Maligayang Pasko with SB19!

A/N: HI A'TINS! MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR! MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA NG LIBRO KO, HININTAY KO LANG TALAGA LUMABAS YUNG NEW SONG NILA BAGO IPUBLISH YUNG PART NA TO.

SORRY KAHIT MEDYO LATE PERO SANA MAGUSTUHAN NIYO PARIN. LET'S STREAM ALAB AND STAN SB19!

P.S. HINDI PO SAKIN YUNG MGA PICTURES AND VIDEOS NA GINAMIT KO, CREDITS TO THEIR RESPECTIVE OWNERS! YUNG MISMONG PLOT LANG TALAGA YUNG SAKIN. MAS MAGANDA KUNG PATUGTUGIN NIYO YUNG MGA KANTA SA BAWAT LOVE SCENE.

SB19 PARAIN SA 2020!

-

12/24/19
At ShowBT Corp. Philippines

Ilang oras na lamang ang nalalabi bago sumapit ang pasko ngunit andito parin sina John Paulo, Josh, Stell, Ken at Justin na abalang-abala sa pagsasanay ng kanilang mga sarili. Kakauwi lang nila kahapon galing sa Negros nung nagconcert sila nung isang araw, imbis na umuwi sa kanilang mga pamilya para magpahinga ay dumiretso nalang sila agad dito.

Simula kaninang umaga, hindi na sila lumabas ng kwarto at nanatili lamang sila sa loob. Nag-aalala ka na din sa kalusugan nila kaya dinalhan mo nalang sila ng pagkain at inumin. Isa ka nga palang Creative Designer kung saan ang trabaho mo ay maglagay ng effects at pagandahin yung mga bidyeo nila. Nung August 2018 ka pa nagsimula maging intern sa kumpanyang ito at maayos naman yung kinikita mo. Naging malapit ka sa SB19 at halos isang taon na ang nakalipas simula nung makilala mo sila. Aaminin mong napamahal ka na sakanila at Aurum ka pa bago maging A'tin.

"Hi (Y/N), hindi ka ba uuwi? It's almost Christmas." Sumalubong sayo si Tatang Robin habang papunta ka na sa practice room ng mga boys.

"Mamaya nalang po ako uuwi tutal wala naman po akong kasama sa bahay." OFW kasi yung mga magulang mo, nasa Singapore sila ngayon at kahit na pasko, kumakayod padin sila magtrabaho.

"Okay. Punta ka sa Christmas party later! Let's celebrate!" Medyo hirap padin si Tatang magsalita ng tagalog pero naiintindihan mo padin kahit papano.

"Opo, pupunta po ako. I will just give them food." Sabi mo habang may dala kang lalagyan ng niluto mong sinigang at sinaing na kanin. "I made enough food for everyone, kain din po kayo."

"Thank you, (Y/N). Sarap mo magluto." Binigyan ka ng thumbs up ni Tatang at nginitan ka.

"Walang anuman. See you later po." Kinawayan ka niya at dumiretso ka na agad sa pupuntahan mo. Napakabait na CEO ni Tatang Robin, ramdam na ramdam mo yung pagmamahal niya para sa mga A'tins.

Ginawa niyang libre yung mga tickets sa sampung concert na gaganapin dito lamang sa Pilipinas. Bacolod, Manila Baguio, Bicol, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Pampanga, at Zamboanga tas may isa pa silang encore concert dito sa Manila. Hindi lang yon, mura lang din yung mga merchandise nila at sobrang worth it pa! Minsan mura o libre pa yung pamasahe ninyo papunta sa venue dahil nung nasa Negros sila, nagkaroon ng discount sa pamasahe yung mga fans na pupunta sa concert at dito naman sa Manila ay may balak silang umupa ng tren sa LRT papuntang Cuneta Astrodome sa Pasay.

May kilala ba kayong katulad ni Robin Geong? Wala diba? Kung meron, ipakilala niyo sakin. Ang totoong ultimate bias mo talaga ay si Tatang kasi ubod siya ng kabaitan. Masaya ka dahil nagpatayo ng branch ang ShowBT dito sa Pilipinas kasi hahasain ka talaga ng maigi bago ka tumayo sa entablado at maglahad sa harap ng maraming tao. Dito rin umusbong yung grupong sumikat dahil sa kanilang angking talento, ang SB19.

Nakarating ka na sa labas ng kwarto nila at rinig na rinig mo yung tugtugan nila sa loob. Kumatok ka muna saglit kahit alam mong hindi naman nila maririnig dahil sa sobrang lakas ng speaker, pero ayaw mo naman kasi pumasok ng basta-basta dahil nakakabastos yun. Biglang tumigil yung tugtog at hindi nagtagal ay pinagbuksan ka nila ng pintuan.

"Ikaw pala yan, (Y/N). May kailangan ka ba?" Ang unang sumalubong sayo ay si Stell, tumatagaktak yung buhok niya ng pawis at hingal na hingal siya.

"Nagluto po kasi ako ng sinigang ngayong tanghalian, magpahinga muna kaya kayo at kumain kahit saglit? Kaninang umaga pa po kasi kayo nandyan eh."

"Hala, nag-abala ka pang dalhan kami ng pagkain. Nakakahiya naman sayo."

Nginitian mo nalamang siya. "Okay lang po, hindi naman kayo naging abala sakin, saka nagluto rin po ako para sa lahat. Nakain na din sila Tatang Robin, Ms. Hong saka yung mga ibang staffs sa office." Inabot mo sakanya yung lalagyan ng ulam at kanin pati plato, mga kutsara't tinidor saka baso. Mayron naman silang galon ng tubig sa loob pati yelo kaya dalawang litro ng coke nalang yung dinala mo. Naamaze ka ba sa sarili mo dahil kinaya mong bitbitin lahat ng 'yon gamit kamay mo? Buti nalang uso yung tray sainyo kaya hindi ka nahirapan magbuhat.

"Stell, sino tao sa labas? Bat parang may naamoy akong pagkain?" Rinig mo yung boses ni Sejun sa loob.

"Dinalhan tayo ni (Y/N) ng niluto niyang sinigang!" Pagkasabi ni Stell nun, narinig mong naghiyawan silang lahat at nagsilapitan sila agad sainyo.

"Antagal kong hindi nakatikim ng luto ni (Y/N)." Dagdag ni Ken habang pinagiinitan na niya yung lalagyan ng ulam at gusto niya nang kumain. Kinuha na nila yung mabigat mong mga dalahin at nagpasalamat sila sayo.

"Thank you sa pagdadala ng pagkain samin parati, (Y/N). Ang bait mo talaga!" Nginitan ka ni Justin at akala mo na mahihimatay ka sa kinatatayuan mo ngayon kasi sobrang cute niya tas ansarap pang pisilin ng pisngi niya.

"Unahan na natin si Stell kumain, panigurado siya nanaman makakaubos ng ulam." Pang-aasar ni Sejun at tumawa lamang yung ibang mga miyembro.

"Hoy, hindi ah! Ang sama niyo talaga sakin, titirhan ko naman kayo eh, saka hindi ako patay-gutom." Winasto ni Stell at tinignan siya ng malisosyo ng ibang miyembro dahil hindi kapakaniwala yung mga sinabi niya.

"Talaga ba?" Dagdag ni Sejun at hinampas lamang siya ni Stell sa braso tas nauwi silang dalawa sa kasalan. Etse, hampasan pala.

"Marami pa naman po akong niluto eh, halos dalawang timbang ng manok yun kaya wag kayong mag-aalala at magpakabusog po kayo. Meron pa sa kusina kung sakaling nabitin kayo." Niyakap ka bigla ni Stell at grabe yung pawis niya, kapag hindi siya nagpalit ng damit baka magkasakit siya katulad ng iba niyang mga kasama.

"Hulog ka talaga ng langit, (Y/N)! Maraming salamat!" Humigpit yung yakap niya sayo at nahirapan kang huminga dahil sobrang dikit ninyo sa isa't isa.

"Basang-basa ka ng pawis tas yayakap ka kay (Y/N)." Hinatak ka palayo ni Josh at nagulat ka nung niyakap ka din niya. "Buti pa ko, fresh pa din." Kahit pawis na pawis si Josh, amoy mo padin yung pabango niya na para bang ito yung ginagamit niyang pang-ligo.

"Daldal kayo ng daldal, nagugutom na ko." Dinala na ni Ken yung lalagyan ng ulam tas pumasok na siya sa loob. "Lalamig yung niluto ni (Y/N), pero kahit naman malamig panigurado masarap padin."

"Kumain ka na ba, (Y/N)? Gusto mo bang sabayan kami?" Niyaya ka ni Justin.

"Makikikain nalang po ako kasama nila Tatang Robin. Ayoko pong makaabala sainyo eh." Paalis ka na dapat nung hinila ka na ni Justin at hinatak sa loob.

"Sabay ka na samin kumain, namiss ka kaya namin kasama. Hindi ka kasi pumunta nung first concert namin sa Negros eh." Sinara niya na yung pinto tas umupo kayo sa lapag. "Ansaya magperform nung concert, grabe yung overwhelming support ng A'tins!"

"Syempre, kapagyarihan namin yun eh." Proud kang sabihin sakanila na fan ka at alam naman nila yun. "Ayaw niyo muna po bang magpalit ng damit? Basa kasi kayo ng pawis eh, baka magkasakit kayo saka naka-aircon pa dito sa loob."

"Pwede naman mamaya magpalit ng damit eh." Bubuksan na dapat ni Ken yung lalagyan nung pinigilan siya ni Sejun.

"Tama si (Y/N), palit muna tayo ng damit. Mas patay gutom ka pa kesa kay Stell." Sitsit ni Sejun at siningamutan lang siya ni Ken.

"Hoy, sabi nang hindi nga ko patay gutom eh!" Nagsitayuan muna sila para magpalit ng damit. "Kung nagugutom ka na, pwede ka nang magsimulang kumain (Y/N). Kahit hindi mo na kami hintayin."

Kahit sinabi niya yon, hinintay mo padin sila kasi mas masarap kumain kapag may kasabay ka. Hindi nagtagal bumalik din sila at sobrang bilis lang nila magbihis, iba talaga kapag sanay na. Sanay nang magpalit ng damit.
Bago kayo magsimulang kumain, nagdasal muna kayo.

"Bless us, O Lord, and these, Thy gifts, which we are about to receive from Thy bounty. Through Christ, our Lord. Amen." Kahit kumukulo na yung tyan ni Ken, nagpumilit siyang magdasal bago kumain. Bigla mong naalala na laking simbahan pala siya.

Nagsimula na kayong kumain at sobrang saya mo dahil nakasama mo sila ulit. Sa totoo lang, nabubuhay ka sa mundong pinapangarap ng ibang A'tins saka hindi ka nagpopost ng kahit anong pictures or videos sa social media dahil alam mong mahigpit na pinagbabawalan ito at privacy na din ng boys yon. Kaya sobrang open nila sayo dahil alam nilang hindi ka gagawa ng kahit anong ikakasira ng pagsasama ninyo.

"Ang sarap mo talaga magluto, (Y/N). Naalala ko bigla yung luto ni Mama." Dagdag ni Sejun habang nakuha siya ng kanin ng pangalawang beses.

"Hala, mas masarap pa po magluto si Tita Grace kesa sakin." Naalala mo nung nagdala yung Mama ni Sejun ng kaldereta dito sa opisina tas hindi mo makalimutan yung lasa nun, ilang beses mong sinubukan ulitin yung luto niya pero hindi mo padin makuha yung kasing sarap na lasa.

"Kamusta po pala yung concert ninyo sa Negros? Pwede niyo ba akong kwentuhan?"

"Pumiyok si Justin." Agad na sinabi ni Ken habang kalmadong humihigop ng sabaw.

Biglang namula yung pisngi ni bunso. "Bwiset ka, Ken! Bat mo sinabi kay (Y/N) yun." Pinalo ni Justin yung balikat ni Ken habang nahihiya siyang tumingin sayo.

"Okay lang po yun, Kuya Justin. Mahal ka pa din naman namin eh. Tumayo ka sa entabladong iyon dahil may talento ka kaya hindi mo dapat ikahiya yung sarili mo." Hinaplos mo yung balikat niya para guminhawa yung pakiramdam niya.

"Sobrang nahiya ako nun, hindi ko inaasahang mangyayari yun." Napabuntong hininga na lamang siya.

Kinurot mo yung pisngi niya. "Okay nga lang po yun, wag niyo na masyadong alalahanin. Tanggap pa din namin kung sino ka. Wag ka na pong sumimangot." Binitawan mo yung pisngi niya at aaminin mong kinabahan ka nung ginawa mo yun dahil baka tubuan siya ng tigyawat.

"Umiyak din si Stell, iyakin talaga siya." Dagdag ni Ken.

"Sino ba namang hindi maiiyak sa walang sawang pagmamahal at suporta ng A'tins? Hindi ko talaga makalimutan yun, pakiramdam ko maiiyak ako ulit."

"Kami din maiiyak dahil inubos mo na yung ulam." Biglang singit ni Josh tas sabaw nalang natira sa lalagyan at wala nang manok.

"Kuha nalang po ako ulit." Tatayo ka na sana nung pinigilan ka ni Sejun.

"Ikaw na nga nagdala samin ng pagkain tas ikaw pa yung babalik para kumuha ulit? Mali yon. Dapat kung sino yung nag-ubos siya din yung kukuha." Tumingin silang apat kay Stell.

"Delikado kapag si Stell, baka ubusin niya na rin yung nasa kaldero tas pagbalik niya sabaw at dahon nalang yung makakain natin." Kumontra si Josh.

"Ang sama niyo talaga sakin!" Tinawanan niyo lamang si Stell at lagi nalang siya yung napapagtripan kapag usapang pagkain.

"Ako na nga lang babalik." Tumayo na si Justin at lumabas para kumuha ulit ng ulam sa kusina.

"Hindi rin kasi namin pwedeng ikwento yung nangyari sa concert. Pinagbawalan din namin yung A'tins na magpost ng video ng live performance namin." Sagot ni Sejun.

"Basta may sari-sarili kaming pasabog. Kumanta si Justin ng Paano na Kaya, si Ken naman Best Part habang nagigitara, si Josh sinayaw yung The Greatest Show, si Sejun kinanta yung sarili niyang kanta at ako naman hinarana ko yung mga A'tins at kumuha ako ng isang prinsesa tas dinala sa entablado." Kinwento ni Stell yung mga naging kaganapan nung concert.

"Masyado ka nang maraming babae Stell, sino ba talaga?" Pang-aasar ni Sejun. "Babaero ka ba?"

"Hindi noh, mahal na mahal ko lang talaga lahat ng mga fans natin! Saka antagal naman ni Justin, nagugutom na ulit ako." Sagot ni Stell.

"Sabi sayo (Y/N), patay gutom yan." Chismis ni Josh sayo habang natawa ka lamang. Kunwari hindi mo alam.

Bumalik na si Justin na maraming dalang manok at nagsikuhaan na kayo. Grabe, sobrang namiss mo talaga yung limang 'to. Wala pang isang linggo nakakalipas nung umalis sila pero parang antagal mo silang hindi nakita.

Ganito ba kapag mahal na mahal mo ang isang tao? Kaso, ang poblema hindi lang kasi isa yung mahal mo... Sadyang OT5 ka eh. Masyado ka marupok para pumili ng isa sa kanila.

"Mamaya na ilalabas yung bago nating kanta! Sana magustuhan ng maraming tao." Sabi ni Justin habang may malaking ngiti sa mukha niya.

"Ah, yung Alab? Akala ko nga po nung una magiging pera na kayo eh. Si Kuya Justin dalawang daan, si Kuya Sejun isang daan, si Kuya Stell limang daan, si Kuya Ken sampung piso at si Kuya Josh limampung piso." Naalala mo yung pinost nila dati na reminders para sa Bacolod concert tas may nakaedit na mukha ni Sejun sa isang daan. "Tapos kapag pinag-plus niyo po lahat, 200+100+500+10+50=1000 kasi yung isang libo ay kulay asul!"

"Marunong ka ba magbilang?" Pabirong tanong sayo ni Ken. "Wala lang, tinanong ko lang, buang."

"Ang witty mo sana don kaso di ako natawa eh." Dagdag ni Sejun na kakatapos lang kumain.

"Eto, piso, bumili ka sa tindahan ng kausap mo." Seryoso kang inabutan ni Josh ng piso. Halatang pinagtritripan ka na ng mga lalaking 'to dahil corny yung joke mo.

"Alam mo naman welcome na welcome ka sa maisan diba?" Sinalinan ka ng coke sa baso ni Justin habang ngumingisi siya sa joke mo.

"Hala, ubos na yung kanin." Reklamo ni Stell habang nakukulangan pa din siya. "Papapakin ko na nga lang yung manok tas hihigop nalang din ako ng sabaw."

"Ikaw lang naman yung umuubos eh." Sabat ni Sejun bago tungain yung baso ng may laman na coke.

"Ilang taon ka ba hindi pinakain ng magulang mo?" Tanong ni Josh habang inirapan lang siya pabalik ni Stell. "Tapos na kaming lahat kumain tas ikaw nalang yung hindi pa nabubusog."

"Bakit ba? Ansarap kaya kumain." Pinakyaw niya na yung mga natirang manok at sa mismong lalagyan na siya kumakain. Kahit malakas siya lumamon, ang payat niya padin pati rin yung iba niyang kagrupo.

"May pasalubong pala kami sayo." Dagdag ni Justin tas inabutan ka niya ng supot ng puro pagkain. "Binilhan ka namin ng crispy piaya, half-moon cakes at ensaymada. Pinagambagan namin yan, sana magustuhan mo, masarap lahat ng yan!"

"Salamat." Masyadong madami yung binigay nila sayo. Ang bigat tuloy ng bubuhatin mo mamaya paguwi.

-

Pagkatapos niyong kumain, nagligpit muna kayo ng mga pinagkainan ninyo tas bumalik na sila sa pagpractice habang dumiretso ka na sa opisina at binuksan mo yung laptop mo para ipagpatuloy yung trabaho mo.

Biglang tumawag yung mga magulang mo sa Skype tas sinaksak mo yung earphones mo sa laptop at nakipag-usap sakanila.

"Hello (Y/N)! Kamusta ka naman dyan, anak? Miss na miss ka na namin ng Papa mo."

"Merry Christmas and Happy New Year (Y/N). Nasan ka ngayon? Wala ka ata sa bahay?"

"Okay naman po ako, Mama, Papa. Nasa work ako ngayon. Miss ko na din kayo. Merry Christmas and Happy New Year din po. Anong oras kayo uuwi dito? Gusto ko sana salubungin kayo sa may NAIA terminal."

Sobrang saya mo nang makita at makausap mo ulit yung mga magulang mo. Nangako kasi silang dalawa sayo na babalik sila ngayong pasko para ipagdiriwang yung noche buena. Handa na yung mga regalong ibibigay mo sakanila at nakapamili ka ng mga ingredients para sa iluluto mong pagkain mamaya. Ang kulang nalang ay umuwi sila.

"Ah, anak... Hindi pala kami makakauwi ng Papa mo sa Pilipinas. Pasensya ka na kung lagi ka naman nabibigo... Masyado kasi maraming pinapagawa yung boss namin."

Hindi mo maiwasang maging malungkot pero hindi mo pinahalata sa mga magulang mo dahil ayaw mo silang mag-aalala.

"Okay lang po, Ma. Naiintindihan ko naman eh. Ipapadala ko nalang po sa LBC yung regalo ko sainyo. Sana magustuhan ninyo."

"May regalo din kaming pinadala sayo anak, baka bukas mo pa matanggap. Patawarin mo kami (Y/N) dahil kada taon nalang lagi mong pinagdiriwang mag-isa yung pasko."

"Wag po kayong mag-aalala, Pa. May Christmas party po kami mamaya. Sana nakakapagpahinga pa kayo dyan at wag niyo masyado pagurin yung sarili niyo. Mahal na mahal ko po kayo."

"Mahal na mahal ka din namin anak. May boyfriend ka na ba? Kahit magdate nalang din kayo mamaya pagtapos ng party."

"Sweetie, masyado pang bata si (Y/N). Hindi pa siya pwede pumasok sa isang relasyon."

"Honey naman, bente anyos na yang anak natin. Hayaan mo na siya makapiling yung taong minamahal niya."

"Wala pa po akong boyfriend, Mama, Papa. Pakiramdam ko nga single padin ako kahit 2020 na."

"Okay lang yan anak, andito naman Papa mo. Hindi mo pa naman kailangan ng boyfriend eh."

Isa ka kasing Daddy's girl at masyado siyang protective sayo kaya hanggang ngayon wala ka pa din jowa. Saka wala rin nanliligaw o nagkakagusto sayo kaya wala ka rin. Natatakot ka ngang isipin na tatanda kang dalaga eh.

"Wala ka bang nagugustuhan ngayon (Y/N)? Diba sa trabaho ninyo may limang gwapong mga lalaki dyan? Wala ka bang gusto ni isa man lang sakanila?"

Biglang namula yung mga pisngi mo. "Wala po, Ma. Sapat na po sakin si Papa. Love na love ko nga po siya eh."

"Diba sabi sayo (M/N)! Baby ko padin yang anak natin, hindi niya pa kailangan ng boyfriend."

"Hay nako, sa susunod na nga lang tayo mag-usap, (Y/N). Kapag tayong dalawa lang tas wala Papa mo."

"Ano pag-uusapan niyo? May ayaw ba kayong malaman ko? Kapag tungkol sa lalaki yan, tigilan niyo na."

"Diba nasa trabaho ka pa, anak? Mamaya nalang kami ulit tatawag. May tatapusin pa kaming mga dokyumento na kailangan ipasa ngayong araw."

"Teka, ibaba mo na agad? Hindi pa nga ko tapos makipag-usap kay (Y/N). Pwede naman natin gawin yan mamaya."

"(F/N), kung pwede lang edi sana nakauwi na tayo sa Pilipinas diba? Kailangan natin tapusin ito ngayon."

"Okay lang po, Papa. Gawin niyo na yung dapat niyong gawin. May ginagawa rin po ako ngayon eh."

"Rinig mo yun? Oh sige, ibaba ko na anak ah. Mahal na mahal ka namin. Merry Christmas and Happy New Year, pakabusog ka mamaya at sana mahanap mo na yung Mr. Right mo."

"I love you anak, wag ka muna magkaroon ng boyfriend ah? Merry Christmas and Happy New Year at magpakasaya ka mamaya. Wag kang iinom o maninigarilyo. Delikado baka mapano ka paguwi mo."

"Ang gara mo naman (F/N). Naiintindihan ko yung bawal manigarilyo pero pinagbabawalan mo din yung anak nating uminom kahit may okasyon?"

"Wag mo nga kunsintihin yang anak natin. Maraming mga siraulong lalaki ngayon."

"Anak, kung gusto mong uminom, sige lang. Ako bahala sa Papa mo, basta siguraduhin mo may maghahatid sayo pauwi ah?"

"Mama, hindi po ko nainom ng alak o naninigarilyo. Kaya wag na po kayo mag-aalala, Papa. Hindi ko po lalabagin yung usapan natin."

"Buti pa si (Y/N) masunurin. Sige na anak, mauuna na kami. Mahal na mahal ka namin ng Mama mong B.I."

"Excuse me! Hindi ako bad influence, gusto ko lang mag-enjoy yung anak natin kahit minsan. Kita mong napaka-conservative ni (Y/N) eh. Hays, basta anak, sige lang party hard! Enjoy life!"

"Opo, bye po. I love you Mama, Papa." Kumaway ka sakanila at ngumiti bago ibaba yung tawag sa skype tas nagpatuloy sa pag-edit.

"Was that your parents?" Lumingon ka tas nakita mo si Ms. Hong na kahit ilang beses mo siya nakakasalamuha, lagi siyang maganda at blooming.

"Opo." Nakakababa ng confidence yung kagandahan niya. "Kinamusta lang po nila ako."

"Good. Pupunta ka ba mamaya?" Hirap din siyang mag-english katulad ni Tatang pero kahit papano naiintindihan mo padin.

"Yes. Salamat po sa pag-imbita, saan po pala gaganapin yung Christmas party?"

"Here in Makati, at Shangri-La." Sabi niya tas sobrang lapit lang pala, yung tipong paglabas niyo ng building andun na kayo agad. "May invitation letter ka na ba?"

"Ah, wala pa po." Nako, kailangan mo umuwi ng maaga para makapag-ayos at dalhin yung mga regalong ibibigay mo sakanila mamaya. Maghahanap ka pa ng damit na susuotin mo. Akala mo kasi na dito lang kayo sa opisina magcecelebrate katulad ng nakaraang taon tas nagorder lang kayo ng mga pagkain.

"Wait, bigyan kita." Umalis siya saglit para kuhaan ka ng letter para makapasok mamaya sa hotel. Bumalik din siya agad at inabutan ka niya ng isa.

Holiday Party

You are invited to our party at
MAKATI SHANGRI-LA, MANILA

Tuesday, December 24th
At 7 o'clock in the evening
Hosted by Robin Geong and Adelaide Hong

Makati Avenue, corner Ayala Ave, Makati, 1200 Metro Manila

Mukhang magiging masaya yung pagdiriwang ninyo mamaya. "Thank you po." Ngitian ka lamang niya tas umalis na siya. Tinapos mo na agad yung project mo at nagsi-uwian din kayong lahat ng maaga para makapag-ayos. Bigla mong naalala yung sinabi ng nanay mo tungkol sa limang lalaki na tinutukoy niya kanina.

Hindi alam ng mga magulang mo na hindi lang isa yung gusto mo, kundi silang lima talaga. Aaminin mo na ang una mong nagustuhan sa kanila ay si Justin tapos hindi rin nagtagal na nabighani ka ng boses ni Stell, tas nahulog ka sa mga tula ni Sejun, naakit ka sa mga galawan ni Ken at bumilis yung tibok ng puso mo sa abs ni Josh. Kaya OT5 ka talaga, hindi ka makapili ng isa sa kanila.

-

6:30 P.M.

May nalalabi ka pang trenta minuto bago magsimula yung Christmas party, natagalan ka kasi sa paghahanap ng damit. Pumunta ka din ng parlor kanina para magpaayos ng buhok at nagpapedicure tas dumaan ka pa ng LBC para ipadala yung regalo para sa mga magulang mo. Paguwi, minake-upan mo na yung sarili mo tapos kumuha ka muna ng ilang mga litrato bago umalis ng bahay. Buti nalang malapit ka lang sa Makati kaya mabilis yung byahe mo.

"Okay naman yung suot ko diba?" Pinagmasdan mo yung sarili mo sa salamin. Gusto mo kasi mag-mukhang tao kahit minsan kaya nag-ayos ka ng maigi.

Narinig mong tumunog yung celpon mo tas may nakita kang bagong text message na galing kay Ken.

ChiKEN🐔
Nasan ka?
6:31 P.M.

(Y/N)
Nasa bahay pa po. Otw na ko.
6:31 P.M.

"Nasa puso mo, charot." Gusto mo talaga bumanat kaso alam mong sasabihan ka nanaman ng buang nito. Binitbit mo na yung eco bag mo na may laman ng mga regalong ipamimigay mo sa mga kasamahan mo.

ChiKEN🐔
Labas ka.
6:33 P.M.

(Y/N)
Eto nga po, palabas na ko. Tatawag lang ako ng Grab o Angkas papunta sa venue.
6:33 P.M.

ChiKEN🐔
Bakit?
6:34 P.M.

Anong bakit? Malamang, para makapunta ka sa Shangri-La. Alangan naman makipagsiksikan ka sa bus eh marami kang dala saka naka dress ka pa. Binuksan mo yung Grab mong app tas naghanap ka ng driver malapit dito sainyo nung biglang may tumawag tas sinagot mo agad ng hindi mo pa nakikita kung kaninong number galing.

"Andito na po ko, Ma'am."

"Ah, sige po manong. Wait lang po." Binaba niya agad yung tawag tapos lumabas ka ng bahay mo at nilock mo muna yung pinto bago umalis. Imbis na Grab taxi yung sumalubong sayo, nagulat ka nung may nakita kang lalaking nakasandal sa malaking kotse.

"Kuya Ken? Bakit po kayo nandito?" Naglakad ka patungo sakanya tas tinignan mo yung paligid mo. "May nakita po ba kayong Grab taxi dito? Tumawag na po ko eh tas sabi ni manong nandito na daw siya."

"Andito na nga ko." Pinasok niya na yung celpon niya sa loob ng bulsa tapos binitbit yung mga dala mo. "Andami mong dala, para kang si Santa Klaus."

"Ikaw po ba yung tumawag?" Agad mong tinignan yung celpon mo at napagtantuan mo na number pala ni Ken yung sinagot mong tawag kanina. Hindi mo napansin, akala mo kasi si manong driver sa Grab yung tumawag.

Nilagay niya sa loob yung gamit mo tas pinagbuksan ka niya ng pinto. "Pumasok ka na, buang." Tinulungan ka niyang umakyat dahil masyadong mataas yung tutungtungan mo tas sinara niya yung pinto at binuksan yung pintuan sa kabila bago tumabi sayo.

"Pwede ko bang malaman kung bakit niyo po ko sinundo?" Pinaandar niya na yung kotse at wala kang kaalam-alam na marunong pala siyang magmaneho.

"Ayaw mo?"

"Ah, okay lang po. Salamat po."

"Wala lang, trip ko lang." Nagpatugtog siya ng kanta sa Spotify at kinonek sa radyo para marinig ninyong dalawa yung tugtugan.

[There should be a GIF or video here. Update the app now to see it.]

White shirt now red, my bloody nose

"Sleeping, you're on your tippy toes." Nakisabay ka sa kanta tas naalala mo na fan pala si Ken ni Billie Eillish. "Creeping around like no one knows." Napansin mo na tahimik lang yung lalaking katabi mo habang nagmamaneho.

Think you're so criminal
Bruises, on both my knees for you

"Kumanta ka naman po Kuya Ken, paborito mong kanta yung Bad Guy diba?"

"Mamaya, kapag chorus na." Sagot niya habang nakatitig siya sa harapan.

Don't say thank you or please
I do what I want when I'm wanting to
My soul? So cynical

"Kelan lang po kayo nagkaroon ng sasakyan?" Tanong mo sakanya habang nakadungaw sa labas.

"Hiniram ko lang to sa kaibigan ko." Huminto yung sasakyan dahil nakailaw yung stop light.

So you're a tough guy
Like it really rough guy
Just can't get enough guy
Chest always so puffed guy

"I'm that bad type. Make your mama sad type. Make your girlfriend mad tight. Might seduce your dad type." Hindi ka fan pero aaminin mo na ang catchy ng kanta tapos unique kasi yung mga kantang ginawa ni Billie Eillish kaya sumikat din siya agad sa music industry.

"I'm the bad guy..." Narinig mo boses ni Ken na kumakanta tas umandar na yung kotse. "Duh!" Ramdam na ramdam niya yung last part. "I'm the bad guy."

Narinig mong tumunog bigla yung celpon mo tas nakita mo na galing pala kay Justin, pinadalhan ka din niya ng selfie na andun na siya sa Shangri-La.

JAH🌽
Nasan ka na (Y/N)? Malapit na mag 7 o'clock.

6:51 P.M.

(Y/N)
Malapit na po kami, Kuya Justin.
6:51 P.M.

JAH🌽
May kasama ka?

Abalang-abala si Sejun!
6:52 P.M.

(Y/N)
Sinundo po ako ni Kuya Ken sa bahay namin.
6:52 P.M.

"Sinong kausap mo?" Tanong ng katabi mo. Malapit-lapit na kayo makarating sa Shangri-La.

"Si Kuya Justin po. Tinanong niya kung nasan na daw tayo." Sagot mo habang nakatutok padin yung mga mata mo sa celpon.

JAH🌽
May kotse pala si Ken?! 🤯
6:53 P.M.

(Y/N)
Hiniram niya lang daw po sa kaibigan niya.
6:53 P.M.

JAH🌽
Nice! Pwede na siyang maging Grab taxi driver. Siya na yung parating tatawagan ko.
6:54 P.M.

Natawa ka bigla sa sinabi ng makulit mong kaibigan na mas nakakatanda pa sayo ng isang taon lamang. Pinarada na ni Ken yung kotse at hindi mo napansin na andito na pala kayo sa Shangri-La.

"Mamaya mo nang kausapin si Jah, nandito na tayo." Bumaba siya ng kotse at nagulat ka nung pinagbuksan ka niya ulit ng pinto habang inaabot niya yung kamay niya sayo. Nanibago ka kay Ken ngayon, tinatrato ka niya ng parang isang prinsesa.

"Ah, kaya ko pong bumaba." Bigla niyang kinuha yung kamay mo at inalalayan ka niya sa pagtapak mo pababa. Bumilis yung tibok ng puso mo nung hinawakan ka niya. "Salamat po." Lagi ka nalang nagkakaganito sa tuwing malapit ka sakanila.

Naglakad kayong dalawa papunta sa building galing sa parking lot at hindi niya parin binibitawan yung kamay mo habang bitbit yung mga dala mong regalo sa kaliwang kamay niya. Kinakabahan ka baka sakaling may A'tins na makakita sainyo at magkaroon ng gulo.

"Kuya Ken, bitawan niyo na po yung kamay ko." Kahit labag sa loob mo, ayaw mong maging maka-sarili at alam mo na kailangan mo gawin yung tama. Napakalambot ng kamay niya at sa totoo lang, ayaw mo nang bumitaw pa.

"Ayoko nga." Hinigpitan niya lamang yung paghawak sa kamay mo habang nilabas niya yung dila niya para asarin ka. Pilit mong makawala sa kapit niya pero hindi ka niya pinagbigyan ng pagkakataon. Tigas talaga ng ulo ng manok na 'to na nagkatawang tao. Ayaw mo lang naman ma-issue kayong dalawa.

"Baka may A'tins po na makakita satin! Panigurado magkakaroon sila ng maling hinala tungkol sa ating dalawa."

"Wala yan, saglit ko lang naman hahawakan yung kamay mo eh. Pagdating natin dun, bibitawan ko na."

Hindi lang yung mga fans niya yung inaalala mo, masyado ka na kasing kinikilig na pakiramdam mo parang lalabas na yung puso mo.

May napansin kang lalaking nakatayo sa may tapat ng gate tapos nung nagkatinginan kayong dalawa, kinilig ka bigla dahil sobrang gwapo niya at bagay sakanya yung tuxedo na suot niya. Akala mo tuloy prom pupuntahan mo hindi Christmas party.

Nawala yung ngiti niya nung napansin niyang may kasabay ka pala papunta at magkahawak pa kayong dalawa ng kamay. "Kasama mo pala si Ken..." Hindi mo napansin yung lungkot na nakatago sa mga mata niya.

"Nagulat nga po ko nung nakita ko siya sa labas ng bahay namin." Nginitian mo siya at hindi ka makatingin ng diretso sa mga mata ni Josh dahil pakiramdam mo matutunaw ka nalang bigla.

"Pre, Grab driver ka na pala ngayon?" Tumawa lang siya pero hindi mo napansin na peke pala yung paghalakhak niya. "Ganyan lang ba susuotin mo? Lahat kami naka formal attire."

"Magpapalit ako malamang." Sabat ni Ken habang nahalata niyang kanina pa pinagiinitan ni Josh yung kamay niyong dalawa na magkahawak.

"Tara (Y/N), pasok na tayo sa loob. Magsisimula na yung event, kayo nalang ata hinihintay namin dun."

"Hala, talaga po?" Tumango lamang si Josh at bigla ka tuloy nahiya. "Bilisan na natin, nakakahiya kila Tatang Robin." Bigla ka niyang hinila palayo kay Ken at napabitaw ka sa kamay ng lalaking kasabay mo papunta dito. Inakbayan ka ni Josh at naglakad kayo patungo sa loob ng iwanan niyo si Ken.

-

"Good evening everyone, ako po si Robin Geong at kasama ko si Ms. Adelaide Hong, kami ang host ninyo ngayong gabi. Thank you for coming today para makapagcelebrate ng Christmas party!"

Sinimulan ng opening remarks ni Tatang Robin sa stage habang kasama niya si Ms. Hong.

"Hello everyone, sana mag-enjoy kayo. We are all here to party! Merry Christmas and Happy New Year sa inyong lahat!"

"Merry Christmas and Happy New Year everyone!" Pahabol ni Tatang at nagsipalakpakan ang lahat ng nagtatrabaho sa ShowBT. "Before we start, SB19 will have a short performance. Let's give them a round of applause!"

Nilabas mo na agad yung camera mo para bidyeohan yung limang lalaking pinakamamahal mo, syempre wala kang balak i-upload 'to sa social media dahil alam mong bawal at lahat ng mangyayari dito sa venue ay dapat kayo lang ang makakaalam.

"Get in the zone, break! Hi, we are SB19!"

"Hi, I'm the leader of SB19. My name is Sejun."

"I'm the most charismatic member of SB19, my name is Josh."

"I'm SB19's heavenly voice, my name is Stell."

"Yo, it's your boy Ken. I'm SB19's main dancer."

"Hello, I'm the youngest member of SB19. My name is Justin."

Pinakilala nila yung mga sarili nila kahit kilala niyo na sila. Ang gwapo nilang lahat kahit anong suot nila, hindi ka nasasawang tignan sila araw-araw.

"We'll be performing our new song, Alab, that will be released later at exactly 12 A.M. during Christmas Eve." Sabi ni Josh at hindi mo napigilan mapangiti dahil isa ka sa mga maswerteng tao na makakapanood ng live performance nila na hindi pa nila nailalabas.

"Alab is an upbeat track that is basically about finding your true love and doing whatever it takes to win that certain someone. Here, we thought of fire as our burning desire, emphasizing that there's no other way to confess your love but to tell that person directly, and that you shouldn't waste time." Pinaliwanag ni Sejun at nagsipalakpakan kayong lahat bago sila magperform.

"We are excited to show everyone what we have been doing for the past few months and we really hope that all of you will enjoy it." Dagdag ni Stell.

"I hope through our song, Alab, my feelings would reach the girl that I truly love." Halatang kinikilig si Justin habang nakatayo sa stage at narinig mo naghiyawan yung mga iba mong kasama at sinisigaw nila yung pangalan ng celebrity crush niya na si Sharlene San Pedro.

"Wala naman si Sharlene dito." Sabat ni Ken habang naghiyawan yung mga manunuod pati nadin ikaw. Aaminin mong masakit kaso naiintindihan mo din kung bakit nagkagusto si Justin kay Sharlene.

"Hindi kasi si Sharlene yung tinutukoy ko." Mas lalong lumakas yung hiyawan ng audience at hindi ka sigurado kung namilik mata ka ba pero nahuli mong nakatingin sayo si Justin at bigla ka niyang nginitan.

Shucks.

[There should be a GIF or video here. Update the app now to see it.]

Nagsimula na silang kumanta at sumayaw habang binibidyeohan mo lang sila sa kinauupuan mo. Ganito talaga ang buhay ng isang fangirl. Pinipigilan mong tumili dahil hindi ito concert at alam mong Christmas party yung pintuhan mo dito. Kilig-to-the-max ka habang pinapanuod mo sila.

"Kilig na kilig naman 'to." Biglang may umupo sa tabi mo na isang magandang babae. "Anong pakiramdam na sinundo ka ni Ken sa bahay mo?"

"Hala, ang ganda niyo po Ate Rappl!" Pinuri mo siya at ang sobrang ayos ng make-up at pananamit niya. "Nagulat nga po ako nung andun pala siya nag-aabang sa labas ng bahay namin."

"Salamat! Ang ganda mo din ghorl! Blooming ka today ah, may kadate ka ba mamaya after ng party?"

Namula yung mga pisngi mo. "W-Wala po! Uuwi na po ako agad pagkatapos."

"Maniwala ka dyan kay (Y/N). Ayaw pang umamin na may kadate mamaya."

"Hello po Ate Xi-Anne, ang ganda niyo rin po!" Umupo rin siya sa tabi mo habang abalang-abala ka sa pagbidyeo ng performance ng SB19. "Saka paano ako magkakapagdate eh wala nga po akong jowa."

"Ayun oh, nagpeperform silang lahat sa stage!" Tinuro ni Xi-Anne sina John Paulo, Josh, Stell, Ken at Justin habang kumakanta at sumasayaw sila.

"Ay alam ko naman po yun." Nagsitawanan lamang kayong tatlo.

"Sino ba kasi pinakagusto mo sa kanilang lima?" Parati kang tinatanong ni Xi-Anne tungkol dyan.

"Gusto ko po silang lima, OT5 po ako!" Confident mong sinabi dahil pantay-pantay lamang yung pagtingin mo sakanila.

"Maniwala kami sayo, wala ka ba kahit isa sakanila na pinaka-nagugustuhan mo?" Tanong ulit ni Rappl.

"Wala nga po, mahal na mahal ko po silang lahat."

Natapos na yung kanta at hininto mo na yung bidyeo. Nagsipalakpakan kayong lahat dahil napakaganda talaga nung performance.

"Maraming salamat sa pagsuporta saamin para matupad yung mga pangarap namin. Hindi kami aabot sa narating namin ngayon kung wala kayo! Mahal na mahal naming kayong lahat." Nagsihiyawan ang lahat sa mensaheng pinadala ni Josh.

"This has been a really successful year despite that this is just only the beginning of our journey. We will be forever thankful for all the love and support that we have been receiving from everyone. It is all thanks to you guys. Together, we will go up as one!"

Tagos sa puso yung mensahe ni Sejun at napakaaliwalas ng ngiti nilang lima sa stage, it was like they were really born to be a star. Sobrang proud ka sakanila at masaya ka dahil tama yung naging desisyon mo na istan yung SB19.

"Merry Christmas everyone!" Nagsipalakpakan ulit kayong lahat at bumaba na sila ng stage.

Dumating na din yung pinakahihintay ninyong lahat, nilabas na yung mga hinandang espesyal na putahe tas nagsimulang magpilahan ang lahat sa may catering.

Ang haba ng pila... Wala pang isang minuto nakakalipas andami agad taong nakapila. Hindi mo napansin wala na pala sina Rappl at Xi-Anne sa tabi mo at nakita mo nalang sila nakatayo sa pila.

Mamaya na nga lang ako kakain. Napabuntong hininga ka tas nakalimutan mo ibigay yung regalo mo sakanilang dalawa. May napansin kang isang magandang babae nakasuot ng mahabang gown at pababa na siya sa hagdanan. Mabilisan mong kinuha yung ireregalo mo para sakanya at hinabol siya. Buti nalang hindi ka nakaheels kundi kanina ka pa nadapa.

"Ate Anne!" Nakahawak siya sa mga rehas at nilingon ka niya agad nung tinawag mo yung pangalan niya.

"Hello (Y/N). Wag kang tumakbo, baka madapa ka." Ang ganda talaga ni Anne Soriano, bagay siya maging artista. "Grabe paganda mo ah, may pinapagandahan ka bang lalaki ngayong gabi?" Ang lakas niya rin mambola.

"Mas maganda pa po kayo kesa sakin." Inabot mo agad sakanya yung niregalo mo. "Merry Christmas po!"

"Hala, nag-abala ka pa! Hindi pa ko nakakabili ng pangregalo sainyo."

"Okay lang po, hindi naman ako nagregalo para manghingi ng kapalit."

Nagulat ka nung bigla ka niyang niyakap. "Ang bait mo talagang bata ka!" Nilabas niya yung celpon niya tas nag-aya siyang makipagpicture. Buti nalang hindi ka pa haggard dahil sa kakahabol mo sakanya kanina.

"Ano pong ginagawa niyo dito? Hindi po ba kayo kukuha ng pagkain?" Tanong mo sakanya.

"Ah, balak ko sanang pumuntang C.R. kaso hindi ko alam kung saan." Nawawala pala siya.

"May C.R. po sa taas, gusto niyo ba samahan ko po kayo?"

"Maraming salamat, tara samahan mo ko." Umakyat na kayo ng hagdan at dumiretso sa C.R. "May malapit pala dito, bumaba pa ko. Pasensya na, naging abala pa ko sayo. Mag-aayos lang talaga ako ng make-up."

"Ayos lang po." Hindi mo alam kung ano pang aayusin niya eh sobrang ganda niya na nga.

"Alam mo ba may kilala akong nagkakagusto sayo."

"Sino po? Kilala ko po ba yan?"

"Oo, parati mo nga nakikita araw-araw eh."

Kaso wala kang ideya kung sino yung tinutukoy niya. "Ha? Sino? Madami po kong nakikitang tao araw-araw. Nagtatrabaho din po ba siya dito?"

"Basta, malalaman mo din." Sabi niya pagkatapos niyang maglagay ng lipstick. "Okay na ba yung itsura ko?"

"Kahit naman wala po kayong make-up, maganda ka parin naman."

"Nako, wala akong pera. Wag mo nga ko bolahin." Tinawanan ka lamang niya. "Tara na nga, nagugutom na ko. Pipila pa tayo."

Buti nalang kumonti na yung nakapila, mas mabilis kayong makakakuha ng pagkain.

"Sismars! Nandyan pala kayo!" Lumapit si Rappl sainyo at ginulat kayong dalawa. "Wow, sana all may regalo."

"Binigyan lang ako ni (Y/N)." Sagot ni Anne habang hawak yung nakabalot na regalo mo para sakanya.

"Ah, may regalo rin po ako para sainyo Ate Rappl! Nakalimutan ko lang ibigay kanina." Dagdag mo.

"Hala, seryoso? Nagbibiro lang ako!"

"Seryoso nga po ako, pati po kay Ate Xi-Anne meron. Asan nga po pala siya?"

"Ah, nakaupo na siya sa pwesto natin kanina. Ayun siya oh, nakain na." Tinuro ni Rappl si Xi-Anne na kumakain. "Takaw niya noh, hindi man lang tayo hinintay."

"Ayos lang po, nakakagutom din naman talaga."

"Oo nga naman, Rappl! Makatakaw ka wagas." Sagot ni Anne at nagsitawanan lang kayong tatlo.

"Ah, muntik ko nang makalimutan... May naghahanap pala sayo (Y/N)." Biglang sinabi ni Rappl. "Hinahanap ka nila Stell, nandun silang lima nakaupo sa may dulo."

"Ngayon na po ba?"

"Oo daw, puntahan mo muna sila." Umalis ka sa pinipilahan mo at nagpaalam ka muna sakanila saglit para bumalik sa pwesto mo kanina. Kinuha mo muna yung mga ireregalo mo sakanilang lima.

"Oh (Y/N), kumain ka na ba?" Tinanong ka ni Xi-Anne habang ngumunguya ng siningang na kanin at sinisimot yung kaldereta.

"Ah, hindi pa po eh. Mamaya na po ko kakain." Inabutan mo siya ng regalo at labis niyang kinagulat ito. "Merry Christmas po and Happy New Year!"

"Huy, thank you ah! Nag-abala ka pang regaluhan ako! Saka ko na ibibigay yung regalo ko sayo."

"Salamat po." Nginitian mo lang siya habang lumingon ka sa kapaligiran mo. "Nakita niyo po ba si Ate Kem?"

"Chinat niya ko kanina tas sabi niya hindi daw siya makakapunta ngayon, nilalagnat kasi eh."

"Hala, sana gumaling na po siya agad. Pwede niyo bang ibigay sakanya yung regalo ko?"

"Sure, balak ko din pumunta sakanila mamaya eh. Makikitulog ako sa bahay niya." Lumagok siya ng tubig sa baso habang naghahalungkat ka sa loob ng eco bag mo. "Saka nga pala, hinahanap ka nila Stell kanina."

"Ah, oo nga daw po." Nag-abot ka ulit sakanya ng isa pang regalo. "Pwede po pakibigay rin ito kay Ate Rappl? Nakalimutan kong iabot sakanya kanina eh."

"Sige lang. Para kang si Santa Klaus, alam mo yun?"

Napatawa ka lamang. "Sabi nga rin po ni Ken." Tumayo ka na habang may bitbit kang limang regalo sa kamay mo. "Ibibigay ko muna po ito sakanila. Usap nalang po tayo ulit mamaya." Nagpaalam ka na sakanya at nagtungo sa lamesa kung saan nakaupo sina Sejun, Josh, Stell, Ken at Justin tas pagdating mo dun nakain na sila.

Binigyan mo silang lima ng tig-iisang regalo at nagulat sila dahil hindi nila inaakala na makakatanggap sila ng aginaldo. "Merry Christmas and Advance Happy New Year po! Sana magustuhan niyo yung regalo ko sainyo."

"Hala (Y/N) nag-abala ka pa... Pwede sa susunod ko nalang ibigay yung regalo ko sayo?"

"Kahit wala na po." Nginitan mo lang si Sejun. "Hindi naman po ako namimigay ng regalo para manghingi ng kapalit eh. Gusto ko lang talaga magbigay bilang pasasalamat sainyo dahil binuo ninyo yung 2019 ko!"

"Ang sweet mo naman (Y/N)! Pasensya na wala pa kong regalo sayo, pwede bang hug nalang muna?"

"Sige lang po." Hindi alam ni Stell na sapat na sayo makayakap mo lang siya ulit. Mahigpit ka niyang niyakap at sobrang kinilig ka nun. Yehey, dalawang beses ko na siyang nakakayakap ngayong araw~!

"OMG! Totoo ba talaga tong nakikita ko?!" Napatalon si Ken sa tuwa habang winawagaygay yung merchandise na jacket ni Billie Eilish. "Magkano bili mo dito? Ang mahal kaya ng mga damit sa Berksha."

"Sus, mas mahal ko pa po kayo kesa dyan!" Hindi mo alam kung bakit pero kinilig ka sa sarili mong banat. Bumitaw ka na sa yakap ni Stell tas napansin mong napatahimik siya. "Kuya Stell?"

"Ah, kumain ka na ba (Y/N)?" Bigla niyang iniba yung usapan tas narinig mong pinupunit ng iba yung balot ng regalo nila. Hindi mo alam kung may nasabi ka bang mali dahil bigla na lang silang nanahimik.

"Hindi pa po eh." Napansin mong kumakain na pala sila bago ka pa makadating dito. "Hala, pasensya na kung naabala ko po kayo. Kukuha na lang muna ako ng pagkain ko."

Paalis ka na dapat nung pinigilan ka ni Stellvester. "Kinuhaan talaga kita ng pagkain. Sabayan mo na kami kumain." Hinila niya yung upuan para sayo.

"Talaga po? Maraming salamat!" Hindi ka nagdalawang-isip na umupo dahil alam mong masamang tanggihan ang grasya. Nagugutom ka na din kasi kaya gusto mo nalang talaga kumain.

"Hala, bago lang yung Death Stranding ah! Nako, may pagkakaabalahan namaman ako." Abot langit yung ngiti ni Josh ng mabuksan niya yung niregalo mo sakanya. "May Resident Evil 2 na pala?! Astig!" Buti nalang nagustuhan niya, tinanong mo lang talaga yung nagbebenta ng mga gaming consoles kung ano yung pinakamaganda at bagong laro pinalabas ngayong 2019 tas binili mo lang yung mga nirekomenda niya.

Nakita mong kinukuhaan ng litrato ni Sejun yung mga niregalo mong libro sakanya na umabot din ng libo-libo. "Noon ko pa gusto basahin yung I Love You Since 1982 kaso wala kasi akong time. Salamat (Y/N) ah!" Nginitian mo lamang siya ng may nahalungkat pa siyang mga poem books na isinulat ni Lang Leav. Masaya kang makita siyang tuwang-tuwa sa mga bagong librong natanggap niya. Mahilig kasi siyang mag-basa tuwing may oras siya kaya libro yung naisipan mong bilhin para sakanya.

"HALA! Ang cute ng strawberry t-shirts!" Abot langit yung ngiti ni Stell ng mabuksan niya yung niregalo mo sakanya. Tatlong strawberry designed t-shirts pero syempre magkakaiba-iba yung design bawat damit. Buti nalang sakto lang sakanya yung sukat ng shirt tas bagay pa sakanya kasi cute siya.

"Mas cute pa po kayo kesa sa strawberries." Nahihiya mong sinabi habang nakangiti sakanya.

"Yehey, salamat!" Nginitan ka lamang niya pabalik.

"Sana all cute." Singit ni Josh habang nakagat siya ng barbecue at kumakain na pala silang apat.

"Oo nga." Dagdag ni Sejun habang nililigpit niya yung mga librong binili mo para sakanya sa loob ng bag niya.

"Pinanganak ata tayo sa panahong sana all eh." Sabat ni Ken habang naghihimay siya ng manok sa plato niya.

"Bakit po? Lahat naman kayo cute ah." Hindi mo alam kung nagpaparinig ba sila o nagpapansin sayo.

Hindi mo napansin yung pamumula nung mga pisngi nila Josh, Sejun at Ken nung napatalon bigla si Justin sa upuan habang hawak niya yung stuffed toy na binili mo sa blue magic na may kamahalan din.

"Thank you (Y/N)! Sobrang cute talaga nito!" Sa totoo lang, aaminin mong si Justin yung pinakamahirap na bilhan ng regalo dahil mayaman kasi sila at halos nabibili niya lahat ng gusto niya. Kaya teddy bear nalang yung binigay mo sakanya kasi he is like a baby trapped in an adult's body.

Nagsimula ka nang kumain habang nakikipag-usap sa mga miyembro ng SB19, marami kayong iba't ibang bagay napagkwentuhan at sobrang saya mo dahil nakakasama mo sila ng ganito. Kumuha rin kayo ng ilang pictures at natawa ka sa mga wacky faces nila, kalog talaga kasama yung mga lalaking 'to.

-

Lumayo ka muna sa maraming tao saglit at nagpahinga ka muna sa may balcony ng hotel. Ang lamig ng simoy ng hangin at napakagandang pagmasdan ng mga bituin na nagniningning sa langit. Nabusog ka din sa mga kinain mo kanina at nakailang balik din kayo.

"(Y/N)? What are you doing here?" Lumingon ka at nakita mo si Tatang Robin sa likod mo. Paniguradong nag-iikot nanaman siya katulad ng ginagawa niya tuwing may concert o mall show yung boys.

"I'm just getting fresh air." Sagot mo at naglakad siya patungo sayo. Bigla kang kinabahan dahil katabi mo yung CEO ng ShowBT, ang lakas kasi niyang manghatak ng atensyon at may malaking presensya.

"Masaya ka ba?" Naappreciate mo yung pagsasalita niya ng Tagalog kahit hirap siya.

"Opo, super. Thank you po, Tatang." Nginitian mo lamang siya.

"Good." Nag-thumbs up lamang siya at binalik mo lang din yung gesture na ginawa niya.

"May regalo po pala ako para sainyo." Buti nalang dala mo yung bag mo, magaan nalang kasi kaya madaling bitbitin saka tatlong regalo nalang yung laman nito. "Merry Christmas and Advanced Happy New Year po!"

"Kamsamnida." Tinaggap niya. "Buksan ko?"

"Sige po." Sana magustuhan niya yung regalo mo.

"Wow!" Nagulat siya sa relong binili mo para sakanya at sinuot niya agad. "Ang ganda!" Sa totoo lang, si Tatang Robin yung sobrang pinaggastusan mo dahil tunay yung binili mo kaya may kamahalan din. "Salamat!"

"Welcome po. Ito rin po para sa wife ninyo." Nag-abot ka pa ng isang regalo para sa asawa niya, gusto mo sana ibigay ng personal kaso nasa Korea yung asawa niya ngayon kaya pinaabot mo nalang.

"She'll be happy! Kamsamnida, (Y/N)!" Nilabas niya yung celpon niya para makapagselfie kayong dalawa. Cute talaga ni Tatang ngumiti.

"Sorry wala pa ko gift, too busy."

"No, it's okay. I'm happy na nakapagbigay ako ng gift." Nginitian mo lamang siya pabalik.

"Okay. I will give you souvenirs from Korea."

"Thank you po."

"So, what do you think of SB19?"

Nagulat ka sa out-of-nowhere random question niya. "Good! As an A'tin, I love them po!" Tinry mong ipaliwanag sa mas maayos na paraan para maintindihan ni Tatang yung sinasabi mo.

"Love and dating is bawal!" Mahigpit ka niyang pinagbawalan pero alam mo naman yun. "Crush, okay. Nothing more."

"Opo." Alam ko rin namang impossible nila akong magustuhan eh.

"I was born as their fangirl, not their girl."

-

Dumiretso kang C.R. pagaalis ni Tatang, bigla kang nalungkot sa sinabi niya kahit alam mo naman rin yun. Siguro inakala mo na may tyansa ka dahil nakakasama mo naman sila araw-araw pero nakalimutan mo na marami pang mga babaeng mas maganda at talentado pa sayo. Masyado naging mataas yung pangarap mo, pero hindi naman masama diba? Dahil pangarap lang naman.

"(Y/N)? Are you okay?" Nagulat ka nung pumasok si Ms. Hong sa banyo. "Why are you crying?" Hindi mo napansin na may pumapatak na palang luha galing sa mga mata mo. Agad mong pinunasan ito at nasira na yung make-up mo.

"Okay lang po ako."

"No, you're not okay." Hinawakan niya yung mga pisngi mo at binalin niya yung tingin mo sakanya. "Anong poblema?"

"Ang hirap po magmahal, lalo na kung bawal."

"Hindi mahirap, walang mahirap kapag in love." Pinunasan niya yung mga luha mo. "It takes a lot of courage to be in love with someone unreachable."

"Opo." Sa totoo lang, nalulungkot ka dahil alam mong hinding-hindi ka nila magugustuhan. Para sakanila, isa ka lamang hamak na A'tin. Hindi nila alam na sila lang yung minamahal mo ng ganito sa buong buhay mo.

Inayos ni Ms. Hong yung make-up mo dahil hindi siya pumayag umalis ka ng banyo ng mukhang haggard ka. Binigay mo na din sakanya yung regalo mo.

"Merry Christmas po and Advanced Happy New Year!" Tuwang-tuwa siya dahil niregaluhan mo siya. "Advanced Happy Birthday na rin po." Binuksan niya agad yung regalo at sobrang saya niya sa wallet na binigay mo.

"Kamsamnida, johahaeyo!" Buti nalang nagustuhan niya. Binili mo lang yan sa Charles and Keith para maganda saka sumakit din yung bulsa mo sa wallet na yan.

"Let's take a picture." Hindi mo alam kung bakit mahilig magselfie ang mga koreano pero nakisali ka naman. Ang ganda talaga ni Ms. Hong tas sobrang talented pa.

Lumabas na kayo ng banyo pagkatapos niyong kumuha ng ilang mga litrato at on-going padin yung party tas maraming tao na ang sumasayaw sa gitna. Ang saya-saya nilang lahat at gusto mong makisali sakanila.

"Love is not mahirap, tayo yung mahirap. We are free to mahal kahit sino." Sobrang gulo niyang magpaliwanag, pero naintindihan mo padin naman kahit papano.

"(Y/N)!" Napalingon ka nung may lalaking tumawag sayo. "Andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap."

Naglakad siya patungo sayo at napansin niya may kasama ka pala. "Hello po, Ms. Hong."

"Hi Sejun." Biglang nagpatugtog ng music habang yung iba naghahanap na ng isasaway nila. "I like the beat, anong kanta?"

"Huling Gabi by Moira Dela Torre." Sagot ng lalaking pumukaw ng atensyon mo tas tinignan ka naman niya sunod sa iyong mga mata at pakiramdam mo parang natunaw ka sa kanyang mga titig. Ang hirap maging OT5. Ang hirap maging marupok.

"Pwede ba kitang maisayaw, mahal kong binibini?"

MAHAL KONG BINI— "Sige po, pero hindi po ko magaling sumayaw." Natili na yung buong pagkatao mo ngunit kailangan mong magpanggap na chill ka lang.

Dahan-dahan niyang hinawakan yung kamay mo at bigla kang kinilabutan dahil ngayon mo lang napansin kung gaano siya kagwapo ng malapitan.

"Okay lang yan, ako bahala. Sasaluhin kita kung sakaling mahulog ka." Double meaning ba 'to Sejun? Hustisya naman sa puso kong patay na patay sayo.

[There should be a GIF or video here. Update the app now to see it.]

HULING GABI by Moira Dela Torre
(Listen to the song while reading!)

Kung ito na nga
Ang ating huling gabi
Mga natitirang sandali
Di na ikukubli
Lahat lahat sayo'y ibibigay
Huling beses magsasabay
Sa himig na pag-ibig ang taglay
Bago mawalan ng saysay

Kung isang panaginip man ang lahat ng ito, sana hindi ka nalang magising. Hindi mo akalain na makakasayaw mo yung pinaka-cold daw sakanilang lima na si John Paul Nase a.k.a Sejun. Tapos ganito pa yung tugtugan? OMG, pakiramdam mo lalabas na ata yung puso mo. Hirap maging fangirl, ang hirap kumalma.

"Parang malalim yung iniisip mo ah, sino ba yan?"

"Ikaw." Nagulat ka nung bigla kang nadulas at napansin mong lumaki yung mga mata ni Sejun. "Ah, ang ibig ko pong sabihin ay ikaw, buti inaya mo po akong sumayaw." Mukhang mabenta naman yung pagsisinungaling mo. Nice save!

"Bakit naman hindi? Kanina pa nga kitang gusto isayaw eh, kaso bigla kang nawala."

Hawakan ang aking kamay
Higpitan ang kapit
Pwede ka pang lumapit
Kalimutan natin
Bukas na sasapit
Dito na lang ako
Dito na lang tayo
Walang manggugulo
Na parang atin ang mundo

"Nagpahangin lang po ako sa labas." Ang bilis ng pagtibok ng puso mo habang nakahawak yung isa pa niyang kamay sa beywang mo tas nakahawak naman yung kabila niya sa kamay mo habang nakahawak ka sa balikat at yung isa mo pa sa kamay niya. Nahihiya kang tumingin sakanyang mga mata kaya sa baba ka nalang nakatingin para makita mo yung inaapakan mo.

"(Y/N), nasan ba yung kasayaw mo? Nasa ibaba ba?" Natatawang sabi ni Sejun. "Tumingin ka naman sakin."

"Ah, baka kasi matapakan ko po kayo eh." Bago pa naman din yung sapatos niya, ayaw mong mabinyagan yun. Nakakahiya rin kapag nagkamali ka ng apak.

"Ako bahala sayo kaya tumingin ka na sakin." Dahan-dahan kang tumingala at pinagmasdan mo yung mga mata niya. "Sakin ka lang tumingin. Sakin lang."

Tahimik lang kayong dalawa habang sumasayaw tas bigla siyang lumapit sa mukha mo at naramdaman mo yung pag-init ng mga pisngi mo.

"May sasabihin pala ako sayo, (Y/N)."

Sa sandaling tila habambuhay
Bawat saglit magiging patunay
Ito ay itinakda, langit ang may akda
Ayokong kumawala sa'yo
Huling sayaw na natin 'to
Huling halik sa'yong noo
Huling pagdidikit ng puso

"Alam mo ba habang sinusulat ko yung kanta naming Alab naging inspirasyon ko yung A'tins dahil para sainyo naman ito... Sa totoo lang, hindi naging mahirap yung pagsulat ng kantang ito dahil iniisip ko kayo... Habang iniisip ko din yung babaeng pinakamamahal ko."

Biglang naglaho yung ngiti sa mukha mo nung malaman mo yun, alam mo naman na darating sila sa puntong makikita na nila yung babaeng mamahalin nila panghabang buhay, ngunit hindi mo inaasahan na makikita nila agad ng ganitong kaaga.

"Ang swerte naman po ng babaeng minamahal ninyo."

"Oo nga eh, kaso wala naman siyang gusto sakin."

"Siguro bulag po yung babae dahil hindi niya makita yung halaga mo. Kung ako yun, ipapakita ko po sainyo kung gaano ko kayo mahal at gaano kayo kahalaga sakin."

Nagulat ka sa mga salitang binitawan mo dahil parang umamin ka na kay Sejun. Babawiin mo na sana yung sinabi mo nung bigla ka niyang hinalikan sa noo.

Mga sandaling tila habambuhay
Bawat saglit magiging patunay
Ito ay itinakda, langit ang may akda
Ayokong kumawala sa'yo

"Simula pa nung una, nahulog na agad ako sayo (Y/N). Tinago ko lang yung nararamdaman ko dahil alam kong wala ka namang gusto sakin."

Shucks. Hindi mo inaasahang may nagkakagusto pala sayo.

Nawalan ka ng mga salitang sasabihin habang hindi ka padin makapaniwala sa sinabi niya sayo. Nginitian ka lamang ni Sejun at niyakap ka niya ng mahigpit.

"Mahal kita, (Y/N)."

Dito na lang ako
Dito na lang tayo
Walang manggugulo
Na parang atin ang mundo

Bumitaw din siya agad at hinaplos yung buhok mo. "Hindi kita pipilitin kung hindi ka pa handa, sa susunod nalang. Maghihintay ako gaano man katagal para sayo." Naramdaman mong may inipit siya sa buhok mo at hinawakan niya yung kamay mo bago dumampi yung labi niya sa likod.

Natapos na yung kanta at hindi ka man lang nakaimik. Binitawan na niya yung kamay mo habang nakatitig ka pa din sa mga mata niya. Hindi mo alam kung ano dapat mong sabihin dahil masyado kang nabigla sa pangyayari.

"Pasensya na po, Kuya Sejun... Aalis muna po ako." Bago pa siya makapagsalita, agad kang naglakad palayo. Pinagbawalan ka na ni Tatang Robin at alam mo yung limitasyon mo.

Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin...

Habang naglalakad ka, biglang may bumanga sayo at nakita mo si Stell. "Ay hala, sorry (Y/N), hindi kita napansin."

"Okay lang po, Kuya Stell. Hindi rin po ako natingin sa dinadaanan ko eh." Kakatapos lang ata isayaw ni Stell si Ms. Hong kasi nakita mong naglakad siya galing sakanya.

"Pwede ba kitang maisayaw, aking prinsesa?" Inabot niya yung kamay niya at naalala mo bigla yung pag-amin ni Sejun sayo.

"Kakatapos ko lang po sumayaw eh, medyo napapagod na po ako." Tinanggihan mo lamang siya dahil hindi mo makalimutan yung nangyari kanina.

"Ah, ganun ba? Sige, samahan nalang kita. Kain nalang tayo ng deserts? May strawberry cake akong nakita kanina."

"Okay po." Kumuha muna kayo ng mga desserts tapos naghanap na kayo ng pwestong mauupuan at pagka-upo ninyo, biglang nagsimulang magpatugog.

[There should be a GIF or video here. Update the app now to see it.]

DI MAPALIWANAG by Amon Morissette
(Listen to the song while reading!)

Sadya nga ba o tadhana na
Mula ng ikaw ay nakita sinta
Kislap ng 'yong mata ay nadarama
Na ikaw na nga
Na ikaw na nga

At sa paningin pag ikaw ay wala
Sa isip ay laging nag aalala
Labis ang tuwa pag narito ka
Ikaw na ba?
Ikaw na ba?

"Grabe, ang sarap talaga ng strawberry!" Abot langit yung ngiti ni Stell habang ngumunguya ng cake at ibang flavor naman yung kinakain mo. "Gusto mo bang tikman yung akin?"

Parang iba ata yung lumabas sa isip mo. "Ah, okay lang po. Kukuha nalang ako ng akin, may kinakain pa po akong chocolate cake eh."

"Edi patikim nalang ako ng iyo." Sabi niya tas nilapit mo sakanya yung platito mo para makakuha siya. Nagtaka ka kung bakit hindi siya kumukuha nung bigla niyang binuksan yung bunganga niya.

Sinubuan mo siya ng cake at nasarapan naman siya. "Mas masarap pa din yung strawberry cake, tikman mo oh!" Sinubuan ka niya ng kinakain niya at grabe, sobrang sarap nga.

Sa 'yong tabi ang puso'y 'di mapakali
Ngunit 'di mapaliwanag
'Di mapaliwanag
Pag-ibig sa iyo'y tumitindi
Ngunit 'di mapaliwanag
'Di mapaliwanag

Sana ay 'wag nang matapos pa
Ang pag-ibig na ating nadarama
Pag-ibig ba'y pakpak at parang lumilipad
Ikaw na nga
Ikaw na nga

"Ansarap nga po, napakatamis." Nginitian mo lamang siya at simula ngayon, may bago ka nang paborito.

"Diba? Sabi sayo eh." Bigla siyang lumapit sayo at pinunasan yung natirang icing malapit sa bibig mo bago dilaan yung daliri niya. "Alam mo bang mas sweet ka pa kesa sa strawberry?"

"Lakas niyo naman pong mambola eh may chocolate ka nga rin po sa pisngi." Kumuha ka ng tissue at pinahid yung icing sa mukha niya. Shet. Nagulat ka nung bigla niyang ginawa yun pero kailangan mo magpanggap na hindi ka apektado sa ginawa niya. Keep it cool!

"Mas bagay sayo yung nakangiti ka... Napansin ko kasi kanina na parang may malalim kang iniisip, kaya masaya ako ngayon dahil hindi ka na nakasimangot."

Ang sweet talaga ni Stell. Napakaswerte ng magiging jowa ng lalaking 'to dahil sobrang mapagmahal siya at maalalahin.

Hinaplos niya yung buhok mo. "Ang ganda naman ng ipit mo, si Sejun ba nagbigay nito sayo?"

"Paano niyo po nalaman?"

"Nakita ko kasi kayong dalawa sumasayaw kanina."

Naramdaman mong uminit yung mga pisngi mo. "Ah, opo." Hindi talaga maalis yung nangyari kanina sa isip mo at hindi mo rin alam kung paano mo sasagutin si Sejun.

Bigla ka niyang dinampian ng icing sa pisngi. "Mukhang kamatis yung mukha mo, (Y/N)."

Aba.

Syempre magpapatalo ka ba? Nilagyan mo din siya ng icing sa mukha at para kayong mga bata na nilalaro yung pagkain. Wala kayong pake kung sinuman makakita sainyo kahit sobrang dungis na ng itsura ninyo. Nakalimutan mo na yung inaalala mo kanina ng parang bula ngayong kasama mo si Stell na sobrang kulit.

Pagkatapos ninyong lumamon, kumuha pa kayo ulit ng mga desserts at bigla niyang sinuggest na itry ninyo yung pocky challenge. Hindi ka naman makatanggi dahil grabe siya kung mangulit, alam mong hindi ka niya titigilan hangga't hindi nasusunod yung gusto niya.

"Alam mo naman rules diba? Kapag sino satin naunang humiwalay, siya yung talo." Kumuha siya ng isang piraso ng strawberry pocky sa plato niya.

"Opo." Hindi mo pa nagagawa yung challenge na yan pero napanuod mo na ng ilang beses yun sa Youtube.

"Dapat may prize kung sino yung manalo!" Dagdag ni Stell habang sabik na sabik na siyang maglaro. "Kapag nanalo ako, dapat parati mo na kong sasamahan sa mga buffet at bawal kang tumanggi."

"Nako, mukhang mamumulubi po ako nito ah."

"Sino bang nagsabi na gagastos ka? Sagot ko na."

"Wow, Mayor Stellvester naman po pala!" Pumalakpak ka habang nginitian mo siya. "Sige, gusto ko po yan."

"Mas gusto naman kita." Nagulat ka sa sinabi niya habang natawa lamang siya sa rekasyon ng mukha mo. "Ano nanaman bang iniisip mo? Ang ibig ko kasing sabihin mas gusto naman kitang kasama."

"Wala naman po akong sinasabi ah!" Nakakahiya. Masyado kang mahangin para isipin na may gusto nga siya sayo. "Kapag nanalo ako, gagawin niyo po kahit anong gusto ko. Wala pa po akong maisip ngayon eh, ipapaalam ko nalang sainyo."

"Sige lang, start na tayo." Kinagat niya yung dulo ng stick at kumagat ka na din sa kabilang dulo, sobrang lapit ng mukha ninyo sa isa't isa na kahit naka aircon naman dito sa loob, pakiramdam mo napaka-init pa din.

Sa 'yong tabi ang puso'y 'di mapakali
Ngunit 'di mapaliwanag
'Di mapaliwanag
Pag-ibig sa iyo'y tumitindi
Ngunit 'di mapaliwanag
'Di mapaliwanag

Ilang ulit nang sinubukan
Pag-ibig ba'y sadyang kay hirap maintindihan?
At giliw sana'y ingatan ang pagmamahal
At 'wag masayang pag-ibig na nilalaan

Dahan-dahan siyang gumalaw habang nagsisimula ka na din kumagat. Umiikli na yung distansya ninyo sa isa't isa habang bumibilis yung pagtibok ng puso mo. Nakatingin ka lang ng diretso sakanyang mga mata hanggang sa nagkadikit yung mga ilong ninyo.

Ang lapit ng mukha ni Stell sa iyo... Konti nalang malapit na magdikit yung mga labi ninyo sa isa't isa. Ayaw mo namang magpatalo pero ayaw mo rin mauwi ito sa isang panibagong issue. Bibitaw ka na dapat nung siya yung unang humiwalay.

(Sa 'yong tabi ang puso'y 'di mapakali
Ngunit) aaahhhh 'di mapaliwanag
('Di) mapaliwanag
(Pag-ibig) ohhh sa iyo'y tumitindi
(Ngunit 'di mapaliwanag) hindi mapaliwanag
('Di mapaliwanag)

(Sa 'yong tabi ang puso'y 'di mapakali
Ngunit) 'di mapaliwanag
('Di mapaliwanag) ohh
Pag-ibig (sa iyo'y) tumitindi
Ngunit 'di mapaliwanag
'Di mapaliwanag

"Talo ako." Dinilaan niya yung labi niya at nagpakita siya ng isang nakakaakit na ngiti. Pakiramdam mo na bigla kang natunaw nung ginawa niya yon. "Sayang, ako dapat yung mananalo eh kaso pinagbigyan lang kita."

"Grabe naman—" Nagulat ka nung may biglang bumanga sakanya at sa hindi inaasahang pagkakataon, nagtama yung mga labi ninyo sa isa't isa.

Nung naramdaman mong dumapo yung labi niya sayo, parang tumigil yung oras at hindi ka makagalaw sa kinauupuan mo. Humiwalay siya agad sayo at halatang gulat na gulat din sa nangyari.

"Sorry (Y/N), hindi ko sinasadya. May bumanga talaga sakin at wala akong intensyon halikan ka."

"Oo nga po, nakita ko nga." Bakit parang ang sakit?

"Wag mo sabihin first kiss mo pala yon?" Tinakpan mo yung mukha mo dahil sobra kang nahihiya at dahan-dahan kang tumango. "Seryoso? Hala, sorry kinuha ko yung first kiss mo na dapat para sa taong mahal mo."

"Okay lang, mahal ko naman po kayo eh." Nagawa mo pa talagang bumanat. Tinanggal niya yung mga kamay mong nakaharang at nginitian ka lamang niya.

"Mahal din kita, (Y/N). Higit pa sa inaakala mo."

Sinuotan ka niya ng pulseras sa kanang kamay mo. "Kahit nagbibiro ka lang nung sinabi mo na mahal mo ako." Biglang nawala yung ngiti sa kanyang mukha at puno ng kalungkutan yung mga mata niya. "Ang hirap kapag hindi ka gwapo, walang magkakagusto sayo."

Natapos na yung tugtog at tumayo na siya sa upuan niya. "Parang gusto kong sumayaw, pwede bang balikan nalang kita mamaya tutal parang ayaw mo naman ata." Paalis na dapat siya nung tumayo ka at agad mong hinawakan yung kamay niya.

"Kuya Stell... Wala naman po talagang taong pangit, lahat po tayo pinanganak ng Diyos na maganda't gwapo, sadyang mapanghusga lang talaga yung iba sa panahon ngayon. Para sakin, mas gusto ko po yung taong mas maganda pa yung kalooban kesa sa pang-labas na anyo. Ang dami nga pong mga babaeng nagkakagusto sainyo eh tas ganyan ka pa."

"Gusto lang naman nila ako dahil maganda yung boses ko eh. Kung hindi ako marunong kumanta, siguro wala nang nagkakagusto sakin."

"Hindi ah, gusto ka nila dahil ikaw si Stell. Sa tingin niyo po ba yun lang ang nakikita ng A'tins sainyo? Alam niyo naman siguro kung gaano ka nila kamahal diba?" Tuwing may free time sila, lagi mo siyang napapansin nagbabasa ng love letters galing sa fans. "Parang hindi po kayo nagbasa ng mga love letters ah!"

"Oo na, hindi na ko mag-iisip ng ganito ulit." Bumalik na ulit yung ngiti niya. "Grabe ka (Y/N), alam mo talaga kung paano ako pasayahin. Kaya siguro mahal kita kasi sayo lang ako nagkakaganito."

Bumitaw ka na sakanya at tumugtog na yung susunod na kanta. "Sige po, sayaw na kayo. Kukuha lang po ko ng maiinom." Umalis ka na agad dahil hindi mo alam kung ano pang pwedeng sabihin sakanya. Hindi mo talaga kasi inaasahan na may nararamdaman din pala siya sayo katulad ni Sejun.

Nakakapagod mag-isip.

Nagtungo ka sa may drinking section para kumuha ng inumin at isa sa mga paboritong mong kanta yung tumugtog. May nakita kang isang lalaking nakasandal sa lamesa habang tumutungga ng alak.

[There should be a GIF or video here. Update the app now to see it.]

IKAW PALA by Kris Lawrence
(Listen to the song while reading!)

'Di ko naisip na darating pa
Ang isang tulad mo sa aking pag-iisa
At ngayon buhay ko ay nagbago
Ito'y dahil sa 'yo

At nasabi kong 'di na iibig pa
Ngunit 'di magawa nung nakita ka na
At muli nadama ang pag-ibig
Sa aking puso'y ikaw lang

"Kuya Ken? Nainom ka po pala?" Nagulat ka sakanya  dahil ngayon mo lang nalaman na umiinom pala siya.

"Bakit? Bawal ba?" Suminok muna siya bago niya tunggain yung isang shot ng vodka. "Ansarap ko talaga magtimpla." Nagsalin siya ng alak sa baso at inabot sayo. "Tara, inom tayo tas pag-usapan natin kung bakit hindi tayo nagkatuluyan."

"Ah, hindi po ko umiinom eh." May tama na siguro yung lalaking 'to, kung anu-ano na yung sinasabi niya eh kaya magalang mo nalang siyang tinanggihan. "Balak ko lang po talagang kumuha ng tubig." Humingi ka sa bartender ng isang baso ng tubig at agad ka niyang inabutan.

"Edi samahan mo nalang ako dito, yung nag-aya sakin uminom biglang nawala eh." Sunod-sunod niyang ininom yung alak ng para bang walang bukas.

"Wag po kayong masyadong uminom, magmamaneho pa po kayo eh." Gusto mo talaga siyang pigilan pero matigas yung ulo niya eh at panigurado walang balak makinig sayo yan. "Kuya Ken! Tama na nga po sabi eh!" Hindi ka na nakapagtimpi at kinumpiska mo yung alak niya.

"Para kang yung ex ko eh, ang hilig manita tuwing iinom ako. Kung hindi ka naman babalik sakin, kahit yung alak nalang bumalik." Kinuha niya sayo yung alak at binuhos yung natitira sa shot glass niya.

Ikaw pala ang hanap ko, ang nais ko
Ang hinihintay ng puso ko
Tunay na kung siya ang kapalaran mo
Darating sa buhay mo
Ikaw pala ang langit ng pag-ibig ko
Binuhay mo ang puso ko
Sana kailanma'y hindi magbabago

At nasabi kong 'di na iibig pa
Ngunit 'di magawa nung nakita ka na
At muli nadama ang pag-ibig
Sa aking puso'y ikaw lang

"Last mo na po yan ah." Pinagbantaan mo siya.

Ngumisi lamang siya. "Grabe ka naman, pangalawang bote ko pa nga lang 'to eh."

"Talaga po ba?" Tinanong mo yung bartender.

"Hindi po, Ma'am. Naka tatlong bote na siya ng alak, kanina pa po siya umiinom eh."

Myghad cassie. Sumakit bigla yung ulo mo sa tatlong bote ng alak na ininom niya.

"Ay nakatatlong bote na pala ako?" Tumawa lamang siya bago tunggain yung alak. "Gawan mo nga ko ng cocktail Manong. Gusto ko yung pinakamatapang na Tequila ninyo para masarap!"

"Sige po, Sir." Nagtimpla na ng alak yung bartender at napansin mong namumula na yung mukha niya saka kanina mo pa siya naamoy alak.

"Tama na Kuya Ken, wag na po kayong uminom."

"Pasko naman eh, minsan lang naman." Parang mas gusto mo pa siyang manuod na lang ng anime kaysa uminom.

"Kahit na ba, masyado na po kayong maraming naiinom eh, saka magmamaneho ka pa... Masama rin kaya sa kalusugan yung alak."

"Nag-aalala ka ba sakin?" Tanong niya.

"Sobra po." Nilapag na ng bartender yung baso at ibabalik mo na sana nung kinuha agad ni Ken, sadyang mas mabilis pa yung kamay niya kesa sayo. "Tigilan niyo na po kasi yan!"

"Iyak ka muna." Tinawanan ka lamang ni Ken at inirapan mo lamang siya. "O'sige, titigil na ko kapag naubos mong inumin yung cocktail na 'to." Inabot niya yung baso sayo at alam niyang hindi ka nainom kaya ginamit niya yung kahinaan mo laban sayo.

Tinitigan mo lamang yung alak at nalangghap mo agad na sobrang tapang ng amoy. Ngumisi lamang siya bago niya tunggain yung baso pero ikinagulat niya nung bigla mong hinala yung kamay niya at diretso mong nilagok yung alak para tumigil na siya sa kakainom.

Ikaw pala ang hanap ko, ang nais ko
Ang hinihintay ng puso ko
Tunay na kung siya ang kapalaran mo
Darating sa buhay mo
Ikaw pala ang langit ng pag-ibig ko
Binuhay mo ang puso ko
Sana kailanma'y hindi magbabago

Oh...
At tanging sa 'yo nadama
Ang tunay na pagmamahal
Ang pag-ibig natin sana ay magtagal

Sinigurado mo na simot yung baso at nakaramdam ka agad ng matinding pagkahilo. "Bwiset, ang pait! Hindi ko po maintindihan kung paano ninyo natitiis uminom ng alak! Ang pangit naman ng lasa." Nilabas mo yung dila mo at pakiramdam mo na kahit anong oras baka masuka ka nalang bigla.

Humalakhak si Ken ng makita niya yung reaksyon mo. "Angara ng mukha mo!" Tawa siya ng tawa na para bang walang bukas. "Dat pala kinuhaan ko ng picture, sobrang epic ng itsura mo!"

Bigla kang tumalisod at sumubsob yung mukha mo sa dibdib niya. "Okay ka lang? Wag mo sabihin nalasing ka na agad dun?" Sumakit bigla yung ulo mo sa alak na ininom mo, sobrang tapang pa naman nun.

"Wag ka na pong uminom..." Binulong mo sakanya habang umiikot na yung paningin mo.

"Oo na, hindi na nga." Naramdaman mong pumulupot yung mga braso niya sayo at nakapatong yung baba niya sa taas ng ulo mo. Bigla kang suminok at hinimas niya yung likod mo.

"Parang awa mo na, (Y/N), wag mo kong susukahan."

Dahan-dahan ka niyang pinaupo at kinuhaan ka niya ng baso ng malamig na tubig. "Oh, inom ka muna tubig." Ininom mo agad para mahimasmasan ka ng onti. "Anong nararamdaman mo ngayon?"

"Nahihilo po ako." Nilapag mo yung baso sa lamesa at sumandal ka sa balikat ng lalaking katabi mo.

"Malamang mahihilo ka talaga, sunod-sunod mo ba namang ininom yung Tequila eh." Pinunasan ka niya ng pawis na tumatagaktak sa ulo mo gamit yung panyo niya. "Gusto mo bang ihatid na kita pauwi?"

Umiling ka lamang. "Ayoko muna pong umuwi, gusto ko pa po kayo makasama." Pinikit mo yung mata mo habang nakikinig ka sa musika. "Hindi po ba kayo nahihilo?"

"Kanina nahihilo ako, pero ngayon wala na." Ang bango parin ni Ken kahit may halong amoy alak na siya. "Kamusta naman yung paghaharutan ninyo ni Stell? Kinilig ka naman?" Nabigla ka sa sinabi niya.

"Kumain lang po kami ng matatamis kanina." Ayaw mong banggitin sakanya yung nangyari kanina.

"Kanino galing yung ipit at porselas mo?" Tanong niya ulit habang naramdaman mong hinawakan niya yung kamay mo.

"Bigay po ni Kuya Sejun at Kuya Stell."

"Sabi nila kanina wala daw silang regalo?"

"Hindi ko nga po alam eh, nagulat nalang ako na binigyan nila ako." Sobrang kumportable ka sa pagsandal kay Ken na pakiramdam mo kahit anong oras baka bigla ka nalang makatulog.

Ikaw pala ang hanap ko, ang nais ko
Ang hinihintay ng puso ko
Tunay na kung siya ang kapalaran mo
Darating sa buhay mo
Ikaw pala ang langit ng pag-ibig ko
Binuhay mo ang puso ko
Sana kailanma'y hindi magbabago...

May naamoy kang bulaklak at nung binuksan mo yung mga mata mo, may hawak siyang mga rosas. "Sorry hindi ako nakapaghanda ng regalo."

Tinanggap mo yung mga rosas na hindi mo alam kung saan nanggaling dahil alak lang naman yung hawak niya kanina. "Okay lang po, pero saan niyo po ito nakuha?"

"Sikret." Tumawa lamang siya. "Nagustuhan mo ba?"

"Oo naman, syempre. Salamat po." Inangat mo na yung ulo mo sa balikat niya at umupo ka na ng diretso. Bigla kang humikab dahil medyo inaantok ka na.

"Oh, baka may pumasok na langgaw!" Pang-aasar niya sayo at hinampas mo lamang siya ng bulaklak mo dahil hawak niya yung kabilang kamay mo.

"Nakakainis ka, Kuya Ken! Lagi mo nalang po ako inaasar."

"Ansarap mo kasing pagtripan eh. Nakakatawa pa yung mga reaksyon mo." Kinurot niya yung pisngi mo nung nakita ka niyang sumimangot. "Ikaw ba si Nezuko?"

"Sa Kimetsu no Yaiba po yan diba?" Tumango lamang siya. "Hindi po, bakit?" Umiling ka at pakiramdam mo na pinatritripan ka nanaman ata ng lalaking 'to.

"Talaga? Crush kasi kita eh." Naramdaman mong namula yung pisngi mo. "Hala, namumula siya oh! Ang cute!" Madalas tahimik talaga itong si Ken, sadyang madadal lang talaga siya ngayon dahil may tama ng alak.

Narinig mong tumunog yung celpon mo kaya nilapag mo muna saglit yung mga rosas na bigay ni Ken sa lamesa at tinignan mo kung sino yung nagtext sayo.

JAH🌽
Busy ka ba, (Y/N)? Kung hindi, pwede mo ba kong samahan sa balcony please?😁

Sent 9:15 P.M.

(Y/N)
Anong ginagawa niyo po dyan sa labas, Kuya Justin? Nageemote po ba kayo? Tamang stolen lang ah🤣
Sent 9:16 P.M.

JAH🌽
Nagpapahangin lang ako sa labas hahaha. Ayos lang naman yung itsura ko diba? Balak kong magpost mamaya sa Instagram.
Sent 9:16 P.M.

(Y/N)
Opo, ang gwapo niyo nga po eh! Sabog nanaman panigurado notifs ninyo HAHAHA.
Sent 9:17 P.M.

JAH🌽
Salamat. Punta ka na dito😊
Sent 9:17 P.M.

"Kuya Ken—"

"Dito ka lang." Hinigpitan niya yung paghawak sa kamay mo. "Wag mo kong iwan, (Y/N)." Wala ka pa ngang sinasabi pero parang alam niya na yung sasabihin mo. "Mamaya ka na pumunta kay Jah... Samahan mo muna ako dito." Hindi mo alam kung bakit siya nagkakaganito. Nagugulahan ka na.

"Babalikan po kita, pupuntahan ko lang si Kuya Justin saglit." Bumitaw din siya sa kamay mo at ngumiti ka lamang sakanya. "Wag na po kayong uminom ah? Baka pagkabalik ko nainom ka nanaman."

"Siguro."

"Kuya Ken! Wag na kasi!"

Tumawa lamang siya. "Joke lang, hindi na ko iinom basta balikan mo ko." Nagulat ka nung lumapit siya sayo at bigla ka niyang hinalikan sa pisngi.

"I love you, (Y/N)."

Napakatamis ng pag-amin niya sayo kahit lasing siya. Naramdaman mong bumilis yung tibok ng puso mo ng malaman mo na seryoso pala siya at walang halong biro yung salitang binitawan niya.

Ngunit, wala kang ibang nasabi at ang tanging ginawa mo lamang ay ngumiti. "Mauuna na po ako." Umalis ka na agad at dumiretso sa may balcony.

'Di magbabago...

Tatlong lalaki ang umamin sayo ngayong darating pasko at nararamdaman mo padin yung pagbilis ng pagtibok ng puso mo. Pakiramdam mo ang haba ng buhok mo dahil yung mga iniidolo mo ay nagkakagusto na rin sayo. Kaso ang tanging poblema mo lamang ay hindi mo alam kung paano mo sila haharapin at hindi ka sigurado kung sino ba talaga yung gusto mo, pantay-pantay lang naman kasi yung pagtingin mo sakanila eh.

[There should be a GIF or video here. Update the app now to see it.]

KLWKN (KALAWAKAN) by Music Hero
(Listen to the song while reading!)

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa

Tanaw pa rin kita, sinta
Kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala
Sa tuwing nakakasama ka
Lumiliwanag ang daan sa kislap ng 'yong mga mata

May nakita kang isang matangkad na lalaking nakasuot ng tuxedo habang nakasandal sa mga rehas, lumingon siya sayo nung pagkalabas mo at nginitian ka niya. "Hi (Y/N), sorry kung nakaabala ako sayo. Gusto ko lang talaga ng may kasama ako ngayon."

Umiling ka lamang. "Hindi, okay lang po." Tinabihan mo siya at tumingala ka sa may kalangitan. "Ang ganda naman ng mga bituin."

"Oo nga, parang ikaw." Nahuli mo siyang nakatingin sayo habang nakangiti, bigla kang kinilig sa banat niya at nginitian mo lamang siya pabalik. Sobrang sarap ng simoy ng hangin na kay lamig sa katawan at para bang nawala yung pagkahilo mo kanina.

"Bakit parang amoy alak ka? Uminom ka ba?"

"Opo, uminom ako kanina lang... Si Kuya Ken kasi eh, sabi niya titigil lang po daw siya sa pag-inom kung inubos ko yung Tequila. Ang lakas niyang uminom... Inubos niya yung tatlong bote ng Vodka."

"Baliw talaga itong si Ken, parang hindi magmamaneho ah. Minsan ko lang din siya makitang uminom at sobrang tapang pa ng mga alak na iniinom niya." Hinawakan niya yung pisngi mo at naramdaman mong bigla kang nag-init. "Okay ka lang ba? Hindi ka naman nahihilo o nasusuka?"

"Kanina po sobrang nahihilo ako at muntik ko nang masukahan si Kuya Ken eh, pero buti nalang po napigilan ko yung sarili ko. Nahimasmasan na ko nung uminom ako ng malamig na tubig." Paliwanag mo sakanya para hindi na siya mag-aalala.

Inalis niya yung kamay niyang nakawahak sa mukha mo. "Buti nalang. Kamusta ka nga pala ngayon? Nag-enjoy ka naman ba?"

"Okay lang po, masaya naman yung Christmas party so far pero... Nahihirapan lang po ako ngayon."

"May nangyari ba? Pwede naman nating pag-usapan." Hinaplos niya yung buhok mo habang pinagmamasdan ka ng kumikislap niyang mga mata.

"Hindi ko po kasi alam na may nagkakagusto pala sakin tapos nung umamin siya sakin kanina... Wala akong masabi, nakatulala lamang po ako..."

Sa totoo lang, kay Justin pinakamalapit yung loob mo dahil madali lang siyang kausapin at isang taon lamang yung pagitan niyong dalawa pero tinatawag mo padin siyang kuya kasi nakasanayan mo na.

Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay
Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang 'yong kamay

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa

"May gusto ka rin ba sa lalaking tinutukoy mo?" Tanong niya ulit.

"Syempre, gusto ko po siya kaso nga lang... Alam kong hindi kami pwede. Hindi ko nga po alam kung paano ako haharap sakanila."

"Sakanila? Akala ko isa lang yung nagkakagusto sayo?"

"Sa totoo lang, may tatlo pong lalaking umamin sakin kanina. Nagulat nga po ako eh kasi hindi ko naman inaasahan na may magkakagusto pala sa isang katulad ko." Natawa ka lamang at hanggang ngayon hindi ka padin makapaniwala.

"Bakit naman hindi? Mabait ka, matalino, masipag, masiyahin, magalang, maunawain tsaka maganda ka rin. Naiintindihan ko kung bakit maraming nagkakagusto sayo." Aaminin mong kinilig ka nung pinuri ka niya, nakakatuwang makarinig ng ganyan sa iba.

"Salamat po, Kuya Justin." Nginitian mo lamang siya.

"Bakit mo ba ko tinatawag na Kuya eh isang taon lang naman tanda ko sayo? Kahit Justin nalang saka wag ka na mag po o opo sakin."

"Okay, sige." Sa tuwing ngumingiti si Justin, parang nagliliwanag yung paligid at kahit saang angulo mo siyang tignan, ang gwapo niya padin.

"Sila Sejun, Stell at Ken ba yung umamin sayo?" Nagulat ka nung nalaman niya kung sino yung mga gumugulo sa isipan mo ngayon.

"Paano mo nalaman? Sinabi ba nila sayo?"

"Hindi, pero nakita ko kasi sina Sejun at Stell na bumibili ng mga borloloy sa isang store sa Negros habang namimili kami ng mga pasalubong ni Josh at Ken. Alam ko dapat ibibigay ni Sejun yung ipit na yan sa nanay niya pero sayo niya na binigay."

"Ganun po ba?"

"Oo, pero sabi niya sakin na iba dapat yung ibibigay niya sayo kaso baka wala na daw siyang time maghanap ng regalo dahil hectic na yung schedule namin."

Kahit sobrang busy nila, naglaan parin sila ng konting oras para bigyan ka ng regalo, wala ka namang inaasahan na kahit ano pero binigyan ka padin nila.

Simoy ng hangin na kay lamig sa katawan
Daig pa rin ng liyab na 'king nararamdaman
Sa tuwing tayo'y magkabilang mundo
Isang tingin ko lang sa buwan napalapit na rin sa iyo

Langit ay nakangiti, nag-aabang sa sandali
Buong paligid ay nasasabik sa ating halik

Ilang beses mo nang tinitignan yung kalangitan pero napakaganda padin ito sa iyong mga mata.

"Ang ganda talaga ng view dito."

"Oo nga eh, medyo nalulungkot nga ko... Kasi yung mga bituin... Mas maganda nang tignan ngayon kaysa kanina nung mag-isa ako."

"Ano ibig mong sabihin?" Nginitan ka lamang niya bago itutok yung kamay niya sa may buwan. Nagulat ka ng may biglang lumabas na singsing sa palad niya. "Hala, ang galing naman nun! Paano niyo mo nagawa yun?!" Namangha ka sa bilis ng ikot ng mga daliri niya at hindi mo napansin na may lumusot palang singsing.

"Secret! Bawal sabihin." Natawa lamang siya sa reaksyon mo at napasimangot ka lamang dahil ayaw niyang sabihin yung magic trick niya sayo. Nagulat ka nung bigla siyang lumuhod sa harapan mo at kinuha yung kamay mo. Dahan-dahan niyang sinuot yung singsing sa daliri mo.

"Merry Christmas and Happy New Year, (Y/N)." Hinalikan niya yung kamay mo at bigla nanaman ulit bumilis yung pagtibok ng puso mo. "Sana magustuhan mo yung regalo ko para sayo, tagal kong hinanap yan."

Napakaganda ng binigay niyang regalo, pakiramdam mo sobrang laki ng nagastos niya para sa isang singsing lamang dahil tunay kasi yung diyamante at sa unang tingin palamang, malalaman mo na mamahalin agad.

"Maraming salamat, pero sigurado ka ba na ibibigay mo sakin 'to? Parang ang mahal naman siguro nito..."

Tumayo na siya sa lapag at bigla ka niyang niyakap. "Alam mo bang mas mahal pa kita kesa dyan? Medyo natagalan lang ako sa pag-ipon nan pero gusto ko talaga ibigay sayo yan. Sana nagustuhan mo."

Niyakap mo lamang siya pabalik. "Syempre naman, nagusutuhan ko! Sayo galing eh." Namiss mong yakapin si Justin. Naramdaman mong pinatong niya yung baba niya sa ulo mo katulad ng ginawa ni Ken kanina.

"Ayoko talaga dumagdag sa poblema mo pero may gusto akong sabihin sayo." Parang alam mo na yung susunod na mangyayari at naramdaman mong hinalikan niya yung ulo mo.

"Matagal na kong may gusto sayo, (Y/N). Pasensya ka na kung hindi ako umamin agad, natatakot kasi ako baka bigla mo kong layuan... Sana walang magbago sating dalawa. Wala talaga akong balak sabihin sayo pero ayoko nang patagalin pa yung nararamdaman ko at gusto ko nang malaman mo na ikaw talaga yung babaeng mahal ko... Naririnig mo ba yung pagtibok ng puso mo? Ikaw yung dahilan nan, sobra mo kasi akong pinapakilig eh."

Parang baliktad... Si Justin talaga yung nagpapakilig sainyong dalawa. Bumitaw ka sa yakap niya at tinignan siya sa mga mata niya.

"Akala ko gusto mo si Sharlene? Niyaya mo pa nga siya noon sa T.V. ng dinner date eh!"

"Celebrity crush ko lang naman si Sharlene eh, saka si Tito Boy yung nagtanong sakin nun... Kung siguro tinanong niya kung may minamahal ba ko, hindi ako magdadalawang-isip na sabihin ikaw yun."

Justin is seriously bad for your heart...

Masyado ka niyang pinapakilig. Ang hirap talaga kapag marupok.

"Aaminin ko na nagkagusto talaga ako sayo dati. Hindi ko kasi maiwasan yung sarili kong hindi mahulog sayo dahil ang gwapo mo kaya, saka ang galing mo kumanta at sumayaw, ang talino mo pa tapos ang bait mo rin! Basta nasayo na ang lahat, hindi ka pa nga nakakapagdebut pero andami nang mga babaeng nagkakagusto sayo noon. Sa tuwing nakikita ko yung mga ngiti mo, sumasaya nalang ako bigla. Kaya ko nga rin pinasukan yung trabahong 'to dahil may gusto ako sayo... Kaso nung pakiramdam ko na parang impossible, wala akong ibang choice kundi sumuko dahil marami pang mga babaeng mas deserving para sayo kesa sakin..."

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa

Hindi mo akalain na darating pala yung araw na sasabihin mo lahat ng nararamdaman mo kay Justin.

"Nung napalapit ako sa ibang mga miyembro, parang nawala nalang bigla yung nararamdaman ko para sayo... Hindi ko talaga alam na may gusto ka rin pala sakin..."

"Nagkahiyaan lang pala tayong dalawa umamin." Natawa lamang siya. "So, wala ka nang gusto sakin ngayon?"

"Wala na. Matagal nang nawala yung nararamdaman ko para sayo."

Sumandal siya sa mga rehas habang nakatingala sa mga bituin na kumikinang sa kalawakan. "Tama pala si Kuya Yani... Pinalagpas ko pa yung pagkakataon ko... Grabe, ang hirap maging torpe." Bigla siyang umupo sa lapag at tinakpan yung mukha niya.

Bigla mo siyang narinig humihikbi at kumirot yung puso mo nang makita mo siya nagkakaganito. Tuwing mall shows mo lang siya nakikitang umiiyak pero ngayon na nasa harapan mo na si Justin, gusto mo nalang talaga siyang patahanin.

Umupo ka sa tabi niya at tinanggal mo yung mga kamay niyang nakatakip sa mukha niya tas pinahid mo yung mga luha niya. "Wag ka nang umiyak, Justin... Nasasaktan ako kapag nakikita kitang malungkot at mas lalong masakit para sakin na ako yung dahilan..."

"S-Sorry (Y/N)... Wala naman t-talaga akong balak umiyak eh... Bigla nalang kasing lumabas... Ano namang magagawa ko? M-Mahal talaga kasi kita eh."

Niyakap mo lamang siya at umiyak siya sa may dibdib mo. Hinimas mo yung likod niya habang pinapatahan siya. Ito lang kasi yung kaya mong gawin para sakanya eh. Pakiramdam mo maluluha ka nalang bigla dahil nalulungkot ka din.

"(Y/N)?"

"Bakit Justin?"

"Pwede ba kong umasa na mamahalin mo rin ako balang araw?"

Halika na sa ilalim ng kalawakan
Samahan mo akong tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa

Hinalikan mo lamang yung ulo niya para gumaan ng onti yung pakiramdam niya. "Hindi ko alam eh, sorry."

Namaga yung mga mata niya kakaiyak. "Tahan na, malay niyo may makilala pa kayong mas better sakin, yung babaeng hindi ka papaiyakin..." Sa totoo lang, alam mong hindi mo deserve si Justin lalo na't wala pa siyang nagiging girlfriend kaya kung sinuman ang bumihag sa puso niya, panigurado ibubuhos niya lahat ng pagmamahal niya sa babaeng 'yon.

"Hindi ako susuko, (Y/N)." Pinahid niya yung mga luha niya at hinawakan niya yung kamay mo ng may suot na singsing. "Gagawin ko lahat para maibalik yung nararamdaman mo para sakin ulit." Hinalikan niya yung singsing na natanggap mo sakanya.

"Pangako ko 'yan."

Tinulugan ka niyang tumayo tas nung malapit nang matapos yung kanta, mabilisang dumampi yung labi niya sa pisngi mo at naramdaman mong uminit ka bigla.

"I love you, (Y/N)." Nung nginitian ka niya, bigla kang kumiripas ng takbo papasok sa event hall.

Buti nalang hindi ka na niya hinabol pa dahil ayaw mong makita ka niyang umiiyak. Oo, umiiyak ka dahil nalilito ka sa nararamdaman mo, hindi mo alam kung ano pang sasabihin mo sakanya kaya tumakbo ka na lang palayo.

Pagkabalik mo sa loob, nakita mo sina Tatang Robin at Ms. Hong nakatayo sa entablado.

"Hello everyone, Christmas is malapit na! We will be having fireworks display at rooftop to end our event, after that uuwi na tayo to spend time with pamilya."

"We hope that masaya kayo and God bless everyone! Merry Christmas and Happy New Year!"

"Merry Christmas and Happy New Year, mahal ko kayong lahat!" Nagsipalakpakan ang lahat pagkatapos magbigay ng mensahe ni Tatang at bumaba na silang dalawa sa stage para dumiretso sa may rooftop.

Dumiretso ka muna sa C.R. habang hinintay yung iba umakyat sa itaas. Nag-ayos ka muna yung sarili mo bago ka lumabas ng banyo at umakyat sa rooftop. Nakita mo sina Sejun, Stell, Ken, at Josh paakyat na ng hagdanan kaya nagtago ka muna saglit para paunahin sila.

"Nasan na ba si Justin? Bigla nalang nawawala yung lalaking 'yon ah." Narinig mo yung boses ni Sejun.

"Ay hindi ko siya napansin eh." Sagot ni Stell.

"Paano mo naman mapapansin eh lamon ka naman ng lamon." Pang-asar ni Josh.

"Nasa balcony siya kasama si (Y/N)." Sagot ni Ken.

"Tara tawagin na natin sila bago magsimula yung fireworks." Narinig mong bumababa si Sejun sa hagdanan nung may pumigil sakanya.

"Wag muna natin silang dalawa guluhin, Sejun. Baka may pinagtatapat pa si Jah ngayon." Bigkas ni Ken at siya ata yung pumigil kay Sejun.

"Oo nga, text nalang natin sila para malaman nila na manunuod tayo ng fireworks sa rooftop." Dagdag ni Josh.

"Baka umamin na nga si Justin kay (Y/N)." Sabi ni Stell. "Malay niyo may aminan palang nagaganap... Matagal na kasi siyang may gusto sakanya diba?"

Bigla silang tumahimik at parang ayaw mo nang pakinggan yung pinag-uusapan nila.

"Tara na nga, akyat na tayo. Ayokong malagpasan yung fireworks display eh." Nag-aya na si Josh pumuntang rooftop at narinig mo na silang nagsisi-akyatan.

Nung sigurado ka nang wala na sila, didiretso ka na dapat sa taas nung biglang tumunog yung ringtone ng celpon mo at tinignan mo kung sino yung nagtext sayo.

Pandesal🍞
Pwede ka nang umakyat. Wala na kami dyan.
Sent 10:23 P.M.

Nagulat ka sa nabasa mong text, alam ba nila na kanina ka pa nandyan? Shucks. Dumiretso ka nalang sa itaas at nakita mo yung iba na nagaabang sa mga paputok. Napansin mo agad yung grupo nila Sejun na kasama yung ibang mga staffs. Nag-aalanganin ka tuloy pumunta dun. Hindi mo alam kung bakit ka nahihiya pero ayaw mo muna sila makasama ngayon.

"You have slain an enemy!"
"Double kill!"
"Triple kill!"
"Maniac!"
"Savage!"
"Wiped out!"

May narinig kang naglalaro ng Mobile Legends at nung pumunta ka sa may gilid, nakita mo si Josh na nakaupo sa may bench. "Nice! Push na tayo, wag na kayo mag Lord." Medyo natawa ka dahil ang cute niyang maglaro.

"Hello po, Kuya Josh. Ang galing niyo naman po, sunod-sunod yung pagpatay ninyo." Nilapitan mo nalang siya at tumayo ka sa tabi niya habang pinapanood yung nilalaro niya.

"Hi (Y/N), basic lang yon. Bakit ka nakatayo? Umupo ka dito sa tabi ko." Umusog siya dahil sakop niya lahat ng espasyo ng upuan. Tinabihan mo lamang siya habang nanunuod ka parin sa laro niya.

"You have slain the Lord!"

"Ayaw niyo muna bang mag-recall? Konti nalang po buhay ninyo eh. Hintayin niyo muna po kaya yung kagrupo niyo."

"Hindi na kailangan, tatapusin ko na to." Sumugod siyang mag-isa papuntang enemy base dahil resurrecting pa yung team niya. "Bano naman maglaro yung mga kakampi ko eh, papatabiin lang nila yung mga kalaban."

Biglang lumabas yung kalaban niyang nagtatago sa bush at sabay-sabay nilang inatake si Josh. Akala mo na mamatay na siya pero napatay niya silang lahat at nadagdagan pa yung buhay niya.

"Wiped out!"

"Hala, ang galing... Kanina konti nalang po yung buhay niyo pero ngayon puno na..." Namagha ka sakanya at napangisi lamang siya sa reaksyon mo.

"Kung walang SB19 ngayon, siguro naging professional gamer ako. Mahilig kasi akong maglaro at tumambay sa comp shop eh, lalo na sa Mineski. Ansaya kasi maglaro at nakakawala pa ng stress."

"Buti na nga lang po may SB19 kasi nakilala ko po kayong lahat!"

"Oo, buti na nga lang." Napansin mo siyang ngumiti at hindi nagtagal, nawasak na niya yung base ng kalaban tas nanalo na sila.

"VICTORY!"

"Congratumalations po!" Pinalakpakan mo lang siya habang sinuntok niya yung hangin sa kasiyahan ng matikman niya yung tagumpay.

"(Y/N), may tanong nga pala ako sayo." Nag-exit na siya sa laro niya at kinabahan ka sa itatanong niya. "Pili ka nga ng magandang ipatugtog na kanta."

Napabuntong hininga ka lamang at nagsearch ka sa Youtube ng tugtog. "Okay lang po ba sainyo kung pumili ako ng OPM?"

"Sige lang, kahit ano naman eh basta wag kanta namin." Sayang, pipiliin mo sana yung Hanggang sa Huli pero ayaw niya ata kaya pumili ka nalang ng iba.

[There should be a GIF or video here. Update the app now to see it.]

HALIK SA HANGIN by KZ Tandigan
(Listen to the song while reading!)

Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin
Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin
Sandali lang nabuhay ang pusong ito
At ngayon nagdurugo

Dahil nga ngayon wala na ako doon
Sa piling niya mayroon
Pag-asa pa ba
Sana lang ay magkaroon
Isa pang pagkakataon
Na ibalik pa ang kahapon
Nung kasama ko siya
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya

"Bakit ka nga pala nagtatago sa may hagdan kanina? Pwede mo naman kaming lapitan eh." Tinanong bigla ni Josh at nilagay niya sa tabi niya yung celpon tas nilapag mo lang yung mga rosas sa upuan.

"Halata po ba ko kanina?" Umiling lamang siya.

"Medyo, nakita ko yung anino mo eh, pero parang ako lang ata yung nakapansin sayo nun." Sinandalan niya yung bench habang nakatingin sa kawalan. "May nangyari ba sainyo ni Jah?"

Naalala mo bigla yung mga luhang pumapatak sa mga mata ni Justin kanina. "Wala naman po..." Kaso ayaw mo ikwento yung nangyari sa inyong dalawa.

"Ngayon ko lang napansin na may natanggap ka palang mga regalo. Kanino galing yung mga yan?"

"Yung ipit po kay Kuya Sejun tas yung porselas kay Kuya Stell, yung mga rosas naman kay Kuya Ken at yung singsing kay Justin."

"Hindi mo na kinukuya si Jah ah." Natatawa niyang sabi.

"Opo, sabi niya kasi wag na daw kasi isang taon lang naman pagitan namin." Pinaliwanag mo.

"Ako din kahit Josh nalang, tas wag ka nang mag-po."

"Hala, pero—" Tinapat niya yung daliri niya sa labi mo para pigilan ka.

"Okay lang baliw." Kinurot niya yung pisngi mo at hindi mo alam kung bakit mahilig silang mangurot. Kawawa naman yung pisngi mo.

"Kung ayaw mo magkwento sakin, sabihin mo nalang bakit namumugto yung mga mata mo."

"Hindi ako umiyak."

Hinawakan niya yung baba mo at hinarap ka niya sakanya. "Weh? Talaga ba? Ako pa niloloko mo (Y/N), halatang-halata eh..."

"Nahihirapan lang kasi ako ngayon... Lalo na nung umiyak si Justin sa harapan ko."

Binitawan niya yung baba mo. "Bakit? Akala ko ba may gusto ka sakanya?"

"Paano niyo nalaman?" Wala ka namang pinag-sabihan at kanina mo lang pinaalam kay Justin.

"Kahit wala kang sinasabi, nahalata ko na. Lagi ka ba namang nakatingin kay Justin tuwing sa trabaho tas bukambibig mo pa siya lalo na nung nakaraang taon. Hindi naman ako bulag para hindi ko mapansin yon saka may gusto rin kaya si Jah sayo, kaso torpe nga lang siya. Halos maraming nakakaalam na gusto niyo ang isa't isa maliban lang sainyong dalawa."

"Kaso nawala na yung nararamdaman ko para sakanya eh. Ayoko naman siyang paasahin pero nasaktan ko na siya at gusto ko nalang bumalik ang lahat sa dati... Kasi ayokong may nalulungkot dahil sakin."

"Alam mo rin ba na hindi lang si Justin yung nagkakagusto sayo?"

"Oo, umamin na yung iba sakin kanina... Nagulat nga ko na may nagkakagusto pala sakin eh, hindi ko talaga inaasahan yun."

"Sa tingin mo ba may pag-asa sila sayo?" Tanong niya.

"Hindi ko alam eh." Syempre meron, idol mo yung SB19 saka mahal na mahal mo sila eh, pero alam mo yung limitasyon mo.

"Ako ba may pag-asa sayo?"

Sabik na sabik na akong makasama siya
Gusto kong humalik sa labi at mga pisngi niya
Pwede bang ibalik pa yung pag-ibig naming dal'wa
O wala na talaga

Dahil nga ngayon wala na ako doon
Sa piling niya mayroon
Pag-asa pa ba
Sana lang ay magkaroon
Isa pang pagkakataon
Na ibalik pa ang kahapon
Nung kasama ko siya
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya

"Ha?"

"Hatdog. Ayan na yung fireworks." Tinuro niya yung daliri niya sa kalangitan at napansin mong wala pa naman tas binatukan ka niya. "Uto-uto, joke lang wala pa."

"Bwiset. Akala ko talaga meron na." Natawa lamang siya sa reaksyon mo.

Tumayo na siya sa upuan at nagsimulang mag-unat. "Tara sayaw nga tayo." Bago mo pa siya tanggihan, hinala ka na niya patayo at hinawakan yung mga kamay mo. Umikot lang kayong dalawa na para bang mga bata ng paulit-ulit. "Wieeeee!"

"Anong trip mo?" Mas binilisan niya yung pag-ikot.

Tumawa lamang siya. "Ikaw." Nagulat ka sa susunod niyang ginawa dahil hinala ka niya palapit sakanya at humawak sa beywang mo bago ka niya buhatin.

Napatili ka nung bigla ka niyang binuhat at matindi kang nakakapit sa balikat niya. "Ibaba mo nga ko, Josh! Ang lakas talaga ng trip mo!"

"Bleh! Ayoko nga!" Pinaikot-ikot ka niya habang natawa ka lamang sa kabaliwang pinagagawa niya.

"Baka naman mahulog ako! Ayokong masaktan." Kahit maliit si Josh, ang lakas niya padin dahil aaminin mong mabigat ka pero basic lang yung pagkabuhat niya sayo.

"Wag kang mag-aalala, sasaluhin kita."

Ewan mo ba kung bakit biglang nawala ulit yung kalungkutan na nararamdaman mo kanina. Natuwa naman si Josh dahil nakita ka na niyang masaya ulit.

"Ah, muntik ko nang makalimutan may ibibigay pala ako sayo." Binaba ka niya saglit at may nilabas na kahon sa bulsa niya. "Pikit mo muna yung mata mo."

"Ayaw pang ibigay, may papikit pang nalalaman." Natawa ka lamang at kinurot niya yung ilong mo. "Ouch!"

"Dali na, saglit lang naman eh." Pinagbigyan mo na si Josh at pinikit yung mga mata mo. Naramdaman mo siyang gumagalaw may nilagay siya sa leeg mo. "Pwede ka nang dumilat."

"Hala! Ito yung kuwintas na gusto kong bilhin ah Sigurado ka ba na ibibigay mo talaga sakin to? Grabe... Ang mahal kaya nito!"

"Oo naman, nagustuhan mo ba?"

Niyakap mo lamang siya ng mahigpit. "Sobra! Thank you, Josh!" Sa lahat ng natanggap mong regalo ngayon, ang pinaka nagustuhan mo ay yung kuwintas na binigay niya. Naramdaman mong niyakap ka niya pabalik.

"You're welcome. Parati mo kasi tinitignan yan tuwing nagala tayo sa Glorietta eh."

Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya

May narinig kayong paputok at nagsilabasan na yung mga fireworks. Agad kang bumitaw kay Josh at nilabas mo yung celpon mo para kumuha ng bidyeo. "Ayan na yung fireworks! Sobrang ganda naman talaga!"

"(Y/N), may sasabihin rin pala ako sayo." Narinig mong sinabi niya habang hawak mo yung celpon mo.

"Sige, ano yun? Nakikinig ako." Nakatutok padin yung mga mata mo sa screen habang pinapanuod yung fireworks.

"Mamaya ka na magcelpon, isang beses ko lang sasabihin 'to eh." Tinigil mo muna yung pag-bidyeo at nilagay mo yung celpon mo sa bulsa ng damit mo.

"(Y/N), alam mo bang—"

Napakasakit ng dinaranas ko ngayon
Para bang ako'y sinaksak at sa puso ko'y binaon
Ang pinakamahaba at makalawang na balisong
Para din wala ng buhay ang katawan ko
Bulong ng bulong ng bulong ang hangin
Tapusin ko na itong paghihirap ko
Mahirap harapin ang panahon kung wala na siya talaga sakin

Hindi ko na kaya yon
Kailangan ko yung pag-ibig na ibig ibigay noon
Yung mga araw na may araw pa akong nakikita
Bago nawala ang liwanag sa aking kapaligiran
Bago pa nangyari na bumagsak ang aking mundo

Hindi mo marinig yung sinasabi niya nung biglang may pumutok na malalaking fireworks, nakikita mo lamang yung bunganga niya gumagalaw.

"Wala akong maintindihan!" Nilakasasan mo yung boses mo at natabunan lamang ng ingay ng paputok.

Nagulat ka ng may biglang dumapo na ipis sa balikat mo at napasubsob ka kay Josh. Hindi mo napansin na tinaas niya yung paa niya para kunwaring tinulak mo siya ng malaglag kayong dalawa sa lapag.

"Aray!" Nagkunwaring nasaktan yung lalaking dinadaganan mo ngayon.

Malakas ba yung pagkatulak ko sakanya o masyado ba ko mabigat para matumba siya?!

"Hala, sorry Josh! Hindi ko sinasadya!" Nahiya ka nung akala mong tinulak mo siya. "Okay ka lang ba? Sorry talaga!" Nag-aalaa ka bigla dahil baka magkabukol siya sa ulo. Ang lakas kasi ng pagkabagsak ninyo.

"Ang sakit ng ulo ko..." Hinimas niya yung likod ng ulo niya na tumama sa lapag.

"Pasensya ka na! Lagyan nalang natin ng yelo yung ulo mo, kukuha lang ako sa baba saglit." Tatayo ka na dapat nung bigla ka niyang pinigilan umalis sa pwesto mo.

"May alam akong mas mabisang paraan para mawala yung sakit."

"Ano yun?"

"Malay mo kapag hinalikan mo ko, baka mawala yung sakit."

Naramdaman mong uminit yung mga pisngi mo. "Baliw ka ba?! As if naman gagana yung halik!" Pinalo mo yung dibdib niya. "Binibiro mo lang ata ako eh!"

"Aray! Bakit mo pinalo yung abs ko? Nanahimik eh."

"Peke naman yung abs mo! Ayun oh, puro taba." Bigla mo siyang kiniliti at humalakhak siya ng tawa.

"Sandale! Tama na!" Tawa siya ng tawa na para bang walang bukas at alam mong madaling kilitiin si Josh. "H-Humanda ka sakin!" Ngayon mo lang siya nakita ganito kasaya maliban sa tuwing kasama niya si Justin. JoshTin shipper ka talaga eh.

Umupo na siya at ikaw naman yung kiniliti niya. "Wala akong taba, abs ko yung nahawakan mo. Kunwari ka pa, gusto mo lang naman hawakan yung abs ko!"

Aba.

Pero totoo naman. Matagal mo nang gusto hawakan yung abs ni Josh pero hindi sa ganitong sitwasyon.

"Kapal mo naman! Tama na!" Hingal na hingal ka na kakatawa at hindi rin nagtagal tumigil na din siya.

Bago nawasak ang lahat ng mga pinapangarap ko
Di ko na yata talaga kaya manatiling ganito

Umayos kayong dalawa ng upo habang patuloy parin pinapanuod yung mga paputok. Napansin mong kinakapa ni Josh yung batok niya. "Okay ka lang ba?"

"Oo, wala lang 'to. Masakit nga pero kaya kong tiisin." Hinawakan mo yung batok niya at agad mong nakapa na may bukol siya.

"Sorry talaga, Josh... Kung nag-ingat lang talaga ako kanina. Ang O.A. ko talaga nung dumapo yung ipis."

"Ano ka ba? Okay nga lang. Kahit sinuman naman kapag dinapuan ng ipis magugulat, wag ka nang mag-aalala." Hinaplos niya yung buhok mo. "Pero kung nag-aalala ka talaga, edi yakapin mo nalang ako."

Naubusan nako ng luha umiiyak ng dugo

"Huh? Bakit?"

"Para mawala yung sakit. Dali na!" Ang weirdo talaga ng lalaking 'to, as if naman mawala yung bukol sa yakap mo. Niyakap mo nalang siya para tantanan ka na niya.

"Kanina pa kita naamoy pero ayokong maniwala kasi alam kong hindi ka naman nainom... Sinong nag-bigay sayo ng alak?"

"Ah, si Kuya Ken, pero gusto ko lang talaga itry uminom." Ayaw mong aminin na pinipigilan mo lang si Ken na uminom pa ng alak.

"Ano yung alak na binigay niya sayo?" Seryoso niyang tinanong at parang kinabahan ka bigla.

"Cocktail yun eh... Ang huling naalala kong sinabi niya Tequila ata yung brand ng alcohol." Natakot ka sa naging reaksyon niya. "Galit ka ba? Sorry... Gusto ko lang talagang uminom..." Kahit ayaw mo naman.

"Hindi ka marunong magsinungaling noh? Sakin pa talaga, (Y/N)?" Nginitian ka lamang niya. "Sabihin mo na yung totoo, hindi ako magagalit."

Ang hirap talaga magtago kay Josh... Malalaman niya agad na nagsisinungaling ka...

"Gusto ko lang pigilan si Kuya Ken uminom, naka tatlong bote na kasi siya eh... Titigil lang daw siya kapag ininom ko yung cocktail."

At kahit masama sana maunawaan mo po
Ayoko lang na masaktan sa tuwing maaalala ko

"Baliw talaga yun si Ken, alam naman niyang hindi ka nainom eh." Lumapit siya sa tabi mo at hinaplos yung pisngi mo. "Okay ka lang ba? Masakit ba yung ulo mo? Nahihilo ka ba?"

"Okay lang ako, kanina pa nawala yung sakit ng ulo ko. Hindi ko nga alam bakit mahilig siyang uminom, ang pangit naman ng lasa ng alak eh."

Natawa lamang siya. "Hindi ka lang sanay. Wag ka munang uminom ah, bata ka pa. Pinagsasabihan ko nga tong si Justin na wag munang uminom kahit sabik na sabik na siya."

"Para kang tatay ko eh."

"Tama naman lahat ng mga tatay ah." Tumayo na siya at inabot niya yung kamay niya sayo. Kinuha mo yung kamay niya at tinulungan ka niyang makatayo.

Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya
Nung ako ay masaya
Ang ikli ng panahon na binigay sa amin
Pag-ibig na para lang isang halik sa hangin

"Ang ganda talaga ng mga fireworks noh?" Napansin mong hindi niya parin binibitawan yung kamay mo.

"Oo nga eh, buti nalang kasama kitang manuod ngayon." Mukhang wala ata siyang balak bumitaw kaya hinayaan mo nalang. Hindi mo alam kung ano bang meron sa kamay mo dahil andaming gustong humawak nan.

"Ano nga pala yung sinabi mo kanina? Hindi ko kasi narinig ng maayos eh." Bigla mong tinanong.

"Hindi ko na uulitin, sabi ko sayo makinig ka kasi isang beses ko lang sasabihin eh."

"Ah... Ganun ba? Sige lang." Hindi mo na siya pinilit at patuloy ka nang nanuod ng mga paputok.

"Grabe! Sasabihin ko naman sayo kapag pinilit mo ko eh." Minsan hindi mo maintindihan kung ano ba yung tumatakbo sa utak ni Josh.

"Ano ba yun? Paki-ulit nga." Binitawan niya yung kamay mo at humarap sayo.

"Mas madali mo atang maiintindihan kung ipapakita ko nalang sayo eh."

Bigla ka niyang hinila palapit sakanya at nagulat ka nung hinalikan ka niya sa labi. Hindi ka nakaimik at para bang nabingi ka sa ingay ng mga paputok dahil wala ka nang ibang marinig kundi yung pagtibok ng puso mo na mas malakas pa mismo sa fireworks.

Humiwalay din siya agad at nginitian ka lamang niya tas hinawakan ng mahigpit yung mga kamay mo habang diretsong nakatitig sa mga mata mo.

"Nais kong malaman mo na mahal kita, (Y/N)."

Ngayon mo lang nalaman na lahat pala sila nagkakagusto sayo, hindi ka padin makapaniwala pagkatapos lahat ng ginawa nila para sayo. Pakiramdam mo nga parang nanaginip ka nga lang eh... Na lahat ng ito namunga lamang sa pantasya na nilikha ng utak mo... Pero alam mong realidad ito. Na totoo nga ang lahat.

"Maraming salamat, Josh... Pero hindi pa kita masasagot dahil nalilito pa ko sa tunay kong nararamdaman." Kinalas mo yung mga kamay mo sa hawak niya. "Sana bigyan mo ko ng oras mag-isip... Gusto ko muna mapag-isa ngayon."

Natapos na yung fireworks display at pababa ka na dapat nung pinigilan ka niya. "Ihahatid na lang kita pauwi."

"Kaya kong umuwi mag-isa."

"Alam ko pero gabi na kasi eh, baka ano pang mangyari sayo. Delikado yung panahon ngayon saka marami pang siraulo dyan sa kanto."

"Josh, wag kang mag-aalala. Kaya ko." Pinilit mong umuwi mag-isa pero ayaw kang tantanan ng lalaking 'to.

"Hindi ako papayag, iuuwi kita sa ayaw o sa gusto mo."

"Josh kasi! Wag ka na ngang makulit! Bat mo ba ko pinapahirapan?! Hindi mo ba naiintindihan na ang bigat ng nararamdaman ko ngayon? Gusto ko lang naman mapag-isa eh para makapag-isip."

Nabigla ka nung tinaasanan mo siya ng boses kaya kinuha mo na lang agad yung mga rosas na binigay sayo at umalis ng walang paalam. Dinalian mong maglakad para hindi ka makita ng iba umiiyak. Bigla kang nakonsensya sa ginawa mo kanina at gusto mo sanang bumalik para humingi ng tawad kaso natatakot ka na baka galit si Josh sayo dahil sa pagtatrato mo sakanya.

Lumabas ka na agad ng Shangri-La at tumawid ng kalsada habang naka red pa yung stoplights, muntik ka na nga rin masagasaan dahil hindi mo tinitignan yung dinadaanan mo at agad ka rin tumabi sa daanan ng mga kotse. Patuloy parin yung pag-agos ng mga luha sa mga mata mo habang naglalakad ka sa may sakayan ng jeep.

Hindi man lang ako nakapag-paalam sa iba...

Pinusan mo yung mga luha mo at huminahon. Halu-halo yung mga emosyon na nararamdaman mo ngayon; natutuwa, nalulungkot, kinikilig, naiinis, naguguluhan at higit sa lahat nasasaktan. Gusto mo nalang talaga itulog yung sakit para mawala naman kahit saglit lamang.

Habang kumakaway ka ng masasakyan na dyip, biglang may huminto na kotse sa harapan mo kaya hindi ka agad nakasakay. Binuksan ng lalaking nagmamaneho yung bintana para makipag-usap sayo.

"Hi Ate Ganda, san lakad mo?"

Ang dami mo na nga iniisip tas dumagdag pa tong si kuya driver na mukha namang manyakis.

"Pauwi na po ako, nag-aabang lang ng dyip."

"Gusto mo bang sumama sakin? Pupunta akong bar kasama yung mga kaibigan ko. Kapag sumama ka, ililibre kita ng kahit anong gusto mo."

"Hindi po ko umiinom... Saka nag-aantay lang talaga ako ng masasakyan pauwi."

"Ihahatid naman kita pagtapos eh. Sige na."

Ang kulit naman ng lalaking 'to, kung nasaan pa yung tamang sakayan ng dyip dun pa siya humarang. Hindi kasi nagpapasakay ng mga pasahero kapag wala ka sa tamang waiting shed kaya andito ka lang naghihintay.  

"Ah, hindi po. Kaya ko pong umuwi mag-isa."

"Magkano ba kailangan mo para sumama ka sakin?"

Mukha ba kong babaeng bayarin?! Nasan na ba yung rumurondang mga pulis dito?

"Hinihintay ko rin po yung boyfriend ko eh, parating na siya." Hala sige, sana hindi malaman ni kuya driver na nagsisinungaling ka lang.

"Tara na, miss. Sumabay ka na sakin, hindi ka na talaga sisiputin non."

"Hindi po kuya, may inaantay nga lang ako." Nakakainis dahil andaming dyip na dumadaan pero hindi ka makasakay.

"Halika na, wag ka nang mag-inarte."

"Hindi po." Bigla kang kinabahan nung lumabas si kuya sa sasakyan niya at binuksan yung pinto para pilitin kang pumasok sa loob. "Kuya, okay lang po talaga ako. Hinihintay ko lang yung boyfriend ko dahil sabay kaming dalawa uuwi."

"Miss, hindi ka na nga sisiputin nun kaya sumama ka na lang sakin." Bigla ka niyang hinila. "Wag kang matakot, wala naman akong gagawin masama sayo eh."

"Kuya, ayoko nga po! Hindi ako sasama sainyo!" Bigla kang nanginig sa takot at pilit mong makawala sakanya pero masyado siyang malakas. "Naghihintay lang ako sa boyfriend ko, kuya! Tigilan niyo na po ako!"

Bago ka pa niya maitulak sa loob ng kotse, biglang may humila sayo palayo at tinulungan ka.

"Anong ginagawa mo sa girlfriend ko?!" Napaluha ka nalang bigla ng makita mo si Josh at nawala na yung takot mo ng parang bula.

"Syota mo yan? Parang bading naman eh, supot ka ata noh kaya pandak ka padin?"

Oh no.

Napansin mong nainis si Josh sa sinabi nung lalaki kaya agad mo siyang pinakalma bago pa silang dalawa magsapakan sa kalye.

"Buti naman andito ka na, Babe! Uwi na tayo, wag mo nang pansinin si kuya." Hinawakan mo yung kamay niya at alam mong nagtitimpi lamang siya. Sasabat na dapat siya nung bigla mo siyang hinalikan sa labi para manahimik.

Wag kang manapak please. Ayoko nang gulo.

Nahiya ka bigla dahil hinahalikan mo siya sa harap ng maraming tao at sana walang A'tins makakita sainyong dalawa naghahalikan. Humiwalay ka na agad at hinawakan mo yung kamay niya ng mahigpit.

"Wala po kayong karapatan para pagsabihan ng masama yung boyfriend ko. Umalis na po kayo bago ako tumawag ng pulis."

"Edi wow. Akala ko maganda ka eh parang hipon ka pala. Bad trip. Ang pangit mo pala."

Tangina? Pagkatapos mong pumarada sa harapan ko tas pipintasan mo ko ng ganyan?

"Hoy! Walanghiya ka, ulitin mo nga yung sinabi mo!" Nagulat ka nung biglang sumiyaw si Josh kaya niyakap mo nalang siya para kumalma. "Bumalik ka nga dito! Papaduguin ko yang bibig mo, tanginamo!"

Buti nalang hindi narinig ni kuya at nagmaneho na siya agad paalis. Niyakap mo lang siya ng mahigpit habang umiiyak sa balikat niya.

"Salamat dahil sinundan mo ko, Josh!" Parang nawala nalang bigla yung galit na nararamdaman ng lalaking niyayakap mo ng marinig ka niyang humihikbi. "Sorry dahil sinigawan kita kanina... Sana pala hinayaan nalang kita ihatid ako pauwi..."

Hinaplos niya yung likod mo para patahanin ka. "Okay lang, wag ka nang mag-sorry. Nag-aalala rin ako baka may mangyaring masama sayo eh, buti nalang talaga sumunod ako."

Tumango ka lamang habang nakabaon padin yung mukha mo sa balikat niya. "Sorry talaga Josh, wag ka nang magalit sakin please..."

"Ano ka ba? Hindi ako galit sayo, kaya wag ka nang umiyak. Wala kang kasalanan, okay? Sa lalaki kanina ako nagagalit at hindi sayo." Inangat mo na yung ulo mo para tignan siya at pinunasan niya lamang yung mga luhang umaagos sa mata mo. "Alam mo na ngayon kung bakit ayaw kita payagan umuwi mag-isa?"

"Hmm." Tumango ka ulit at hinalikan niya yung noo mo. "Pwede mo ba kong ihatid pauwi? Natatakot kasi ako mag-isa eh."

"Oo naman, sa tingin mo hahayaan kitang umuwi mag-isa pagkatapos ng nangyari ngayon?" Nginitian ka lang niya at hinawakan yung kamay mo ng mahigpit. "Tatawag lang ako ng taxi para makauwi ka na."

"Salamat talaga." Hinalikan mo siya sa pisngi at nagulat ka nung napagtantuan mo na dalawang beses mo na pala siyang nahahalikan. "Hala... Sorry, nakalimutan ko na hindi ko na pala kailangan magpanggap na boyfriend kita." Sadyang nadala ka lang ng mga emosyon mo.

"Okay lang, kunwari boyfriend mo ko hanggang sa maging totoo mo na kong boyfriend."

Hinalikan ka niya sa pisngi at dinilaan ka. "Binalik ko lang yung halik mo sa pisngi ko."

"Buang ka na ata, Josh." Natawa ka lamang at hindi rin nagtagal may taxi na pumarada sa harapan ninyo tas pumasok na kayong dalawa sa loob.

Magkahawak padin kayong dalawa ng kamay habang nakasandal ka sa balikat niya at nakaidlip ka na pala dahil sa pagod. Hinawi niya yung buhok mong nakaharang sa mukha mo at hinalikan ka ulit sa noo.

"Mahal na mahal kita, (Y/N)." Binulong niya sa tenga mo kahit alam niyang nakatulog ka na.

-

KAMUSTA NA YUNG KALAGAYAN NG MGA PUSO NINYO, CO-ATINS?! KINILIG BA KAYO? KUNG OO, BEKE NEMEN PWEDE NIYO ITO IBOTO TAS MAGCOMMENT KAYO KUNG ANO YUNG INSIGHTS NIYO! MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA, SANA TALAGA NAGUSTUHAN NINYO! ALAB-YOW🔥🔥🔥

December 24, 2019 to January 3, 2020
Word count: 19045

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip