Chapter 47
Selena's POV
“I love you, Pae.” Sambit ni Saturn habang nasa harap ko. Agad ko siyang niyakap dahil ayokong makita siyang nasasaktan.. Mahal niya ko pero iba ang nararamdaman ko..
“I love you, Saturn.. kaibigan kita eh.. Pero hanggang dun lang. Siguro nga, hindi kami ni Clyde pero alam mo namang siya yung mahal ko diba? But I’ll try.. susubukan kong mahalin ka Saturn..”
“Naiintindihan ko.. S-sige Pae, una na k-ko..” Sabi niya at kumalas na sa yakap ko. Agad siyang tumalikod at lumakad na. Tanging likod na lang niya ang nakikita ko hanggang sa hindi ko na siya matanaw.
Sa ginagawa ko, dalawang lalake ang nasasaktan ko. Kinalma ko muna ang sarili ko. Alam kong nandito si Clyde. Nakita ko siya..
Nakita ko siya kanina..
Agad akong lumabas din baka sakaling maabutan o makita ko siya. Nilibot ko na ang buong main street dito sa South Valley pero hindi ko siya makita.. Hanggang sa napukaw ang paningin ko sa dalawang taong magkayakap. Hindi ko alam kung magagalit ba ko o maiinis.. pero kasalanan ko din naman. Siguro nga kailangan ko na ‘tong gawin.. Lumakad ako papalapit sa kanila.
“C-clyde.. Trixie..” Agad silang nagbitaw dalawa. Bakas sa mukha ni Clyde ang galit, sakit, at tuwa.. Pinanatili ko lang ang kalmado kong emosyon.
“Ano pang ginagawa mo dito?! Dun ka na kay Saturn.” Asar na sabi ni Trixie.
“Hindi ako pumunta dito para sayo, pusit. Si Clyde ang kakausapin ko.”
“How dare y—“
“How dare me? Yes Trixie, how dare me! Kaya pwede ba? Lumayas ka muna. Hindi yan utos kaya wag kang tanga!” Kahit nasa ganitong sitwasyon kami, hindi ko pa rin maiwasang hindi mainis kay Trixie. At hindi magmaldita. Tss. Pero diba, parehas lang kami ng ginawa? Ang iwan ang taong mahal namin.
“Ang kapal din ng mukha mo no? After you left Keiden, hahabulin mo ulit? Hah. You should be ashame of yourself!” Bakas ang pang-asar at inis sa boses niya. Pero hindi pa ko tanga para magpa-talo sa kanya.
“You should be ashame of yourself too. Pinamukha na sayo’t lahat-lahat na hindi ka niya mahal, you’re still here. Chasing him even though you’ve been dumped for so long.”
“Wala kan—“
“Stop.” Sa simpleng salita niya napatigil agad kami. Bakas pa rin ang galit at sakit sa boses niya. Kasalanan ko naman lahat.
“Clyde, let’s talk.”
“Yes, Selena. We’ll talk.” Sabi niya at hinila ako. Hinigpitan ko lang ang hawak ko sa kamay niya. Kung pwede lang wag na kong bumitaw..
“Now, we’ll talk.” Sabi niya.
“I’m sorry…”
“Sorry lang? Selena naman! Ilang beses mo na ba kong iniwan? Ilang beses mo na ba kong pinagtulakan? Tapos ngayon ano?! Fck Selena, fck! Gaguhan ba lahat ng ‘to para sayo?!” Nakayukom lang ang mga kamay niya. Alam ko. Alam kong gusto niya kong saktan.
“Hurt me.. it’s fine..” Tanging salitang kaya kong bitawan.
“Selena, alam mong sa lahat ng tao sa mundo ikaw ang hindi ko sasaktan. Selena naman! Ano na ba?! Hanggang dulo ba tayong ganito?! Mahal mo ba si Saturn?!
“I d-don't know.. I guess, no..” Bakas sa mukha niya ang pagkalma. Agad niya kong niyakap at alam kong umiiyak na siya.
“Clyde, kalimutan mo na lang ako.” Agad siyang kumalas sa yakap ko at tumingin sakin. Pero agad akong nag-iwas.
“What?!”
“Clyde, do you see how fucked-up this is?! Alam mo bang ang dami ng pumipigil sating dalawa? Clyde, baka h-hindi talaga tayo..”
“Selena, tell me, you’re joking! Selena!” Hawak-hawak lang niya ko sa dalawa kong braso. Kahit nasasaktan ako sa pagka-diin ng hawak niya, hindi ko sinasabi. Alam kong dapat lang ‘to para sakin.
“Selena! God, Selena! Tell me you’re joking..” Lalong dumiin at humigpit ang pagkaka-hawak niya sakin. Agad napako ang paningin ko sa isang lalake sa kabilang daan.
Dali-dali siyang tumawid at sinuntok si Clyde. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang sinusuntok niya pa rin si Clyde..
“Keiden! Omigod!” Sigaw ni Trixie na pilit niyang inaawat si Crayon sa pagsuntok kay Clyde.
“Fuck! Sino ka ba?!” Sigaw ni Clyde habang pinupunasan ang dugo sa labi niya. Agad akong lumapit sa kanya. Tinitigan lang niya ko at hinawakan ako sa bewang para pang suporta.
“Clyde, sorry..” I whisper. Kasalanan ko talaga lahat ng ‘to.
“Hush, baby..”
“Pre, nakakabastos ka na kasi. Hindi mo ba nakikita? Nasasaktan na kanina si Selena!”
“Eh ang gago mo naman ata para bigla-bigla na lang akong suntukin! Sino ka ba?!”
“Crayon. Kaibigan ni Selena.” Napahigpit lang ang hawak ni Clyde sa bewang ko.
“Clyde, umuwi ka na. Please.”
“Selena, I won’t hanggang hindi mo sinasabi sakin ang buong dahilan.” Tumingin lang ako kay Saturn, Trixie, at Crayon na nasa harap namin. Mukhang nakuha naman ni Clyde yung gusto kong iparating.
“Guise, can you leave us for now? Mag-uusap lang kami.”
“Clyde, ano ba!” Sigaw ni Trixie na halatang naaasar na.
“Tara na, Trixie.” Sabi ni Saturn at hinila na lang papalayo si Trixie.
“Crayon, I’m fine. don’t worry.”
“Hindi kita iiwan dito, Selena!”
“Crayon, please..” Wala naman siyang nagawa at umalis na.
“Clyde, please, umuwi ka na.”
“Not until you tell me what’s really going on!”
“Clyde, nakikita mo ba?! Hindi na ko uuwi ng pinas. Dito na ko titira for good. Ibig sabihin lang nun, hindi na talaga tayo pwede.”
“I can stay here Selena kung yun ang iniisip mo.”
“Clyde, don’t stress din. Alam mong may kompanya ka din na hahawakan. Bata pa si Nia at ikaw ang inaasahan ng dad mo.”
“Pero Selena..”
“Clyde listen, kung tayo, tayo talaga.”
“Pero Selena, pwede namang maging tayo kahit nandito ka at nasa pinas ako.”
“It won’t work Clyde. Ayokong matali ka sakin ng walang kasiguraduhan.”
“Pero Selena, you’re asking for too much! Hindi kita igi-give up ng basta-basta.”
“But I’m giving you up now, Clyde!” Masakit man sakin lahat ng sinasabi ko, kailangan.
“Selena..”
“We’re over Clyde. Forget me. Forget everything. Sorry..” huling salitang binitawan ko sa kanya habang lumakad na ko palayo.
Wrong move, game over.
Wrong piece, we lose.
Checkmate, no. Game is closed..
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip