, iintindihin ko kung anumang desisyon niya. Kung ititigil na lang ba namin kung anumang meron samin, o katulad ko, na hindi bibitaw at handang maghintay kahit gaano pa katagal..

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip

Tags: