Chapter 48

Selena's POV

Agad akong pumasok sa bahay namin ni Daddy at naabutan ko si Saturn na naka-upo sa couch. Wala si Cloud dahil kasama niya si daddy. Agad tumayo si Saturn at niyakap ako ng mahipit. Then that’s it, I burst out crying. Crying in his chest like a kid. 

“Sssh. Pae, it’s okay.. it’s okay..”

 

“Saturn, wala na..”

 

“Pae, don’t cry. You’re strong. You’re brave enough to face all this. Wag ka ng umiyak.” Pang-aalo niya sakin. Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang tama. Binitawan ko na si Clyde. Yung taong laging nandyan para sakin, wala na..

Pinakawalan ko..

Agad akong inalalayan ni Saturn para i-upo sa isang couch. He keeps on stroking my back..comforting me. Pero wala. Ang sakit lang talaga.

“Pae, tahan na. Alam kong masakit at mahirap. Pero kailangan mong maging malakas. Hindi lang dito natatapos ang mga bagay na kahaharapin mo pa. There’s still a long road for you, Pae.”

 

 

“Saturn..”

 

 

“Sssh. It’s okay. Sa umpisa lang yan. Masasanay ka din sa sakit. Masasanay ka din sa lahat. Isipin mo na lang na ginagawa mo ‘to hindi lang para sa sarili mo but most of all para sa mommy mo. Isipin mo na lang na lahat ng ginagawa mo para sa kanya.”

 

 

“Saturn, wala na talaga. Kahit anong gawin ko ayaw mag sink in sakin na wala na. Na pinakawalan ko na si Clyde na sinaktan ko siya. Saturn.. I don’t know what to do anymore.”

“You just have to face all the consequence, Pae. Kailangan mo lang makisakay at sumunod kung ano man ang ibibigay at ihaharap ng tadhana para sayo. You don’t need to cry and cry. You need to be strong dahil hindi lang dito matatapos ang lahat. There’s more to come, Pae. So you should be strong to face all those..” Pinunasan lang niya ang mga luhang kumakawala sa mata ko. Pinipilit kong tanggapin lahat. Hindi man magiging ganun kadali pero dapat maging malakas ako. Kailangan ko ‘to..

Para kay mommy..

Trixie's POV

“I told you not to go pero pumunta ka pa rin kaya ayan! Keiden naman!” Eto ang ayoko eh. Drama at arte. Nakakainis. At oo. Eto ang plano ni Sabrina ang sundan ko si Clyde. Hindi ko nga maisip kung paano na-plano ni Sabrina lahat ng ‘to eh. The heck! Alam kong taliwas ‘to sa lahat ng plano ko pero Ughhh! Peste kasing Drey yun! Ka-distract ang abs!

  

“Trixie please, leave me alone..”

 

 

“Gusto mong iwan kita dito?! Tanga ka ba?! Mukhang pasan mo ang daigdig kaya hindi kita iiwan!”

 

 

“Just leave..”

 

 

 “I won’t—“

 

 

“JUST FUCKING LEAVE, TRIXIE! JUST LEAVE!”

 

 

“I won’t. Kahit anong sigaw mo sakin, I won’t. I told you for so many times iiwan ka rin niyang Selena—“

 

“Iniwan mo rin ako diba?! Goddamn it, iniwan mo rin ako, Trixie!!”

 

  

“Pero may rason ako!” May rason naman tlga ako. Kailangan kong pumuntan ng Florence dahil no choice ako. Isa pa, matutupad na yung pangarap kong mabuo kaming pamilya. Galing ako sa broken family at nung nag first year college na ko, pinapa-punta ako ni papa sa Florence dahil nandun daw si mama. I took the opportunity. It’s all I’ve ever dream. Kaya iniwan ko si Clyde..

“May rason din si Selena. Kaya pwede ba? Iwan mo na ko..”

 

 

“I told you I won’t leave you here! Uuwi na tayo sa pilipinas!”

 

 

“Hindi ako uuwi. Babawiin ko pa si Sel—“

 

 

“Pwede ba Clyde?! Tama na ang pagiging tanga! Pwede ba?! Stop this. Si Selena na mismo nagsabi. The both of you are over! Clyde, wake up! Wag kang magpaka-tanga!” Ang ganda ko rin para sabihin na wag na siyang magpaka-tanga eno? Eh ano pa ba ‘tong ginagawa ko rin? Tss.

 

 

“Handa akong maging tanga para kay Selena!”

“Ugh! Do you know how infuriating you are?! God! You’re insane! Wala ka ng pag-asa! Come on, uuwi na tayo sa pilipinas!”

 

 

“No. One week stay ako dito.”

 

 

“Try harder. Na-ayos ko na lahat.” Actually si Sabrina tlga ang umayos ng lahat. Hindi ko man alam kung paano niya nalaman na ganito ang mangyayare pero hell, tama lahat ng hula niya.

“Do you think kailangan ko na talaga umuwi? Mahal ko si Selena, Trixie. Ayokong sumuko pero..” 

 

“Pero kailangan. Keiden, hindi ko gustong isama ka ulit sa pinas dahil aagawin kita kay Selena. Fine. Magsama kayo. I have nothing to do with you anymore. Masyado ka ng hard to get dyan! Aba, nasasayang ganda ko sayo. Isa pa, korni yang abs mo!” Napa-ngiti nanaman ako na parang tanga. Whatever. Tska okay na yung ganito. Mag momove on na ko kay Keiden. Tama na ang pagiging tanga.

“Yabang mo. Iwan mo na nga ako. Broken hearted ako oh. Banas!”

 

 

“Hah. Asa kang iiwan kita. Bwisit talaga yung Selena na yon. Aagawin talaga kita dun! Ugh!”

 

“Kahit anong gawin mo, sa kanya lang ako. Pero sabi nga niya, wala na. Maybe it’s time. Makikisakay na lang ako sa tadhanang madaya.” Sabi niya at lumakad na. Bilang magandang babae, sumunod ako sa kanya. Uuwi na kami sa pinas. Kailangan naming mag move-on lahat. Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa braso.

Let’s go home. Mag momove-on tayo.Wala naman na siyang sinabi at lumakad na lang din. We ALL need this. We all need to let go and move-on. Hindi pwedeng stranded lang. Kailangang umandar kahit mahirap, kahit masakit.

I know ang drama ko but who cares? At least, may Drey ako. I mean, single si Keiden!

  

***

Almost 2am na rin nag take-off ang eroplanong sinasakyan namin ni Clyde. Bakas naman sa mukha niya ang dismaya at sakit pero time heals all wounds. And all we can do is to endure the pain until we get over it.

There’s no such thing as permanent. Puro pagbabago. Yun ang permanente.

Hinatid lang ako ni Keiden sa condo ko at umalis na siya. Syet! Naka-score pa ko ng isa. May kiss sa cheeks at thank you. Tsk. Sayang lang at mag momove on na ko sa kanya.

Clyde's POV

 Agad akong umuwi sa Apartment. Mag iimpake lang ako at uuwi na sa bahay talaga namin. Hindi naman pwedeng dito ako. Mas lalong hindi ako makaka-usad. Masakit tanggapin na mag momove-on na lang ako pero yun lang ang choice. Hindi ka pwedeng kumapit kung yung kinakapitan mo na ang nagsabing bumitaw ka.

*Kiss me slowly..*

  

“Hello?”

 

[Pre, si Mike ‘to. Kamusta?]

 

“Ano pa nga ba?”

  

[Pero pre, s-sinundan mo siya diba?]

 

“Oo. Baket?”

 

[W-wala. Ge pre. Punta ko dyan bukas. Pahinga ka na.] Sabi niya at binaba na ang linya. Tss.

Mike's POV

Sinundan niya si Selena. I think, I won. Agad akong tinawagan si Selena. Kahit mahal ang bayad, ayos lang yan. Kailangan kong isugal ang huling alas ko.

[Hello?]

 

“Selena! Si Mike ‘to.”

 

 [Why?]

 

“Nanalo ako tama ba?”

 

[M-mike..]

 

“I won. I knew it. Alam mo na ang gagawin. Ge. Ingat.” I said then hang up. I need to try this. Kailangan lang naming maghintay lahat. Huling alas ko na'to. Magbabakasali pa rin ako.

Matagal but maybe, just maybe, it’ll work out.

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip

Tags: