Chapter Four

Cairo's POV
Ikalawang araw na ng intrams, ngayon na ang labanan ng  totoong mga sports. Kagaya ng basketball, volleyball, badminton, football, swimming at kung ano-ano pa. Kahit hindi kagalingan ay sumali ako sa badminton. Everything was doing okay until I found out that me and Lux are in the same house. Naiinis na nga ako na araw-araw siyang nakikita sa classroom, kasama ko pa siya sa Tigers.

"Cai, tara na!" Agad akong napalingon sa aking tagiliran nang tawagin ako ni Ayesha, kaklase ko at kasama ko sa badminton. 

Nginitian ko ito bago tumango at tumayo mula sa sahig na aking kina-uupuan. 

"Oo nga, tara na, baka mag start na ang laro." ani ko dito habang pinapagpagan ang aking puwitan. Tumango siya at naglakad na kami papunta ng court. 

Pag dating namin sa court kung saan maglalaban ng badminton ay nakita namin na wala pa doon ang ibang houses. 

"Cai, bibili lang kami ng pagkain." Pagpapaalam ni Ayesha, tumango lang ako bilang sagot at ngumiti naman siya bago umalis, kasama ang mga kaibigan niya. 

Tumayo lang ako sa gilid ng court habang naghihintay, nakakailang kasi. Wala akong kakilala, wala pa akong gaano ka close dito sa university. Idagdag mo pa na first year palang ako, yung iba ko na kaklase ay nagiging close at nakikipag kaibigan sa mga higher years, parang hindi ko naman kayang gawin 'yon. 

Payapa akong nakatayo sa gilid nang maramdaman na kailangan kong mag-banyo. Bumuntong hininga muna ako bago isinakbat ang bag ko. Sana hindi muna bumalik sila Ayesha. Mabuti nalang ay may malapit na banyo sa may court kaya hindi na ako nahirapan na maghanap. Pagpasok ko ay bahagya akong nagulat dahil mga 3rd year ang andito. Pumunta ako sa isang cubicle, ayaw ko kasing umihi sa hindi cubicle nahihiya ako dahil mga mas matatanda sa 'kin ang andito.

Paglabas ko ay may na-abutan ako na umiihi kaya dali-dali akong naglakad papunta ng pinto. Pero hindi pa ako nakakatapak sa labas ay nagsalita ito. 

"Sandali lang." turan ng lalaking umiihi, napakunot ang noo ko nang marinig ang malalim nitong boses. Kahit sabihin na lalaki ako ay may kinatatakutan pa rin ako.

"Ha??" Turan ko na may halong takot at pagkagulo, sino ba 'to?!

Narinig ko na nagsara na ang zipper nito, "Sabi ko, sandali lang." Turan niya muli at napakunot ang noo ko habang nanatiling nakatalikod. 

Huminga ako ng malalim bago humamba nang suntok. Nakita ko ang gulat na mukha ni Lux bago ito humaglapak ng tawa.

"Cai, bakit namumutla ka?!" Nanlaki ang mata ko at ibinaba ang kamao ko.

"Nakakainis ka, Lux!! Mamatay ako sa kaba!" sigaw ko bago siya sinuntok sa dibdib, hindi ito ganoon kalakas para hindi siya masaktan.

Humagalpak  pa ito ng tawa. "Bakit naman kasi namumutla ka!" ani nito sa pagitan ng kaniyang pagtawa. 

"Malamang! Natatakot ako eh! Siraulo ka ba?!" sigaw ko dito,  pinag cross ko ang aking mga braso sa tapat ng dibdib ko, muli ko siyang tinalikuran at  saktong aalis na ako nang pigilan ako ni Lux.

"Cai, sandali, hintayin mo na ako. Magbibihis langa ko." Muli akong pinigilan ni Lux sa pag-alis. Napabuntong hininga ako bago isinara ang pinto para walang makakita sa kaniya mula sa labas.

"Thank you ha!" ani niya, narinig ko ang tunog ng kanyang damit at ang pag bukas ng zipper.

"Uy! Sandali, sandali! Bakit nagtatanggal ka ng pantalon mo?!" Natataranta kong tanong habang nakatalikod.

"Relax! Bag ko 'yon." sagot niya at naka hinga ako ng maluwag. Akala ko kung ano na eh. 

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto, sa takot at gulat ay nap harap ako kay Lux na kasalukuyang nagsusuot ng kanyang t-shirt.

"Conde! Velasco! Bakit andito pa kayo?" tanong ng prof namin. May bakas ng pagkagulat sa boses nito.

"Nagbibihis lang po ako sir, katatapos lang po mag banyo ni Velasco kaya andito siya. Nakasara po talaga 'yang pinto kanina at nagbibihis nga po ako." Pagpapaliwanag ni Lux at napatingin ako sa kanya.

"Ah kung ganun sige, lumabas na kayo at magsisimula na ang palaro maya-maya." ani ng prof namin at tumango na lamang ako bago tuluyang lumabas ng CR ng lalaki. Namumula yata mukha ko.

Pagkabalik ko ay maya-maya lang din ay nagsimula na ang badminton, mabuti nalang pala at hindi pa kami natagalan sa banyo. Sa unang laban ko ay nanalo ako kaya nagkaroon pa ulit ako ng pangalawang laban, ngunit doon na ako natapos sa paglalaro. Pero nag stay pa rin ako sa court para sumuporta sa mga kasama ko sa house. Si Ayesha ay nakalaro pa sa pangatlong pagkakataon pero natalo na rin. Nang matapos ang laban ay nagpaalam sa akin si Ayesha na sasama daw muna siya sa iba namin na kaklase, kaya ako naman ito na nagtungo na lang sa mga food stalls.

"Isang goodluck naman d'yan!" Biglang sumulpot si Lux sa tabi ko. 

Napakunot ang noo ko,  "Aba! Bakit?! Nag bigay ka rin ba ng goodluck sa 'kin kanina?!" singhal ko dito, gumuhit ang bahagyang pagkagulat sa kaniyang mukha. 

"Takot lang naman ang ibinigay mo sa akin kanina!" Dagdag ko pa dito. 

"Sige na sorry na about sa kanina, binibiro lang naman kita. Sige na nga, bye na, mag sisimula na ang men's basketball. Sungit." Pagpapaalam nito, akmang may sasabihin pa ako pero tinalikuran na ako nito at naglakad paalis. 

Pumunta ako sa pool area, hindi dito naglalaro ang swimming team pero may pool, nag swimming lessons na rin kami dito kaya alam ko kung gaano kalalim ang pool kaya wala akong takot kung may sakaling magtulak sa 'kin. Ang kinakatakot ko lang ay ang mga gamit ko sa bag at siyempre mapapagalitan kami.


Lumipas ang oras at hapon na, nakapag lunch na pero ang basketball hindi pa rin tapos. May dalawang tabla Bulls at Cobra. Kasalukuyang naglalaro ang Tiger at Eagles. Lose to lose game, natalo kasi agad ang Tigers, sayang naman. Hindi ko napanood ang unang laban ng Tigers kanina dahil... wala lang, ayaw ko lang manood. Siguro ay dahil na rin sa ayaw kong makita si Lux?

Pero nanalo naman ang Tigers kanina sa badminton. Kahit hindi man ako ang nanalo, nanalo naman ang Tigers sa over all sa badminton. Ang first placer at third placer ay galing ng Tigers. 

Nakatayo lang ako sa gilid ng basketball court habang nanonood, napatingin ako sa isang nakalikod na jersey na naka salang sa court. 

Conde
02

Napatingin ako sa postura ng nakasuot ng jersey, pawis na pawis na si Lux, ang mga buhok niya ay nakadikit na sa noo niya. Lumakas ang sigawan nang biglang maagaw ni Lux ang bola mula sa senior na Eagle. 

"Go Lux!! Go Go!! Bilisan mo!!!" Napasigaw ako nang hindi ko namamalayan, nadala siguro ako ng crowd, sa huling dalawang segundo ay nai-shoot ni Lux ang bola, at dahil sa score niya na iyon ay nanalo ang Tigers. Binati siya ng teammates niya, lalo na ng buong Tigers, at least 3rd kami sa Basketball. 

Nag diwang ang mga basketball players at maski ang mga Tigers, ang mga players ay nag yakap-yakap. Napansin ko na unang kumalas si Lux sa yakap at naglakad papunta ng gilid. 

Kumuha ako ng tubig at kumapa sa back pocket ng pantalon ko upang kunin ang panyo ko.

Nag-alinlangan akong lumapit sa kaniya pero na-aawa rin ako, wala kasi sa kaniyang nagbigay ng tubig o kahit ano. Ang ibang players ay meron, mga girlfriend nila o kaibigan, siya ay andon lang sa tabi at animo'y naghahabol ng hininga. 

Huminga ako nang malalim bago lumapit sa kaniya, "Lux," Tawag ko dito, agad siyang napalingon at hindi ko na siya hinintay na magsalita bago  pinunasan ang kanyang noo at leeg.

"Cai...?" Nagtataka niyang turan.

"Basang-basa kana, baka matuyuan ka, walang meaning 'to. Concerned lang ako." Bulong ko, ramdam ko ang pag tingin sa amin ng iba at mga guro, pero gaya ng sabi ko ay wala itong ibig sabihin, nagiging mabuting tao lang ako. Binuksan ko ang tubig at inabot sa kanya, uhaw na uhaw talaga ito dahil hindi tumagal ang isang bote ng tubig sa kaniya. 





















Bạn đang đọc truyện trên: TruyenTop.Vip