Chapter 38
Clyde's POV
Dalawang araw na yung nakalipas simula nung huli naming pag-uusap ni Selena. Hindi ko siya tinatawagan dahil baka may masabi lang akong hindi maganda. Baka eto lang muna yung kailangan namin, distansya. Hindi rin naman siya tumatawag sakin kaya naman lalo tuloy akong-- oo na. Nagtatampo lang naman ako. Marinig ko ba naman na may lalakeng tumawag sa kanya ng “mommy” at sinabi pang iuuwi na daw nila yung “anak” nila. Oh diba? Sinong hindi mababadtrip dun? Tss.
Kaya nga nagpapaka-busy muna ko. Tinatapos ko na lahat ng requirements dahil 1 week na lang ang natitira. Nandito lang ako sa may Gazebo kung saan laging nakatambay si Selena. Tambay na nga din ata ako dito eh.
“Clyde!” Napatingin naman ako kay Sabrina na tumatakbo papalapit sakin.
“Oh?”
“Ahm.. a-ano, tumawag na ba sayo si Selena?” Tanong niya na tila nagdadalawang-isip pa.
“Hindi pa. Baket?”
“A-ah… w-wala. Sige.” Tumalikod naman na agad siya pero biglang huminto at tumingin ulit sakin.
“Alam kong mahal mo si Selena, Clyde. Sana huwag kang bumitaw.” Sabi niya sabay diretsong alis na. At san naman ako bibitaw? Tsk.
“Oy Parker!” Tawag ko sa kanya nung akmang papasok na siya sa school lobby. Tinitigan lang niya ko na parang badtrip siya. Tss. Problema ba ng mga tao ngayon?
“Tara dito! Bilis!” Agad naman siyang lumapit sa pwesto ko at sumandal sa pader. Tss. Pa-cool pa mas gwapo naman ako sa kanya.
“Oh?”
“Nagkakausap ba kayo ni Selena?”
“At baket naman kami mag-uusap? Tss.”
“Wala ka talagang kwenta. Lumayas ka na nga.”
“Malay mo ikaw pala ang walang kwenta? Gumugulo na diba? Wag ka sanang maging tanga sa mga bagay na gagawin mo. Geh, una na ko.” Sabi niya sabay alis. Baket ganito ang mga tao? At anong gumugulo?!
Selena's POV
Hindi ko pa rin nakakausap si Clyde. Hindi ko pa kasi kaya. Hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi pa ko handa sa kung anumang magiging reaksyon niya pag sinabi ko yung mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa kanya..
Pero kailangan…
♪♪..Don't bid me goodbye..♪♪
Agad ko namang sinagot yung tumatawag. Unregistered number nanaman..
“Hello?”
[Mommy! Haha. Crayon ‘to.]
“Tss. Wala akong oras sa kalokohan mo, Crayola! Pano mo nalaman number ko?”
[Gwapo kasi ko. Mall tayo. Game?]
“Wala akong sa mood.”
[Alam ko. Naradar na ng kagwapuhan ko yan, panget. Alam kong may problema ka kaya nga kita tinawagan at inaaya na mag mall ngayon.]
“Tss. San ba?” Sinabi lang niya kung saan. Agad naman akong nagbihis at dumiretso na sa mall na sinabi niya.
***
“Crayola!” Agad naman siyang napatingin sakin sabay irap pa. Tss. Gaylord.
“Wag mo nga akong tawaging Crayola. Crayon ang pangalan ko. CRAYON. Tss.”
“So BV ka na niyan? Haha.”
“Tss. Pasalamat ka talaga at-- tara na nga!” Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at hila sakin kung saan.
“San ba tayo pupunta?”
“Maglalaro. Kakalimutan muna lahat-lahat ng kapangitan sa mundo.” Diretso niyang sabi habang ginulo pa niya yung buhok ko. Agad naman niya kong hinila ulit at dinala sa Game Zone.
“Seriously, Crayon? Ang tanda ko at mo para maglaro pa dito na akala mong grade schooler lang.”
“Selena, wala sa edad yan. May sinabi bang age limit ang paglalaro dito? Wala naman diba? Kaya tara na! Wag kang KJ dyan.” Sabi niya sabay hila nanaman sakin at bumili na siya ng token. Siguro nga kakalimutan ko muna lahat ngayon. Agad naman akong sumunod kung san siya nagpunta. Naglaro lang kami ng naglaro. Tipong kunyare wala munang mali, wala munang problema. Tipong puro tawa at ngiti lang muna.
Pagkatapos naming maglaro naupo lang kami sa isang bench katapat ng game zone. Tawa lang kami ng tawa sa mga pinag gagawa namin.
“Ang panget mo pala kumanta, Crayola! Hahahaha.” Sabi ko sabay tawa. Wala talaga siyang future sa pagkanta. At lalong wala ng pag-asa yung boses niya.
“Kapal nito. Porque sanay ka lang kumanta feeling mo naman dyan. Pero Se, nag-enjoy ka ba?”
“Sobra. Thank you, Crayon.”
“Welcome. Nagugutom ka ba?” Umiling lang naman ako. Wala kasi akong gana kumain pero gabi na rin dahil madilim na sa labas ng mall.
“Uwi na tayo.” Sabi ko sa kanya. Agad naman siyang tumayo at hinawakan yung kamay ko. Hindi naman ako nagreklamo dahil para sakin, kaibigan lang si Crayon.
“Bago tayo umuwi, pwede bang may daanan muna tayo?” Tanong niya sakin. Um-oo lang ako at nag drive na siya kung saan man kami pupunta. Hanggang sa huminto kami sa isang malawak na field. Isang running arena ang makikita mo pag tumingin ka sa ibaba. Isang lugar na hindi ko pa nakikita..
“Wow.”
“Yup. Tara dun tayo sa baba.” Sabi niya sabay hawak ulit sa kamay ko. Hindi naman ako naiilang. Pagkarating namin sa baba umupo lang kami sa isa sa mga bleacher. Nakatingin lang ako sa langit. Mas maganda sana kung kasama ko siya…
“May problema ka diba? Kwento na.” Sabi niya sabay ngiti sakin. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala si Crayon. Kung hindi ko siya nakilala.
“Crayon, thank you ha? Thank you sa lahat.”
“Sus. Wala yon. Eto ata ang papel ko sa buhay mo. Labasan mo ng sama ng loob. Haha.” Inirapan ko lang siya. Pag nakikita ko nga siya, lagi ko na lang naiisip kung ilang problema na ba ang dumating sa buhay ko.
“Crayon, anong mararamdaman mo p-pag hindi ka binalikan ng taong nangako na babalikan ka?”
“Masasaktan. Natural lang naman yun dahil umasa ka. Umasa ka na babalikan ka niya. Tipong naghintay ka pero malalaman mong wala naman palang silbi yun dahil hindi na siya babalik. Pero kung mahal ka niya talaga, maiintindihan niya. Baket mo natanong?”
“Crayon, hindi na ko makakabalik sa pilipinas… hindi ko na siya mababalikan.” Halata naman sa kanya ang pagtataka. Hindi naman kasi niya alam na may lalakeng naghihintay sakin.
“M-may naghihintay sayo sa pilipinas?” Tumango lang naman ako sa tanong niya.
“Alam mo bang mahal na mahal ko yung taong naghihintay sakin na yon? Sobrang mahal to the point na gusto kong magpka-selfish ngayon. Gusto kong tanggihan yung hiniling sakin ni mommy pero hindi ko lang talaga magawa.. kaya nga hindi ko na siya mababalikan.. hindi na..” sabi ko habang pinupunasan ko yung mga luhang bumabagsak nanaman sa mata ko..
“Oh panyo." Sabi niya sabay abot ng panyo niya sakin na may naka-embroid na letter V. "Wag ka ng umiyak. Ilang taon ka na ba? 18? Bata ka pa. Ang buhay mo, hindi lang sa pag-ibig umiikot, Selena. Masakit yan kasi mahal mo yung tao na yon, natural. Pero naisip mo ba na hindi lang naman sa kanya umiikot ang mundo mo? Eto lang ang isipin mo, kung hindi kayo ngayon, ibig sabihin lang niyan, may oras para sa inyong dalawa. Tamang oras, Selena, tamang oras.”
“Pero kasi masakit… nangako ako sa kanya at ayokong paasahin lang siya sa wala. Hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin sa kanya.. hindi ako handa sa magiging reaksyon niya..”
“Tss. Yan ang mahirap sayo. Ayaw mo munang gawin eh. Subukan mo muna tska ka umiyak pag panget yung reaksyon niya!” Hinampas ko naman agad siya. Wala na kasing kwenta yung sinasabi niya. Tss.
“Joke lang! Sabihin mo muna sa kanya. Dalawa lang yan eh. Magagalit siya o iintindihin ka niya. Pero tanga na lang niya, pag binitiwan ka niya. Sabihin mo na sa kanya habang maaga pa. Mahirap pag sa iba pa niya nalaman. Wag kang mag aksaya ng oras. Sayang. Oh tara na, baka hinahanap ka na sa inyo.” Agad naman siyang tumayo at tumalikod na sabay lakad palayo.
Tahimik lang kami sa byahe. Tinanong lang niya yung address namin at sinabi ko naman agad. Nakarating kami sa bahay na tahimik. Hindi ko alam kung baket siya biglang natahimik.
“Oh baba na. Goodluck.”
“Thank you, Crayon, Thank you.” Sabi ko sabay halik sa pisngi niya at labas ng kotse niya. Nakapag pasya na ko.
Sana lang wag kong pagsisihan..
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip