12-28-19
Hello po, gusto ko lang ishare yung experience ko nung concert ng SB19 sa Cuneta Astrodome! Worth it lahat ng pagod at gutom saka kakahintay para makita lang sila tas umuwi pa ako ng busog at may baong aalala sa kaganapan noon.
Gusto kong magpasalamat sa SB19 dahil pinaALAB nila yung mga puso natin at pinaTILA yung mga LUHA natin nung sinabi nilang WAG MO NANG IKUNOT ANG IYONG ULO dahil together, we will GO UP as one! Mamahalin talaga natin sila HANGGANG SA HULI!
Thank you din Tatang Robin, Ms. Hong, ShowBT staffs dahil tinulungan niyo sila! Mahal na mahal namin kayo whoootttt!
Flex ko lang yung mga nabili ko nung concert tas yung isang nagbigay sakin ng banner, thank you ate! Hindi naman sa naasa ako pero sana marami pa kong makuhang freebies, charotism! Hindi ako nakabili ng light sticks kasi naubusan kami agad :( kaya yung banner ko nalang XD
Flex ko rin yung mga nakuha kong freebies nung nagkaroon sila ng mall show sa Starmall Alabang! Salamat sa mga nagbigay, mahal na mahal ko kayo!
Ikaw? Ano ang kwentong SB19 concerts/mall shows mo? Kwentuhan tayo mga kapatid! Wag kayong mahiya, pamilya tayo dito!
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip