Chapter 41
Selena's POV
Magkasama lang kami ni Clyde ngayon dito sa apartment. Para kaming timang na 24/7 na atang magkadikit. Ewan ba pero ayoko lang humiwalay sa kanya. It feels like when he’s not at my side, I don’t feel safe I don’t feel being loved.
“Perv, gusto mo bang gumala?”
“Where?”
“Ikaw. San mo gusto?” Hinila lang niya ko para mapa-upo ako sa lap niya. He just nuzzles me at my neck. Nakaramdam ako ng goosebumps. Tsk.
“Pwede bang dito na lang tayo sa bahay?” Hindi ko alam kung baket ganun yung boses niya. Yung parang may takot?
“B-baket?”
“Wala lang. Ayoko lang i-share ka sa mundo ngayon.” Sabi niya habang humigpit yung yakap niya sakin. Pinilit kong iharap siya sakin pero ayaw niya. Nasa leeg ko lang yung mukha niya.
“M-may problema ka ba?” Nag-aalala din naman ako. Para kasing may mali. Baket Selena, wala nga bang mali? Ugh.
“Wala naman. Naglalambing lang sayo.” Sabi niya at hinalikan niya lang yung noo ko. Nakaka-panibago lang kasi hindi naman siya ganyan. I mean, diba dapat nasa perv mode siya? Tss.
“Muka mo. Di bagay.”
“Yaan mo na. At least, ikaw lang nakakakita ng pagka-korni ko. Haha.”
“Wow. Anong haha? Kelan pa sinabi ang tawa?” Alam niyo yung nakakainis? Si Clyde yun. Para kasing may mali talaga.
“Masama ba?” Tanong niya. Naka-upo pa rin ako sa lap niya habang nilalaro niya lang yung daliri ko at binibilang pa.
“Kahit anong gawin mong bilang dyan, lima pa rin ang daliri ko.”
“Tss. Nagugutom ka ba?”
“Hindi. Ikaw?”
“Hi—“
♪♪..Kiss me slowly..♪♪
Agad naman niyang kinuha yung cellphone niya sa bulsa niya at sinagot kung sinuman yung tumatawag.
“Oh?.. O-oo di ko nakakalimutan… Shit!” Nagulat ako sa pag sigaw niya kaya naman tatayo na dapat ako pero hinigpitan niya lang yung hawak niya sa bewang ko.
“O-oo... J-just give me s-some time… One w-week… Yeah… Bye.”
“S-sino yon?”
“Wala. Tara kain tayo.” Agad naman niya kong inalalayan patayo at hinawakan yung kamay ko tipong ayaw na niyang bumitaw. Na-upo lang ako sa isang bar stool habang kumukuha siya ng pagkain.
“Oh. Kain na.” Sabi niya pagkalapag ng pagkain sa harap ko. Umupo din siya sa upuan sa harap ko.
“Clyde..”
“Hmm?”
“Ang pagkain kinakain hindi tinititigan.” Nakatulala lang kasi siya. Sino ba kasi yung tumawag sa kanya? Nakaka-inis.
“Sorry. Sige na, kain ka na.” Sabi niya at kumain na din siya. Ba’t ngayon ko lang na-realize na gutom pala ako? Ang dami ko talagang nakakalimutan pag kasama ko si Clyde. Sana lang…
“Ba’t mo ko tinitignan?” Tanong ko sa kanya. Naka-ngiti lang kasi siya habang nakatitig sakin. Talkin’ ‘bout change of mood. Tss.
“Wala lang. Ang sarap mo titigan pag kumakain ka.” Inirapan ko lang siya at kumain na ulit. Nagugutom talaga ako. Hindi ko alam kung baket. Tsk.
“Parang gusto ko talaga ng ice-cream eh.”
“Gusto mo ng ice-cream?”
“H-ha? Narinig mo?”
“Asus. Sinadya mo namang iparinig sakin eh.” Peste. Binulong ko lang naman yun diba? Ugh.
“Duh.”
“Hahaha. Teka, meron sa ref.”
“Ben and Jerry?”
“Ben and Jerry.” Agad naman siyang tumayo at pumunta sa ref para kuhanin yung vanilla ice-cream ng ben and jerry.
“Oh ayan na.” Tinitigan ko lang yung ice-cream na nilapag niya sa harap ko. Bigla akong nangdiri ata.
“Ayoko pala niyan. Kunin mo nga yung ketchup.”
“Ketchup?”
“Oo. Bilis. Gusto kong mamapak ng ketchup na may asukal at patis.” Napa-ngiwi naman si Clyde. Baket hindi ba masarap ang combination ng mga yon? Feeling ko naman ang sarap-sarap.
“Ayos sa trip ah. Benta ka.”
“Ikuha mo na lang ako! Bilis.” Napa-sabunot na lang siya sa buhok niya at wala ng nagawa kundi ikuha ako ng ketchup, asukal at patis. Nagugutom talaga ako pag naiisip ko yun.
“Oh ayan na. Kadiri naman yang gusto mo, Se!”
“Pake mo? Ikaw ba kakain? Bigla akong napa-ngitan sa mukha mo. Dun ka nga sa malayo.” Sinasabi ko yan sa kanya ng hindi nakatingin. Eh naiinis ako sa mukha niya. Kainis. Agad kong hinalo yung ketchup, asukal at patis. Feeling ko talaga ang sarap nito.
“Oh? Ba’t nasa harap pa kita? Layas na. Kakain ako.”
“Di ako aalis. Mamaya mapano ka pa pag kinain mo yan. Kadiri talaga.”
“Mas kadiri mukha mo. Ang panget-panget mo pala. Nakakainis!”
“H-hoy! Hoy Selena! A-anong ang p-panget ko?! H-hoy!”
“Ano? Eh totoo naman.” Sabi ko at tinikman na yung pinaghalo-halo kong pagkain ko. Ang saraaaaap. Baket kaya walang tinda na pagkain na ganito? Ketchup, asukal at patis combination.
“Kadiri ka.”
“La kang pake. Dun ka sa malayo! Ang panget mo.”
“H-hoy! Selena gwapo ako.” Sabi niya at akmang uupo na sa harap ko ulit.
“Subukan mong umupo dyan, sa labas ng apartment ka na’to matutulog.” Napa-sabunot nanaman siya sa buhok niya tipong hindi na niya alam gagawin niya sakin. Eh sa nababanas ako sa mukha niya. Ang panget talaga.
“Problema mo?” Tanong niya habang lumapit sakin at niyakap ako.
“Mukha mo ang problema ko. Ang panget.”
“Aish! Pasalamat ka talaga at mahal kita.” Sabi niya sabay alis na sa harap ko. Nakita ko siyang na-upo na sa couch sa may sala. Ang panget talaga ni perv. Ba’t ngayon ko lang na-realize yun? Inubos ko lang yung bago kong paboritong pagkain ngayon. Kakain ulit ako nito mamaya.
Tumayo na ko at lumapit kay Clyde pagkatapos kong kumain.
“Clyde..” Hindi niya ko pinansin at nanuod lang ng tv.
“Oy!”
“Oy Clyde! Naman eh!”
“Oh?”
“Di mo ko pinapansin!”
“Para ka nanaman kasing baliw. Tss.“
“Panget ka naman. Mag suot ka nga ng maskara para di ko makita mukha mo. Please?”
“H-hoy Selena! Ano bang nangyayare sayo?! Tigilan mo ko.” Ewan ko pero bigla akong naiyak nung sinigawan niya ko.
“O-oy! Baket ka u-umiiyak?”
“Wala!”
“Pucha. Ano bang problema mo? Buntis ka ba?" Irita niyang tanong pero inirapan ko lang siya.
“Sige na nga. Pa-upo na lang ako sa lap mo.” Hindi pa siya pumapayag pero umupo na ko sa lap niya at tinago ko lang yung mukha ko sa may dibdib niya. Niyakap niya lang ako sa bewang.
“Asus. Naglalambing si Selena. Hahaha.”
“Hindi kaya.”
“Kunyare ka pa. Gusto mo lang chumansing sa abs ko eh.”
“Asa ka naman. Ayoko lang talagang makita mukha mo.”
“Problema mo? Para kang buntis na ewan.”
“Paano pag buntis nga ako?”
“H-ha?” Napayakap lang ako lalo sa kanya. Hindi kasi yun yung inaasahan kong sagot niya. Anong klaseng sagot ba ang HA? Ewan ko pero para kong nadismaya.
“Wala. Matutulog ako.”
“Tara dun sa kwarto.”
“Nah. Gusto ko dito. Wag ka maingay.” Hindi naman na siya sumagot at hinigpitan niya lang yung hawak niya sa bewang ko.
“Madami ka pa kasing pangarap, Selena. Kung buntis ka man, matutuwa ako. Pero ayoko muna syempre. Hindi pa kita gustong maging busy sa isang baby. Gusto ko, ako muna at ikaw lang. I love you.”
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip