Maligayang Kaarawan, Ken!

A/N: HAPPY BIRTHDAY CHIKEN! GBUA & MBTC! MAHAL NA MAHAL KA NAMIN AT SANA MASARAP YUNG MANOK NA HANDA MO! SANA LAGI KANG MASAYA BECAUSE YOU DESERVE ALL OF THE HAPPINESS IN THIS WORLD. AISHITERU, MY BOY KEN :)

P.S. HINDI PO AKO YUNG MAY-ARI NG MGA PICTURES AT VIDEOS NA GINAMIT KO, CREDITS TO THEIR RESPECTIVE OWNERS! YUNG MISMONG PLOT LANG TALAGA YUNG SAKIN. HAVE FUN!!!

-

1/12/20
At Maui Apartment For Rent, Muntinlupa, Metro Manila

Gumising ka ng maaga para ihanda yung ireregalo mo kay birthday boy na walang iba kundi ang best friend mong si Felip Jhon Dumpit Suson. Mamayang gabi mo pa siya makakasama dahil marami silang agenda ngayong linggo at sobrang busy pa nila. Pinapanood mo yung SB19 ngayon sa I Want Asap at nagpeperform sila ng ilang mga kanta nila, napansin mo din na andaming mga A'tins ang dumagsa sa mismong venue para suportahan sila. Natuwa ka rin sa mga nabasa mong birthday greetings para sakanya sa social media at sobrang proud ka dahil anlayo ng narating niya sa buhay saka unti-unti niya nang natutupad yung mga pangarap niya.

Matagal mo nang kakilala si Ken, magkaklase kasi kayong dalawa nung high school sa probinsya ninyo sa Zamboanga at bigla mong naalala kung gaano siya katamad gumawa ng mga assignments at projects noon, parati nga siyang kumokopya sayo eh pero lagapak padin. May katamarang taglay si Ken pero matalino naman talaga siya, sadyang batugan lang.

Sobrang talented nga din niya eh, varsity siya sa basketball, volleyball, saka sepak takraw. Nanalo din siya ng regional competition sa table tennis tapos nadiskubre niya yung passion niya sa pagsayaw dahil kailangan ninyo  sumayaw noon sa P.E. para sa grade tapos nagturo rin siya ng choreography sa klase. Self-taught din siya sa pagtugtog ng gitara at magaling kumanta tas ang gwapo pa niya. Sa totoo lang, nasakanya na nga lahat eh tas maraming babae rin ang nagkakagusto sakanya bago pa siya maging miyembro ng SB19 na konti-konting sumisikat na ngayon. Syempre, isa ka nadin sa mga nagkakagusto sakanya.

Sampung taon ka na ngang may gusto sakanya eh pero wala siyang kaalam-alam sa mga nararamdaman mo dahil hindi mo kayang umamin sakanya, kaibigan lang kasi yung tingin niya sayo at natatakot ka na baka masira yung samahan ninyong dalawa kaya tinago mo nalang. Nagseselos ka nga parati sa tuwing may panibago siyang jowa pero wala rin nagtagal at nauwi rin sa break-up. Sapat na sayo na hanggang kaibigan lang kayo para wala ka nang ibang aalalahin pa.

Nagdiriwang siya ng ika-23th niyang kaarawan sa I Want Asap at sobrang saya niya dahil maraming tao ang bumati sakanya. Naalala mo pa nga noon na hindi siya nagkakaroon ng cake at ang tanging handa niya lang nung birthday niya ay pancit canton tas kasama yung ate niya. Sobrang daming A'tins ang nagmamahal sakanya yung tipong may fan gathering pa yung iba para ipagdiriwang yung kaarawan niya. Ang sweet talaga ng fandom na 'to, nakakataba ng puso yung ginagawa nila. Sayang hindi ka man lang nakapunta ni-isang event dahil busy ka sa trabaho mo.

Nung natapos na yung programa, dumiretso ka ng banyo para maligo at kumain ng tanghalian pagkatapos. Balak mong dumaan ng National Bookstore para bumili ng mga birthday decorations tas ng cake sa Red Ribbon. Hindi mo nga alam bat mo pa siya bibilhan eh ang dami niya na ngang natanggap na cake, pero wala lang, gusto mo lang talaga siyang bigyan.

-

4:38 P.M.

Kakatapos mo lang mamili at pauwi ka na nung biglang dumilim yung kalangitan tas umuulan ng abo. Sa tuwing nalalanghap mo yung simoy ng hangin, napapaubo ka nalang bigla at nangangati yung balat mo.

Ang gara naman ng bungad ng 2020, una yung balitang tungkol sa Australia bushes fire, tapos pagkakaroon ng World War 3 sa pagitan ng US at Iran, mayroon pa ngang matinding pagbaha sa Indonesia, paglindol sa Puerto Rico at Iran, pagbuga ng bulkan sa Alaska at Guatemala pati nadin dito sa Taal Volcano sa tagaytay ng Pilipinas. Napakarami din ng mga batong maliliit na nanggaling sa ulap, para bang may pinapahiwatig ng masamang senyales ang kalikasan natin na unti-unting nawawasak.

Lumalala yung sitwasyon natin nung sumabog yung bulkan, kumikidlat pa nga kanina eh habang namimili ka sa SM ng mga kailangan mo. Naglagay ka ng mask para maiwasan yung paglanghap ng maduming hangin. Yung ibang mga sasakyan halos balutin na ng abo at panigurado pahirapan sa paglinis ng kapaligaran.

Balak mo nang umuwi agad pagkatapos mong mamili, buti nalang wala kang nakasampay na damit sa labas ng bahay ninyo kundi sayang yung paglalaba mo kung madudumihan lang agad nang hindi mo pa naisusuot. Pumara ka ng dyip at pagkasakay mo biglang tumunog yung celpon mo tas nalaman mong may nagchat pala sayo.

"Manong sa tabi lang, para po!" Senyales mo sa driver at pumarada na siya sa tabi ng kalsada at bumama ka na agad. Naglakad ka patungo sa apartment mo tas kinuhaan mo ng litrato yung view ng kalawakan bago pumasok sa loob. Nilapag mo yung mga dalahin mo sa lamesa at nagtungo sa may sala para magpahinga. Grabe, sobrang nakakapagod magbuhat ng mabigat. Agad mong nireplayan yung lalaking kausap mo kanina.

Ewan, ang gulo kausap minsan ni Ken. Hindi mo alam kung ano nga ba tumatakbo sa utak niya. Sinimulan mo nang ayusin yung sala para sorpresahin yung best friend mo at nagluto ka rin ng maraming pritong mga manok dahil paborito niya ito. Nagsimula na yung Facebook Live nila habang patuloy ka padin nag-aayos, multitasking is life talaga. Halos umabot den ng isang oras yung kwentuhan nila at medyo naiyak ka sa mensahe galing sa SB19 at kay Ken mismo. Sobrang proud na proud ka talaga sakanila.

Nung natapos ka mag-ayos, humilata ka sa may sopa at tinitigan mo lamang yung orasan sa pader. Pinagdadasal mo na sana masaya si Ken dahil sobrang deserve niya yun pati nadin sina Sejun, Josh, Stell at Justin.

"Ang bagal naman ng oras... Gusto na talaga kita makita." Bulong mo sa sarili mo habang pinagmamasdan mo orasan at 7:30 palang ng gabi, halos kakatapos lang ng Facebook Live nila. "Sana bumilis ng onti yung oras kahit ngayon lang..."

Hindi mo namalayan na nakatulog ka na pala ng mahimbing sa sala.

-

11:38 P.M.

Bigla kang nagising at halos mag aalas-dose na ng gabi tas wala padin si Ken. Baka nagbago na yung isip niya kaya hindi na lang siya tumuloy. Ililigpit mo na sana yung mga hinanda mong mga pagkain para sakanya nung napansin mong nailaw yung screen ng celpon mo. Nagulat ka nung andami niya palang chat sayo sa messenger.

OMG. Marunong pala magdrama ang isang Felip Jhon Suson a.k.a Ken! Andami niyang sinasabi eh nakatulog ka lang naman. Rereplayan mo na dapat siya nung narinig mong may pumindot ng doorbell tas agad mo binuksan yung pinto para malaman kung sino yung taong nasa labas.

"(Y/N), galit ka ba sakin?" Balak mo dapat siyang batiin ngunit inunahan ka na niya agad sa pagbomba ng mga katanungan sayo. "Bakit hindi ka nagrereply? Anong ginagawa mo kanina?"

"Nakatulog kasi ako, sorry na." Natawa ka nalamang sa mga pinagsasabi niya. "Wala ka namang ginawang masama sakin eh, hindi ako galit sayo. Pakiradam ko nga na parang hindi ikaw yung kausap ko kanina." Pinagbuksan mo siya ng pinto. "Pumasok ka na, kita mong umaambon ng abo sa labas eh."

Pagkapasok niya sa loob, napansin mong balot ng buhangin yung damit na suot niya. "Maligo ka muna, manganggati ka nan."

"Wala akong dalang pamalit." Sagot niya.

"Parang hindi ka nakikitulog dito ah. May mga naiwan kang mga damit mo dito, gamitin mo nalang yun." Sa tuwing nagiimpake, hindi siya umaalis ng walang nakakalimutan kaya marami siyang gamit na nakaimbak sa apartment mo.

"Sige, salamat. Lalabhan ko nalang yung damit ko pagkatapos."

"Kahit ako na, uso naman gumamit ng washing machine eh." Naalala mo dati na kung saan-saan niya hinahalibas yung mga damit niya tas nakakalat lang sa sahig, pero nagbago na siya ngayon tas sobrang sinop niya na sa mga gamit niya.

Inabot niya sayo yung hinubad niyang mga damit at nilagay mo agad sa loob ng washing machine habang naliligo siya.

"(Y/N)!" Narinig mo yung boses niyang galing sa loob ng banyo. "Ubos na yung shampoo mo!"

"Ah, teka kuhaan lang kita." Umakyat ka sa kwarto mo para kumuha ng isang sachet ng shampoo pati nadin ng conditioner tas dumiretso ng banyo. "Okay lang ba sayo yung Palmolive at Cream Silk?"

Binuksan niya yung pintuan. "Oo, kahit ano." Inabot mo sakanya yung dalawang sachet tas amoy na amoy yung sabon mong ginagamit niya sa katawan. "Magkakakuliti ka nan, ta'mo."

Biglang uminit yung pisngi mo. "Grabe! Hindi ako naninilip!" Isarara mo na dapat yung pinto nung pinigilan ka niya.

"Bat defensive ka? Wala naman akong sinasabi ah." Ngumisi siya ng nakakalokong ngiti habang pinagmamasdan ka ng maigi.

"Ewan ko sayo, buang ka talaga!" Kinaladkad mo yung mga paa mo paalis at mabilisang nagtungo sa kusina.

Bwiset ka, Felip Jhon!!!

Pilit mong kinakalimutan yung nangyari kanina habang pinapakalma mo yung sarili mo. Biglang tumunog yung celpon mo tas sinagot mo naman agad yung tawag galing sa isang katrabaho mo.

"Good evening, Mr. Santos, napatawag po kayo."

"Good evening din Ms. (L/N), tapos na po ba kayo sa blueprint? Kinukulit na kasi ako nung boss natin, need na daw niya makita yung sketches."

"Oo, tapos ko na. Send ko nalang sayo sa email." Agad kang umakyat sa taas at pumasok sa kwarto mo para kunin yung laptop. "Wait lang po sir, pakisabi kay boss na isesend ko na kamo." Nakapatong yung celpon mo sa balikat mo habang binubuksan yung laptop.

"Ah... Regarding about that matter, busy ka ba ngayon? Pwede ba tayo magkita sa isang coffee shop para pag-usapan yung presentation natin bukas?"

"Um... Hindi talaga ako busy, pero may bisita kasi ako ngayon sa bahay eh..." Binuksan mo agad yung file na isesend mo para idouble check lang saglit bago ipasa. "Saka it's already late eh, pwede naman natin pag-usapan sa phone ah?"

Kinuha mo yung USB mo sa bag tas sinaksak sa laptop. "Wait lang po ah, hinahanap ko pa yung isang file." Nagulat ka nung may lumabas na notification sa laptop. "Shucks, corrupted yung USB ko!"

Omg. Nakakaistress naman tong trabaho ko. Ang hirap maging architect! Lagot ka kapag may nawala kang file.

"Teka may copy ata ako sa hard drive ko." Nilapag mo yung celpon mo sa lamesa tas niloud speaker nalang yung tawag at mabilisan mong kinuha yung hard drive sa loob ng bag mo. Sinaksak mo yung cord tas madaliang hinahanap yung powerpoint presentation ninyo.

"Hindi ka ba talaga pwede ngayon? May gusto rin kasi akong sabihin eh."

"Tungkol saan ba 'yan? Pwede mo naman sabihin sakin ngayon eh, about sa work ba?"

"..."

Nagtaka ka kung bakit wala siya imik, hindi rin nagtagal naipasa mo na rin yung file sa gmail niya pagkatapos mo irevise yung ibang parts ng structure.

"Hello? Mr. Santos?" Nilogout mo na yung account mo tas pinatay yung laptop mo. "Naisend ko na yung files sa gmail mo, pakisend nalang kay boss."

"Ah... Oo, sige salamat."

"Okay ka lang po ba? Ba't parang matamlay ka?" Binalik mo yung laptop mo sa lalagyan ng case. "May poblema ka ba? Pwede naman natin pag-usapan kung gusto mo."

"Hindi, wala akong poblema, salamat sa pag-aalala Ms. (L/N)."

"Sigurado ka?"

"Oo, siguradong-sigurado." Narinig mo siyang ngumisi sa kabilang linya. "May ginagawa lang ako kanina kaya hindi ako naiimik..."

"Ganun ba? Ano nga pala yung gusto mo sabihin sakin?"

"Hindi ba't may bisita ka pa dyan? Ipagpatuloy nalang natin yung usapan natin sa susunod na araw... Baka kasi nakakaabala na ko sayo eh."

"Ano ka ba? Hindi ka nakakaabala sakin. Saka naliligo pa naman yung bisita ko eh, kanina pa nga siya nasa banyo at hanggang ngayon hindi parin nalabas."

"Baka may ritwal siyang ginagawa."

"Buang ka talaga, Mr. Santos." Nagtawanan nalang kayong dalawa at kinuha mo yung ireregalo mo kay Ken sa ilalim ng kama tas bumaba ka na ng hagdan para magtungo sa may sala.

"Nasabi ko na ba sa'yo kung gaano ka kaganda, Ms. (L/N)?"

"Hay nako, wala akong pera Mr. Santos, wag mo nga kong bolahin." Dinaan mo na lamang sa tawa yung pagbanat niya.

"Seryoso ako! Andami sigurong mga lalaking nanliligaw sayo, hindi na ko magtataka kung may kasintahan ka."

"Wala nga ko makita eh." Hindi mo alam kung dapat ka bang kiligin o malungkot dahil sa buong buhay mo wala ka pang nagiging boyfriend kahit isa.

"Weh?"

"Oo nga, hindi mo ba alam na NBSB ako? Wala rin umaakyat sakin ng ligaw noh."

"Talaga ba?"

"Bat parang ayaw mo maniwala? Legit, wala nga. Teka, bat ba tayo napadpad sa ganitong usapan? Ano ba yung sasabihin mo?"

"Hmm... Hindi ko alam kung sasabihin ko pa sayo eh..."

"Luh? Ano nga kasi, nacucurious ako. Paurong-sulong naman tong si Mr. Santos." Napansin mong lumamig na yung mga prinito manok na niluto mo kanina kaya pinainit mo muna para mapasarap yung pagkain ni birthday boy.

"Bat ba last name tawagan natin sa isa't isa? Ang weird pakinggan. Kenneth na lang kaya itawag mo sakin?"

Nilapag mo yung celpon mo sa may lamesa tas niloud speaker ulit habang hinihintay uminit yung manok.

"Nakasanayan lang natin sa trabaho na last name yung tawagan." Ewan mo ba pero parang biglang gumaan yung pakiramdam mo habang kinakausap yung kasamahan mo sa trabaho. "Sige, kahit (Y/N) nalang din tawag mo sakin."

"Aww, hindi ba pwedeng baby nalang?"

"Baby diba kanta 'yon ni Justin Bieber? Baby, baby, baby oh~" Narinig mo siyang tumawa kahit sobrang corny nung joke mo. "Trip mo ata ako noh?"

"Pag sinabi ko bang oo, may magbabago ba?"

"Hala siya, hindi mabiro. Joke lang naman eh."

"Eh hindi naman ako nagjojoke ah? Trip nga kita."

"Nako, Kenneth, hindi ko alam kung anong espiritu ang sumapit sayo pero lakas ng trip mo ngayon ah?"

*Ding*

Nagsuot ka muna ng gloves bago kunin yung tray ng manok sa oven. "Hello? Buhay ka pa ba?" Ayan nanaman siya, nanahimik nalang bigla. Nilagay mo yung celpon mo sa loob ng bulsa ng shorts mo tas nagtungo sa may sala at nilapag yung tray sa lamesa. Bumalik ka sa may kusina tas hinubad yung gloves at nilabas mo na yung mga deserts na nakaimbak sa loob ng ref pati nadin yung mga plato, baso, tas kutsara't tinidor. Nung naayos mo na lahat, linabas mo ulit yung celpon tas papatayin mo na dapat yung tawag nung biglang nagsalita yung lalaking kausap mo sa kabilang linya.

"Alam mo bang matagal na kong may gusto sayo, (Y/N). Pwede ba kong umakyat ng ligaw at patunayan na totoo talaga yung nararamdaman ko?"

"H-Ha?" Nagulat ka nung biglang siyang umamin. "Seryoso ka ba talaga sa mga pinagsasabi mo?"

"...Oo, nahihiya nga ko sabihin sayo eh kasi alam kong wala ka namang gusto sakin..."

Hindi mo inaasahan na may nagkakagusto pala sayo, akalain mo yun! Aaminin mong dumating ka din sa punto na nagkagusto ka din sakanya pero nagbago na kasi yung nararamdaman mo. Ayaw mo naman siyang paasahin kaso hindi mo alam kung ano bang pwedeng sabihin sakanya na hindi siya masasaktan.

"Ken—"

Nagulat ka nung may biglang yumakap sa likod mo tas amoy na amoy mo yung ginamit niyang sabon at shampoo. Naramdaman mong may pumatak sa balikat mo at napansin mo na basa pa yung buhok niya.

"Bakit baby?"

Ramdam mo yung mainit niyang hininga na tumatama sa leeg mo, hindi mo rin napansin na tapos na pala siyang maligo at nakalabas na sa banyo.

"Sino yung kausap mo baby ko?"

SHET?!

Akala mo nung una naghahalucinate ka lang nung tinawag ka niyang baby pero nakumpirma mo nung inulit niya. Biglang nag-init yung pisngi mo at hindi mo pinahalata sakanya na kinikilig ka.

"Sino yung kasama mo dyan, (Y/N)? Ayan ba yung sinasabi mo kanina na bumisita sainyo?"

"Ah, oo siya nga. Birthday ng kaibigan ko ngayon kaya hindi ako pwedeng makipagkita sayo..."

"Ah, bakit baby tawag niya sayo kung kaibigan mo lang siya?"

"Ewan ko, pinagtritripan niya lang ata ako—"

"Girlfriend ko siya, bakit? May angal ka?"

WTF??

"A-Akala ko wala kang boyfriend? Nagsisinungaling ka lang ba kanina?"

Nabuang na ata yung manok na 'to! Kung anu-ano na yung pinagsasabi niya sa katrabaho mo.

"Tinatago lang kasi namin yung relationship namin kasi bawal ipagkalat na may something kami ni (Y/N)." Humigpit yung yakap niya sa beywang mo tas pinatong niya yung baba niya sa itaas ng ulo mo. "Wag mo kong susubuksan, nambabasag ako ng mukha."

"Hoy buang! Anong mga kalokohan yung pinagsasabi mo?! Lakas ng trip mo ngayon ah."

Hindi mo alam kung ano bang tumatakbo sa utak ni Ken. Ang gulo niya tas ayaw ka pa niyang pakawalan.

"A-Ah, ganon ba? Sabagay... Napansin ko din na parang may boyfriend na si Ms. (L/N) dahil sobrang ganda ba naman niya."

Kumirot yung puso mo nung tinawag ka niya sa last name mo at para bang bumalik na kayo sa dati.

"Sige, see you tomorrow nalang, Ms. (L/N). Kalimutan mo nalang yung sinabi ko kanina. Wala rin akong balak ipagkalat yung relasyon mo kung ayan ang gusto mo."

"Buhbye." Binaba na ni Ken yung tawag tas binitawan ka niya agad at kumuha siya ng isang pirasong hita ng manok tas sinimulang kumain habang nagcecelpon.

"Anong trip mo, Felip Jhon Dumpit Suson?!"

Umupo siya sa may sopa habang nakain, agad niyang nahalata na hindi mo nagustuhan yung mga sinabi niya nung binangit mo yung buong pangalan niya pero nakatutok padin yung mga mata niya sa celpon.

"Gusto ko lang malaman kung uurong ba siya nang malaman niya kung may boyfriend ka." Nilapag niya yung butong nginatngat niya sa paper plate. "Agad naman sumuko yung kupal."

"Malamang kahit sino namang lalaki aatras kapag nalaman nila na may jowa na yung babaeng gusto nila! Kaso yung poblema... Nagsinungaling ka lang eh, hindi mo naman kailangan gawin yon!"

"Diba sinabi mo sakanya na wala kang boyfriend? Agad naman siyang naniwala nung nagsinungaling ako... Gusto mo ba pumasok sa isang relasyon kung saan hindi siya marunong magtiwala?"

"Ken naman eh! Malay ba niya kung totoo ba yung sinasabi mo, bakit mo pa kasi sinabi yon? Nangielam ka pa kasi eh, nasaktan tuloy siya."

"Makapagsalita ka na parang ako hindi."

Kumuha pa siya ng manok sa tray tas sumandal sa may sopa. "Eto ba yung kausap mo kanina? Mas gwapo pa nga ko dito eh." Pinakita niya sayo yung facebook profile ni Kenneth Santos.

Ano naman kung wala ka namang gusto sakin?

"So? Anong pinaglalaban mo? Hindi mo naman kailangan magsinungaling eh."

Tamang stalk lang si Ken sa katrabaho mo. "Bakit ka ba ganyan? May gusto ka ba sakanya?"

"Pake mo ba?" Bwiset. Nakakainis naman tong lalaki na 'to, hindi ka sinasagot ng maayos.

Bigla ka niyang hinila sa may sopa tas nakakulong ka na sa ilalim niya habang nakahiga. Seryoso siyang nakatingin sayo at para bang kinabahan ka nalang ng wala sa oras.

"Nagtatanong ako ng maayos tas barumbado mo ko kung sagutin? Hindi ka naman ganyan pinalaki ni Tita ah."

S-SANDALE! Yung puso ko, Suson!

"Wow, nahiya naman ako sayo. Hindi mo pa nga din sinasagot yung tanong ko kanina eh!"

Nilapit niya yung mukha niya sayo tas sinubukan mo siyang itulak papalayo pero parang walang epekto.

"May gusto ka ba sakanya?"

Hindi. Ikaw yung gusto ko.

Pakiramdam mo na para bang matutunaw ka nalang sa mga titig niya sayo. Kung pwede mo lang talaga sabihin sakanya yung tunay mong nararamdaman.

"Ano naman kinalaman sayo kung may gusto ako o wala sakanya? Wala ka nang pake dun." Tumingin ka na lamang sa may kisame dahil ayaw mo nang patagalin pa yung pagtitigan niyo sa isa't isa.

Binalin niya yung mga mata mo pabalik sakanya sa pamamagitan ng paghawak sa baba mo. "Sagutin mo nalang ako, pwede?"

Gusto mo magsinungaling...

Pero sa harap ng mga mata ni Ken, parang hindi mo kakayanin kaya sinabi mo na yung totoo.

"W-Wala..."

"May balak ka bang sagutin siya?"

Umiling ka lamang. "Bakit ko naman siya sasagutin kung may iba akong gusto?"

Nanlaki yung mga mata niya nung sinabi mo na may iba kang lalaking natitipuan.

"Sino?"

"Secret."

"(Y/N).... Dali na, sabihin mo na kung sino."

"Bakit mo ba gustong malaman? Gagamitin mo ba 'yon pangblackmail sakin ganon?"

"Buang. Ba't ko gagawin 'yon?"

"Ewan ko, mahilig ka mantrip eh. Alam mo ba Ken, sa totoo lang, nabibigatan na ko sayo... Pwede mo na ba kong pakawalan?" Hindi na siya manok, isa na siyang baboy o kaya isang kilo ng bigas na nakapatong sayo.

"Sabihin mo muna kung sino." Biglang nagdampi yung ilong ninyo at naramdaman mong namumula ka. "Sige ka, hindi ka makakawala sakin."

Eh ayoko naman talaga.

"Ayoko talagang sabihin sayo Ken eh. Secret ko nayun." Natatakot ka. Natatakot ka na baka hindi kayo magkapareho ng nararamdaman.

"Sayang, sasabihin ko sana sayo kung sino yung crush ko  kapag sinabi mo yung sayo." Tumayo na siya sa may sopa at kinuha yung celpon niya. "Kasama ko nga siya kanina eh, sobrang saya ko nung binati niya ko ng simpleng happy birthday."

"Weh? Binati ka ni Anne Curtis? Nuks naman!" Alam mo kasi na matagal niya nang iniidolo ang sikat na pinay na artistang si Anne Curtis simula nung bata pa lamang kayo. Tumayo ka na sa may sopa tas kinuha mo yung nakabalot mong regalo at inabot sakanya.

"Happy birthday, Felip Jhon! Sana magustuhan mo yung regalo ko." Nginitian mo lamang siya.

"Salamat, pero hindi kasi si Anne Curtis yung tinutukoy ko." Bigla kang napatigil nung sinabi niya 'yon. "Kasama kong magperform yung crush ko kanina sa ASAP."

"Huh? Sino dun?"

"Kilala mo si Chrissian Yu ng G-force? Ang galing niyang sumayaw tas ang ganda at ang bait niya pa sa personal."

Ah... Oo, nakikita mo yung mga post niya sa Twitter eh, malamang kilala mo siya.

Naalala mo bigla na yung ideal girl pala ni Ken yung babaeng marunong sumayaw para may kasabay siya. Matagal na niyang sinasabi yun sayo pero bat ganon?

Alam mo naman pero bakit nasasaktan ka padin?

"(Y/N)...? Bakit ka umiiyak?"

Hindi mo napansin na may pumapatak na palang mga luha galing sa mga mata mo at bago pa siya makalapit sayo, binato mo na agad yung regalo mo sakanya at mabilisang tumakbo paakyat sa kwarto mo.

"Hoy buang! Sandale!" Hinabol ka niya pero nakapasok ka agad sa kwarto mo at nilock mo na yung pinto. Narinig mong kumakatok siya sa labas ng pintuan. "(Y/N)! Buksan mo yung pinto at mag-usap tayo ng maayos!"

Tinakpan mo lamang ng maigi yung mga tenga mo habang humihikbi. Bwiset. Hindi mo inaasahan na bigla ka nalang mapapaluha nang malaman mo na may gusto siyang ibang babae.

"H-Happy birthday ulit, K-Ken... Salamat s-sa pagbisita, pero u-umuwi ka muna... Ayoko mu-munang kausapin ka." Walang tigil yung pag-agos ng mga luha mo.

"(Y/N)... Ayokong mag-assume pero..."

Ayan na.

"Kaya ka ba umiiyak dahil nasaktan ka nung nalaman mo may iba akong gusto...?"

Alam niya na.

"Hindi ah! P-Pakielam ko kung may c-crush ka!" Akala mo naman may magagawa yung pag-iyak. Natural lang naman na magkakagusto yang si Ken sa iba, bat mo pa kailangang iyakan kung alam mo naman na hinding-hindi ka niya magugustuhan?

"Hindi ko alam kung manhid ka ba talaga o sadyang tanga lang."

"Minura kita, Suson? Bwiset ka! Pagkatapos kitang ipaghanda sa kaarawan mo, mumurahin mo lang ako... Umalis ka na nga."

Narinig mo siyang nagbuntong hininga sa labas ng pinto. "Hindi kasi yon ang ibig kong sabihin, buang." Narinig mo siyang umupo sa may sahig at nakasandal ata siya sa harap ng pintuan.

"Okay lang kung ayaw mo kong pagbuksan basta makinig ka lang sa mga sasabihin ko... Nasa sayo na kung bubuksan mo ba ulit yung pinto o hindi."

Hindi ka nalamang umimik habang nakinig ka lang sakanya, pinunasan mo yung mga luha mo habang pinapatahan yung sarili mo.

"Best friend mo parin ba ko?" Tinanong ka niya bigla.

"Hindi na." Sagot mo sakanya.

"Kaya pala hindi mo nahalata na nagsinungaling ako sayo kanina." Nagulat ka sa sinabi niya. "Alam mo ba kung saang banda?"

"Hindi... Saan?" Tanong mo.

"Sa crush ko."

"So hindi mo talaga crush si Chrissian Yu?"

"Hindi. Naangasan lang ako sa pagsayaw niya at totoong maganda at mabait siya sa personal pero kaibigan lang talaga yung tingin ko sakanya."

Parang nawala na yung bigat sa puso mo ng parang bula. Hindi mo alam kung dapat ka bang maging masaya o malungkot.

"Si Anne Curtis parin ba crush mo?" Tanong mo ulit.

"Sabi ko sayo kanina wala na kong crush sakanya eh, lahat ata ng mga sinasabi ko sayo pasok sa isang tenga tas labas sa kabila...."

"Edi sino na yung crush mo ngayon?"

"Secret. Ayaw mong sabihin kung sino sayo eh."

Bigla ka nalang sumimangot. "Bakit kailangan mong magsinungaling kanina?"

Narinig mo siyang nagbuntong hininga. "Myghad cassie, hindi mo parin ba gets?"

"Magtatanong ba ko kung alam ko?" Ayaw mong mag-assume pero parang ganun na nga yung ginagawa mo sa ngayon. Gusto mo lang kumpirmahin kung tama ba yung hinala mo.

"Nagselos ako, okay? Ayan, masaya ka na ba?"

"Bakit?"

"Ayoko kasing mapunta ka sa iba... Kaya nagkunwari akong boyfriend mo sa kausap mo kanina para hindi ka niya agawin sakin..."

"Huh? Akala ko about sa fake crush mo yung pinag-uusapan natin?"

"Sabi mo kasi na may iba kang gusto kaya nagsinungaling ako. Ayoko lang masira yung pinagsamahan natin dahil lamang sa nararamdaman ko sayo."

Naramdaman mong bumilis yung tibok ng puso mo. Aaminin mong kinikilig ka na sa nangyayari ngayon.

"Matagal na kong may gusto sayo, (Y/N), simula nung bata pa tayo at ikaw parin hanggang ngayon."

S-SHET!!!

Biglang uminit yung mukha mo at pakiramdam mo na pwede ka nang mamatay dahil gusto ka din ng crush mo! Okay lang ba maging ganito kasaya? Baka mamaya matinding kalungkutan lang yung maging bunga nito.

"Sorry pinagdadamot kita sa iba, wala naman akong karapatan magselos at alam ko rin na hindi ako yung lalaking gusto mo... Sana hindi magbago yung samahan natin at mag-bestfriend padin tayo."

Paano kaya kung sinagot mo siya ngayon? Panigurado malaki yung magbabago sainyong dalawa, pero alam mong bawal siya pumasok sa isang relasyon dahil nakasaad sa kontrata nila ng kumpanya... Marami ding mga A'tins na kagaya mo ang madidismaya. Ito rin yung rason kung bakit nakipaghiwalay yung ex-girlfriend niya sakanya para makamit ni Ken yung mga pangarap niya.

Tama bang umamin ka ngayon?

"Salamat sa regalo at sa pagcelebrate ng birthday ko, (Y/N). Sobrang naappreciate ko lahat ng efforts mo. Ang swerte ko na may kaibigan akong tulad mo."

Narinig mo na siyang tumayo. "Nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin, uuwi na muna ako, maaga pa kasi kami bukas sa UKG eh. Matulog ka na pag-alis ko ah? Maraming salamat." Naglakad na siya pababa ng hagdanan habang nandito ka padin sa loob ng kwarto, nagmumukmok sa may likod ng pintuan.

Tama bang palagpasin nalamang yung pagkakataon mo na sabihin sakanya yung tunay mong nararamdaman?

-

January 13, 2020

Kakatapos lang nung presentation ninyo ni Kenneth at naging maayos naman yung kinalabasan ng resulta, nagustuhan ng mga admins at managers yung ideas ninyo. Hindi mo din pinalagpas yung live performance ng SB19 sa Umagang Kay Ganda at napanuod mo sila, natawa ka nga nung aksidenteng natanggal yung sapatos ni Sejun at naangasan sa pagsipa ni Ken ng sapatos niya paalis sa may camera. Iba talaga pag varsity ng Sepak Takraw.

"Ms. (L/N), nakikinig ka pa ba?"

"A-Ay, sorry... Pwede pakiulit ng sinabi mo kanina?" Nasa may Starbucks kayo malapit sa building ng company ninyo.

Napabuntong hininga na lamang yung lalaking nakaupo sa harapan mo. "Gusto mo bang ipagpatuloy nalang natin 'to bukas? Hindi ka ata nakatulog ng maayos eh, namumutla ka."

"Ah, pasensya ka na." Sa totoo lang, iniisip mo padin yung nangyari kagabi at hindi ka nga nakatulog ng maayos pagkatpos umuwi ni Ken.

"Nagpuyat ka siguro kagabi kasama ng boyfriend mo? Okay lang naman yun basta hindi makakaapekto sa trabaho. Nice presentation nga pala kanina, Ms. (L/N)."

Nalulungkot ka padin sa tuwing tinatawag ka niya sa last name mo. "About sa nangyari kagabi... Hindi ko talaga siya boyfriend, Kenneth."

Napatigil siya sa pageencode sa laptop at mariin kang tinignan. "Ms. (L/N), hindi mo na ko maloloko. Wag kang mag-aalala, hindi ko ipagkakalat yung relasyon niyong dalawa. Etse, hindi ko nga kilala sino yung lalaking kasama mo eh."

"Kababata ko lang yun." Humigop ka ng kape. "Kung ayaw mong maniwala, edi sige pero pasensya ka na talaga sa nangyari kagabi... Gusto ko lang magpasalamat dahil nagkagusto ka sa isang katulad ko."

"Alam mo bang ikaw lang yung tanging babaeng nagustuhan ko sa buong buhay ko? Alam kong espesyal ka kaya wala akong nagugustuhang iba..." Hinubad niya yung salamin niya at hinilod yung noo niya. "Pasensya ka na sa inasta ko sayo, Ms. (L/N), sorry din dahil hindi ako naniwala sa mga sinabi mo."

"Ano ka ba? Okay lang!" Naubos mo na agad yung kape at nilapag mo na sa may tasa. "Pero mas okay kung tatawagin mo ko ulit sa first name ko."

"Edi sige, (Y/N)." Napansin mong namula yung pisngi niya at kasing gwapo niya ata si Ken.

"Pwede rin namang kahit baby nalang din."

"Ha?"

"Hakdog." Natawa ka nalamang. "Joke lang, hindi ka talaga mabiro."

"Hindi pwede... Dapat ligawan muna kita tas kapag sinagot mo na ko saka lang kita tatawagin baby para legal at wala nang makaagaw."

Ang cute niya.

"Nasa sayo naman kung liligawan mo ko o hindi eh." Inayos mo na yung mga gamit mo at nilagay lahat ng mga papeles sa loob ng bag.

"So pwede ba kong umakyat ng ligaw?" Tanong niya.

"Ikaw bahala." Tumayo ka na at kinuha yung basura mo. "Mauuna na ko, Kenneth. Gusto ko munang magpahinga, kagaya nung sinabi mo kanina, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi."

"Hatid na kita." Agad niyang inayos yung gamit niya nung pinigilan mo siya.

"Hindi, kaya ko umuwi mag-isa. Siguro sa susunod nalang, salamat." Umalis ka na ng coffee shop at dumiretso ka na pauwi.

-

January 24, 2020

Isang linggo na ang nakalipas simula nung ligawan ka ni Kenneth at naghahabol ata siya ng jowa para sa darating na Valentines day. Pwede ka na atang magtayo ng sarili mong flower shop dahil araw-araw ka niyang binibigyan ng mga bulaklak at halos maubusan ka na ng vase. Hindi lang 'yon, dinadalhan ka niya lahat ng mga paborito mong pagkain at sinisigurado niya na parati kang busog. May balak ata siyang gawin kang baboy eh. Ayaw mo talagang gastusan ka niya pero patuloy padin siya ng paglabas ng kwarta na para bang walang bukas. Ganun siguro siya magmahal, binubuhos niya lahat. Sobrang sweet niya din tas libreng hatid-sundo ka pa, ayaw mo nga nung una pero pinilit ka niya at nakasanayan mo nadin.

Sa totoo lang, wala kang nararamdaman sa lahat ng efforts na binibigay niya sayo at naguguilty ka na dahil alam mong hindi mo kaya ibalik yung pagmamahal niya sayo. Gusto mo na ngang patigilin siya pero natatakot kang masaktan siya ulit. Kaso kapag pinatagal mo, mas lalo siyang magdudusa. Dapat siguro hindi mo nalang siya hinayaan manligaw sayo eh.

Bakit mo nga ba siya hinayaan ulit? Ah, oo nga pala, gusto mo lang kasing kalimutan si Ken...

Inabuso mo yung kabaitan ng ibang tao. Hindi mo talaga deserve ang lalaking kagaya ni Kenneth.

Halos mag-aalas siyete na ng gabi at hindi ka padin nakakaluto ng hapunan. Balak mo sanang tumawag ng grab food nung biglang nagdoorbell sa pintuan mo.

Si Kenneth nanaman panigurado yun.

Napabuntong hininga ka nalamang at agad mong pinagbuksan siya ng pinto. "Kenneth, may gusto nga pala akong sabihin sayo. Sorry kung natagalan pero—"

Nagulat ka nung natauhan ka kung sino talaga yung nasa harapan mo ngayon.

"Sorry hindi ako si Kenneth. Ako lang naman 'to si Ken."

Ito nanaman ulit, biglang kumakalabog yung puso mo na para bang nakawalang hayop sa kadena.

"Bakit ka nandito? May kailangan ka ba?" Ayaw mong ipahalata sakanya kung gaano ka kasaya makita siyang muli.

"Grabe ka, napadaan lang ako dito."

"Ha? Napadaan? Ghorl, 2 hours away yung byahe mo dito samin. Sigurado ka bang napadaan ka lang dito?"
Napansin mong may tinatago siya sa likod niya. "Ano yang dala mo?"

"Bulaklak." Binigyan ka niya ng isang dosena ng rosas. "Saka may nakalimutan din ako dito kaya gusto ko lang kunin." Tinangal niya yung Balenciaga niyang sapatos tas agad din siyang pumasok sa loob na para bang bahay niya lang yung apartment mo.

Buti nalang sanay ka na sa ugali niya. Sinara mo na yung pinto at bumalik sa may sala. Nilapag niya yung mamahalin niyang sapatos sa gilid at humilata sa sopa. Feel at home talaga tong kumag na 'to.

"Balak mo bang magtayo ng flower shop?" Napansin niyang andami mong bulaklak sa sala.

"Pwede rin." Kumuha ka ng lalagyan na may malinis na tubig at nilagay yung mga rosas na binigay ni Ken sa loob ng flower vase. "Binigay lang sakin yung mga yan."

"Alam ko." Nilabas niya yung bagong bili niyang Iphone 11 Pro Max habang nagpapatugtog ng Spotify sa Airpods niya. Wow, tamang flex lang tayo mga mamser ah. Parang kelan lang nung kasama mo pa si Ken habang kumakain ng pancit canton kapag may group project!

"Kanino galing?" Tanong niya habang nakatutok yung mga mata niya sa screen.

"Kay Kenneth." Nagtaka ka nung biglang kumunot yung noo niya. "Bakit? May poblema ka?"

"Oo." Tumingala siya sayo at tinignan ka ng seryoso. "Hindi na ko maka-connect sa WiFi mo! Binago mo ba yung password?"

Ah, akala ko naman kung ano, yun lang pala...

"Oo, marami kasing naka-connect dito eh kaya pinalitan ko na. Akin na celpon mo, ilalgay ko yung password."

"Ayoko nga, baka masira mo yung Iphone 11 ko."

"Aba. Bat ko naman sisirain eh wala naman akong pampaayos o pambili nan!" Bwiset 'tong buang na to!

"Edi ibenta mo yung mga bulaklak na natatanggap mo imbis na nakatambak lang dito. Makakapag-ipon ka pa ng pera nan tamo."

"Ganun ba tingin mo sakin, Ken? Hindi ko binebenta yung mga natatanggap ko sa iba." Wala siyang kibo at kumuha ka ng pirasong papel at ballpen. "Isusulat ko lang yung password ng WiFi para hindi mo makalimutan."

Inabot niya yung celpon niya sayo. "Itype mo na nga lang,  bigla akong tinamad eh." Pabago-bago naman ng desisyon, ang gulo talaga ng garuda na ito.

Tinaype mo yung password at nung nakaconnect na siya sa may WiFi, may mali kang napindot at napapunta ka sa may homescreen tas nakita mo yung picture niyong dalawa last year nung birthday niya. Magkayakap kayo at sobrang sweet niyo na para bang magjowa, pano ba naman kasi same One Piece t-shirt pa yung suot ninyo na binili niyo sa may Comic Alley. Ang cute niyo nga dito lalo na si Ken dahil ang weirdo ng pose niya, alienated kasi siya eh.

Natawa ka nalamang bigla. "Nakakamiss naman 'to. Cute ng homescreen mo." Binalik mo na sakanya yung celpon niya. "Sorry nangielam ako, may mali kasi akong napindot eh kaya napunta dyan."

"Hindi, okay lang." Humilata siya ulit tas nanuod ng anime. "Luto mo ko ng chicken o pancit canton, nagugutom na ko eh... Layo ng binyahe ko dito."

"Aba. Bakit parang kasalanan ko pa? Akala ko ba may nakalimutan ka lang dito? Bat hindi mo pa sinisimulan hanapin."

"Mamaya na." Hindi ka na niya pinansin dahil nanonuod na siya ng One Piece. Yare yare. Kapag nakatutok na siya sa anime, hindi mo na yan makakausap.

"Ayan ka nanaman sa mamaya mo eh. Wala ka bang practice ngayon?"

"Tapos na, saglit lang kami nag-training dahil hindi kami makapagpractice ng buong kanta kapag wala si Stell."

"Ah, oo nga, kamusta na nga pala yung pilay niya? Nakita ko sa Twitter eh." Nagkaroon kasi sila ng school attack sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) nung isang araw tas biglang napilayan si Stell.

"Yung muscles niya sa ankle nagkaroon ng inflammation pero nagpapahinga na siya at pagaling na din."

Bigla mong naalala na pursigido silang abutin yung mga pangarap nila na nakakalimutan nilang bigyan ng oras ang kanilang mga sarili upang magpahinga. Imbis na umuwi si Ken, pumunta pa siya dito para bisitahin ka. Nakonsensya ka sa ugaling inasta mo sakanya.

"Mabuti naman. Sana gumaling na siya agad." Hindi na siya umimik habang nanonuod lang siya. "Dyan ka lang ah, magluluto muna ako ng kakainin mo." Dumiretso ka na ng kusina at pinagluto siya ng manok at pancit canton kagaya ng sinabi niya kanina.

Ginawan mo din ng strawberry mochi si Stell tas nagsulat ka ng maikling mensahe para gumaling na siya. Parang ang tagal mong hindi nakita si Ken kahit parati mo siyang napapanuod sa may MYX live o sa vlogs nila. Aaminin mong namiss mo yung presensya niya pero hindi mo masabi dahil sa nangyari last week.

Lumipas ang bente minuto at pinuntahan ka na ni Ken. "Bat ang tagal mo? Natapos na yung pinanonuod ko." Nilapag mo sa lamesa yung mga niluto mong pagkain pati yung sinaing mong kanin. Nagtimpla ka din ng mango juice tas inayos mo na yung mga utensils para makakain na kayo.

"Sorry na, natagalan kasi ako sa paggawa nung strawberry mochi para kay Stell." Nilagay mo sa isang supot kasama yung letter at inabot kay Ken. "Tara, kain na tayo. Saktong gutom na din ako eh. Ibigay mo sakanya 'to ah."

"Sana all may mochi." Kinuha na niya yung supot tas nilagay sa tabi niya at umupo na siya sa tapat mo habang nagpaparinig.

"Wag kang mag-aalala, meron din akong tinabi para sayo." Natawa ka nalamang dahil halatang-halata yung gusto niyang ipahiwatig sayo.

"Ayun." Ngumiti lamang siya at lumambot yung puso mo nung ginawa niya yon.

Nagdasal muna kayo bago kumain tas sobrang takaw ni Ken na para bang hindi siya pinakain ng ilang taon. Nakakamiss. Gusto mo nalang nandito siya parati pero alam mong imposible iyon mangyari.

"Kamusta naman pala yung Alab Party? May napili na ba kayo?" Tinanong mo.

"Ang talented ng mga A'tins, nahihirapan kaming mamili." Inamin niya sayo. "Dami nga nag-pasa eh, sabog yung notifications ng ShowBT."

"Nice, swerte ng mamanalo! May cash prize yun diba?"

"Oo, 50K. Gusto ko nga sumali eh para may pambiling Balenciaga."

"Grabe, hindi pa ba sapat yung binigay ng A'tins sayo? Confident ka na mamanalo ka sa contest kung sakaling sumali ka ah."

Natawa lamang siya. "Syempre, pano ka mananalo kung wala kang tiwala sa sarili mo?"

Ito rin yung isa sa mga rason kung bakit ka nahulog kay Ken. Gagawin niyang lahat para makamit yung mga pangarap niya, handa siya magsakripisyo ng kahit ano.

Natapos na kayong kumain tas naghugas ka na ng pingan. Nandun si Ken sa may sala habang nakaupo sa may sopa tas nanunuod ulit ng One Piece. Wala namang nagbago simula dati hanggang ngayon eh. Tamad padin siya.

Tinanggal mo yung isang Airpod niyang nakakabit sa tenga niya. "Ano ba yung naiwan mo, Ken? Ako nalang maghahanap para sayo."

"Ang bait mo ngayon ah, sana parati kang ganyan." Biro niya sayo.

"Para makauwi ka na."

"Gusto mo lang pala akong pauwiin eh."

"Hala, hindi! Ang ibig kong sabihin para makauwi ka na at makapagpahinga. Madami pa kayong gagawin kinabukasan diba? Gagabihin ka ng uwi nito."

Tinigil niya na yung pinanonuod niya. "Edi ibalik mo na sakin para makaalis na ko."

"Yung alin?" Nagtaka ka nung napagtantuan mo na hawak mo parin pala yung kabiyak ng Airpods niya. "Ay eto ba? Sorry." Binalik mo na sakanya.

Kinuha niya na sayo tas nilagay sa may case. "Hindi kasi yung Airpods yung ibig kong sabihin..."

"Edi ano?" Tinaas mo yung noo mo habang pinagmamasdan lamang siya.

"Ibalik mo na yung puso ko."

Biglang uminit yung pisngi mo sa sinabi niya. "Pinagsasabi mo?! Buang ka talaga! Wala sakin yung puso mo, nasayo kaya." Pinalo mo lamang yung balikat niya habang tinatago yung kilig mo.

"Hindi mo pa nga ko sinasagot nung nakaraang linggo." Bigla ka niyang hinila tas kinandong sa hita niya. "May gusto ka ba sakin o wala?"

"Anong klaseng tanong 'yan?! Bitawan mo nga ko!" Nais mong makawala pero mahigpit siyang nakahawak sa beywang mo.

"Sagutin mo muna ako." Seryoso niyang sinabi. "Kapag sinabi mong wala, magmomove-on na talaga ako sayo."

"Paano kung meron?" Tanong mo bigla.

"Edi, meron, ayos yun." Sabi niya. "So ano nga?"

"May gusto ka ba sakin o wala?"

Akala ko nung naging artista ka na, mahirap ka nang abutin at hagilapin yung oras mo... Pero ikaw pa nga mismo yung dumadayo dito kahit malayo ka. Sobrang lapit mo na sakin ngayon.

Sana parati nalang tayong ganito...

Niyakap mo lamang siya habang nakaburol yung mukha mo sa leeg niya. Ang bango niya. Nararamdaman mong namumugto yung mga mata mo at ayaw mong dalhin ka ng mga emosyon mo tas umiyak nalang bigla.

"Ang duga mo naman eh.... Kung kelan napagdesisyon ko nang kalimutan ka, bigla ka nalang susulpot tas guguluhin mo ulit yung isipan ko. Nakakatuwa bang paikot-ikutin yung nararamdaman ko, Ken?"

"Anong pinagsasabi mo...?" Bumitaw ka na sakanya at nginitian mo siya pero hindi ito umamot hanggang sa mga mata mo.

"Alam mo bang matagal na din akong may gusto sayo, Ken? Ayoko lang talagang sabihin sayo kasi alam kong hindi tayo pwede."

"Pinagtagpo pero hindi tinadhana?" Dinugtungan niya yung huling sinabi mo. "Nakanta ka ba?"

"Buang! Seryoso kasi ako!" Kinurot mo yung ilong na pinatangos niya dahil sa inis.

"Bakit naman hindi tayo pwede?" Tanong niya sayo.

"Artista ka tas isa lamang akong hamak na fangirl mo. Dagdag mo rin na bestfriend kita pero hanggang dun lang tayo pwede eh..."

"Bawal ba tayo humigit sa limitasyon na 'yon?" Parang natutunaw ka nalamang sa mga titig niya.

"Alam mo namang bawal diba? Sinabi yan sainyo ni Tatang Robin bago kayo naging SB19."

Niyakap ka niya bigla at aaminin mong nangangalay ka na sa posisyon mo. Gusto mo lang naman talagang makaupo ng maayos.

"Limang taon." Bulong niya sa tenga mo. "Hintayin mo ko ng limang taon at agad kong kukunin yung kamay mo para pakasalan ka."

"Buang ka ba...? Maraming pwede mangyari sa future, hindi tayo nakakasigurado kung mahal pa natin ang isa't isa kaya wag kang magsalita ng tapos."

"Hindi ba talaga pwede?" Tanong ulit ni Ken habang mahigpit ka parin niyang niyayakap.

"You deserve so much more, Ken... Makakahanap ka pa ng babaeng mas better pa sakin." Ginagawa mo lang naman yung alam mong dapat gawin diba? Tama lang naman pakawalan siya diba?

Bumitaw siya sayo tas sumandal sa may sopa. "Halikan mo ko." Nagulat ka nung sinabi niya yun sayo. "Kapag hinalikan mo ko, gagawin ko yung gusto mo."

Akala niya siguro na hindi mo kayang gawin yun kaya niya sinabi sayo, pero kung para din naman sakanya, handa kang itapon lahat pati dignidad mo. Hinalikan mo siya at napakalambot ng mga labi niya. Hindi mo mapigilan yung mga luha mong umagos sa pisngi mo dahil ito yung una't huli mong halik sakanya.

Humiwalay ka na sakanya at napansin mong may mga luha ring pumapatak sa mga mata niya. Pinunasan mo lamang ito ng mga daliri mo at sobrang tagal na siguro nung huling beses umiyak si Ken sa harapan mo except nung birthday niya sa may Facebook Live kung saan napaluha siya.

"I don't deserve you, Ken. I'm so sorry. Mahal na mahal kita, wag mong kakalimutan yun. Alagaan mo yung sarili mo ah, wag kang magpapalipas ng gutom o magpupuyat, magpahinga ka rin palagi..."

Tumayo ka na sa posisyon mo para makatayo na siya. Umalis na siya ng apartment mo nang bitbit niya yung regalo mo kay Stell habang luhaan at alam mong ginagawa mo lang 'to para sa ikabubuti niya.

Kahit alam mong pagsisihan mo yung ginawa mo.

-

OMG ALAM KONG TAPOS NA YUNG B-DAY NI KEN PERO OKAY NA YUNG LATE KESA NAMAN NEVER DIBA?! HINDI KO ALAM BAKIT GANITO YUNG NAGING TAKBO NG STORYA, GUSTO KO TALAGA NG HAPPY ENDING! I SWEAR! GAWA BA KO PARA MAGTUGMA SA "MALIGAYANG KAARAWAN, KEN"?!

...SIGE NA NGA, KINAKAIN AKO NG KONSENSYA EH. ITO NA YUNG KWENTO KUNG SAAN HINAYAAN KITANG UMAMIN, WAG NA MALUNGKOT BEBE.

-

January 12, 2020
At Maui Apartment For Rent, Muntinlupa, Metro Manila

Paalis na dapat si Ken sa apartment mo nung bigla kang lumabas sa kwarto mo at pinigilan siyang umalis. Niyakap mo siya ng mahigpit at nararamdaman mong bumibilis yung pagtibok ng puso mo.

"Matagal nadin akong may gusto sayo, Ken!"

Hindi ka na nagpaligoy-ligoy pa at umamin ka na agad sakanya, biglang umiinit yung mga pisngi mo dahil sa pinagagawa mo. Things we do for love talaga.

"Alam ko kasing hindi kita deserve kaya ayokong umamin sayo, masyado ka kasing perfect eh... You're just too much for me. Maraming pang mga babaeng nagmamahal sayo na mas better pa sakin, saka alam ko din yung mga babaeng tipo mo at ni-isa hindi ako pasok dun! Nahihiya lang talaga akong sabihin sayo, balak ko ngang itago nalang para walang magbago sating dalawa kaso... Ang duga naman kung umamin ka tas ako hindi, kaya ayun, I love you so much, Jhon Felip Dumpit Suson."

Hiniwalay niya yung mga braso mong nakapalupot sa beywang niya at humarap siya sayo, napansin mong namumula yung mga pisngi niya at abot langit yung ngiti sa mukha niya.

"Buang ka talaga. Alam mo ba sa tuwing nagkakaroon ako ng girlfriend, ikaw lang yung naiisip ko. Kumbaga kaya ko lang sila niligawan kasi may nakita akong kaparehas ng qualities mo. Kaya ko lang naman sila nagagawang mahalin dahil naalala kita... Akala ko rin na imposibleng magkagusto ka sakin kaya naghanap ako ng iba pero wala eh, ikaw parin, ikaw talaga ang gusto ko. Ginayuma mo ata ako, (Y/N) eh."

Sa sobrang saya, napatalon ka sakanya at niyakap mo siya ulit. Niyakap ka lamang niya pabalik. Buti nalang pala umamin ka.

"Okay lang ba maging ganito kasaya, Ken? Natatakot ako na baka may matinding kalungkutan ang mamunga dito."

"Tulad ng alin? Kapag nalaman ng mga A'tins?"

Napabitaw ka nalamang bigla at napansin ni Ken yung dismaya sa mukha mo.

"W-Wag kang mag-aalala! Sigurado ako na tatangapin ka nila, (Y/N)! Ako bahala, proprotektahan kita kapag may ginawa silang masama sayo."

Umuulan padin pala ng abo sa labas at ayaw mo namang pauwiin siya ng ganito kasama yung panahon lalo na napakalayo pa ng uuwian niya.

"Salamat sa pag-aalala pero mas nag-aalala ako sayo kung umuwi ka pa ngayon eh. Gusto mo bang dito ka muna magpalipas ng gabi? Delikado na kasi eh, baka magkasakit ka pa niyan."

"Sus, mga palusot mo. Aminin mo na gusto mo lang ako makasama eh."

Napaiwas ka ng tingin sakanya habang umiinit yung mukha mo. Inisip mo na hindi mo na kailangang itago yung kilig na nararamdaman mo para sakanya.

"Bawal ba?" Bigla mong naalala na maaga pa pala sila bukas sa Umagang Kay Ganda. "A-Ah, bawal nga noh? Maaga pa pala kayo bukas... Kaso paano ka makakauwi?"

Hinubad na ni Ken yung sapatos niya tas pumasok na ulit sa loob at sinara yung pintuan. Nilapag niya yung sapatos niya sa gilid tas napansin mong namumula yung tenga niya.

"Hindi na ko uuwi, dito muna ako makikitulog. Itetext ko nalang si Tita at magpapasundo nalang ako kay Kuya Yuri bukas."

Bigla kang napangiti at tuwang-tuwa ka dahil makakasama mo siya ng mas matagal ngayon. Sumapit na yung alas dose at tapos na yung birthday ni Ken.

Sinindihan mo yung cake na iniroder mo para sakanya at pinaputok yung confetti canon popper.

"Happy 23rd Birthday, Ken! God bless you always and more birthdays to come! I love you so much baby."

"Thank you, I love you too." He smiled and you think it was the prettiest thing. Ang cute niya talaga.

"Make a wish muna bago mo hipan yung kandila." Hawak-hawak niya yung cake habang pinipicturan mo siya na para bang nanay sa tuwing birthday ng anak niya.

"Sana mas marami pang mga tao ang makakilala samin at maappreciate nila yung bawat performances namin na pinagpaguran para mapasaya at mainsipire sila."

Buti nalang binibidyeohan mo yung birthday wish ni manok ngayon. Pwede tong pang blackmail sakanya—este, memories ninyo 'to.

"Saka sana mapakasalan ko si (Y/N) five years from now in the future. Wag sana magbago yung feelings niya."

Hinipan niya na yung kandila at tinapos mo na yung pagfilm ng bidyeo. Ramdam mong umiinit yung pisngi mo sa huling hiling niya.

"Seryoso ka ba sa huli mong sinabi?!"

"Bakit ko naman iwiwish 'yun kung hindi? Gusto kita makasama habang buhay, (Y/N), hanggang sa tumanda tayo. Ayaw mo ba yon?"

Bakit ba ganito ka Ken? Delikado ka para sa puso ko.

"Gustong-gusto ko yun... Pero bakit yung feelings ko lang yung hiniling mong wag magbago?"

"Alam ko naman hindi magbabago yung nararamdaman ko para sayo eh."

"A-Ako din kaya! Ikaw lang mamahalin ko, promise ko 'yan!" Nilabas mo yung pinky mo at pinulupot niya lamang yung kanya sayo. Ramdam mo na para kayong mga bata ulit.

Inubos niyong dalawa yung mga hinanda mong pagkain habang nanonuod ng Netflix o kaya naglalaro ng mga ilang games. Namiss mo talagang makasama si Ken.

"Hindi ba't maaga ka pa mamaya? Alas dos na ng umaga oh, kailangan mo na matulog."

Binigyan mo siya ng kumot para dito na siya matulog sa may sala. "Natext mo na ba yung Tita mo at si Kuya Yuri? Mag-alarm ka ah. Anong oras ka ba gigising? Para alam ko kung anong oras ka gigisingin tas makapagpakulo nadin ako ng mainit na tubig dahil ayaw mong maligo kapag malamig at malutuan kita ng umagahan tas baon."

Natawa lamang siya. "Para kang Lola ko eh, wag nalang kaya ako pumunta bukas sa UKG?"

"Kung pwede lang kita pagdamutin sa mga kagrupo mo eh, kaso baka magalit sila kapag wala ka?"

"Sus, madali lang naman gawan ng paraan 'yan. Sabihin ko lang na masama yung pakiramdam ko pagbibigyan nila ako."

Gusto mo talaga siya makasama ng mas matagal pero alam mong may responsibilidad siyang gampanan bilang artista at dapat hindi niya pabayaan yun.

"Bawal magsinungaling, Ken. Balik ka nalang kaya dito pagtapos mo? Joke lang, sobrang layo mo eh saka may work pa ko..."

"Bawal bang bumalik? Okay lang sakin bumyahe ng ganun kalayo at katagal para makita ka."

Hay nako Ken. "Sa susunod nalang, ayokong napapagod ka. Kailangan mong magpahinga." Pinahiga mo na siya sa sopa at kinumutan. "Aakyat nako, matulog ka na ah?" Buti nalang nakapaglipit na kayo ng kalat kanina. Papanik ka na dapat nung pinigilan ka niya.

"Ayaw mo bang tumabi sakin?"

"H-Ha?! Hindi ba't masyado pang maaga para dyan?"

"Bakit matutulog lang naman tayo ah. Ano nanaman bang nasa isip mo, (Y/N)?"

Hinampas mo lamang siya sa balikat at natawa siya sa reaksyon mong namumula na parang kamatis.

"Ewan ko sayo, buang! Hindi naman din tayo kasya sa sopa eh."

Tumayo na siya habang hawak-hawak yung kumot na nakabalot sa katawan niya. "Edi dun tayo sa kama mo sa kwarto." Pinilit ka niyang magtabi kayong dalawa matulog at hindi ka niya pinagbigyan humindi.

Binuksan mo yung aircon sa kwarto mo at humiga na siya sa may kama, suot niya padin yung pamalit niyang pangbahay habang ikaw naka simpleng shorts at t-shirt lang. Tumabi ka sakanya habang nakatalikod lang siya sayo.

"Natext mo na ba yung Tita mo at si Kuya Yuri?" Tanong mo ulit.

"Oo, pacharge naman ng celpon at airpods ko. Hindi na ko makabangon eh." No choice ka kapag inutusan ka na ni Ken. Kinuha mo yung saksakan sa bag niya at chinarge yung celpon at airpods niya.

"Anong oras ka ba gigising?"

"Alas kwarto dapat nandun na kami."

"Hala ang aga! May oras ka pa ba matulog?"

"Wag kang mag-aalala, speed lang na driver si Kuya Yuri. Matulog na tayo baby." Humarap na siya sayo at niyakap ka. "Gisingin mo ko ng alas tres ah?"

"Sorry Ken, puyat ka tuloy... Dapat pala hindi nalang kita pinapunta dito."

"Buang ka talaga, gusto kasi kita makita kaya ako pumunta. Wala kang kasalanan." Hinalikan ka niya sa noo at dahan-dahang hinaplos yung buhok mo.

"Good mornight, I love you."

Binalik mo lamang yung halik sa pisngi niya. "Good mornight din, I love you too." Niyakap mo rin siya ng mahigpit at hindi nagtagal nakatulog na din kayong dalawa.

Alam mo bang mas mabilis makatulog ang isang tao kapag may katabi siya? Ang tanong magigising ba agad si Ken para makaabot sa performance nila sa UKG? Abangan!

-

AYAN NA! OKAY NA TAYO AH? WAG NA KAYO MAGALIT SAKIN SKKRTT! ANG HIRAP MAG-UPDATE KAPAG MAY KLASE! KUNG NAGUSTUHAN NIYO, BEKE NEMEN PEDE NIYO I-VOTE YUNG CHAPTER NA TO? SALAMAT MGA MAMSER.

January 12, 2020 - January 25, 2020
Word Count: 8848

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip