Chapter 50
MADAMI PONG CHANGE OF POV.
Crayon's POV
Tatlong linggo ng maka-alis sila Selena at Saturn. At ngayon naman, nandito na rin ako sa pinas. Hindi na rin ako bago dito dahil dito talaga ako nakatira. Nagpunta lang ako ng cali. Dahil sa mama ko at dahil na rin sa girlfriend ko.. Nagkaron siya ng brain tumor. Araw-araw ko siyang nakikitang nahihirapan. Araw-araw may pagbabago sa kanya.. Halos lagi ko siyang nakikitang nagsusuka, sumasakit ang ulo.. araw-araw yan ang nasasaksihan ko.. Mahirap, masakit kaya nga nung araw na nakita ko si Selena sa hospital, alam ko na magiging isa ako sa karakter sa buhay niya..
Alas-singko na din ng hapon. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Selena dahil hindi ko naman naitanong kung san ba ang address nila. Kaya naman isang lugar lang ang pinuntahan ko. Dito, sa apartment ni Selena at Clyde.. Na-kwento niya sakin na magkasama silang nakatira dito. Dito sa apartment na'to nagsimula ang lahat.. Malakas na sigawan ang narinig ko kaya naman dali-dali akong pumasok at hindi ko akalain na siya, sila ang makikita ko...
Clyde's POV
Nagmadali akong lumabas ng opisina at sumakay sa kotse ko. Tatlong linggo na simula nung dumating si Selena dito. Hindi pa kami nagkikita, hindi ko pa siya nakikita. Puro sa mga TV Interviews ko lang siya nakikita. Lagi niyang kasama si Saturn. Walang duda dahil sila naman.. Nakakaselos lang talaga. Tangina.
Ako dapat yun at hindi siya.
Nagda-drive lang ako papunta sa dating apartment namin ni Selena. Simula nung hindi na siya bumalik, hindi na ko dun tumira. Bumili na ko ng sarili kong condo, pero binabayaran ko pa rin ang renta sa aprtment na yon. Masyadong madaming alaala kami ni Selena dun kaya hindi ko hahayaan na may tumirang iba dun.. Halos araw-araw din akong dumadaan dun.. nagbabakasakali na makikita ko siya..
Pagkarating ko dalawang sasakyan ang nakaparada kaya naman agad akong bumaba ng kotse ko at tumakbo papasok... At hindi ako nagkakamali ng inakala.. Nandito siya, sila..
Selena's POV
“Ano Peter?! Hinayaan mong tumira yang anak mo sa isang apartment kasama ang isang lalake?!” Galit na galit na tanong ni lolo. Hindi pa rin siya nagbabago. Strikto pa rin siya sa lahat ng bagay. Nandito kami sa dating apartment namin ni Clyde. Kasama ko si Papa at Saturn. Pero hindi ko akalain na pati si Lolo mapupunta dito.. At hindi ko rin inaasahan na maririnig niya lahat ng pinag-uusapan namin..
"Selena.."
Napatingin kami agad sa isang lalaking pumasok. Si Crayon. P-pero paano siya nakarating dito? At baket din nandito siya?
“Pero Pa! matagal na yon—“ Sabi naman ni dad na agad pinutol ni lolo. Ni hindi sila nagbigay atensyon kay Crayon na lumapit sa tabi ko. Hinawakan lang ni Saturn ang kamay ko. Assuring me that he's here for me..
“Matagal na nga! Pero pumayag ka. Kinunsinte mo yang anak mo! At ano yung nalaman ko? may nangyare daw diyan at sa lalakeng kasama niya!” sigaw niya.
Agad ulit kaming napatingin sa pinto kung saan nakatayo ang isang lalake.. Yung lalakeng hindi ko nakita ng tatlong taon.. Halos mapatulala na lang ako habang nagkatitigan kami.. Ang laki ng pinagbago niya.. Mas nag matured pa lalo ang itsura niya.. Isa na siyang CEO. Bakas naman sa kanya ang awtoridad. Walang duda.
"Ikaw! Ikaw ba yung lalakeng kasama nitong apo ko?!" Galit na sigaw ni Lolo kay Clyde.. Hindi ko alam kung baket napako na lang ang mga mata ko sa kanya.. Hindi ko alam kung baket nararamdaman ko to.. Kakaiba..
“Lolo..” Pag pigil ko kay lolo na akmang lalapitan si Clyde. Tatlong taon na ang nakalipas kaya gusto ko ng ibaon sa limot ang lahat.. Sawa na ko sa ganito. Sawa na ko sa away, sa iyakan, sawa na ko sa lahat..
“Wag kang maki-alam ditong bata ka!” Singhal niya sakin.. Bakas sa mukha at boses niya ang sobrang galit. Sino nga bang hindi? Tumira lang naman ang apo niya sa isang bahay kasama ang isang lalake..
Lalakeng minahal ko..
Pero ayoko na. Sawang-sawa na ko sa puro iyak na lang.. Malaki na ko at hindi ako papayag na kontrolin na lang niya ko.. Ginawa na sakin ni mommy 'to. Hindi na ulit ako papayag na sigaw-sigawan na lang..
“Lolo naman! Wala ka naman kasing alam sa mga nangyayare. Wala kang alam, Lo! Wala! Kaya pwede ba lo? let's forget all this..” Sigaw ko sa kanya habang mabilis akong tumakbo palabas at iniwan silang lahat na gulat sa loob.
Hindi ko alam kung san ako pupunta.. Madilim na din at tanging mga bituin na lang ang nagsisilbing liwanag. Huminto lang ako sa kakalad ng naramdaman ko yung sakit ng mga paa ko.. nahihirapan din akong huminga.
Pero mas nahihirapan ako sa nararamdaman ko..
Saturn's POV
“Lolo naman! Wala ka naman kasing alam sa mga nangyayare. Wala kang alam, Lo! Wala! Kaya pwede ba lo? let's forget all this..” Kitang-kita ko sa mukha ni Selena yung galit at sakit.
Agad-agad naman siyang tumakbo palabas. Nagkatinginan lang kami ni Clyde at ni Crayon bago ako tumakbo palabas..
Palabas para sundan yung babaeng mahal ko..
Hindi ko alam kung san ko siya hahanapin. Hanggang natanaw ko siya na nakasandal sa isang malaking poste. Kahit na madami akong kinatatakutan sa relasyon namin, hindi pa rin ako susuko. Hindi ko siya isusuko hangga’t hindi niya sinasabi.. At hanggang hindi niya sinasabi ang tatlong salita ulit sa kanya..
Hahawakan ko lang siya kahit gaano katagal kasi mahal ko siya..
Natatanaw ko lang siya na halatang umiiyak pa din..
Hanggang sa naka-kita ako ng..
Puting ilaw..
Clyde's POV
Pagkatakbo ni Saturn, tumakbo na rin ako palabas. Palabas para hanapin at sundan yung babaeng hanggang ngayon mahal ko pa rin.. at habang buhay kong mamahalin.. hindi ko alam kung san ko siya hahanapin.. takbo lang ako ng takbo hanggang sa nakita ko si Saturn.. napatingin ako sa direksyon na tinitignan niya..
At dun nakita ko siya.. Yung babaeng hinintay ko ng matagal.. Yung babaeng mahal na mahal ko at mas mamahalin ko pa lalo.. ang dami naming pinagdaanan. Ang daming humadlang samin.. Masakit man na sila na ni Saturn pero hindi ako susuko. AKIN SI SELENA.. Akin siya..
Nakatingin lang ako sa kanya..
Hanggang sa..
May isang puting ilaw..
Crayon's POV
“Lolo naman! Wala ka naman kasing alam sa mga nangyayare. Wala kang alam, Lo! Wala! Kaya pwede ba lo? Let's forget all this..” Halos lahat kami nagulat sa sinabi ni Selena.. Alam ko, alam kong nasasaktan na siya. At hindi ko akalain na ganito pa ang masasaksihan ko..
Sa tagal na nakasama ko siya, halos nakilala ko na rin siya ng lubusan. Tumakbo naman siya agad at lumabas ng bahay..
“May mawawala po ba kung pinakinggan niyo muna siya? may nagawa po ba na maganda yung pag sumbat niyo ng mga bagay na nangyare na sa nakaraan? Wala naman pong nagbago diba? Pinairal niyo lang po ang galit..” sabi ko at mabilis na lumabas na rin..
Ang dilim na sa dito sa labas.. tipong bituin na lang ang nagmimistulang gabay.. hindi ko alam kung san ako tatakbo.. lalakad para makita si Selena..
Yung babaeng patago kong minahal.. Hindi ako naglakas loob na aminin at sabihin sa kanya yung nararamdaman ko, alam ko kasing walang magbabago.. Mahal pa niya si Clyde pero naguguluhan siya.. Hindi man niya sabihin pero alam ko na hindi nagbago yung pagtingin niya kay clyde.. MAS nadagdagan lang lalo.. Kaya mananatili akong pipi sa nararamadaman ko sa kanya.. Tumakbo lang ako hanggang sa natanaw ko na siya.. Kasabay ng isang..
Puting ilaw..
Selena's POV
Hindi ko na alam kung san ako pupunta. Tipong parang ang bigat ng mga paa ko sa bawat hakbang na gagawin ko. Lalakad na sana ako palayo ng makita ko si Saturn.. pero natanaw ko rin si Clyde at Crayon.. gusto kong tumakbo dahil alam kong lalapitan nila ko.. pero hindi ko nagawa ng dahil sa..
Isang puti na ilaw..
Clyde's POV
Naka-yuko lang siya habang patuloy sa pag iyak.. Ayoko siyang nakikitang nagkakaganyan.. Kasi pati ako nahihirapan..
“Selena..” tawag ko sa kanya. Agad naman siyang napatingin sakin at kitang-kita sa mga mata niya yung sakit.. Na nahihirapan siya.. Nilapitan ko agad siya at tinitigan sa mata.. may gusto lang akong malaman.. malaman kung susuko na nga ba ko o hindi. Lumapit pa lalo ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat niya..
“Mahal mo pa ba ko?"
Selena's POV
Napayuko na lang ako habang patuloy pa rin akong umiiyak. Umiiyak dahil sa sabay-sabay na bagsak ng problema sakin..
Hanggang kailan ba magiging komplikado ang lahat? Hanggang kailan ba may iiyak at may masasaktan? Matatapos pa ba’to? O habang buhay na may masasaktan na lang?
“Selena..” agad akong napa-angat ng ulo ng marinig ko yung boses niya.. boses ng lalakeng minahal ko.. at alam kong nasaktan ko..
“Clyde..” sabi ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Hindi ko magawang tumingin sa kanya habang lumapit siya sakin at hinawakan ako sa magka-bilang balikat ko.. kusa naman akong napatingin sa mga mata niya..
“Mahal mo pa ba ko?” Diretso niyang tanong.. huminga ako ng malalim at hinawakan siya sa dalawang kamay niya..
“I love you..”
Kitang-kita sa mga mata niya yung pagkawala ng takot niya.. Yung tuwa sa mga mata niya na biglang nagningning.. Alam kong madami akong masasaktan sa tatlong salita na binitawan ko.. Agad na dumampi ang mga labi ni clyde sa mga labi ko.. Kasabay din ng pagpatak ng mga luha ko ang..
Isang puti na ilaw.. Puting ilaw na nanggagaling sa matulin na sasakyan.A car with a fast speed..
A screeching sound of a fast car..
Tila parang isang slow motion na bumangga yun kay..
“SATUUUUUUUUUUURN!”
Hindi ako makagalaw.. nagmistulang para akong isang istatwa na napako sa kinatatayuan ko..
Si Saturn.. Si Saturn.. Biglang pumasok sa utak ko yung mga alaala namin, kung paano nging komplikado lahat..
“Siguro nga siya yung mahal mo pero hindi ako susuko.”
“Saturn..”
“Just give me a chance, Pae.. just please, give me a chance..”
“P-pero..”
“Handa akong gawin lahat. Kahit rebound pae.. kahit rebound.. please..”
“Happy 5th monthsary to us, babe! I love you..”
“Masyado mo kong mahal noh?”
“Oo pae. Na baka dumating sa punto na ikamatay ko pag sinabi mo yung tatlong salita sa iba.. sa kanya..”
“Oo pae. Na baka dumating sa punto na ikamatay ko pag sinabi mo yung tatlong salita sa iba.. sa kanya..”
“Oo pae. Na baka dumating sa punto na ikamatay ko pag sinabi mo yung tatlong salita sa iba.. sa kanya..”
“Oo pae. Na baka dumating sa punto na ikamatay ko pag sinabi mo yung tatlong salita sa iba.. sa kanya..”
Saturn..
Saturn.. I’m sorry..
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip