Epilogue

 

Mike's POV

Tatlong taon nanaman ang lumipas. Tatlong taon ang nagdaan. At eto kami magsasabi ng huling paalam. Sa loob ng tatlong taon, mas lalong ginawang komplikado ang buhay namin. Mas madaming gulo ang dumating pero lahat ng yun, nalampasan namin. Nalampasan ng barkada namin.

Ngayon, masasabi kong masaya na kaming lahat, pati siya.. Nananatili pa ring buo ang barkada kahit wala na siya.. Pero masasabi kong nanalo ako sa ginawang "Deal" namin ni Selena. Nanalo ako..

FLASHBACK..

"Sige Mike, una na ko.." Paalam ni Selena na kanina pa nandito sa condo ko. Isa ako sa may alam ng plano niya. Plano niyang pag-alis, pag-iwan kay Clyde, at plano niyang pagpapanggap na hindi na niya mahal si Clyde. Pero pumalya siya dahil hindi niya napanindigan..

"Sandali lang." Agad kong sigaw sa kanya pagka-labas niya. Dali-dali naman akong lumapit sa kanya kahit na naka boxer lang ako.

"Baket?"

"Papayag ako sa plano but let's have a deal."

"What kind of deal?" 

"Deal na hindi mo mapapanindigan lahat ng sinasabi mo at sigurado akong babalik ka dito.." Sabi ko sa kanya at isang nakakalokong ngiti ang pumorma sa mga labi ko.

"Wag kang paka-sigurado Mike--"

"Let's have a wager then. Pag sinundan ka ni Clyde sa Cali. uuwi ka dito at makikipagbalikan ka sa kanya. Pero pag hindi ka niya sinundan, fine. Ako na mismo ang maglalayo kay Clyde sayo.."

"Walang kwenta---"

"A go or a no?" 

"Fine. Deal." Sabi niya at lumakad na palayo. Pumasok na rin ako. Kahit papaano, magiging interesting at thrilling ang buhay ko ngayon..

END OF FLASHBACK..

Alam kong nanalo ako pero sinira ni Selena ang lahat. Sinundan nga siya ni Clyde kaya sigurado akong nanalo ako kaya isa lang ang ibig sabihin nun, kailangan niyang umuwi dito sa pinas.. Pero nasira lahat dahil umuwi nga siya pero may isang nangyareng mali..

Sila na ni Saturn..

Alam kong hindi pa ko talo kahit naging sila. Dahil yun sa nangyare tatlong linggo makalipas ang pagdating nila dito..

Nawala siya kaya naman, panalo talaga ako.

Parker's POV

"Kriella, lumayas ka nga dito. Aish!" 

"Eh yung nakakabwisit ka na ah! Date na kasi tayo!"

"Busy ako. Hindi mo ba nakikita?" Sabi ko sabay tulak sa kanya palayo sakin. Tatlong taon nanaman ang nakalipas pero hindi pa rin siya nagbabago. Clingy pa rin. 

"Kriella, pwede ba? Lumayas ka na dito."

"Shuttup. 3 years had passed pero ganyan ka pa rin? What's with you? Ugh! Bahala ka sa buhay mo. Letche!" Dire-diretso niyang sabi at umalis na. Wala naman akong balak sundan siya.. Tss.

Wala pa ring nagbabago. Pwera na lang yung wala na siya.. Lahat kami nanglumo, umiyak, nasaktan nung nawala siya pero wala naman kaming magagawa. Yun ang nakatadhana. Sabi ko nga dati..

May mawawala..

Trixie's POV

"Kelan daw ba? Ngayon na daw ba talaga? Shet naman yung mag-asawa na yun!" Asar na singhal ni Sabrina. May magagawa ba kami eh bipolar ata yung mag-asawa. Kaasar.

"Wag ka ng maarte. Ganun talaga pag bipolar. Pero peste talaga yung dalawa na yun." Segunda ko naman. Nandito kami sa condo ko at namomroblema dahil dun sa mag-asawang bipolar. Gaaash!

"Ikr? Nasan ba kasi yung future husband mo? Takte naman Trixie." Sht. Nangingilabot pa din ang buong kagandahan ko pag naaalala kong malapit na kong ikasal. I know it's not sudden pero hindi pa ko prepared. Gosh!

"Malay ko dun. Oh ano ba sabi nung mag-asawa?"

"Wag na daw natin sila sunduin. Like duuuh. Ang aarte nila surprise daw pero sinabi satin." 

"Hayaan mo na. Tawagan mo na lang yang boyfriend mo at sabihin mong pumunta sila dito. Then itetext ko yung mag-asawa na dito na lang dumiretso. Catch?" Sabi ko at tumayo na para tawagan yung bipolar na mag-asawa. Bwisit talaga.

"Oy teka nga pala. Kasama ba nilang uuwi yung kambal nila?" Tanong ko kay Sabrina na kausap sa phone ang boyfriend niya. 

"I dunno. But, i hope so. I'm excited to meet the twins." 

Kriella's POV

*Your love is my drug.. ♪♪*

"Oh?"

[Spare me sa pagka-BV mo Kriella. Punta ka dito sa condo ni Trix."

"Why?"

[A surprise. Hurry up!] Sabrina said then hang up. How dare she. Tss. At ano nanaman kayang surprise yun? She should be sure it's worth the run. Dahil kung hindi, ipapa-massacre ko siya. Bwisit kasing Parker yan. Binadtrip nanaman ako. Napaka-pakipot. 

Can you imagine it? 3 years had passed but he's still grumpy, distant and cold. Wala pa ring progress samin. LIKE WTF! Epilogue na oh. Gaaaaah!! Sumakay na ko sa diablo ko at pumunta sa condo ni Trixie. I didn't imagine i could be friends with that bitch. Really. I remembered seeing her trapped at my school's rooftop. That's so funny. But look now, things changed a lot. 

But i'm still the old Kriella. The naughty, sexy, bitchy me.

Selena's POV

"Kausapin mo nga 'tong si Trixie! Nakaka-asar. Sabing wag ng tumawag eh!"

"Chill lang, baby. Ako na bahala dyan. Itetext ko na lang. Kamusta pakiramdam mo?"

"Hilo pa rin ako sa byahe."

"Kiss kita." Sabi niya at akmang lalapit sakin kaya naman mabilis akong umalis sa harap niya. 3 years na ang nakalipas pero ang manyak pa rin ng lalakeng 'to. Tss.

"Pakipot nito!" Sabi pa niya at umupo sa waiting area dito sa lobby ng condo place ni Trixie. 

"Pervert ka lang talaga. Pwede ba, tara na. pumunta na tayo sa condo unit ni Trix ng mahampas ko na yung pusit na yun. Bwisit eh." Don't get me wrong but okay na kami ni Trix. Pero hindi na rin siguro maaalis yung asaran at pagtatarayan namin sa isa't-isa. Like seriously, 24 years old na kami. We're not kids anymore but we still fight over petty things. Yak lang talaga. At hindi ko rin ma-imagine na ikakasal na din siya. Oo ikakasal na sila ni Drey. Proud na proud ang loko. Haha. Si Sabrina naman sila pa rin ni Mike. Si Parker? Ayun hard to get pa din. I remember him saying,

"I'm not playing hard to get, Selena. I'm playing i don't like her. Tss." See? Dinaig pa niya ang babae. Hahaha. Si Yael, kasal na din sila ng girlfriend niya. Si Jeff, ayun single. Wala ng pagbabago yun. Hahaha. And to sum it all up, 1 year na kaming kasal ni perv. I know, I know, madaming mainggit. Like I care. Suck it up. Kami pa rin talaga hanggang huli. Siya at siya pa rin..

Hindi ko talaga lubos maisip na nandito na ulit ako sa pinas. Nandito na ulit kami. Ang saya lang sa pakiramdam pero may kulang pa din talaga..

  

Nawala siya..

Iniwan niya ko, kami.. Pero kahit ganun, masaya ako dahil masaya siyang nawala para samin..

Oo nawala si Saturn..

Si Saturn yung nawala..

Nawala siya dahil pinili niyang lumayo samin.. Oo hindi namatay si Saturn. Isang malaking pasasalamat namin na hindi siya namatay.. Alam kong nasaktan ko siya pero wala akong magagawa dahil sa huli, puso ko pa rin ang nasunod..  Nawala siya dahil pagkalabas niya ng ospital, nag desisyon siya na umalis ng bansa. Alam kong masakit sa kanya yung ginawa ko kaya naman nirerespeto ko, naming lahat yung naging desisyon niya. Ang mahalaga, ligtas at ayos siya.. Hanggang ngayon, wala na kaming kahit anong komunikasyon sa kanya. Ang pagkakamali ko lang siguro yung, minahal ko siya pero hindi kasing sapat ng pagmamahal ko kay Clyde..

"Iniisip mo nanaman siya no?" Tanong ni Clyde sakin habang yakap yakap ako. Alam kasi niyang kahit tatlong taon nanaman ang nakalipas, hirap pa rin ako sa pag co-cope up sa nangare 3 years ago..

"Hindi ko maiwasan.."

"I know, I know. Wag mo na lang masyadong isipin. Wala kang kasalanan. Let's just respect his decision. Okay?" Tumango lang ako at isang halik ang binigay niya sakin. Sabi na eh. Manyak talaga. Tss.

"Come. Hinihintay na tayo ng barkada." Huminga ako ng malalim at ngumiti. Panibagong araw nanaman 'to.. At ngayon masasabi ko na talagang...

We're back. For good.

Clyde and I are back. Back here in the Philippines where we left 3 years ago.

Whole lot of years that’s full of ups and down

Whole lot of years full of bad and happy memories

Whole lot of years full of heartaches and bliss.

But we’re now finally back.

Back with a smile and laughter in our faces

Back with full love to each other

Back with a braver and stronger US.

Umalis kaming dalawa dito. Pero ngayon, bumabalik kami na hindi na lang kaming dalawa. Not just the both of us now, but with our two little angels,

“Vanus Kline and Viella Paige Samaniego-Sarossa” our twins.

-END-

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip

Tags: