Chapter 46

*SABRINA'S PICTURE AT THE RIGHT SIDE. 

 

Clyde's POV

Wrong move..

Wrong move..

Wrong move..

Putcha. Kanina pa ko nandito sa apartment pero hanggang ngayon yan pa din yung naiisip ko. Ang galing talaga mag buhol buhol ng mga salita ni Parker. Bwisit.

Bukas pa ipapadala ni Papa yung passport at lahat ng kailangan ko. Hintay lang Selena.. babawiin kita. At sisiguraduhin kong hindi ka na ulit aalis..

Sabrina's POV

Si Trixie ang kailangan ko ngayon. Sinabi ni Parker sakin yung mga mangyayare. Hindi ko alam kung totoo pero ugh, kailangan ko si Trixie ngayon. Nandito lang ako sa school gazebo at hinihintay siya. Bruha talaga pa-VIP pa. Tss.

Wrong move…

Naalala ko nanaman yung usapan namin ni Parker. 

Flashback..

“Parker!” Sigaw ko sa kanya habang nakita ko siya na nandito sa school kahit tapos na ang sem. Naglalaro lang siya ng soccer mag-isa.

  

 

“Oh?”

 

 

“Usap tayo.” Kumunot naman ang noo niya pero sumunod din siya sakin pagka-upo ko sa isang bleacher.

 

 

“Ano ba pag-uusapan natin?”

 

 

“Baket ba ang taray mo? Porque di mo lang nakikita si Kriella eh!”

 

 

“Nagkikita kami..” Ewan ko kung naewan lang ako pero parang ngumiti siya habang sinabi niya yon? Ah ewan.

 

 

“So, alam mong aalis si Selena nung umpisa pa lang?”

 

 

“Oo. Alam ko din na nililigawan ka ni Mike at Jeff.”

 

 

“WTF. P-pano mo nalaman?!” Don’t tell me isang manghuhula ‘tong letche na’to?! Ugh! Pero hindi oras ‘to para sa lovelife ko!

 

 

“Sekreto ko na kung baket.”

 

 

“Fine. So  baket hindi mo sinasabi sa barkada?!”

 

 

“Hindi ko kasi lugar yon, Sab.”

 

 

“Kahit na! Alam mo bang sobrang gulo na ng lahat?!”

 

 

“Matatapos din yan..

 

 

 

 

..sana. Pero may isang tumira ng wrong move.” Sabi niya at tumayo na. Hindi ko na rin siya napigilan dahil napatulala na lang ako.

 

 

WRONG MOVE?!

 

 

Anong meron dun?! Ugh!

 

 

End of flashback..

 

 

“HOY SABRINA!” Agad akong bumalik sa realidad ng marinig ko si Trixie. Naka-taas lang ang kaliwang kilay niya. Bwisit talaga.

“Ano bang kailangan mo sakin?” Tanong niya.

“I have a plan and I need you in it. I need your cooperation 101 percent or else this won’t work.”

 

 

“Fine. Fine. Tell me what is it.”

 

 

Trixie's POV

Sinabi lang ni Sabrina sakin yung plano niya. Gad. Hindi ako tanga para pumayag sa plano niya. Wala akong benefit na makukuha in fact, sila pa ang pinaka-makikinabang. NO.

“Are you nuts?! Hah. At ako pa talaga ang sinama mo sa plano mong yan?! You’re insane!”

 

 

“Trixie, please.. Para matapos na lahat. Wag ka namang maging selfish!”

 

  

“Hell no! I have my own lil dirty plan too at kasalungat yan sa mga plinaplano ko!”

 

 

“Trixie..”

 

 

“No Sabrina.”

 

 

“SABRINA!” Sabay kaming napa-tingin sa lalakeng tumawag kay Sabrina. Shit.

“Uy Drey!”

 

 

*lubdub.. lubdub..*

Urghhh! Baket nandito rin yang lalake na yan?!

“Napadaan lang ako. W-wait. Parang kilala kita ah.” Sabi niya sabay lipat ng tingin sakin. Nag-iwas naman agad ako. Banas!

“Di kita kilala.” Gad! Nasan yung maldita vibes ko kanina? Baket biglang nawala ata?! 

“Ikaw nga. Ikaw yung babae kanina na nakabangga ko.”

 

 

“Tss.”

 

 

“Magkakilala kayo?” Tanong ni Sabrina.

“Duh. Hindi ko kilala yan. Aalis na ko!”

 

 

“No! Please, Trixie. Pumayag ka na..”

 

 

“FINE! UGH! BIWISIT!” Sabi ko at umalis na. Hindi ako komportable dun. Bigla-biglang bumibilis ang pag tibok ng puso ko. Na-abnormal ata dahil sa abs nung hambog na yon! Err..

“Miss wait!”

 

 

 

*lubdub.. lubdub..*

“Anong pangalan mo?” Tanong niya. Gad yung puso ko feeling ko mahuhulog. Baket ba ganito?! Banas!

“Hindi ko pinamimigay pangalan ko sa di ko kakilala. So, pwede ba? Get lost!”

“I’m Drey Natividad. So, can I get your name then?”

 

 

“No. Bye!”

 

 

“Sungit!”

 

 

“Epal ka naman! Dahil sayo napa-payag tulog ako ni Sabrina. Ay bwisit!” Sabi ko at diretso ng umalis. Di ko na kaya ang pagiging abnormal ng hearbeat ko sa kanya. Sht. What’s with my heartbeat?!

***

Clyde's POV

This is it. Maaga akong umalis ng bahay dahil 7am ang flight ko. 14 hours ang estimated time ng byahe papuntang cali. Habang nandito ako sa eroplano hindi ko mapigilang mag-isip. Kung ano bang dadatnan ko dun sa Cali. Kung paano ko hahanapin si Selena dun. But I need to take the risk. Ayokong tumanga lang at hayaan na unti-unti siyang nawawala sakin.

Hayaan na lahat mawala lang.

***

Nag take off lang ang eroplano eksatong 10pm na. Putcha. Eto ang mahirap eh. Hindi ko alam ang address ni Selena. Kung baket kasi pupunta-punta ako dito ng hindi handa. Tae. Kagwapuhan ko lang ang tanging dala ko. Putek.

Masyadong malaki ang Los Angeles. Bwisit. Ang alam ko lang sa South Valley ang mismong kompanya nila. 

“You need some help?” Tanong ng isang brunette.

“Uhh.. I’m looking for someone, actually. Do you know where Samaniego Empire is?” Nag-aalangan kong tanong sa kanya. Mukha naman siyang mabait pero kahit na. Matinik pa naman ang kagwapuhan ko baka mamaya magkagusto pa sakin ‘to eh. 

“Samaniego… Oh, it’s located at the next main street. Want me to walk you there?”

 

 

“If you don’t mind, of course.”

 

“I don’t. Come.” Sabi niya at lumakad na. Tsk. Hanggang dito talaga ang lakas ng karisma ko.

“Are you a tourist?” Tanong niya sakin habang sinasabayan akong lumakad.

“Not really. I’m just here to get what’s mine.” Napa-ngiti na lang ako sa sinabi ko. Tsk. Possessive man pakinggang pero gusto ko akin lang si Selena.

Kagaya nga ng sinabi ko..

Bibitaw lang naman ako pag sinabi niya..

At pag sinabi niya ang tatlong salita sa iba..

Dun. Dun lang ako bibitaw at titigil..

 

 

 

“Hey, what’s your name, by the way?” Tanong ni brunette.

“Keiden.”

“Nice name. I’m Maeghan.”

 

 

“Ohh.” Sagot ko na lang. Loyal kasi ako kay Selena. Kaya kahit ilang brunette o blonde o sexy pa ang iharap sakin.

“We’re here.” Sabi ni Maeghan. Tumigil kami sa isang malaking empire building. Mas malaki ‘to sa kompanya namin pero di naman naglalayo. Isang malaking letter “S.E” ang tanaw na tanaw ko. Samaniego Empire siguro ang ibig sabihin niyan.

“Thank you.”

“No big. So, see you around, Keiden.” Sabi niya at lumakad na palayo. Chicks din sana pero loyal talaga ako. Pumasok na ko sa mismong building dahil madaming nakikita ang mata ko na masama.. HAHA. Shit. Ang dami ko na ngang problema nagawa ko pang.. Tsk. Lumapit lang ang sa front desk at isang chicks na brunette nanaman ang bumungad sakin. Baket ang daming sexy dito?!

“May I help you, sir?” Tanong niya.

“I’m looking for Mr. Peter Samaniego.”

 

 

“Do you by chance have any appointment with him, sir?”

 

 

“I don’t have, actually.” Kelangan pa ba nun? Tss.

“Sorry sir but Mr. Samaniego is not around. He’s been off already.”

 

 

“I see. May I know where can I locate him?

 

 

“I need to make a call first. Can I know your name, sir?”

 

 

“Clyde. Clyde Sarossa.”

 

 

“A minute, sir.” Sabi ni brunette na may nametag na Venice. May kinausap lang siya sa telepono. Ang tagal. Tsk.

“Sir, Mr. Samaniego told me to give you this.” Sabay abot niya sakin ng isang papel na may nakasulat na address. Lumabas naman na agad ako at sumakay sa isang taxi cab. Tumigil lang kami sa isang 3 storey house. Kasing laki siguro ng bahay namin sa pinas. Agad akong lumapit sa pinto at kumatok pero wala namang sumasagot. Pinihit ko lang yung door knob at bumukas. Hindi naman ‘to trespassing diba? Masyado akong gwapo para dun.

Nakarating lang ako sa main living room at nakita ko ang isang lalake na kausap ni Selena. Baket siya nandito?! Fuck.

“I love you, Pae.” Sabi niya kaya naman napahinto ako sa paglalakad. Hindi. Hindi ako magpapadalos-dalos. Masyado ng malayo ang narating namin para ngayon pa ko sumuko.. Lalapit na sana ako sa kanila pero mas lalo lang akong napako sa kinatatayuan ko nung nag salita si Selena..

“I love you, Saturn..”

Mabilis akong tumalikod bago ko pa marinig yung mga sunod niyang sasabihin. May karapatan naman siguro akong sumuko diba? Mas lalong may karapatan naman akong tumigil. Ilang beses na ba kong naghabol? Puta naman!

Sabi ko nga..

Bibitaw lang naman ako pag sinabi niya..

At pag sinabi niya ang tatlong salita sa iba..

Dun. Dun lang ako bibitaw at titigil..

 

Eto na nga siguro yung oras.. baka tama talaga si Selena.. Panahon at tadhana na ang pumipigil saming dalawa.. Lumabas lang ako ng bahay nila at sumandal sa pader. Hindi ako bakla kung iiyak ako ngayon. Puta. Ngayon lang pagbigyan niyo ko! Masyadong mapang-asar ang tadhana sakin.

“Bakla lang ang umiiyak.” Napa-angat ako ng ulo ng makita ko si Maeghan sa harap ko. Nagsasalita pala siya ng tagalog. Tss.

Tanga lang ang hindi iiyak kung sobrang nasasaktan na.. Sabi ko at lumakad na palayo sa kanya. Tss. Baka mabadtrip lang ako lalo.

Tama nga si Parker..

WRONG MOVE.

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip

Tags: