Chapter 40

CHAPTER FOURTY

SELENA’S POV

“Sigurado ka na ba dyan sa desisyon mo, anak?”

 

 

“Yes dad. One week. I’ll be fine so don’t worry. Ingat kayo ni Cloud dito.” I said and kiss him. Agad naman akong sumakay na sa shuttle na maghahatid sakin papunta ng airport.

Pabalik sa pilipinas.

**

It took me 15 hours para lang makabalik dito. Hindi talaga kamiss miss ang manila. Masyadong polluted. Nasisira yung ganda ko talaga dito.

“Pae!” Agad akong napatingin sa lalakeng sumigaw at kumaway sa harap ko. Medyo malayo siya sakin kaya hindi ko agad siya namukhaan pero dahil sa mukha niyang naka-poker face agad ko siyang namukhaan.

“Thank you sa pagsundo sakin ha?”

 

 

“Wala yon. Tara na.” Agad naman niyang kinuha yung isa kong maleta at naglakad na. Hindi ko talaga mawari kung baket laging naka-poker face ang lalakeng yan. Buti na lang at gwapo siya kaya hindi pansinin eh. Tss.

Agad naman akong sumakay na din sa kotse niya. Ngayong nandito na ulit ako, ang dami kong naiisip. Ang dami kong kailangang gawin. Ang dami kong kailangang panindigan para sa ikabubuti ng lahat. At higit sa lahat, para sa tama. Pero hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Ni hindi ko alam kung magagawa ko ba. Kung magagawa ko ba sa kanya lahat ng plano ko..

“Iniisip mo?” Tipid niyang tanong. Hindi ko talaga alam kung may galit ba sakin ang isang ‘to o ano e. Tsk.

“Iniisip ko? Kung san ako magsisimula. Kung paano ko uumpisahan.” Tugon ko sa kanya habang nakatingin lang ako diretso sa mukha niya. Kahit na side view, hindi talaga makakaila ang pagka-tamang straktura ng mukha niya. Yung tipong pag tinitigan mo siya, mapapaisip ka kung ano-anong bagay ang tumatakbo sa isip niya.

“Umpisahan mo sa tama. Pinipigilan mo ang tadhana, Selena. Pero hindi ko alam kung bak--AISH! SHIT!” Agad akong napatulala sa harap. Muntik na kaming makabangga. Muntikan na..

Agad naman siyang bumaba para lapitan yung babae. Bumaba na rin ako habang kumakabog pa rin ng malakas yung dibdib ko.

“Miss, ayos ka lang ba?” Tanong ko dito.

“A-ayos lang ako. S-sige.” Sabi niya sabay takbo na palayo. Pumasok na ulit kami sa kotse at pinaharurot na niya ulit yung sasakyan niya. Agad naman niya itong inihinto ng makarating na kami sa lugar na sinabi ko sa kanya.

**

“Salamat sa paghatid.”

 

 

“Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” Tumango lang ako sa kanya at lumabas na ng sasakyan niya. Agad naman akong lumakad papalapit sa bahay na nasa harapan ko. Nag doorbell lang ako at isang matandang babae ang bumungad sa harapan ko.

“Hello po. Nandyan po ba si—“

“Ikaw ba si Selena?”

 

 

“Ako nga po.”

 “Halika. Pasok ka hija. Ang ganda mo ngang bata.” Nginitian ko lang naman siya at sumunod na sa kanya papasok sa loob ng bahay.

“Friend!” Agad naman akong niyakap ni Sabrina.

“Omg. Namiss kitang babae ka. So, ano? for good ka na ba dito sa pilipinas?” Naka-ngiti niyang tanong sakin. Nginitian ko lang naman siya habang nakita ko na yung taong pakay ko sa bahay na’to.

“Pae..”

 

“Saturn.”

 

 

“As much as I want to be with you, I need to go. Bye Friend. Kita tayo later. Bye kambal!” Sabi ni Sabrina habang lumabas na. Lumapit naman si Saturn sakin at agad akong niyakap.

“I missed you.”

 

 

“Ikaw kasi. May move-on arte ka pa dyan. So, bati na ba tayo?”

 

 

“Kiss muna.” Agad ko naman siyang hinampas. Tinawanan lang niya ko at agad niyang hinawakan yung kamay ko at hinila ako papunta sa sala nila.

“Ano? Bati na tayo? Wag ka ng maarte Saturn. C’mon!”

 

  

“Oo na. Oo na. Ahh.. P-pae..”

“What?” Tanong ko sa kanya habang nakatingin lang ako sa TV. Baket nanunuod siya ng spongebob? Naalala ko tuloy ang dapat hindi maalala. Tss.

“Sigurado ka na talaga sa desisyon mo?” Agad naman akong napatingin sa kanya at halata sa mukha niya ang pag-aalala.

“I am. No turning back now, Saturn. I can do this.”

 

 

“P-pero Pae, paano pag hindi siya naniwala?”

 

 

“I don’t know. But I need to take the risk. I have to.”

 

 

“Pae, you don’t need to do this. Alam mo naman yun diba? Isa pa, tingin mo ba maniniwala yung kumag na yun? Tss. Masyado kang mahal nun, Pae.”

“Alam ko. Maganda kasi ako. Pero kahit na. Kailangan kong gawin ‘to.”

 

  

“Pae, take it from me, hindi siya maniniwala.” Agad naman akong humarap sa kanya at nginitian lang siya.

“Saturn, hindi mo alam ang buong plano ko. Don’t be so sure. Isang Selena Pae Samaniego ang kaharap mo.” Hinalikan ko lang siya sa pisngi at tumayo na.

“Bye. See you after one week, eh?” Halata sa kanya na nalilito siya at hindi siya sang-ayon sa mga gagawin ko. But what can I do? Eto na lang ang last option ko. Nagsimula na kong tumalikod sa kanya at lumakad palayo..

“Pae, mahal mo siya diba? Pero sa gagawin mo, masasaktan mo lang siya.”

 

 

 

“But we always seem to hurt the ones we love, don’t we?” Sagot ko sa kanya habang nakatilod pa rin ako.. Lumakad na ko palayo. Palabas ng bahay nila. I need to be strong. Kailangan kong maging si Selena na matapang.

Agad akong sumakay sa taxi at nagpunta pa sa isang lugar kung nasan ang isang taong kasama din sa plano ko. Pagkarating ko sa tapat ng condo niya agad ko siyang tinawagan. Ayokong pumasok sa loob ng condo niyan. Mahirap na.

[Hello?]

 

 

“Oy. Selena ‘to. Labas ka ng condo mo. Nandito a—“ Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla niyang binuksan yung pinto. Tumambad sa magaganda kong mata ang abs niya. Naka-boxer short lang siya. Spongebob print pa. Baket ang benta ni spongebob? Naiisip ko nanaman tuloy siya! Shit.

“Hoy kupal, magbihis ka. Di maganda ang tanawing bundok para sa mata ko.”

 

 

“Tss. Sigurado ka bang problemado ka? -_-“ Agad naman niyang hinila yung braso ko at ipinasok sa ano—sa loob ng condo niya!

“C’mon Kupal! Hayaan mo ngang makalimot ako ngayon. Kahit ngayon lang. Ibalato mo na ‘to sakin. Masakit kasi eh. HAHAHAHA.”

“Naks. Made in china ba yang tawa mo? Swan.” Sabi niya at nag suot na ng matinong damit. Buti naman. Baka makalimutan ko si perv ng wala sa oras eh. Joke.

 “Made in Japan. Korni mo eh. Nagugutom pala ko.”

 

 

“Walang pagkain dito.” Sabi niya sabay upo sa isang couch sa harap ko.

 

 

“Expected. Tss.”

 

 

“Alam kong pumunta ka dito para sa binabalak mo. Sigurado ka na ba?” Kelangan ba talaga tatanungin nila kong lahat kung sigurado na ko? 

 

“Yup. And tutulungan mo ko diba?”

“Why would I?” Straight niyang sabi. Hambog talaga ‘to.

“Cause I say so. C’mon, wag kang KJ. Please?”

 

 

“Fine. Pero yung usapan natin Selena. Pag hindi siya naniwala, susundin mo yung kondisyon ko.”

 

 

“Oo na. Nag promise na nga ako diba?”

 

 

“Isang tanong lang. Baket gagawin mo yun?”

 

 

“Kasi kailangan. Kasi para sa lahat ‘to. Ayokong magpaka-selfish ngayon. Ayokong unahin ang sarili ko.”

 

 

“Masaya ka ba?”

 

 

“That’s more than a one question.”

 

 

“Tss. Pupuntahan mo ba siya ngayon?”

“I will. So, see you after 1 week? Bye.”

“Ingat ka. Wag mong ipagkalat na nakita mo ang abs ko!” Sabi pa niya bago ako makalayo. Humarap lang ako sa kanya at nginitian siya ng ubod ng tamis.

 

“An over-inflated ego wrapped in an undeserved sense of entitlement earns a first class ticket to the back of the queue. Toodles.”

I said at lumakad na palabas ng condo niya. Agad naman akong sumakay sa taxi na sinasakyan ko kanina at sinabi kay manong driver kung san niya ko ihahatid.

  

Magkikita nanaman kami. Makikita ko nanaman siya. Kailangan ko nanamang umakto na parang walang mali. Na parang puro tama ang lahat.

I smile and act like nothing is wrong it’s called putting shit aside and acting strong

Agad namang tumigil ang taxi sa harap ng apartment namin ni Clyde. Oo nandito ako ngayon. Babalik sa kanya at aakto na parang tama ang lahat. Agad akong bumaba at dire-diretsong lumakad palapit sa tapat ng apartment namin.

Bukas naman kaya agad akong nakapasok. Ang kalat ng loob. Gulo-gulo yung mga gamit. Pero agad nalipat at napako ang mga mata ko sa kanya..

Nakahiga lang siya sa couch habang may hawak hawak na bote ng alak.

Ganito ba ang nangyayare sa kanya habang wala ako? Kakayanin ko pa bang ituloy yung plano ko kung nakikita kong ganyan siya?

Agad naman akong lumapit sa kanya. Na-miss ko yung itsura niya. Yung itsura niyang kakaiba sa paningin ko. Siya lang talaga.

Siya lang ang may kayang magparamdam sakin ng bilyon-bilyong paro-paro sa tiyan ko. Agad naman siyang napabalikwas at napamulat ng mata.

“S-selena?” Agad siyang tumayo at hinila ako para yakapin. Naka-upo na ko sa lap niya. Namiss ko ‘to. Yung amoy niya na intoxicating.

“Y-youre here.. God, you’re really here.” Sabi niya habang mahigpit niya kong niyakap. Hindi ko na napigilan yung mga luhang kanina ko pa tinatago. Agad naman siyang napa-bitaw sa pagyakap sakin at hinawakan ang mukha ko.

“B-baket ka umiiyak? What’s wrong?”

 

 

 

“Clyde, i-i.. I’m starting to like you less..” Utas ko habang bakas sa mukha niya ang takot, ang kaba.

“S-selena.. w-wag ka ngang magbiro ng gan—“

 

 

 

“I’m starting to like you less because I’m beginning to love you more..” Hinalikan ko lang siya at niyakap na naman niya ko na halos parang ayaw na niya kong pakawalan.

“God Selena, you always scare the hell out of me.. I love you.” Sabi niya habang yakap-yakap niya lang ako.

“I will always love you Clyde. No matter what happens. Remember that..”

---------------------------------

Nagiging bad kayo kay Crayonbebe ko! Wag kayong ganyan! HAHAHAHA. Paano ba yan? dalawang tao ang tumatawag kay Selena ng "PAE" sa chapter na'to. >:)) which is which? who is who? Mehehehe. Tatlong taong nakaka-alam ng plano niya. Well, obvious na si SATURN KO yung isa. Pero, sino yung dalawa?  Anong magaganap sa loob ng one week? anong mangyayare pagkatapos ng one week? Alululu. Ayan ha. My ClyLena moment kahit papano. -_- SeYon pa rin akoooooo~ Mwehehehe. >:P

ANYWAY, HAPPY 4 MONTHS PALA DITO SA MPR! HIHIHIHI. 4 MONTHS NA 'TONG NAG EEXIST. Salamat sa lahat ng mga sumuporta! Salaaaaaamat. *u* COMMENT NAMAN DYAN! LOOOONG COMMENT PARA SA 4 MONTHS OF EXISTENCE NITONG MPR. Sigeee na~ HIHI. Dunkeee~ *o*

XOXO

F.beetch♥

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip

Tags: